Thursday, April 06, 2006

anong problema?

pagnilayan ang eksena ito :

me isang tao na may tangang isang basong puno sa tubig sa isa sa kanyang mga kamay. sa konting segundo hawak niya ito ay magaan lamang pero habang tumatagal, di man nadaragdagan ang timbang nagmimistulang bumibigat ang basong kanyang tangan. patuloy niyang hinawakan sa minutong nagdaan at nanindigan sa paghawak hanggang siya'y nangalay. oras ang binilang ngunit di siya bumitaw at nang di na niya nakayanan ang kamay niya ay bumigay na naging dahilan upang madala siya sa ospital at ang kamay ay di na mapakinabangan.














anong meron sa kwentong ito? katahangan? hindi no! subukan mong silipin ang katotohanan. baka minsan isa ka ring ganyan.

di maiiwasan ang problema sa buhay ng isang tao pero kung tutuusin at kung iisipin:

"ang problema ay nagiging problema lang kapag pinoproblema ito ng taong namomroblema nito!"

ang gulo di ba? pero totoo. minsan pati problema ng iba pinoproblema mo. hindi naman masamang tumulong at lalong hindi masamang magpatulong! ang baso mo ay di kailangang maghapong hawak mo. pwedeng ipahawak muna sa iba o ipatong muna sa mesa. di kailangang dalhin sa opisina o eskwela. bitawan mo muna saka mo balikan pag wala ka nang ginagawa. may oras para sa lahat. may oras sa para magsaya at may oras para sa problema.

lahat naman tayo may pinapasang krus sa bawat balikat. krus na may iba't ibang sukat, me iba't ibang bigat. me malaki at may maliit. pero na sa pagdadala lang yan. ikaw ang dahilan ng pagtaas at pagbaba ng timbang ng iyong pinapasan. hindi naman masamang pagpahinga minsan.

so anong problema? wala naman diba?
okie! =)

20 comments:

Anonymous said...

ang masama yung buong panahon e pinapahinga mo...yun lang :)


TULAD KO!!

wahehehehehehe!

masama ako lol!!!!

ang sama sama ko hehehehehe!!!!

pb said...

hindi masama yang si melai. hehe.

ganyan din ako dati... pinoproblema ang hindi dapat problimahin pati problema ng iba. naadik ako dati sa pagbibigay sulusyon sa problema pero pass muna ako.. nakakapagod din. hehe... pahinga muna.

ang mga krus may ibat ibang kulay din po. hehe.

nixda said...

kaya nga iyang baso gamitin na lang natin sa tagayan!!! hehehe

saang nga ba tayo magpapakalashing??? gusto kong uminom ... bago masayang yang tubiggggg :D

Marina, tubig nga lang talaga problema natin! Prosit!

Anonymous said...

melai: korek ka jan, ang sobra ay masama... dapat dun lang tau sa tama. anong problema, melai? u use to uplift spirit dati...bkit ganyan ka ngaun?

phoebe: cross with different colors, astig!

mami neng: la niƱa na..marami nang tubig..tagayan na tau..walang problema

tekla: tama, pagalingan lang yan magdala. magpaapekto, talo!

Anonymous said...

tara inuman na lang! manlibre ka, sagot ko kwento.

Anonymous said...

lukin: marami akong kwento, di ko kelangan ang sau.hahah!

Anonymous said...

malamang, ang sarap problemahin ang problema ng iba, whahaha!

ie said...

basta ako, okei na ako sa baso ko. wala nang laman. saka pinatong ko na rin sa kung saan.

sana ikaw din.

summer na. boracay na 'to! :]

The Guy in Red Sneakers said...

this used to be my stayl.

so i see friends na kayo ni apol ko. kaklase ko siya in three subjects. and she calls me adrian.

The Guy in Red Sneakers said...

you, however, can call me adi. you and other close people lang.

i didn't get this post mo. anyways...

see you around. it's galera for us naman. us being family and extended family. starting tuesday, which ends the Finals stretch sa school (bukol).

not that you asked. i just liked making kwento and all...

Anonymous said...

oh yeah i agree!

jlois said...

ang kulit ng mga comment dito ah, pero may isang serious hhmmm.

michelle said...

i'd rather hold my own glass thank you...

I entrust my life to no one, aaaayt.
aus.

Sinukuan said...

hmmm... ang pride nga naman.kaya yun ang greatest sin eh. well, base sa katolikong pananaw.

Anonymous said...

di ko nagets...

http://img81.imageshack.us/img81/4562/whatisthis1mc.jpg

Ann said...

be sure na pinoproblema ka rin ng pinoproblema mo, kakabaliw pag ikaw lang ang laging nag-iisip...kaya wag na lang problemahin ang problema..hehehe lalo yatang gumulo.

Anonymous said...

ati wala problima... inom pa hik hik...

Anonymous said...

may tama ka! ang problema di dapat pinoproblema. Seek for solution, not a resolution! (sing muna ako ng tulog na)

The Guy in Red Sneakers said...

you asked, so...

si apol. yung may pic lately mula sa liliw, laguna, senti...

mixxedemotions blog niya.

C Saw said...

*kamot ulo*
basta alam ko, mahirap lutasin ang problema kung ndi alam kung ano ang problema.