Wednesday, November 15, 2006

kung pwede lang kitang ihug... :ihuhug talaga kita!

------yung mahigpit na mahigpit na mahigpit na mahigpit na kahit bumitaw na ako mararamdaman mo pa rin yung higpit ng mga yakap ko.
  • ikaw na nakasama ko sa halos apat na taon ng pamamalagi ko dito sa mundo.
  • ikaw na nakasama ko sa pag-iisa. nakaisa sa lungkot at saya.
  • ikaw na nakasaksi sa bawat luhang pumatak sa tuwing ako'y lihim na umiiyak. ikaw na nakarinig ng bawat hinaing. ikaw na itinuring na ring akin.
  • ikaw na nakasama sa lahat ng katangahan at sumakay sa lahat ng kahangalan.
  • ikaw na naging takbuhan. sumbungan. kanlungan ng pusong minsang nasaktan at nasugatan.
  • ikaw na nakakaalam ng tunay kong nararamdamam.
  • ikaw na palaging nandyan, ilang beses ka mang iniwan.
  • ikaw na kahit anong oras pwede kong balikan.
mamimiss kita! SOBRA!!! ang amoy mo. ang iyong itsura. at ang lahat ng alaala ng ikaw, kasama ang ilang taong bago pa lang at matagal nang nakilala; ang mga alaala ng maiiwang nakakulong sa apat mong sulok kung saan kasaman ring maiiwan ilan sa mga lihim na tanging ikaw lang at ako ang nakakaalam. (-buntong hininga-) paalam. ='(

dahil ngaun, muli akong aalis pero ang pagbabalik ko ay walang katiyakan. kaya kung talagang pwede lang....


I-HUHUG TALAGA KITA!!! kaya lang, hindi nga pwede eh. kaya kiss na lang. ^-^ mwuah! muli. paalam.

*emote sa huling gabi sa aking kwarto.

Thursday, November 02, 2006

chubrang owkei pare

aaminin kong me ilang beses rin akong napatingin sa malayo at napatitig sa kawala. di naman ako nag-iisip pero siguro naghihintay lang na baka me bumbilyang umilaw sa tabi ng ulo ko at makaisip ako ng magandang ideya para malusutan ko ang kung anong meron ako ngayon. pero sa kabila nun, matatas kong sasabihing hindi ako kayang paiyakin ng mga ganitong eksena. never ano! malayo naman kase ang bulsa sa puso. hehehe.

kung tutuusin, hindi naman talaga ako ganun ka apektado (somehow lang siguro) kung mawawalan man ng trabaho si papa. dahil buong college ko, hindi naman talaga ako nakadepend sa kanila. dahil bukod sa sweldong natatanggap ko dito sa trabaho, me isa pa kong pinagkukunan ng panggastos ko. ang buwis ng tao sa baranggay namin. oo. miyembro ako ng sanggunian. at parte ako ng nakakasukang bulok na sistema ng gobyerno. (pero wag na nating pag-usapan un ngaun dahil feeling ko wala pa ata akong ginawang magaling. pero wala naman akong ginagawang masama ha.) ngayon, pagkakasyahin ko lang uli yung maliit kong natatanggap para matustusan ang sarili ko. konting tiis lang naman at pagtitipid dahil mukhang mas marami lang gastos ngaun. kaya wag kayong mag alala saken, tulad ng sinabi nio yakang yaka ko to. alam kong marami pang pwedeng gawin. diskarte lang yan.

basta ngayon, gusto ko lang sabihin na sa totoo lang, muntik na talaga akong maiyak. hindi dahil problemado ako. nakakapaiyak lang kase natouch ako sa lahat ng sinabi nio. halos mangilid ang luha sa mata ko nung mabasa ko mga comments niyo. naks naman! nung una kase hesitant talaga akong ipost un. feeling ko masyadong personal. hitting below the belt kumbaga. pero anong magagawa ko. i think it's one way to make me feel better. at hindi naman ako nagkamali. i really need those kind words! at alam ko kahit papano nakatulong ang mga ito. para mas maging matatag at malakas ako. hindi ako bibitaw. promise! maraming salamat talaga! i love u na sa inyong lahat. kahit hindi kayo magpadala ng bigas, instant noodles at delata sa bahay namin, ok lang. ahahahah! labs na labs ko pa rin kayo! sapat na makatanggap ng makapagdadaming komento galing sa inyo. mwuah! ^-^

Thursday, October 26, 2006

decided uNdeciDed...

buo na talaga ang isip ko. i'm willing to give up all the benefits this job can give me. kase naman you can't always have everything or even both at the same time. me mga bagay talagang dapat isacrifice para makuha mo ang mga bagay na mas higit mong pinahahalagahan.

pero kung kelan naman nagdesisyon na ako at bumuo na ng plano sa isip ko... saka naman me mga bagay na darating na lalong magpapagulo ng utak ko. di lang pala ako ang me balak magresign kundi pati si papa. at pag nangyari un... kelangan ko na rin humanap ng lilipatang bahay. (nakatira lang kase kami ni papa sa bahay ng tito na siya ring pinagtratrabahuhan niya.) ibig sabihin lang nun, mas kelangan kong i finance ang sarili ko ngaun. wala pa kaseng tiyak na lilipatan si papa. eh bukod saken, me 5 pa kong kapatid. hindi naman sasapat ang kita ng maliit nameng tindahan sa probinsya para matugunan yung lahat ng pangangailangan namin araw-araw. kung sana dalawang bagay ang dapat iconsider magiging mas madali. pero hindi eh. maraming conflicts. kung noon wala akong sapat na dahilan para magtrabaho... ngaun medyo komplikado ang sitwasyon. pero anong magagawa ko? kulang na talaga ang oras ko para pagsabayin pa ang trabaho at eskwela. mas marami ang kelangan kong units ngaun at kailangan ko nang magconcentrate dahil ayoko nang mag extend nang mas matagal. isa pa parang sumisikip na ang opisina to para saken at feeling ko rin nawawalan na ako ng lugar. kaunti na lang baka hindi na rin ako makahinga.

mahigit 3 buwan na rin ang nakalipas nung una ko tong mapag-isipan. una pa lang nakakalito na. kelangan kong manimbang sa ilang mga bagay na nabigyan ko na halos lahat ng halaga. parang kailan lang pero ang bilis. di ko na namalayan na naubos na yun nalalabi kong oras para mag-isip. pero sa totoo lang hindi naman kase talaga ako nag-isip. madalas pinauubaya ko lang sa sitwasyon ang kung ano mang magiging desisyon ko. magiging pabigat lang kase sa utak kung isasabay ko pa yun sa mga mas dapat kong unahin.senyales lang ang palagi kong hinihintay. ngayon. kelangan ko lang panindigan ano mang magiging desisyon ko. bahala na si batman! naniniwala pa rin ako sa prayers. sa blessings. at sa miracles! gotta have more faith.

Thursday, October 19, 2006

coNstiPaTion

foreword: ang post na ito ay kaugnay ng nauna. isinulat bilang paliwanag.
babala: mahaba ito.


masyado bang malalim? e di sisirin.

sabi ko nun, pwede kayang ibitin ako ng patiwarik? baka sakaling mataktak ang ilan sa laman ng utak ko. o kaya naman, pwedeng pakipiga ng isip ko. pakilabhan. pakibabad. pakikula. pakilinis. para lang ba mabawasan yung bigat. baka sakali makahinga uli ako nang mas maluwag.

pag wala nang pumapasok sa isip mo, akala mo siguro nabablangko at tumitigil sa paggana ang utak mo. pero mali. kelan man di tumitigil sa pagtakbo ang isip ng tao. sabi nga ng mga scientist, it's the greatest machine. kase nga, it never stops. titigil lang yun kapag tumigil na ang sirkulasyon ng dugo sa katawan o di kaya ay tumigil na sa pagtibok ang puso mo. ung oras na namutla na ang kulay mo. ang nangyayari lang kase pag sobrang dami na ng laman ng utak, nagiging masikip na ang lugar para makaikot nang maayos ang lahat ng bagay na dapat sana ay malaya lang naglalaro sa utak mo. parang washing machine na nahihirapan ring umiikot kapag sobrang dami at sobrang bigat ng kumot na nailagay mo. so ang kelangan mong gawin, bawasan. pero imposible. iba naman kase ang utak ng tao sa washing machine.

parang papel ang utak ng tao na unti unting nasusulatan ng permanenteng tinta ng iba't ibang karanasan ng bawat dumadaang araw. walang nabubura. nadadagdagan lang. natatabunan lang ang ilan. ang kaibahan lang ng utak at papel, mapupuno ng tinta ang papel hanggang sa wala nang espasyong pwedeng pakinabangan. samantalang ang utak parang magic box. hindi napupuno. pero bakit sumisikip? kase... mas malaking espasyo ang nakakain ng magulo at makalat na gamit. pero sa oras na mailagay mo na ang lahat sa lugar. sa tamang lugar! dun mo malalaman na me mas malaki pa lang espasyong pwede pang pakinabangan.

organization lang naman. alamin ang dapat unahin. ilagay ang mga bagay sa dapat nilang kalagyan. pagtuunan ng pansin ang mas higit na dapat pagtuunan ng pansin.at dapat rin me pahinga. dahil sabihin man nating patuloy sa pagtratrabaho ang utak hindi ka naman makakasiguro na palaging magiging maayos ang trabaho nito. dahil napapagod rin naman to. me panahong dapat mong bilisan at magmadali para hindi maiwanan. me panahon rin dapat maging mabagal at magdahan dahan. bibilisan, babagalan. tamang timpla lang yan.

wala namang problema. pero imposible ata yun. pero ok lang talaga ako. di naman porke't seryoso, me problema. at hindi rin lahat ng problema, siniseryoso. isa pa, di dapat tayo nagpapadala sa problema. tayo dapat ang nagdadala nito. dahil dito sa mundo pagalingan lang magdala ang laban. wala rin namang drama. minsan lang, masayang lagyan ng drama ang buhay. wala naman talaga. naging masyado lang akong abala. sa sunod sunod na dating ng mga bagay na dapat isipin. ang bilis ng transition. kelangang humabol. sa sobrang bilis hindi ko na alam ko san ko parte ng ko sila isusuksok sa utak ko ang mga bagay na to.

mas maraming trabaho. mas maraming proseso. mas mabilis ang takbo. kaya naiwan ang puso. at dahil nasa unahan ang mata, ang nasa likuran di nakikita. minsan, nakakalimutan. di napapansin. parang di ko nga maalala kung naging malungkot ako o masaya. ang tanging alam ko lang eh me dapat akong tapusin.

positive naman ang epekto saken ng mga nangyari. naayos ko na lahat ngayon. me mga oras lang talaga na kailangan magbigay daan ng puso sa utak. kase mahihirap kang magbalanse kapag sabay mo silang inintindi. kapag konti na lang ang trabaho ng utak...baka yun naman ang oras na mabigyang pansin ang kung ano mang sinasabi ng puso.

pero ok na ko ngayoN! ahahah... sembreak na! at nakuha ko na lahat ng klaskard ko. thank God. wala akong bagsak. yun lang yun. isipin sa skul. eheheh! salamat sa suporta niyong lahat. *mwuah!

