Friday, August 18, 2006

joyride

noon, tahimik akong naghihintay sa waiting shed ng aking buhay- _____ . normal pa saken ang lahat. at sa pagkakaalam ko busy ka naman dun sa waiting shed mo dahil sa hinihintay mong tao. tapos bigla na lang, dala ng panahon at hiningi rin siguro ng pagkakataon. nagkalapit ang landas mo at ang landas ko. ikaw lang at ako. niyaya mo ako, joyride tayo. ayoko, sabi ko. natatakot ako. ayokong makipaglaro. seryoso ako. hindi nga lang siguro halata. pero seryoso ako. matalino kase ako o takot lang akong maging tanga at mapagtawanan ng iba. isa pa di ko kabisado ang laro mo. alam kong hindi ako! pero dahil mapilit ka, ako'y nadala. sinakyan kita. kahit papano nag enjoy naman ako. kahit na sabi ko sa sarili ko hindi ito totoo. naglalaro lang tayo. bukas bukas matatapos rin to. hanggang isang araw nga, muling hiningi ng pakakataon, dala na rin ng panahon... kailangan mo uling umalis at kailangan ko na ring lumayo. balik sa normal ang buhay ko. bumalik ako sa waiting shed na pinanggalingan ko. pero me nagbago. maraming nagbago. sa di ko maipaliwanag na dahilan naging malimit ang mga sandaling naglalaro sa isip ko ang alaala nating dalawa. namimiss ata kita. at yung mga pagkakataong ikaw at ako, magkasama. wala naman akong dahilan para masaktan. wala akong karapatan. pero siguro isang bagay lang... di ko kase nasabi sayo!!! kahit ung katagang "i miss u". at kahit ang sarili ko, niloloko ko. pilit tinatago ang nararamdaman ko.


pero mahirap pa lang igapos ang puso. dahil habang pinipilit mong pigilan lalo lang magwawala. walang higit namahihirapan, kundi ikaw lang. masakit. masikip sa dibdib. sa bawat minutong dumaraan, unti-unting nadaragdagan ang bigat na nararamdaman na halos di ko kayanin sagipin ang sarili ko mula sa pagkalunod sa luhang nanggaling mismo sa mga mata ko. mahirap kalabanin ang sarili mo. dahil kahit sang anggulo, ikaw ang talo.

dumilim ang paligid at bumuhos ang ilang araw na ulan. nagkahang over pa ata ako. nahilo at may katagalan ring natigil ang mundo. dahil siguro umasa ako sa pagbabalik mo. baka kako isang araw magkasalubong uli tayo. kahit alam ko naman sa sarili ko na naglaro lang noon tayo. alam ko. hindi ako. matagal rin akong nangapa sa dilim hanggang sa nagpasya akong linawin ang lahat sayo. hindi naging madali. dahil hindi ko alam kung pano. pero kelangan para maituloy ko ang byahe naudlot nang dahil sayo. nandito na uli ako sa waiting shed ko. pero wag kang mag alala hindi ikaw ang hinihintay ko. alam kung me hinihintay kang ibang tao. nililinis ko lang ang kalat ko at binabalik sa normal ang buhay kong minsan nabulabog sa bagyo.

14 comments:

lheeanne said...

Ayan bumalik narin ang Lojika na kilala ko.. yahooo. senti na nman ito... waaaaaaa...

Ill be praying na sana me dumating nalang bus para ikaw na mismo ang pumunta dun sa taong hinihintay mo, para malaman mo bkit sya late sa tagpuan nyo... sana rin sa pag daan ng bus, may nag bebenta ng quail egg sa loob para incase gutumin ka e may makakain ka, cguro me dala din nman ung mineral water para in case mabulunan ka e may panulak ka... minsan me mga nagbebenta rin ng mga chichiria, piliin mo nlang mga kakainin mo kc yung huling kumain ng fish crackers naospital daw dahil sa sakit sa bato... hayan mahaba nayan.. ginulo kolang ang kwento mo! ahahah

Anonymous said...

mare...

wow.. may pinaghugutan ha.. mahahawa na naman ako sau nyan eh! hehehe.. pero ok lang..

sa buhay ng tao, marami kang makikilala.. makakasalamuha.. lahat sila magiging parte ng buhay mo, pero di lahat ay magtatagal kasama mo.. maaari kang masaktan, matuwa, o kaya magalit sa kanila.. ganyan lang talaga kasi ang buhay..

ang importante, sa bawat tao na makikilala mo, ay naging masaya ka kahit na saglit lang syang tumambay sa waiting shade mo.. may natutunan ka..

hay nku mare.. hehehe.. basta, enjoy life..

Anonymous said...

saklap namang joyride yan ..binagyo tsk tsk tsk tsk!!! punta ka sa bansang walang bagyo para masarap ang joyride

jlois said...

"nililinis ko lang ang kalat ko at binabalik sa normal ang buhay kong minsan nabulabog sa bagyo."
thats the spirit!, kaibigan lahat tayo dinadaan ng bagyo ang buhay walang makakaligtas dito minsan yung iba hindi lang bagyo kundi unos pa, lagi lang natin iisipin na sa pagkatapos ng bagyo may naghihintay na bahaghari, kung may dilim sa buhay meron din liwanag at kung may gabi meron bukas na naghihintay.. sige na nga kantahan na lang kita..

Huwag damdamin ang kasawian
May bukas pa sa iyong buhay
Sisikat din ang iyong araw
Ang landas mo ay mag-iilaw

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas

May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas

May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

cheers! :)

C Saw said...

haaaaaaaaay joyride...
may mga larong mapanganib
at may mga sandaling namamalagi.

Jam said...

Hi! This is Jam from jammedph.com. Currently, I am having problems with my host so I have to change location again. Temporarily, I will be using my blogspot.

By the way, thanks for visiting my lyrics site.

Anonymous said...

ayos! senti post! jan kayo magkakasundo ni ardeepineda! anong kalokohan nanaman ang ibinato sa'yo ng buahy lojik?

kung may maitutulong ako, sabihan mo lang ako. bukas ang aking pintuan sa mga taong katulad mo na maraming hinanakit sa pagibig... handang makinig. handang makisenti. dahil nasa katulad na pahina rin si ardeepineda...

kung gusto mo, add mo ako sa ym. type mo lang si 'ardeepineda'. hehe

kaya yan! kakayanin! ingat!

Sinukuan said...

nako, ate sabi ko diba, never fall in love with a poet. ate, isa kang poet at nakakamatay ka. anyway, gogogo lang =)(ang labo ko)

Unknown said...

Itong kasentihang ito ang isa sa dahilan kung bakit gusto kong nasa roll kita. Variety. Emo. I like it!

You're good talaga Lojikaaaa!

Cheers!

Anonymous said...

antindi mo tlga miss senti hehehe

tama ka dyan... tuloy lang ang takbo ng buhay....

Anonymous said...

pag-ibig...
kung hindi uukol
hindi bubukol.

taas kamay sa mga taong marunong umibig!

Wendy said...

Chill lang lojik... chill! That's life...

nixda said...

masarap ... masakit ... ang magmahal ;)

"It is impossible to repent of love. The sin of love does not exist."
~ Muriel Spark

dapat nga lang na malinis uli ang waiting shed dahil isang araw, mapapadaan din ang isang tunay na "prinsepe" ... kalimutan mo na ang palaka, naligaw lang nang dahil sa bagyo, heheheh!

Redg said...

Takte nakakarelate ako. :| Nice post! Senti na naman. :P