Sa unang pagmulat ng aking mga mata
Habang sinasalubong unang sinag ng umaga
Aking lalamunan ay naghihintay na
Aking mga labi ay nasasabik na
Masarap sana kung tama ang timpla
Lalo’t higit habang mainit pa.
Ngunit wag biglain baka mapaso ka.
Gumamit ng kutsara ‘t tikman kung ayos na.
Saka ilapat ang mga labi sa tasa.
Saka higupin at namnamin ang lasa.
Damhin ang init na guguhit sa sikmura’t
Gigising sayo’t sa buo mong diwa
Kapeng kaba ang dinudulot
Kapeng saki’y di nagpapatulog
Parang pag-ibig na nambubulabog
Naging dahilan upang dibdib ay kumabog
At kahit ilang beses na ako’y mapaso
Umabot mang sa puntong malapnos mga nguso.
Babalik at babalik muli sa’yong pagsuyo
Upang muling madama init ng pagsiphayo.
Anong meron ka’t ako’y naadik
Anong meron ka’t ako’y nasasabik
Parang pag-ibig na nais makamit
Timpla mo’y pinaghalong tamis at pait
____________________________________________
Habang sinasalubong unang sinag ng umaga
Aking lalamunan ay naghihintay na
Aking mga labi ay nasasabik na
Masarap sana kung tama ang timpla
Lalo’t higit habang mainit pa.
Ngunit wag biglain baka mapaso ka.
Gumamit ng kutsara ‘t tikman kung ayos na.
Saka ilapat ang mga labi sa tasa.
Saka higupin at namnamin ang lasa.
Damhin ang init na guguhit sa sikmura’t
Gigising sayo’t sa buo mong diwa
Kapeng kaba ang dinudulot
Kapeng saki’y di nagpapatulog
Parang pag-ibig na nambubulabog
Naging dahilan upang dibdib ay kumabog
At kahit ilang beses na ako’y mapaso
Umabot mang sa puntong malapnos mga nguso.
Babalik at babalik muli sa’yong pagsuyo
Upang muling madama init ng pagsiphayo.
Anong meron ka’t ako’y naadik
Anong meron ka’t ako’y nasasabik
Parang pag-ibig na nais makamit
Timpla mo’y pinaghalong tamis at pait
____________________________________________
*old post galing sa friendster blog ko (1.11.06).dahil busy busyhan ako. at di ko malagyan ng conclusion yung bagong sinusulat ko. kelangan siguro magpakondisyon muna ako for senti mode dahil mahirap palang magsulat nang kulang sa emosyon.
_____________________________________________
adik ako sa kape. di ko na alam kung kelan ang huling umaga na inumpisahan ang araw na walang kape sa harap ko. halos araw araw, nakakaubos ako ng dalawang tasa ng kape.isa sa umaga. isa sa hapon.
para magising ang diwa ko sa umaga, magkakape ako. pag inaantok ako, magkakape ako. pag nilalamig ako, magkakape ako. pag me hang over ako, magkakape ako. to sum it up, malaking tulong saken ang kape. i love you na talaga!
a coffee completes me. and one more thing i love about coffee that also makes it different from love?!? di niya ako pinaiiyak. ever!
24 comments:
pnge ng ng kape mare.. antok-ntok portion na naman ako dito sa trabaho.. hehehe..
di ako marunong magtimpla ng kape.. medyo memorable din para sa kin ang kape dahil un ata ng ilang beses inalok sa akin ng tatay ni pare ko.. hehehe...
ang sarap din ng kape lalo na pagtapos ng inuman session! hehehe..
a coffee completes me. and one more thing i love about coffee that also makes it different from love?!? di niya ako pinaiiyak. ever! >> aus to ah!!! ^_^
mare, sabi ng pinsan ko masarap raw akong magtimpla ng kape. siguro practice lang kelangan. tsaka pag gusto mo talaga isang bagay, madaling natutunan. yaan mo, pag bumisita ka sa bahay namin, pagtitimpla kita!
barkada + inuman session + kape = 1 hpi moment...heheheheh!
talagang kinowt mo pa ang linyang un hah! aus talaga! hay...
cge mare.. if ever matuloy nga ang paguwi ko sa 2008, makikipagkita talaga ako sau, para makipaginuman at para na rin sa kape mo! hehehe.. :)
magpapraktis na ko sa bahay.. ipagtitimpla ko na sila ng kape!! :)
uy, ayos! inuman ito! eheheh..excited na tuloy ako. that's more than 12 months mare...mahahabang praktisan un ah! soge, pakondisyon ka muna!
kaya lang mare, sa quezon ang bahay ko! dun, teritoryo ko. pag dito sa metro, nakikitira lang ako! eheheh!
mare.. sa marikina naman ang balwarte ko.. sa quezon? aus lang... malamang naman na uuwi kami ng lucena eh.. kita na lang tau! :)
exciting!!! hahaha.. sana lang matuloy...
hala, ginawang chatroom ang box!
coffemaker pala kung ganun ang dapat iregalo sa bday mo!
ows, kung napaso dila mo sa paghigop ng kape, di ka iiyak? heheh
eto naman kopi ko ... "pag gusto mo talaga isang bagay, madaling natutunan" ... kasali ba jan ang LOVE? hmmm???
mas gusto ko pa rin yan, kahit paiiyakin ka ;)
adi + logik + kape = iyakan..?