Friday, October 13, 2006

Monday, October 09, 2006

crossed fingers


tapos na ang lahat ng exams ko kahapon. 4 lang naman kase yun.

di naman ako kinakabahan pero di ko lang maiiwasang mag-alangan.

me effort naman ako, kahit papano. just don't really think it's enough. i could have been better.

hay! i can't take another failing mark for the reason of, again, irresponsibility! not. again. please... hay ulet!

sana lang. sana lang talaga...

waah! me dalawa pa kong project na kelangan isubmit. ung isa di ko pa nasisimulan. kumusta naman!

friday. me isang linggo pa ko. gotta beat the deadline.

sana talaga!!!!!

*finger crossed (mas maganda ata kung praying hands ang gamitin kong image. hmmmn?!?)

Friday, October 06, 2006

bakit kinailangan kong magpahinga?!?

hindi ko alam ko pano ako magsisimula, kung pano ko itutuloy at kung papano ko tatapusin to.

pero sige, ito kwento.

sabi ko magpapahinga ako sa blogging sa pag-aakalang makakapagbasa/makakapag-aral ako dito sa opisina. pero hindi. hindi ko pala kaya. nahihiya pa rin ako. ang lalaki kase ng libro ko. wala naman akong oras manggawa ng reviewer. at tinatamad rin ako. isa pa hindi rin naman ako makakapagconcentrate dito.

wala naman masyadong trabaho sa opisina. iniisip ko nga kung anong ginagawa ko sa oras ko kapalit ng pagbloblog ko dati. hmmmnnn... parang wala naman. net surfing. at oo, me isa pa pala akong blog.

lagi rin kaseng me quizzes, tapos naghanda pa nga pala ako sa reporting ko. kaya yun, wala akong oras magconceptualize ng ideya kaya hindi na rin muna ako nagpost. magulo pa ang utak ko. sa pag-iisip siguro kung anong uunahin ko. kung pano at kelan ko gagawin ang mga dapat kong gawin. pano, nakakulong ang humigit kumulang 9 na oras ng bawat araw ko, 5 beses sa isang linggo dito sa opisina. bukod pa ang mahigit na isang oras ko ring byahe pagpasok at pag uwi. tapos isang nakakapagod na maghapon ng sabado sa skul para naman magklase. pagkatapos nun babyahe naman ako ng halos apat na oras pauwi ng quezon province. kelangan eh. at kapag lunes, gigising ako ng madaling araw para lumuwas at umabot sa oras ng trabaho.

hay! wala na talaga akong oras. pero no! hindi ako masipag. wag niyong sasabihin yun. dahil kaya natatagalan ako sa ginagawa ko kase tamad ako.

natulog ako dito. pero sa totoong buhay? kulang ako sa tulog. dahil sa gabi ko lang nagagawa ang mga dapat kong asikasuhin sa skul.

konting panahon na lang. i think there gonna be less stress. malapit na ang finals. gusto ko na sana matapos lahat to pero naalala ko, hindi pa nga pala ako handa to take the examinations. waaaaaah!

salamat nga pala sa mga nakiisa sa countdown ng pagtatapos ng setyembre!

Tuesday, October 03, 2006

october na pala

ang bilis! parang natulog lang ako at nanaginip...

nagpasya akong magpahinga sa blogging. pero ang katawan ko, hindi naman talaga nakapahinga. sinubukan ko lang bawasan ang laman ng isip ko. marami kaseng dapat tapusin. (sa skul) mga bagay na mas dapat unahin. sigurado kaseng pag nagpost ako dito, mangangati lang ang mga mata at daliri ko at paulit ulit na babalik dito. nakakaadik kase!

halos isang buwan na pagtulog ko ng nakahubad dito, magkakapulmonya na ata ako sa tagal. maraming nangyari. at marami sana akong gustong sabihin pero tipong me problema ata sa pagpaltik ko ng keyboard. o sa paghawak ng lapis. o baka naman sa pagdaloy ng tinta ng bolpen ko. ewan. di ko maintidihan. hindi ito ang gusto kong sabihin pero hindi ko maayos ang magulong sirkulasyon ng ideya sa utak ko. naapektuhan na ata ng malakas na hangin ng bagyong milenyo ang ulo ko.

sa totoo lang parang hindi pa ako handang magising. marami pa ring dapat gawin. pero nangako ako na babalik ako dito. isa pa di ko rin naman matitiis. heheh! ngayon nandito na uli ako. pero parang nangangapa pa rin. brown out pa ba? feeling ko kase ngaun para akong first timer na hindi alam ang gagawin o sasabihin.

i think i need to get back on my senses first.

Friday, September 01, 2006

nung martes pa dapat to!

wala naman talaga sa bukabularyo ko ang salitang EB (teka, hindi naman talaga kase ata salita yun.hak hak!). january lang ako nagsimulang magblog pero tatlong beses na ko nakipag-EB. 6 na bloggers na ang nameet ko nang personal.

kung anong meron ang blogging... hindi ko alam pero it makes me do a lot of things na dati eh hindi ko naman ginagawa. nagchachat (take note: kahit me trabaho). nanggagawa ng post (take note: sa opisina). nakikipag EB (take note: kahit umabsent pa ako!). hahah!!! pasaway talaga. mga bagay na hindi ko naman talaga dati ginagawa.


naisip ko lang kase tulad ng sinabi ng idol kung si eminem sa isa sa mga kanta niya, "opportunity comes once in a life time yo!" di ba? minsan bibigyan ka ng tadhana ng pagkakataon para makilala ang ilan sa mga tao sa paligid mo. at pag pinalagpas mo, pwedeng hindi na yun maulit. naisip ko rin, total araw araw na akong nakakulong sa apat na sulok ng opisina na to. why not naman lumabas ako minsan para makalanghap ng ibang hangin at maging mas malaya.

galing pang state si rho. galing naman batanggas sina mam teks at mam rems. galing ako sa metro. ang tagpuan... dyaran! "CALAMBA,LAGUNA". ang labo no? (para raw fair sa lahat. oo nga naman. sa gitna namin ang meeting place) so kahit hindi ko balwarte ang calamba, go ang lola mo. bahala na si batman kung maligaw man ako. heheh! pagdating ko sa walter mart... medyo nawindang ako dahil nasa left side ang entrance. well,sanay na ako...sa PUP, abnormal rin ang location ng entrance and exit. pero teka muna, weyt a minit, mr. post man! san ko sila hahanapin? foodcourt raw? san ang foodcourt? kaya naman mega pasundo ako me maam teks! ehekz!

pero higit sa lahat mas nawindang ata sila nung makita nila ako. gudluck naman! akala raw ni mam rems 30 something na ko. si kris aquino lang ng pantene yun! hahaha... sabi ko rin ko rho, bakit ate ang tawag niya saken eh kung tutuusin she's a couple of years older. nahiya raw tuloy siya. malalim raw kase ang sinusulat ko. at parang napakamisteryosa? hmmnn... di naman ah? hak hak!(siguro kelangan ko ng isa pang post para i-defend ang sarili ko tungkol dito)

sulit naman ang pag-absent ko. binusog kame ni rho at ng kanyang hubby. at me take home pa. para akong galing sa party na me uwing token. thanks rin sa bukayo, panotsa at cd ni mam teks. ang sarap ng cd mam kaya lang medyo matigas. di kaya luma na yun? ^-^ at higit sa lahat nag enjoy ako sa kakulitan naten lahat lalo na sa kadaldalan ni mam rems at sa nakakalunod na tawa ni rho. enjoy! (akala niyo kayo lang ang makulit ha! medyo nahihiya pa nga ako nun eh! harhar)

gusto niyong makita ang piktyur namen? click here for more updates----> EB at party kwento ni clown.


******************************
late is better than pregnant. este than never. pasensya na... marami akong iniisip kaya natatagalan ang pagpost.

Friday, August 25, 2006

mahirap...

akala ko matalino ako pero bakit di ko maintindihan?
akala ko matapang ako pero bakit natatakot akong masaktan?
akala ko madali lang pero bakit ako nahihirapan?

...ang hirap! mahirap....

mahirap gisingin ang nagtutulugtulugan.
mahirap sabihan ang taong nagbibingingihan.
mahirap pilitin kung talaga namang ayaw.
mahirap rin naming tumanggi kung talagang gusto mo naman.
mahirap huminga nang walang hangin.
mahirap lumakad nang walang tutunguhin.
mahirap mag-isip nang walang iisipin.
mahirap magsalita kung walang sasabihin.
mahirap ang makipaglaro sa taong tuso.
mahirap magmahal kung wala ka nang puso.
mahirap tumawa kung di ka naman nagagalak.
mahirap ngumiti kung puso mo’y nabibiyak.

mahirap… mahirap…
mahirap gawing masarap ang mahirap.


wala naman kase talagang madali!
*repost from my friendster blog... (01.09.06)<---see january!

Tuesday, August 22, 2006

too much of an irony

i hate myself for being so good.
for being so great.



and still not!



I'm totally different.
sometimes i wish i'm just like anybody else.



i'm thankful i'm not!


i'm so strong. i'm brave. i'm afraid. of pain. yeah of pain!
i'm gradually liking it, though.
i'm so smart. yet so stupid not to use it.
i'm wise but not thinking twice.
i've been so kind and so mean. both at the same time.


i'm happy.





how i wish i can say....

finally!

