*special thanks to erik for this photo
*special thanks din kay tito aga for the music
tumama ang sibat
di ako nakailag
puso'y nagmistulang
bubog na may lamat
salaming mababasag
sa naglalarong liwanag
ng di masumpungang bukas
at kahapong nakabakas
tumama ang sibat
di ako nakaiwas
singbilis ng kidlat
mistulang kuryenteng kumalat
lakas ay di masukat
sakit ay talamak
hapdi mula sa sugat
na di matagpuan ang lunas.
sa naglalarong liwanag
ng di masumpungang bukas
at kahapong nakabakas
tumama ang sibat
di ako nakaiwas
singbilis ng kidlat
mistulang kuryenteng kumalat
lakas ay di masukat
sakit ay talamak
hapdi mula sa sugat
na di matagpuan ang lunas.
babala: mag-ingat kay lojika, malala na. nakakahawa...heheh, chika!
18 comments:
nang tumama ang sibat
bakit dika umilag
puso mo sana'y hindi
parang salamin na nabasag
sa madilim na kahapon na
iyong binabalik-balikan
pag tama ulit ng sibat
pag-ilag ay iyong siguruhin
upang ang sakit na dulot ay
hindi na muling maranasan
:)
batbat man ng lungkot
ang iyong damdamin
dumanas man ng sakit
mula sa sibat
ng kalungkutan
ngunit pilit ninanamnam
binabalik-balikan
hindi ko maintindihan
........
siguro'y mas masaya ka
na namnamin
ang pighating nararanasan.
huwaw naman! sa makata
ang blog ko'y inuulan
maraming salamat mga kaibigan
sa walang sawang pakikiramay.
heheheh.
jlois: si kupido ang may kasalanan ng lahat ng ito... sinibat ang puso ko, wala naman kapareho...=(
melai: worry not. as of the moment ok ako. matagal na tong poem na to. ngaun ko lang ipinost dito. pero uu nga, masarap balikan ang sakit. adik na ata ako. hahah, hinahanap hanap ko na siya. ang ikinatutuwa ko lang nagagamit ko ang sakit na nararanasan upang makagawa ng magandang bunga na tulad niyan
itigil na yan anu ka ba!!!!!
love is an incurable disease!
stay away from me lojika, stay away...
haha, aus!
yung babala, yung lang ang malinaw para sa akin. hahaha
sa kin rin. alis diyan! he he.
ayaw ko naaaah!!!
okay, i'll leave the last post for you to... admire?
wah! ako din natamaan na ng sibat dati... masakit nga talaga. minsan nga nararamdaman ko pa yung hapdi eh. hayz... nagpatama kasi ako.
try mo kaya mediko ung tipong patapal-tapal at
palaway-laway, baka sakaling gumaling ka pa. nyahahahahah
ipako sa krus si lojika!!!
ayaw ko ng mangarap...ayaw ko ng tumingin...ayaw ko ng manalamin...nasasaktan ang damdamin :D
Asan ba kasi yang sumibat ng puso mo?
Oist Neng! Payuhan mo kasi wag mong sabayan.
buti na lang nakailag ako!
buti na lang sakin allergic si kupido heheh d ko mararamdaman yan XD
ganyan pala ang feeling ng masibat :)
lanya ka dapat ang nick mo masokista e!! tsk tsk tsk tsk .....manang mana ka talaga kuuuuuuuuuu!!!!!
oppppsss...! inosente ako sa mga bagay-bagay na ganito..lol.. loko lang... siguro next time, mag-ingat ka! inevitable kc naman minsan ang mga ganyan.. it's life!!!! heheh... Let me study first ur situation.. hahaha! kelangan kc ng research... :-0
ayon sa mga albularyo, ang mahabang panahon daw ang magandang lunas. sa iba, ndi man tuluyang gumaling, nababawasan naman ang sakit.
makabubuti rin na may mga makakasama sa mahabang panahon lalo na yung mga patawa dahil sabi ng mga kinauukulan, laughter is the best medicine.
Post a Comment