__________
BAWAL magdala nang gripo.
naku mukhang malamig na yung kape mo. heto gusto mo?
kapag nag-iyakan kayo habang nagkakape baka umalat kape nyo. masarap ba yung maalat na kape?
masarap talaga ang kape. kami ng mga dormmates ko eh ito ang paborito bago umpisahan ang gabing walang tulugan. o kaya naman tapusin ang inuman, harhar!
pero palaging frothe o nescafe ice ang kape namin. ewan ko rin kung bakit di kami mahilig sa mainit na kape. hehe!
napadaan po!
Aba masarap nga ang kape lalo na kung may cream... tara starbucks tayo!
Ano nga ba meron ang kape? Kung di ko pinipigilan mga kids ko mas gusto nila ang coffee. Di yata ok sa bata ang kape.
"and one more thing i love about coffee that also makes it different from love?!? di niya ako pinaiiyak. ever!"
naks!agree ako jan!di ako nagkakape pero parang gusto ko na dahil sa entry mo!hehehe
wow! nice poem in tribute to coffe ah! caffeine addict din ako so my sentiments are with yah! LoL ;)
tara, kape tayo! =)
tita neng, hehehe! di na kase ako makapag ym! nakavault kase ung system...me virus na naman!
basta lagi kang nandyan,hapi ako kahit walang regalo. pero mas hapi kung meron! eheheh!
hindi naman ako iyakin, kaya kahit mapaso ako. tapang ata to!
sa LOVE? oo. pag gusto mo... pero mahirap turuan ang puso lalo na kung ayaw nito. i still prefer love either but way much better kung di na niya ko paiiyakin.
to my senti buddy adi, naaah! hindi siguro. hindi na kase emo. not wallowing it anymore... no to iyakan moments,ok... nakakatanda yun. nakakapanot. hala ka! pish out.... pagkain na lang dalhin mo! busog pa tayo.
c, kapeng maalat....hahahah! parang di maganda! salamat sa kape. at sayo! for everything! drama! hahaha....
tk, tara, starbucks tayo! pero pano? ang layo mo! ahahah.. pwede pala kaya lang magkahiwalay... pero tk, MAHALang ang starbukoL, timpla na lang kaya tayo? eheheh
garnet girl, salamat sa pagdaan, pakikisenti at pakikikape. i also love cold coffee either.
mish, hi! salamat. naenjoy mo sana ang pagkakape...heheheh!
mami ann, addictive talaga ang kape. na parang me halong sekreto ng sarap..babalik at balikan mo talaga.
ev, wow! promoting coffee ang eksena ko dito.. wag mo kong sisihin pag naging nerbyosa ka ha!
agree ba? eheheh...
mayang, thanks! dapat ata magtayo tayo ng adik-sa-kape club!^-^
tito aga! tara! libre mo ko!!!! ahahah
rhoanne, salamat sa komplimentaryo! sentihan ang kase ang masteral ko! ahahah. sa totoo lang sa blog lang na to! sa totoong buhay makulit akong tao!
nakisenti:
-masarap magyosi habang nagkakape.
tama-hindi rin ako pinaiyak ng kape.hindi rin ako pinaiyak ng yosi.
at - hindi rin nila ko iniwan..
dreamweaver, yeah right di sila nang iiwan. pero sa coffee na lang ako. silent killer ang yosi. mas mabilis kesa sa kape.
coffee coffee forever ..sali ako sa kilusan ng mga adik sa kape :)
Hello! Nakakauhaw naman ang kape na yan. Hehe.
i think i need to coffee now... hehehe
melai, oo ba! tayo ang pioneers and officers! cheers(*me hawak na kape)
jam, thanks for the visit. kape ka lang... heheh! libre yan!
cruise, tara coffee tayo! anong bagong drama mo?
ako rin! i love coffee!!! haha. kung pwede nga na yun na lang ang aroma sa loob ng kwarto ko e... sabi ko nga sa nanay ko, maglagay ng coffee maker sa kwarto ko para amoy kape dun! haha
kape kape kape.. Di ako mabubuhay ng walang kape... yosi yosi yosi... di ako mabubuhay ng walang yosi...
kape + yosi = heaven on earth
nakakatakot yung itsura ng kape! parang may lason! tsaka parang gawa sa isang radio active na material.
Post a Comment