Friday, August 18, 2006

joyride

noon, tahimik akong naghihintay sa waiting shed ng aking buhay- _____ . normal pa saken ang lahat. at sa pagkakaalam ko busy ka naman dun sa waiting shed mo dahil sa hinihintay mong tao. tapos bigla na lang, dala ng panahon at hiningi rin siguro ng pagkakataon. nagkalapit ang landas mo at ang landas ko. ikaw lang at ako. niyaya mo ako, joyride tayo. ayoko, sabi ko. natatakot ako. ayokong makipaglaro. seryoso ako. hindi nga lang siguro halata. pero seryoso ako. matalino kase ako o takot lang akong maging tanga at mapagtawanan ng iba. isa pa di ko kabisado ang laro mo. alam kong hindi ako! pero dahil mapilit ka, ako'y nadala. sinakyan kita. kahit papano nag enjoy naman ako. kahit na sabi ko sa sarili ko hindi ito totoo. naglalaro lang tayo. bukas bukas matatapos rin to. hanggang isang araw nga, muling hiningi ng pakakataon, dala na rin ng panahon... kailangan mo uling umalis at kailangan ko na ring lumayo. balik sa normal ang buhay ko. bumalik ako sa waiting shed na pinanggalingan ko. pero me nagbago. maraming nagbago. sa di ko maipaliwanag na dahilan naging malimit ang mga sandaling naglalaro sa isip ko ang alaala nating dalawa. namimiss ata kita. at yung mga pagkakataong ikaw at ako, magkasama. wala naman akong dahilan para masaktan. wala akong karapatan. pero siguro isang bagay lang... di ko kase nasabi sayo!!! kahit ung katagang "i miss u". at kahit ang sarili ko, niloloko ko. pilit tinatago ang nararamdaman ko.


pero mahirap pa lang igapos ang puso. dahil habang pinipilit mong pigilan lalo lang magwawala. walang higit namahihirapan, kundi ikaw lang. masakit. masikip sa dibdib. sa bawat minutong dumaraan, unti-unting nadaragdagan ang bigat na nararamdaman na halos di ko kayanin sagipin ang sarili ko mula sa pagkalunod sa luhang nanggaling mismo sa mga mata ko. mahirap kalabanin ang sarili mo. dahil kahit sang anggulo, ikaw ang talo.

dumilim ang paligid at bumuhos ang ilang araw na ulan. nagkahang over pa ata ako. nahilo at may katagalan ring natigil ang mundo. dahil siguro umasa ako sa pagbabalik mo. baka kako isang araw magkasalubong uli tayo. kahit alam ko naman sa sarili ko na naglaro lang noon tayo. alam ko. hindi ako. matagal rin akong nangapa sa dilim hanggang sa nagpasya akong linawin ang lahat sayo. hindi naging madali. dahil hindi ko alam kung pano. pero kelangan para maituloy ko ang byahe naudlot nang dahil sayo. nandito na uli ako sa waiting shed ko. pero wag kang mag alala hindi ikaw ang hinihintay ko. alam kung me hinihintay kang ibang tao. nililinis ko lang ang kalat ko at binabalik sa normal ang buhay kong minsan nabulabog sa bagyo.

Tuesday, August 15, 2006

kape



Sa unang pagmulat ng aking mga mata
Habang sinasalubong unang sinag ng umaga
Aking lalamunan ay naghihintay na
Aking mga labi ay nasasabik na
Masarap sana kung tama ang timpla
Lalo’t higit habang mainit pa.
Ngunit wag biglain baka mapaso ka.
Gumamit ng kutsara ‘t tikman kung ayos na.
Saka ilapat ang mga labi sa tasa.
Saka higupin at namnamin ang lasa.
Damhin ang init na guguhit sa sikmura’t
Gigising sayo’t sa buo mong diwa

Kapeng kaba ang dinudulot
Kapeng saki’y di nagpapatulog
Parang pag-ibig na nambubulabog
Naging dahilan upang dibdib ay kumabog
At kahit ilang beses na ako’y mapaso
Umabot mang sa puntong malapnos mga nguso.
Babalik at babalik muli sa’yong pagsuyo
Upang muling madama init ng pagsiphayo.

Anong meron ka’t ako’y naadik
Anong meron ka’t ako’y nasasabik
Parang pag-ibig na nais makamit
Timpla mo’y pinaghalong tamis at pait

____________________________________________

*old post galing sa friendster blog ko (1.11.06).dahil busy busyhan ako. at di ko malagyan ng conclusion yung bagong sinusulat ko. kelangan siguro magpakondisyon muna ako for senti mode dahil mahirap palang magsulat nang kulang sa emosyon.

_____________________________________________

adik ako sa kape. di ko na alam kung kelan ang huling umaga na inumpisahan ang araw na walang kape sa harap ko. halos araw araw, nakakaubos ako ng dalawang tasa ng kape.isa sa umaga. isa sa hapon.

para magising ang diwa ko sa umaga, magkakape ako. pag inaantok ako, magkakape ako. pag nilalamig ako, magkakape ako. pag me hang over ako, magkakape ako. to sum it up, malaking tulong saken ang kape. i love you na talaga!


a coffee completes me. and one more thing i love about coffee that also makes it different from love?!? di niya ako pinaiiyak. ever!


Thursday, August 10, 2006

silent reader

speaking of senti post and sitemeter... nadiskubre ko rin na me isang tao from Dubbai na pabalik balik dito sa blog ko. nung una nagtataka ako kung bakit isa isa binubuksan niya yung mga old post ko. pero hindi naman siya nag iiwan ng kahit isang bakas na nagsasabing napadaan siya. siguro ayaw niya rin ng exposure. hanggang isang araw nakita ko sa tracker ko na me napadpad dito sa blog ko gamit ang blogger search engine at ang search word na "lojika". isa lang ibig sabihin nun para saken. hinahanap na naman niya ang blog ko. (well, assumption ko lang naman yun. at feeling ko lang siya pa rin yung pabalik balik ngayon. siguro naghahanap ng isa pang uling senti post na kung saan makakarelate siya.) at dun nga nadiscover ko na me isa palang post na naglalaman ng mga senti post ko nung peak ng emo moments ko.

since hindi niyo naman nabasa lahat ng kasentihan ko noon lalo na yung mga bagong blogpals ko, basahin niyo ito: snippets from ms. lojika

sa pamamagitan ng post na to, gusto ko sana siyang pasalamatan para sa pag-appreciate ng mga nagawa ko. kahit na hindi siya nagpaalam saken, i still feel overwhelmed and happy. heheh! at least nilagay mo pa rin yung link ko for credits.

pasensya na sa pag eexpose ng blog mo. pero salamat talaga. touched naman ako!^_^

Wednesday, August 02, 2006

instant publishing

miss mo na ba ang mga senti post ko? ako kase miss ko na yun. sobra! blogger's block? did i term it right? o tinatamad lang talaga akong magconceptualize ng bago? kung tutuusin i have so many topics in mind kaya lang marami ring chapters ng maraming libro ang naghihintay para saken. kumusta naman? exams week na naman! kaloka. kamote na naman ako nito. "ini mini miny moe" na naman ang drama ko sa departmental exam. anyways, eh ano? eh me lahing psyche ata ako. ano pang silbi ng crystal balls ko? heheheh.

sa ngayon bigyan muna natin ng karampatang pansin ang isang taong naligaw kahapon sa blog ko sa pamamagitan ng mga katagang "ano ang Sona ng pangulo ngayong 2006". itago na lang natin siya sa pangalang Rogelio Dayanan, 17, single from Subic, Zambales. heheheh. pasensya na. me dugong detective rin ako eh. pasalamat siya di ko na sinali ang email add niya, di ba? ito ang sabi niya...

extracted from my cbox: (06-08-01 )

rogelio:(16:51:51)masydo poh! akong na gu2lluhan tung kol sa SONA ng PGMA.........ayon lng poh!
rogelio:(16:55:11)KAylng pa NG maiging pag lalahad ay nang malinawan poh! ng ..........PUbli ko? ayos lng ang puba ang SONA ng PGMA I thk! Kulng pa po0h!........AYON LNG POH!!!!!!!!sLMAT POH! Good DAy POH!!!!!!
lojika:(16:59:57)to rogelio..blog po ito, at hindi for research article..kung ano man ang nababasa mo. opinyon lang namen yun,ok?
rogelio:(17:01:09)GUd pM poh ulit!!!!!!!hehe!
rogelio:(17:02:33)ok! lng poh! thnkz kng gayun poh! sa idea! maganda!


ano raw uli? ako rin naguluhan sa kanya mukhang nahirapan ata siya magtranslate sa tagalog. sa totoo lang hindi ko rin masyadong naintindihan yung unang sinabi niya. sana nag english na lang siya. pero sa bagay much better kesa zambal dialect ang ginamit niya. bakit nga ba kase nasa no. 1 ang post ko? yan tuloy nag-expect siya ng detalyadong impormasyon.


para sa hindi nakakaalam, pwede mong lagyan ng tracker ang blogsite mo. dun pwede mong malaman kung ilan ang dumaan sa blog mo, kelan, gano katagal, anong ip address, referrals, etc. dito sa bahay ko, sitemeter ang gamit ko. nakakatuwa lang kase nalaman kong ang daming researcher na naliligaw dito sa bahay ko. ilan sa mga search words na kalimitang nagtuturo sa blog ko ay:

tula sa pag-ibig, malayang taludturan ng tula, maagang pagbubuntis, malaking populasyon ng pilipinas, mga kantang, 'till my heart aches end at sway, trahedya, hindi love quotes, maigsing kwento, mga simpleng kwento at kung ano ano apa. at nitong huli nga, tinadtad ng researcher about SONA 2006 ang tracker ko. ewan ko ba dyan ke papa google (adopted kase niya ang blogger kaya ganun) kung bakit ako ang tinuturo.

maliban sa pagiging exhaust para sa ilan sa mga intimate feelings ko, parang me istant publishing pa ko dito sa blog at sigurado ako na me nag-aaksya ng kahit konting oras para magbasa ng sinulat ko. sana lang kahit papano nabibigyan ko ng magandang kapalit ang oras na ginugugol niyo dito. sana kahit papano me natutunan kayo. salamat pala sa pagdaan at pag-iiwan ng mensahe, rogelio. at salamat sa inyong lahat.*sigh*

Thursday, July 27, 2006

bato bato sa langit...tamaan ka na!

trust is the foundation of any relationship. nabasa ko to habang nag-aaral ako about agency sa isang business law book. sabi dun enough nang justification ang kawalang tiwala ng principal* sa agent niya para putulin ang anumang kontratang namamagitan sa kanila. naisip ko lang hindi lang naman sa principal-agent relationship applicable ang nasabing principle. kahit sa partership, sa magulang at anak, guro at estudyante, magkapatid, magkaibigan, magkasintahan...

kaya kung sobrang selosa o seloso ng girlfriend o boyfriend mo at walang tiwala sa'yo. aba! putulin mo na ang kung ano mang namamagitan sa inyo kase nga walang kwenta ang relasyong di pinagkabibigkis ng tiwala. ngayon kung ikaw naman ang selosa o seloso, wag ka na! kung di mo kayang pagkatiwalaan ang kapartner mo, maghanap ka na ng ibang tao na sa tingin mo eh kaya mong paglaanan ng tiwala mo. total, maghihiwalay rin naman kayo!!!! pero para mas maging smooth ang relasyon mas mainam siguro na ipakita ng bawat partido na karapat dapat nga silang pagkatiwalaan.

ito: kung isa kang lider pero di na nagtitiwala sa'yo ang tao, di kaya dapat na bitiwan mo na ang pwestong pinaghahawakan mo? total kung tutuusin sarili mo lang ang niloloko mo habang pinipilit mo sa sarili mong me naniniwala pa sa'yo kahit obvious namang wala!

last monday. SONA raw ng pangulo. SONA as in State Of The Nation Address pero pakilinawan nga lang po sakin ha...kase hindi ako nanood. sinabi ba niya ang tunay na kalagayan ng bansa natin ngayon? sa mga narinig ko kase sa mga kwentuhan eh puro achievements raw ng iba ang sinabi niya. bakit? wala siguro siyang mabanggit na sariling achievements o achievements ng national government. tapos tungkol sa mga projects na gusto raw marinig ng tao. ano ito? campaign for the next election? haler?!? asa pa siya!

feeling ko lang ha, mas marami pang nag-abang ng laban ni Pacquiao noon kesa sa SONA ng Pangulo kahit pa sabihin nating nawalan ng pasok nun dahil sa bagyo. mas masarap pa talagang matulog na lang kesa makinig sa... hmmmmp! ayoko na lang magsalita.

