Friday, August 25, 2006

mahirap...

akala ko matalino ako pero bakit di ko maintindihan?
akala ko matapang ako pero bakit natatakot akong masaktan?
akala ko madali lang pero bakit ako nahihirapan?

...ang hirap! mahirap....

mahirap gisingin ang nagtutulugtulugan.
mahirap sabihan ang taong nagbibingingihan.
mahirap pilitin kung talaga namang ayaw.
mahirap rin naming tumanggi kung talagang gusto mo naman.
mahirap huminga nang walang hangin.
mahirap lumakad nang walang tutunguhin.
mahirap mag-isip nang walang iisipin.
mahirap magsalita kung walang sasabihin.
mahirap ang makipaglaro sa taong tuso.
mahirap magmahal kung wala ka nang puso.
mahirap tumawa kung di ka naman nagagalak.
mahirap ngumiti kung puso mo’y nabibiyak.

mahirap… mahirap…
mahirap gawing masarap ang mahirap.


wala naman kase talagang madali!
*repost from my friendster blog... (01.09.06)<---see january!

14 comments:

nixda said...

hooossshhh ... nahirapan ako doon ah! ang bigat ng dating pero sarap basahin! Matalino ka naman talaga, pero kahit sino pagdating sa PAG-IBIG ... puso ang gumagana, di utak ;)

The heart has reasons that reason does not understand.
~ Jacques Benigne Bossuel

*pirated na naman! hahahah

eto madali ... gumawa ng intriga!

...ehem, may prinsipe ng naligaw? heheheh!

^^ labs u ralpht ' mabait yan' ^^ *peace*

C Saw said...

pero madali lang maging mahirap!

Wendy said...

Pahabol... mahirap problemahin ang 'di naman problema!
Keep on smilin' Lojik... Chill ka lang nang chill...

God speed!

Sinukuan said...

mahirap rin naming tumanggi kung talagang gusto mo naman.


-ito na siguro ang pinakamahirap.

Anonymous said...

mahirap maglakad kung wala kang paa.
mahirap magsalita kung ikaw ay pipi
mahirap ngumiti kung nguso mo'y may biyak

wala lang nangungulit lang! :)

pero tama ka wala naman talagang mdali, lahat ng bagay kailan paghirapan bago makamtan.

Anonymous said...

pero anong sarap kapag nagupo mo ang paghihirap.'di ba?

ev said...

mahirap nga!;)

Ann said...

Walang pinipiling estado sa buhay ang mga pagsubok, hindi mo kailangang maging matalino para hindi magkamali. Dumarating sa buhay natin yung hindi natin alam which way to go.

Anonymous said...

mahirap..

mahirap talaga mare..

mahirap ang maging pangit lalo na kung kyut ka..
mahirap ang mag-isip lalo na kung tungkol lang ito sa love..
mahirap ang mag-isa.. kaya nga nakilala mo ko eh.. :)

hehehe.. korny na b....

lheeanne said...

hirap nman

Anonymous said...

ei c saw mahirap din ang maging mahirap ano

The Guy in Red Sneakers said...

we try, daily, my good friend.

to smile. despite the.. you know.

and i don't know about you, but i'm getting there.

the attacks are few and far between na. and they don't stay with me all day, anymore.

thank you na rin, since you have been good company.

i love you.

nixda said...

EHEM!!! uli :D

*ej suesse, sama kaya natin si ralpht sa EB natin ;)

tapos i-post mo, nang nagtagpo ang prinsipe at prinsesa *kilig* ~ may bagong papel ako ah ...

***ralpht ... ano sa palagay mo??? sumagooooottttt kaaaaa!!! heheheh

nixda said...

uy, narinig ako! heheheh

anong meron? wala nga eh, ala kang princesa at ang nakatira naman dito
nagsisimiento :D

abah, lojika ... natakot yatang mapikot, kala ko pa naman baka maging love-at-first-sight *wink*

ganda na ng plot na naisip ko, habang nanjan ako sa pinas, baka ako maging Ninang then sasabay kayo pabalik sa Europe para sa honeymoon! romantic di bah, lalo na sa Paris! (kopi-right ko ang stoweee ha)

para naman mag-iba na kulay dito, tutal si Marina ka naman pede mong manahin ang dati kong kulay pulang template then ang title ng bahay mo ANG SAYA-SAYA KO di na SENTIMIENTO! oh ... bagay na bagay! hahahah

*baka mapikon na may-ari dito, indiyanin ako sa EB namin! pero di lang SIYA malalim, malawak pa ang pag-iisip :)

oist, joke lang ha! walang kulay din mga comment ko ... para lang masaya tayo ;)
i-delete mo na lang kung below-d-buntot na :P