*principal =is the party represent by the agent.

Friday, July 21, 2006

deaL or no meaL

ang buhay ng tao, puno ng pagdedesiyon. pag gising mo pa lang sa umaga, iisipin mo na kung babangon ka na ba o mag-eextend ka pa? maghihilamos ka na ba o pagligo mo na lang? mag-aalmusal ka na ba o sa opisina na? magbubus ka ba o MRT na lang? magtratrabaho ka na ba o magbloblog muna. aba, siyempre isa lang sagot dun! magblog muna. eheheh!

pero mga simpleng mga bagay lang yun na madaling desisyunan. mas maraming nakakalitong multiple choices ang buhay that you have to deal with. ngayon, me natitira pa akong siguro mga 3 months para mag-isip.nagbabalak kase ang magresign sa trabaho next sem for some reasons. gusto kong bumalik sa pagiging normal na estudyante. it's my fourth year in college. last year para sa mga ibang kabatch ko.(extended po kase ako ng isang taon dahil nagbawas ako ng units last sem since nagtrabaho ako) at next sem na lang ang last chance ko para makabonding ko sila. gusto ko rin sanang bumalik sa dance org ko. namimiss ko na magsayaw.

mahirap mag-aral. mahirap rin magtrabaho. eh what more kung sabay ko silang ginagawa?!? waaaaaaaa! nawawalan na ko ng social life.

pero nalilito ako. maraming benefits ang nakukuha ko sa trabaho. bagong knowledge, experience, dagdag allowance, libreng internet, mga blog friends... tapos sinabihan na rin akong magiging representative ng kompanya namen sa ballroom dancing competition sa december. gusto ko sana yun. kung tutuusin pwede pa rin akong magtrabaho next sem. pwedeng 3rd year subjects lang kunin ko (15 units). pero balak ko ngang magdagdag ng dalawang 4th year subjects (6 units) para makasama ko mga kabatch ko for the last time. kaya lang pag nagkataon mahirap isingit ang skul sked ko sa sked ng trabaho ko. hmmmmmmmmp. gusto rin sanang magpahinga o magbakasyon nang medyo matagal. halos araw araw ang aga ng gising ko. i hate it. nakakapagod. minsan nakakabore. di ko naman kase akalaing aabutin ako ng ganito katagal sa trabaho. almost 9 months na ko dito! 6 months lang ang expected kong pinakamatagal na pamamalagi ko dito. but i think i'm here for good. hanggat gusto ko, pwede. pano nga naman ako maghahanap ng endo eh wala naman akong kontratang pinirmahan. sayang naman kase kung igigive up ko tong trabahong to. naparaming nagkakandarapa makahanap ng trabaho. tapos ako....

ewan. magulo pa rin ang utak ko. 3 months is still a long way ahead. marami pang pwedeng mangyari. i'll try to observe things. maghihintay na lang ako ng sign para malaman kung anong desisyon ang dapat kong piliin. sana lang... sana lang i can choose the BEST answer.



Monday, July 17, 2006

wanted: magic eraser

*a post from my friendster blog

nakakainis! bakit ba me mga nagagawa kang bagay na wish mo lang hindi mo na lang sana ginawa. pero wala ka naman magawa kase nagawa mo na. sa buhay kase pag nagsulat ka ng pahina mo, permanent marker ang gamit mo. hindi na pwedeng burahin. hindi na pwedeng baguhin. kung ano man yun, yun na yun. badtrip! nakakahiya. wala bang nabibiling magic eraser? para mabura mo yung mga bagay na ayaw mong isali sa listahan ng mga nagawa mo dito sa mundo. arrrrgh! wala na. wala na talaga. di mo na maitatayong muli ang punong nabuhal sa malakas na bagyong nagdaan. bakit kase... ang tagal kong iniwasan. ang tagal kong naging matapang at malakas pero dumarating talaga yung panahong nagiging mahina ka. syet! ngayon, para akong bilanggo ng nakaraan. ang nangyari ay nangyari. at ang bakas ng nakaraan ay laging maiiwan. malimutan mo man minsan pero nandun pa rin ang lahat ng bagay. naiipon lang, nadaragragan. napapatungan pero nahuhukay! nakakatakot.



ano kayang iniisip mo? anong iniisip ng ibang tao? minsan feeling ko baliw nga ata talaga ako. feeling ko... o paranoid lang talaga ako? pilit babasahin ang tumatakbo sa isip mo. aaninagin kung anong itsura ng salamin ko sa harap mo. nakikita mo ba ang tunay na ako? o nililinlang ka ng utak at mata mo?


eraser...eraser... me buburahin lang ako.

_____________________________________________________________


sa friendster ako nagpopost ng mga mas personal na bagay. kahit ano under the sun na trip ko. pero ngayong nabago na ang setting ng homepage ng friendster. mas madaling narerecognize pag me bago kang post. parang bigla akong nag-alangan na magpost ng bago. akala ko i can easily open up myself to everyone pero nakakahiya pa rin minsang malaman ng mga taong nakakakilala sayo ang mga kakornihan ko. eheheh!

Tuesday, July 11, 2006

kung walang liwanag

ano nga bang misteryo ang bumabalot sa kadiliman at nagdadala ito ng takot at hilakbot? siguro dahil sa dilim, wala kang nakikita. sa dilim, nangangapa ka. hindi mo sigurado kung anong tunay nanangyayari sa paligid mo. nanghuhula ka kung ano ang totoo. naglalaro ang iba't-ibang imahinasyon sa isip mo.

sa una pipilitin mong makatakas at makahanap ng bagong liwanag dahil alam mong mahirap ang mamuhay sa gapos ng kadiliman. pero pag nagtagal mapapagod ka. talo ka na,magsasawa at susuko.

bakit nga ba maraming nananatili sa anino ng dilim sa kabila ng magandang pangako ng makulay na buhay sa liwanag? sa dilim, wala kang nakikita. di mo nakikita ang dungis mo at ang putik ng iba. walang pangit, walang maganda. pantay ang larawan ng bawat isa. at kapag nasanay ka na... nakakasilaw na ang liwanag diba?!? mas nakakatakot! mas nakakakaba! kung pipilitin mo bang magtungo sa kabilang sulok, tatanggapin ka pa ba nila? ayaw mo nang sumubok kase alam mong mahihirapan ka lang kaya mas minarapat mong manatili sa anino kadiliman.


pero alin nga ba ang may hatid ng ginhawang pangmatagalan? marahil maitatago sa mata ang lahat ng dumi sa dilim pero makakarinig pa rin ng tenga mo ang nakakarinding ingay at maamoy pa rin ng ilong mo ang bahong umaalingasaw. magiging magulo pa rin ang kapaligiran at hindi maitatago ng dilim ang katotohanan. mas masarap mabuhay kung may kaliwanagan.

__________________________________________________________

*commercial: isulong seoph. suportahan si major.

Tuesday, July 04, 2006

alaala....

pero hindi! kelangan kong umalis. kelangan kong lumayo. kelangan kong kalimutan ang nakaraan. kelangan kong lumaban... pero para atang nilalaro ako ng tadhana. leche! sa dinami dami ng kanta, bakit naman kase un pa?!? tuloy, naisip ko na naman siya. kung kelan iniiwasan ko ang lahat ng alaala niya. saka naman...

dito sa dyip kung saan kami unang nagkita, nagkakilala, nagkasama at naging masaya. pero ngayon, wala na siya. at hindi na muling babalik pa. natapos na ang lahat ng saya at hanggang ngayon di ko pa rin alam kung pano ko pipiliting sabihin sa sarili kong tanging langit na lang ang natitira kong pag-asa. upang muli siyang makita at makasama.

matagal rin pala akong napatitig sa kawala. wala sa sarili habang nagmumuni muni. hanggang sa naramdaman ko ng sinisiksik na ko ng katabi ko. puno na pala ang dyip. di ko napuna na marami na akong kasama. halos lahat sila nakatitig saken na para bang me ginawa akong krimen. di ko na rin napansin ang pagbuhos ng ulan at pumatak na rin pala ang mga luha ko nang di ko namamalayan. sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, alam ko nandun siya. naramdaman ko ang init ng yakap niya kasabay ng pag-ihip ng isang malakas na hangin na para bang nagsasabing lakasan ko ang loob ko.

bumaba na ako ng dyip na di inalintana ang lakas ng ulan...na hindi pa rin alam ang tiyak na patutunguhan. mabagal na naglalakad na wari'y walang pakealam. wala akong nakikita kundi ang iyong alala. wala akong naririnig kundi ang malungkot na musika. wala akong nararamdaman kundi ang lungkot ng pag-iisa. nagulat na lang ako sa sigaw ng mga tao. huli na nang makita ko ang malaking sasakyang rumaragasa sa aking harapan, ang nakakasilaw na kaliwanagan. tapos biglang dumilim. wala na kong naramdaman.

abangan ang susunod na kabanata. me "k" ba akong maging writer? heheh..isa lang po yang meme mula sa diyosa ng karagatan ng alemanya. ituloy ko raw kase napakasentimental ko raw. hmmmmp. di ba hindi naman?

Mekaniks:

1. magsusulat ako ng isang maigsing kwento at may itatag na mga tao.
2. itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.


ngayon gusto kong ituloy ito ng isang kontrobersyal na nilalang sa mundo ng kamunduhan.(teka magulo ata yun ah). si bulitas.

buleeetz, lam ko magaling kang writer. (ako kase pang-accounting lang. tulad ni mami neng, numero lang pinaiikot ko) Lam ko kaya mong bigyang buhay ang kasunod niyang paglalakbay. aabangan namin lahat ang istoryang gagawin mo!

Wednesday, June 28, 2006

nagtatanong lang po

araw-araw na lang tumataas ang cost of living dito sa Pinas. and as of this moment 53.423 na ang key rate ng php versus the us dollar. kaya naman tumataas ang LPG, tumataas ang gasolina, tumataas ang pamasahe, ang matrikula at ang halos ata lahat ng bilihin dito saten. aba! eh si gloria na lang ata ang hindi tumataas. kumusta naman yun?


noong una ay may apat na klase ng lipunan: ang mga namumuno o datu, ang maharlika(freemen), timawa(commoners) at ang mga alipin (servant/slave). pero sa panahon ngayon me tatlo na lang daw tong klasipikasyon: ang mayaman, mahirap at ang sobrang hirap. mahirap na raw talagang mabuhay ngayon. kahit nga yung boss kong mayaman nagtitipid.


kaya naman iba't-ibang gimik na ang naiisipin ng mga pinoy para lang makasabay sa mabilis na paggulong ng buhay. ang daming naglabasang bagong uri ng negosyo. legal at ilegal. ang daming lumilipad papuntang ibang bansa. at marami na ring kumakagat sa iba't-ibang contest at game of chance. (kahit na nga nagkastampede na...eh hindi pa rin talaga mapigilan)


nainspire lang naman ako sa post ni maam tekla kahapon, so naisip kong i-share sa inyo ang ilang mga reviewer question na baka sakaling itanong sa ilang mga game shows. (such as laban o bawi, pera o bayong, game ka na ba? etc.) mapag-isipan niyo na habang maaga


*imagine na lang natin kris aquino delivering these lines....*
  • nadudulas ba ang linta, yes or no?
  • me kilay ba ang pusit, yes or no?
  • naghihilamos ba ang isda, yes or no?
  • nahihilo ba ang paru-paro, yes or no?
  • napupuwing ba ang tutubi, yes or no?
  • umuutot ba ang kambing, yes or no? (anong shape?)
o kung masyado ka namang nachecheapan sumali sa mga pangmasang gameshows, why naman don't you try a beauty contest? ito ang questions para sa mga finalist:
  • kung ikaw ay mamatay at bibigyan ng pagkakataong muling mabuhay....pipiliin mo bang maging isang utot o tae na lamang at bakit?
  • kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang isang bagay dito sa mundo... anong pakealam namen?
and the last but not the least:
  • kung mamatay ka.... bakit hindi pa ngayon?

hay naku! nakakaloka na kase ang magbudget ng perang hindi naman talaga kasya. well, wala tayong magagawa kundi aliwin na lang ang sarili naten. smile! =)

Thursday, June 22, 2006

atsara

di kaya...
nalulungkot ang buwan
dahil wala siyang kasama
at palaging nag-iisa lang?

di kaya...
napapagod ang alon
sa paghampas ng
walang kalaban labang
buhangin sa karagatan?

hindi kaya...
nababato ang bundok
dahil sa wala siyang
ibang mapuntahan
kundi ang lugar na
kanyang kinalalagakan?

hindi kaya...
nagsasawa ang araw
sa paulit ulit ng eksenang
pagsikat sa silangan
at paglubog sa kanluran?

hindi kaya...
nahihilo na ang mundo
sa araw araw niyang pag-ikot?
paulit-ulit lang naman
at walang katapusan.

hindi kaya...
nasusuka ang kalangitan
sa tuwing nakikita niya
ang dumi ng kamunduhan?

hindi...
hindi naman...
kase wala silang pakiramdam
walang pakialam.

nakakalungkot, nakakapagod
nakakabato, nagsasawa na rin ako!
nakakahilo, nakakasuka
kung pwede lang tama na!

hindi naman ako lasing
pero parang ganun na rin
atsara na...
sana lang maiba.

*written some time ago...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


minsan, minsan lang naman..nakakabagot ang mga pang araw araw na nangyayari sa buhay.


sangat uli: isulong seoph
isulong seoph

Tuesday, June 20, 2006

when smoke gets in my eyes

a year and a month had passed since the day we started that non sense idiocy. you played with me. you put, you caught me in bait. i became sluggish & stupid to ride with all your games. i thought it would be fun all along the way. i never thought it would be that hard. cause all i knew was that i've been happy... thinking it's all reality. until i woke up without you by my side.

oh it was but a game. you win and left me in vain. and there i was... waiting for the chance that i never cognise was long taken. it's gone! and every time i whack at looking back... i can see nothing but the gloomy memory of you and me.

the sweet has turn sour and the sour into bitter.


erstwhile i thought it was heaven as i conceived the clouds around us hanging. i thought i was an angel, flying... with the wings i thought you've given. but no! it was not heaven. where the hell have i been? i fly, i fall, i fell. and my wings were broken.


no, the clouds was just a smoke.
and then the smoke gets in my eyes.
it hurt inside and i cried....

Wednesday, June 07, 2006

tag-blog-friends-love

tagging has been a part of blogging. well, minsan nakakatamad. minsan boring pero minsan naman enjoy. haven't you think why in the very long list of links yours was chosen? di ba asteeg! touching na rin. eheheh. (pampalubag loob lang un, in case naiinis ka na sa mga tags!)

pero come to think of it. para saken one of the essence of blogging is let the whole wide web that there's something you wanna say. importante ang mga taong nagbabasa at dumadaan sa blog mo. they make your blog a real blog. kase kung ikaw lang ang nakakabasa ng blog mo, i suggest na mag diary ka na lang. well it's always nice to have all of you guys. my online pals!

i was tagged twice. by bulitz and momel. di ko alam kung bakit ako ang isa sa napili nila. dahil ba tungkol na naman ito sa pag-ibig na me masalimuot na mundo? ahahah.

ito ung tag...

Instructions:

1. The tagged victim has to come up with 8 different descriptions of their perfect lover.
2. He/she needs to mention the sex/gender of their perfect lover.
3. He/she must tag 8 more people to join this game and leave a comment on their respective sites anouncing that they've been tagged.
4. If tagged a second time, there's no need to post again.


gender: masculine siyempre (ano nga ba ung isa pang gender na pinag-aaralan sa english class bukod sa feminine..alam ko kase 3 un eh)

8 description?

  • me takot sa Diyos (nakakatakot ang taong walang takot)
  • me sense mag-isip (para for sure me sense kausap)
  • me sense of humor ( para hindi naman boring ang buhay)
  • me sense of responsibility ( kahit di masyadong masipag basta alam niya kung ano yung mga bagay na dapat niyang gampanan)
  • totoong tao (mahirap makipaglaro sa manloloko)
  • trustworthy (dahil naniniwala akong ito pundasyon ng kahit anong relasyon)
  • marunong umintindi (a listener not only by mind but also by heart)
  • and the last but not the least maginoo pero mejo bastos (hahah, wala lang para me thrill)
to sum it all...isip at puso ang kailangan ko. ung magpapatunay na totoo kang tao. yun naman ang importante eh. standards. limits. tao lang naman ang nagseset ng lahat ng yun. kaya siguro minsan di natin alam na nawawalan na tayo ng kalayaan at hindi na naeenjoy ang buhay. is there such thing as perfect? di ba wala naman? naniniwala ako in order to be happy kailangan marunong kang masatisfy. marunong kang mag adopt at tanggapin ang kung anong nariyan. kung hindi mo makuha lahat ng gusto mo, siguro kailangan babaan mo ng konti standard mo. pag nagawa mo yun mas madali kang masasatisfy. mas madali kang magiging masaya.


hope you all be happy guys!

------------------------------------------------------------------------------------------

PROMOTION LANG PO:

bilang suporta kay major. isasangat ko lang ang link na to. pa click lang:

isulong seoph






Tuesday, June 06, 2006

six-six-six and so?

today is the 6th day of the 6th month of the 6th year of the 3rd millennium. 06.06.06. 666! napansin ko lang kanina. araw-araw kase ako nag eencode ng date.

i can't remember when or where had i read that post na nagsasabing ng tungkol sa date na to. malas raw. kase nga raw 666 is "the mark of the beast". i try to surf on the internet at ito ang lagi kong nakikita:

Revelation 13:16-18:

"Also it causes all, both small and great, both rich and poor, both free and slave, to be marked on the right hand or the forehead, so that no one can buy or sell who does not have the mark, that is, the name of the beast or the number of his name. This calls for wisdom: let anyone with the understanding calculate the number of the beast, for it is the number of a person. Its number is six hundred and sixty-six."

there's such thing pala sa bible. hindi ko alam. ngaun ko lang nalaman. namention rin pala siya sa novel na The Da Vinci Code (Brown 2003, p. 22).

matagal na rin pa lang naging laman ng issue ang number na to. ngaun lang ako nagkainterest na silipin. marami na ring nagpakadalubahasa sa pag-aaral nito. at sa sobrang dami ng theories...nakakahilo na silang lahat! kailangang pag-aralang mabuti ang history. hindi pwedeng basta maniwala.

well bible is considered as a history book. i therefore conclude na pwede or posibleng ang literal validity ng mga sentences na yun eh para lamang nung panahong un. para saken ang importante sa bibliya ay ang mensaheng nais niyang iparating, the lessons.at hindi lahat ng literal meanings niya applicable with today's trends and issue.



Finally, we close with an observation that makes a commentary on the folly of attaching a specific meaning to the number 666. If the letter A is defined to be equal to 36 (=6·6), B=37, C=38, and so on, then:

The sum of the letters in the word SUPERSTITIOUS is 666.

heheh! sa lahat ng mathemathical computation leading to the number 666. yan ang pinaka gusto ko. nakita ko siya sa site na to.

actually hindi naman talaga ito ang first time na mairepresent ng 06/06/06 ang date. it happens every 1oo years. swerte nga naten kase hindi lahat nakaexperience nun. same as the experience of seeing a solar eclipse kase once in a blue moon lang to.

malas o swerte? hindi ako naniniwala sa malas. (lalo na ung tungkol sa pusang itim) well, tao lang naman ang nagtatakda ng declaration.. ung iba nga pamahiin lang. pero naniniwala ako sa swerte. sa blessings!

kung gusto niyong pag-aralan ang ibang bagay tungkol dito. click niyo na lang ito.


Friday, June 02, 2006

silip lang...

guess who's back? back again..lojik's back...back again!

bakit nga ba ako nawala? bakit ang tagal kong hindi nagblog? bakit?

a. dahil block na ang internet sa opisina namin?
b. tuluyan nang nasira at nainfect ang pc unit ko?
c. napagalitan na ako ng boss dahil nakita niya kong nag iinternet? or
d. dahil tuluyan ko nang nakalimutan ang dahilan ng mga pagsesenti ko nung dumaang araw? naubos na ang kasentihan ko kaya hindi na ako nagbablog at nangangahulugan na ito ng pamamaalam?

pero bago niyo sagutin ang tanong...magbabalik ang "pilipinas, game ka na ba?"



yep, minsan mabuti rin magkaron ng memory gap. (nakalimot ako kahit papano) ok na ko. as in yes na yes na yes. (ngaun at nung mga nagdaang araw pero bukas makalawa di ko pa rin alam, siyempre, mahirap magsalita ng tapos.) sa totoo lang ang tunay na dahilan ng pagkawala ko ng halos 2 linggo ay dahil tulad ng nauna kong sinabi infected ng spyware ang pc ko. nakakaconnect ako minsan pero napakabagal. 48 years! ang tagal nun...


and another reason ay dahil nanggaling ako sa Boracay para sa isang seminar. been there for 4 days! hindi na muna ako magkwekwento dahil masyadong maraming nangyari. aabutin na naman ng another 48 years! pero salamat Boracay. ibinalik niya ang dating ako.haler? nakalimutan ko nang mag emote! for a while.... (congrats naman) i'm much better now. sabi ko na nga ba i really just need a break. aus!

maayos na rin ang pc ko. nireformat na siya. at mag eenroll na ko for 4th year (sana matuloy, wish me lucK!)

hey, pagkatapos ng ulan... mukhang nakikita ko na ang pagsulyap ng rainbow. maraming ng kulay. hindi na malabo. napipintahan na ang black ng nagtitingkaran kulay.

matagal rin akong nagkalat at kelangan kong maglinis. pero isa isa lang dahil mahina ang kalaban. pagod pa rin ako hanggang ngaun. pero umaandar naman. sa isang linggo, promise, dadalawin ko kayo! namiss ko na kayo at ang buong blogosphere!

pero ngaun...pwede bang matulog muna ako?

waaaaah! tulog! kelangan ko ng tulog...

zzzzzzzzzzzzz.............

Sunday, May 21, 2006

libre to! try mo...

kay sarap sanang pitasin ng bunga ng mga pangarap. ngunit di lahat ng bunga ay masarap. may matamis, may maasim. may hinog na, may hilaw pa at kung minsan naman ay bulok na.

madalas tayong mangarap sa bituin. sa pagnanais na balang araw mapapasaatin ang taglay niyang ningning. hindi naman masama ang mangarap... pero ang mangarap ng sobrang taas, yun ang mahirap. minsan gagawin mo ang lahat para lang abutin ang pangarap mong bituin. na sa unti unit mong paglapit hindi mo na namamalayang unti unti ka ring nasusunog sa nakakapasong init ng liwanag na kanyang taglay. di ka pa nakakarating sa kanya, sira ka na. yun ay sapagkat ang bituin ay hindi para sa atin.

kung minsan naman...aabangan mo na lang ang pagbagsak ng bituin sa pag-aakalang tutuparin nito ang iyong mga hiling. ngunit muli ka lang lilinlangin! sapagkat bulalakaw lang ang iyong matatanaw. nakita mo? kapag di para sayo, hindi mapapasayo. me sariling mundo ang mga bituin na hindi talaga para sa atin.

ngunit tulad ng naunang kong sinabi. hindi masama ang mangarap. ito ang hagdan patungo sa tagumpay, nagbibigay direksyon sa ating buhay. naniniwala pa rin akong ang taong walang pangarap, malabo ang bukas. libre lang naman ito. ngunit kaiba sa panaginip, ang pangarap ay maaring mong gawing totoo. para itong isang buto na itatanim, aalagaan, palalaguin para pagdating ng panahon meron kang aanihin.

MORAL:

  • ang star ay hindi bunga. iba un sa star-apple
  • mangarap lang ng bagay na alam mong kaya mong abutin. ang lahat ng sobra, masama na!
  • wag nang gambalin ang nanahimik na bituin.
--------------------------------------------------------------------

*hey, everyone...sori naman hindi na ko masyadong nakakadalaw kase infected ng spyware/adware ang PC ko sa opisina..waaaaaaaaaaah!

Tuesday, May 16, 2006

yes you are...


You are a star in the night
That seems to be shining so bright
But I can’t hold you tight
Nor even kiss good night



You’re as busy as a bee
A bird aiming to be free
Floating and flying high
Soaring, exploring the sky


You are the love of my life
My long awaited knight
But you seem like a kite
That flown out of my sight



You’re a song I love to hear
How I love you to be near
But the symphony you bring
Is the one that bring the tears






-------------------------------------------------------------------------------


*repost from my friendster blog. wala akong maisip na title dati and still not satisfied. open for any suggestion. thank you!

Wednesday, May 10, 2006

one last cry




mahirap magsalita nang tapos. dahil hindi lahat dito sa mundo kontrolado mo. dahil maraming mga bagay ang di mo inaasahang pwedeng mangyari. baka lamunin mo lang lahat ng sinabi mo sa bandang huli.

dumarating ung mga pagkakataon masasaktan ka. iiyak kasi masakit. tapos sasabihin mo sana matapos na ang lahat ng ito. ayaw mo na...kase nahihirapan ka. minsan di mo maiwasan, bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. muli kang masasaktan, iiyak ka na naman. pero minsan pag wala na yung sakit. hahanapin mo naman. muling mong huhukayin ung mapait na alaala ng nakaraan hanggang sa muli kang masaktan, iiyak ka na naman.

minsan sinabi ko sa sarili ko, uubusin ko lang lahat ng luha ko para sa kanya. tapos wala na. titigilan ko na! nagkamaLi ako. sa pag aakalang nauubos ang luha. isa nga pala itong mahiwagang bukal ng tubig na di mo mapipigilan sa biglang pagpatak. sing imposible ng pagpigil sa pagbagsak ng ulan mula sa kalangitan.

hanggang kelan nga ba tong kasentihan ko? ewan. di ko alam. basta ang alam ko dahil tao ako, ok lang umiyak. kahit sino ka pa man. mahirap, mayaman. bata o matanda. babae o lalake. matapang man o hindi. umiiyak tayong lahat. lungkot man ang dahilan o dahil sa sobrang kasiyahan. basta tinamaan ung maselang bahagi ng iyong kalooban, di mo mapipigilan muling bubuhos ang ulan.pero darating din ang araw. ngunit muli...paminsan minsan babalik uli ang ulan.

walang one last cry! isa yung KALOKOHAN!


mahiwaga ang luha. isa itong patunay na kakaiba ang tao sa ibang nilikha. bakit, me nakita ka na bang umiiyak na kabayo o lumuluhang aso? wala di ba? dahil ang luha para lang sa totoong tao. kaya ok lang maging senti pag minsan. hahah!



Monday, May 08, 2006

life is not that difficult after all

if 1=5





2=25




3=125




4=625





5=?

think before scrolling down....
































answer is 1




~because the first line says: 1=5



MORAL: don't complicate simple problems in life!


cheer up! life is easy.

Thursday, May 04, 2006

cleanin out the closet

pano mo huhugutin ang isang tinik kung alam mong masakit? pano kung sabay sabay mong hinugot ang lahat?

"the fire that hardens the steel is the same fire that melts the butter."

alam kong delikado ang sumugod sa apoy. batid ko ang nakakapasong init na kanyang hatid. pero minsan kailangan mong mamatay para muling makapagsimula ng bagong buhay. minsan para muling makapag-umpisa kailangan tapusin ang nauna.

mahirap iwanan ang mga nakasanayan mo na.
mahirap magbago at muling mag-umpisa
dahil una sa lahat, matatakot ka.

"it's true setting someone free is the hardest thing to do. it's not the tears you cried that makes it so hard but the small piece of hope left inside your heart that someday you'll still end up together."

detachment. mahirap. masakit. at dahil tao ka, di mo maiiwasang umasa. pero dapat alam mo kung hanggang kelan ka lang kakapit. dapat alam mo kung kelan ka bibitaw. dahil ang lahat ay may katapusan. ang araw na sumikat ngayon ay hindi maiiwasang lumubog pagdating ng hapon. darating ang gabi pero bukas may liwanag na muli.

me mga bagay na minsan iniisip mong sana di mo na lang ginawa o sana ginawa mo na lang. regrets! pero lalamunin ka lang ng regrets na yan. kelangan mong panindigan lahat ng yong ginagawa dahil sa buhay walang daan pabalik.

"no one can go back and make a new beginning but anyone can start from now and make a happy ending."

oo sinabi ko na.

parang panaginip pero totoo. akala ko pag gising magiging pukto ang mata ko. buti na lang hindi. siguro ung hindi ganun karami nailuha ko kumpura nung una pa o siguro sanay na. immune na. kapag nasobrahan ang sakit, tama! mamamanhid ka.

ngayon, kelangan ko ng bagong umpisa. kinulayan ko ang mukha ko. pilit pipintahan ng saya. para alam nila walang problema.

Tuesday, May 02, 2006

alay sa mangagawa

Maraming nagsasabing sila'y mababang uri
Ngunit sa lahat sila ang dapat ipagbunyi
Sapagkat lahat sila’y nagsisilbing bayani
Dito sa bayan natin sila ‘y kapuri-puri

Simula bukang-liwaway hanggang takip-silim
Walang sawa nilang ginagawa ang tungkulin
Ang paglipas ng oras ay di na napapansin
Pagka't nasa isip pamilyang pinakakain

Laging nasasapuso malinis na hangarin
Laging nasasaisip magandang adhikain
Kalinisan ng loob ay hindi tatanggalin
Pilipinong manggagawa tapat sa gawain

Ang manggagawa ay handang magtiis ng hirap
Maabot lamang ang lahat ng pinapangarap
Kahit na yata katawan ay bugbog sa hirap
Sasabihing pang pakiramdam ay nasa ulap

Sa inyong manggagawa ako'y sumasaludo
Dapat magalak at maglakad ng taas-noo
Itong munting tulang ito ay alay ay sa inyo
Upang halaga nyo'y malaman ng buong mundo

-------------------------------------------------------------

dahil labor day kahapon, ngayon ko lang ipopost to. kumusta naman yun?!? la kase akong oras kahapon. walang opisina.

isa po akong pasaway na estudyante lalo na nung hayskul. kung sa bawat absent at late eh magkakaron ng dark sport ang card. napakarumi na ng card ko! pero unlike other students na peyborit sabunin ng mga titser, di ako napapagalitan. hehehE. Bakit? aba, kase magaling ako. tanong niyo pa sa titser ko. average student ako...pero nag eexcel. (kasama ako sa top student nung elementary pero nagkasakit ako nung hayskul, katam...)

madalas mas mataas pa nakukuha kong score sa exam kesa sa mga klasmeyt kong complete attendance. at kung sa project bumabawi ung ibang estudyante, sa project naman nahahatak pababa ang grades ko. di ako nagsasubmit on time. and even worst! "HINDI AKO NAGSUSUBMIT!" tamad ako, oo! pero i blamed it on my mood. ayoko kaseng gumawa ng isang bagay nang napipilitan lang. gusto ko nasa kondisyon ako. at gusto ko kung gagawa ako ung best ko. kaya kapag bara-bara, ayoko ng isumbit. ayoko kase ng grade na basta na lang. alam mo yun, it's not you. not your work!

at kung di lang dahil sa clearance, di ko yun gagawin.imagine, susulatin ko lahat ng formal theme sa English subject at sulating di pormal sa Filipino, ung pag 1st grading to 4th grading sa loob lang ata ng 1 o 2 linggo. pero walang grade. just for submission..hahahpitin ko lahat ng project ko ng sabay sabay pag malapit na ang bakasyon. ganun ako kapasaway mula 1st year.

pero nung nag 4th year na ko. medyo pero medyo lang ha..nabawasan ang pagkapasaway ko. nakakatakot din hindi makagraduate kung kulang ang project at attendance. lalo na kung di ka trip ng titser mo. bakit ko nakwento to? kase yang poem na yan accidentally kung natapos within 40 minutes class during my senior days. nung wala ang titser namin, yan ang iniwang seatwork. tapos unexpectedly, napili siyang ipublish sa school paper. flattering huh. at di lang yun. kahit nung sumunod na taon ipinagmamalaki ako ng economics teacher kong yun(kahit sa totoong buhay di kami close). di daw niya akalain makakagawa ako ng ganun..at ginawa pa niya akong inspirasyon para sa klase niya.

Trivia: me 14 na bigkas sa bawat linya ng tula.. ayaw niyong maniwala? bilangin niyo!

Friday, April 28, 2006

di ako sanay sa biglaan

wait, wait, wait...medyo nadadala na ko sa music, sa comment at sa last post. nak ng... baka biglang bumalik ang sakit. laughter daw is the best medicine. kaya tatawa na lang ako. the first time i read this, nag enjoy talaga ako. sana mag enjoy rin kau!


SAPOL Ni Jarius BondocAng Pilipino STAR Ngayon 11/25/2005

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay!Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr. Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."


aw! hak..hak..hak...

Wednesday, April 26, 2006

----------->my secret love<-------------

i've always dreamed of perfect love
prayers are sent to God above
too bad! destiny has been tough
'cause i have waited long enough

one day i came to realize
there's that someone i think i like
can't remember how it all starts
but he's been always in my heart

when he asked me if i love him
i was shocked i can say nothing
oh shit! i even lied to him
now i’m suff’ring in what it brings

why in the hell did i say no?
that’s the moment I’ve waited long
think i’m stupid maybe I’m wrong
sayin’ i love him just in song

knew i love him but i won't show
maybe i'm afraid, he would know
cause i'm not certain, i'm not sure
if he will love me in return

i THINK i love him, no i don't!
'coz not MIND, it's the HEART that talks
but guess, i have to use them both
to lessen the aches, that's it folks

so sad you have to feel the pain
before you can have all the gains
no! i dont wanna wait in vain
someone,please...help me stop the rain




* this is my first ever post in my first ever blog. at dito nagsimula ang lahat. di po ako senti ngaun. i just love this poem. i find it beautiful. dito ako nagsimulang nainspired gumawa ng mga tula.

TRIVIA QUESTION: how many syllables are there in a line?
which line does not belong to the group?

Saturday, April 22, 2006

love quotes

who should be blame when a leaf fell from a tree?









is it the wind that blew it away?










or the tree that let it go?












or is it the leaf itself which never held tight?






love can never be wrong....
sometimes you blame the situation
or even the person
but no matter who you blame
if it really wasn't meant for you...



"it just wouldn't be..."




love is like a bird.
you have to set it free
and let it fly.
if it is really for you
it will return no matter how you let it go


but if not, let it be...
maybe it's happy
finding a beautiful place to rest
on somebody else's nest. ='(


*this post is dedicated to ejhay, bulits, lukin, tito aga, erik, jhezpher and to all you guys who have loved and been hurt. peace out!

Thursday, April 20, 2006

same question

sa ilan beses ko nag pagkala-kalat sa iba't-ibang blog. ilang beses ko na ring nakita ang katanungang ito:

"bkit nagbloblog ako?"

well, matagal ko na rin natanong sa sarili ko to at sa tingin ko naman nabigyan ko ng karampatang sagot ang tanong kong ito. bago pa lang ako sa blogworld (since jan 2006) pero sa konting panahong yun natutunan ko na ring mahalin ang blogosphere at ang mga tao sa likod ng mga makukulit na pangalan dito. sa dinami dami ng mga grupo dito sa web... dito ko lang naramdaman ung feeling na "you belong!"

walang halong panloloko ang mga tao dito. in short, totoo. dahil sa blog buhay mo ang sinusulat mo. hindi katulad sa mga chatrooms at iba pang mga forums. na parang wala lang magawa ang tao at ang daming manloloko. kung me taong mang nagsisinungaling sa sarili niyang blog. well, sarili niya ang higit niyang niloloko.

wala akong idea nung una kung ano ba talaga ang blog. nakita ko lang siya sa friendster, naintriga ako kaya sinubukan ko. (walang ibang nanghikayat sakin) hanggang sa natuklasan ko rin sa post ng kaibigan ko ang blogspot.
nung una ginawa ko lang siyang tambakan ng mga tula ko at mga essay na naiisip ko. nung mga panahon tinatago ko palang sa mga linya at makulay na kataga ang tunay na nararamdaman ko.
pero ngaun nasasabi ko na lahat ng gusto ko. sa blog ko, ako ang diyos at hari ng sarili kong mundo. akin ito! at kung meron kag reklamo, e di isulat mo! comment ka pagkatapos ng post ko. dito sa blog malaya ako. nailalabas ko lahat ng pautot na nagdudulot ng kabag sa tyan ko. hahahah. ^_^

at sa blog maraming akong natutunan. sa post ng iba at sa comments nila...

isa pa nakakatuwang malamang may mga taong nakakaapreciate sa mga niloloob mo..maraming salamat sa inyo...sa lahat ng mga walang sawang nakikisentimiento!

Tuesday, April 18, 2006

bAkit?

Sabi nila lahat ng bagay dito sa mundo may kapareha… Kung may kanan, may kaliwa, kung may itaas, may ibaba. At ang bawat isang tao raw ay nilikha para sa isa pang nilikha…

Pero bakit ganun? May makikilala tayo, may makakasama at sa ati’y maghahatid ng ligaya, panandaliang saya… Aakalain mo siya na, tapos sa bandang huli, masasaktan ka lang pala. Maiiwan kang nag-iisa.

Bakit pa kaya hinayaang kayo’y magkita pa, gayung hindi naman pala kayo ang nakatadhana. Sana hindi mo na lang siya nakilala. Sana hindi ka na lang umasa. Sana ‘di mo na lang naramdaman ang sakit, di ba?

Simple lang naman ang ibig kong sabihin…. Na sana ang makilala na lang natin ay yung talagang para naman talaga sa atin. Para wala nang masasaktan di ba? Para wala nang pusong nabibitin at nagdurusa.

Bakit ba kailangan mong mahirapan pa bago matagpuan ang tunay na ligaya? Bakit yung mahal mo, nagmamahal ng iba. Habang yung nagmamahal sayo, patuloy na umaasa. Ayaw mo man siyang saktan, pero wala kang magawa. Sapagkat may hinahanap kang mga bagay na sa kanya'y tunay namang wala.

Sa pag-ibig kasi ang daming natatanga! Marami naman dyang iba, bakit nagpupumilit sa kanya? Palaging ang tanong, "bakit siya pa?" Simple lang naman ang tanong di ba? “Bkit?” Eh bakit nga ba? Ngunit walang may alam ng sagot kundi langit at hindi syensya.

Hay, naku ang buhay talaga! Puno ng pasakit at pagdurusa. Ganun talaga, paano mo masasabing masaya ka, kung di mo naranasang maging malungkot,di ba? Huwag ka nang mag-alala sapagkat hindi ka nag-iisa. Marami kayo dyang patuloy na umaasa. Darating din ang panahon na ipagkakaloob sa’yo ng langit ang tunay na ligaya.

*fyi, post ko to dati dun sa isa ko pang blog..la lang gusto ko lang i-repost dito.

Saturday, April 15, 2006

bertdey ko po ngaun!!!

dalawang dekada na ang nakakaraan.... sa kalagitnaan ng buwan ng abril, bumababa mula sa langit ang isang mapagpalang anghel. ahm. ehem. ehem.

marami nang karanasan, kasiyahan at kalungkutan... iba't ibang kaganapan. unti-unting pagmulat sa katotohan ng buhay!

paalam sa deysi...paalam as teen sa huli. ( tweenteen pa rin naman eh. eheheh) di ko man matanggap pero this is really is it! matanda na ko. waaahhh! un lang.

malugod ko pong tatanggapin at hihintayin ang regalo niyo. ahahah!

sa ngaun paalam! pasensya at hindi ako nakadalaw! bakasyon kase... sa pagbalik na lamang!

sa lunes. pagkatapos ng linggo ng pagkabuhay! naway mabago ko yaring katauhan!

malungkot pa rin ako. un lang!

Tuesday, April 11, 2006

nakakatakot...nakakapaso!

strike while the iron is hot! para mamolda mo sa hugis na nais mo. pero pano? natatakot akong mapaso ako. gusto ko sanang palamigin muna ang kain bago ko tuluyang isubo at kainin. pero nasa init daw ang sarap ng kape. ang daming pero..ang daming pano? magulo!

sa tingin ko tamang sabihing nasa katotohanan ang tunay na kalayaan. yes, the truth shall set you free. ang pagsasalita lamang ang makakapawi ng kahirapang nararanasan. ngunit pano ko sisimulan? pagbubunyag ng lihim na matagal nang iningatan.

madaling sabihin, mahirap gawin. mahirap para sakin. kelan ba dadating ang tamang panahon? ang tamang pagkakataon? pano ko malalamang yon na nga yun. pero sa tingin ko walang tamang panahon. ang bawat ngayon ay pagkakataon. kaya lang mahirap. magulo. natatakot ako. sa anong linya ko sisimulan ang awit ko? kakanta ako. tanong ulet. pano?

kaibigan ko siya. sasabihin ko ba? kahit alam kong may gusto siyang iba. or should i play safe? para ano? para hindi ako matalo? para walang manalo? pano ko malalaman kung tamang ituloy ko ang labang to.

if i won't take any single step, i'll be on the same place. at patuloy akong lulubog sa kinalulugmukan kong sitwasyon na naimo'y kumunoy na unti- unting sa aki'y lumalamon. hanggang sa hindi ko na kaya. hanggang sa hindi na ako makahinga.

ang gulo di ba? kung di mo naiintindihan, please...don't judge me by your ignorance!

"we always ask if there's still hope left or if there's still time. but we never realize that: HOPE only leaves when we doubt it and TIME only runs out the moment we give up."

Monday, April 10, 2006

sumapoL

*special thanks to erik for this photo

*special thanks din kay tito aga for the music
tumama ang sibat
di ako nakailag
puso'y nagmistulang
bubog na may lamat
salaming mababasag
sa naglalarong liwanag
ng di masumpungang bukas
at kahapong nakabakas
tumama ang sibat
di ako nakaiwas
singbilis ng kidlat
mistulang kuryenteng kumalat
lakas ay di masukat
sakit ay talamak
hapdi mula sa sugat
na di matagpuan ang lunas.
babala: mag-ingat kay lojika, malala na. nakakahawa...heheh, chika!

Thursday, April 06, 2006

anong problema?

pagnilayan ang eksena ito :

me isang tao na may tangang isang basong puno sa tubig sa isa sa kanyang mga kamay. sa konting segundo hawak niya ito ay magaan lamang pero habang tumatagal, di man nadaragdagan ang timbang nagmimistulang bumibigat ang basong kanyang tangan. patuloy niyang hinawakan sa minutong nagdaan at nanindigan sa paghawak hanggang siya'y nangalay. oras ang binilang ngunit di siya bumitaw at nang di na niya nakayanan ang kamay niya ay bumigay na naging dahilan upang madala siya sa ospital at ang kamay ay di na mapakinabangan.














anong meron sa kwentong ito? katahangan? hindi no! subukan mong silipin ang katotohanan. baka minsan isa ka ring ganyan.

di maiiwasan ang problema sa buhay ng isang tao pero kung tutuusin at kung iisipin:

"ang problema ay nagiging problema lang kapag pinoproblema ito ng taong namomroblema nito!"

ang gulo di ba? pero totoo. minsan pati problema ng iba pinoproblema mo. hindi naman masamang tumulong at lalong hindi masamang magpatulong! ang baso mo ay di kailangang maghapong hawak mo. pwedeng ipahawak muna sa iba o ipatong muna sa mesa. di kailangang dalhin sa opisina o eskwela. bitawan mo muna saka mo balikan pag wala ka nang ginagawa. may oras para sa lahat. may oras sa para magsaya at may oras para sa problema.

lahat naman tayo may pinapasang krus sa bawat balikat. krus na may iba't ibang sukat, me iba't ibang bigat. me malaki at may maliit. pero na sa pagdadala lang yan. ikaw ang dahilan ng pagtaas at pagbaba ng timbang ng iyong pinapasan. hindi naman masamang pagpahinga minsan.

so anong problema? wala naman diba?
okie! =)

Wednesday, April 05, 2006

ice age 2

wala sana akong balak ipost ito sa blog kaya lang nakakahiya naman kina tito aga at kay lukin kase me link ako sa mga post nila ngaun.unfair kase madadagdagan ang hits ko dahil sa kanila tapos sila hindi. he he he

ang aga ng mga post nitong dalawang to. certified blog addicts talaga!ako, inaantok pa ko, 12 na ko nakauwi kagabi. dapat pala di na ko nagkape di tuloy agad ako makatulog. ang sakit ng ulo ko ngaun! puyat, ubo, sipon, (heartache,ay! erase pala to) , sabay sabay! lahat na!

nanood kami ng Ice Age kahapon. biglaan lang, walang balakat bigla lang nagkayayaan. kitakits daw, walang indianan..heheh, ngaun ko lang sila nakita in person. pero sa picture matagal na (nung pinanladakan nila sa blogosphere), kaya madali ko sila narecognize. at pareho pa silang nakablue. buti na nakagpalit ako. dapat sana kase blue rin suot ko.

ung movie, ok lang for me and lukin, nakakaaliw nga eh. pero si tito aga ata bitin! masama ang loob. ang igsi raw. masyado kase siyang nadala sa review na nabasa niya.kaya iniexpect niya na sobra sobra sobrang ganda. kaya yun pagkatapos, disappointed! pero maganda naman. tito aga talaga.

at bago matapos ang movie, ano raw? "sometimes you have to leave your past to have a future!" (tama ba?) aw naman. nananadya ata ang movie na ito. ang luffeet ng lesson. aw uli!sapul na sapul saming tatlo! haha..

pagkatapos ng movie, konting kwentuhan, syempre tungkol sa blogging. alangan namang tungkol sa lablayp, e wala naman kami pare pareho nun! (ano ba un? tiningnan na namin sa dictionary wala naman ah!)

hehehe. ang kulit nga ni scrat!

Friday, March 31, 2006

sakit sa sarap

Umiyak ka maghapon magdamag
Pigain ang emosyong nagpapabagabag
Sairin at tuyuin, sairin at ubusin
Hanggang sa sariling luha ikaw ay malasing

Lulutang lutang, gegewang gewang
Sayaw lang na parang isang buwang
Muli ay ang iyong pagkadarang
Bukas ka bumawi, bumangon ka na lang

Pagkat ang rosas na walang tinik ay di ganap
Ang kapeng walang pait ay walang sarap
Kung ikaw nga ay nagmamahal ng tapat
Ang pag-ibig na walang sakit ay di sapat

Ang pag-ibig na walang sugat
Ay isang dagat na walang alat
May timpla ngunit matabang
May lasa ngunit kulang.

Kumusta naman? tula ba ito?

Thursday, March 30, 2006

tighawat!

tighawat sa ilong, pati na sa pisngi... sa kaiisip sa'yo... tighawat dumarami

totoo pala yun! kung tutuusin hindi naman talaga prone to pimples ang mukha ko. e di sana nung hayskul palang during my puberty stage eh naglabasan na ang lahat ng to... noon kahit
hindi ako maghilamos, ligo lang! hindi ako nagkakatighawat! kahit sobrang active ng katawan at kahit anong likot ko,wala! magkatighawat man ako minsan lang.

sabi ng friend kong nakapansin, stress lang daw to. kase sinabay ko ang studies sa trabaho (opo, working stud ako pero haler???? 3 subject lang ang kinuha ko). di ko naman masisisi yun sa maruming hangin ng siyudad dahil tatlong taon na ko dito, ngayon lang nangyari to. isa pa aircon ang sinasakyan kong bus at maghapon na rin ako nasa airconditioned room. sabi ko siguro nga dahil sa trabaho kase nabago rin yung daily routines ko kaya ng aadjust lang ung katawan ko. sabi naman ng tita ko, baka dahil sa hinahawakan kong mga papel dito sa opisina, marumi rin daw yun kase yun.

pero inisip ko...kelan nga ba nagsimula to? 3rd year first sem. ang daming naglabasang red-mountain-like spots sa mukha ko! sh*t! dun ata nagsimula ang lahat. wala pa kong trabaho nun kaya di talaga trabaho ang dahilan. akala ko dahil sa ilang araw na puyat dahil sa pagrereview at panggagawa ng mga files na kelangan kong isubmit.

pero bakit hanggang ngaun, pabalik balik na lang ang mga nakakairitang tighawat na to? nung isang araw, eto na naman... nacoconcious na ko. tinanong ko yung opismeyt ko. "bakit kaya ang dami kong tighawat?" sabi niya: "naku kaiisip yan!"

marahil nga un ang dahilan. tama! kase simula ng 3rd year nang magsenti ako ng ganito. sobra akong nag-isip, tapos sasabay ang exams, sasabay ang deadline sa trabaho, sasabay ang puyat,
sasabay lahat. but the root cause is "sobrang nag-iisip ako at nagpapaapekto, sobra na sa emote!"
nagtanong uli ako: "bakit kaya nagkakatighawat kapag nag-iisip...????"

hmmmpp..di ko na inisip ang sagot sa tanong ko. sabi ko kapag nag-isip pa ako, lalong madagdagan ang tighawat ko.heheh! =]

Tuesday, March 28, 2006

tag~ay pa rin...

last week ay nabulabog na chain post ang halos buong blogosphere... kahit san ako pumunta me TAGay. AT DAHIL AKO AY SIKAT, AKO AY VICTIM! dahil sa isa ako sa makulit na blogger na pakalat kalat sa blogosphere, siyempre isa ako sa napagtripan ng TAGayang ito?

aba! at kay momi neng dalawang TAGay agad. na-post ko na yung una. and since bago pa lang ako sa mundo ng blog. first time ko maexperince ang maTAGayan.. kaya hindi ko rin masayadong naintindihan nung una ko siyang nabasa. kaya yun isa lang yung naipost ko.

tapos after sometime eh napagaalaman kong me ibang TAGay pala ako sa bahay ng ibang bloggers! kay karmi at kay jaja. naloka ako dun ha! nalashing ako... but since medyo busy busyhan ako sa trabaho di ko muna siya ginawa.

at ngaun bago mapanis ang TAGay na tatlong beses na inalok saken, ginawa ko na siya ...at least sabay sabay na 3-in-1 reply diba? mukha naman interesting tong TAG na to eh.. i love music and i'm into these song right now.. isa pa tama si mmai neng, para mabawasan naman ang kasentihan ng blog na to.

ito ung TAG------>

Rules: List of seven songs you are into right now. No matter what the genre. Whether or not they have words or even if they're any good, they must be the songs you enjoy right now. Post this instructions in your blog along with your 7 songs then tag 7 people and see what they are listening to.

  1. lagi mo na lang akong dinededma by rocksteddy
  2. muntik na kitang minahal by carol banawa
  3. til my heart aches end by ella mae saison (tama ba?)
  4. constantly by nina
  5. sway by bic runga
  6. i'm officially missin u by tamia
  7. we belong together by mariah carey

*at ung seven people...wag nah! who cares about the rules! hehehh..peace out... pero sa totoo lang naubusan na ata ako ng blogger na iitag sa sobrang late ko nagrespond dito.