Thursday, April 20, 2006

same question

sa ilan beses ko nag pagkala-kalat sa iba't-ibang blog. ilang beses ko na ring nakita ang katanungang ito:

"bkit nagbloblog ako?"

well, matagal ko na rin natanong sa sarili ko to at sa tingin ko naman nabigyan ko ng karampatang sagot ang tanong kong ito. bago pa lang ako sa blogworld (since jan 2006) pero sa konting panahong yun natutunan ko na ring mahalin ang blogosphere at ang mga tao sa likod ng mga makukulit na pangalan dito. sa dinami dami ng mga grupo dito sa web... dito ko lang naramdaman ung feeling na "you belong!"

walang halong panloloko ang mga tao dito. in short, totoo. dahil sa blog buhay mo ang sinusulat mo. hindi katulad sa mga chatrooms at iba pang mga forums. na parang wala lang magawa ang tao at ang daming manloloko. kung me taong mang nagsisinungaling sa sarili niyang blog. well, sarili niya ang higit niyang niloloko.

wala akong idea nung una kung ano ba talaga ang blog. nakita ko lang siya sa friendster, naintriga ako kaya sinubukan ko. (walang ibang nanghikayat sakin) hanggang sa natuklasan ko rin sa post ng kaibigan ko ang blogspot.
nung una ginawa ko lang siyang tambakan ng mga tula ko at mga essay na naiisip ko. nung mga panahon tinatago ko palang sa mga linya at makulay na kataga ang tunay na nararamdaman ko.
pero ngaun nasasabi ko na lahat ng gusto ko. sa blog ko, ako ang diyos at hari ng sarili kong mundo. akin ito! at kung meron kag reklamo, e di isulat mo! comment ka pagkatapos ng post ko. dito sa blog malaya ako. nailalabas ko lahat ng pautot na nagdudulot ng kabag sa tyan ko. hahahah. ^_^

at sa blog maraming akong natutunan. sa post ng iba at sa comments nila...

isa pa nakakatuwang malamang may mga taong nakakaapreciate sa mga niloloob mo..maraming salamat sa inyo...sa lahat ng mga walang sawang nakikisentimiento!

24 comments:

kukote said...

bakit ako nagboblog? bakit hindi? wala lang, gusto ko lang magcomment. hahaha!

WOOT! said...

tama!tama!tama!kalhati nyan ay sagot ko rin! teka nakita mo na ba ang post kong ganyan??preo nagboblog tlaga ako..dahil baka ito na ang solusyon sa aking problema..gusto kong maging opinionated katulad nyo..kase kahit palabiro ako..deep inside loner ako..kahit anung tingkad ng kulay green kong blog..may halo pa rin itong itim..

makikisenti parin ako sau!dahil ang buhay ay di laging makulay..pero sa kabila ng kadiliman ngumiti ka nama ;)..

ang korny ko talaga noh?!:D

Anonymous said...

nakakatawa at nakabasa na naman ako ng ganitong klase ng post..

bukod sa mga sinabi mo... ang dumaraming blog ay isang patunay na dumarami na ang mga taong may 'say' sa buhay

may nakapagsabi na saken ang mga taong may blog ay hiwalay ang buhay sa tunay na mundo.. tahimik, mahiyain..egotistic

(ganon ata siya katakot sa blog at bloggers)

kalahating totoo, at kalahitng nde.

*putulin ko na dun*

ako nagba-blog ako dahil gusto ko.. saksi ako sa lahat ng pwedeng magawa ng blog sa buhay.. nakakatuwa, nakakaasar.. tama tayo nga ang hari pero sa dami nating hari..magulo.

kaya sa blogosphere importante ang respeto.

*wala atang sense sinabi ko..hehe ;)*

ie said...

para sa akin, nagbloblog ako dahil (1) gusto ko talagang magsulat; (2) gusto ko ng kausap; (2a) ibig sabihin, gusto kong nalalaman yung iniisip ng iba, may sabihin ako tungkol don [tulad nito] at maging ganoon din sila saken; (3) gusto ko maalala yung mga nangyari sa akin at yung mga iniisip ko.

at totoo, masarap yung pakiramdam na may nakikiramay sa iyo. kahit kayo-kayo lang ang nagdadamayan. parang di rin kase masaya pag walang interaction sa isang blog. :]

nakita mo na ba ang rainbow mo? he he. :]

jlois said...

tulad mo lojiks, tanong ko rin yan sa sarili ko siguro naman lam ng karamihan ng ka-blog natin na nasa malayong lugar ako malayo sa pamilya naisip itong paraan para matanggal o mabawasan man lang ang kahomesickan ko.

pb said...

sa blog ikaw ang diyos at hari ng iyong mundo! matakot sila sayo... hahahah! walangpakialaman dito...sabihin mo lahat ng gustong mong sabihin kahit pa sabihin nilang walang kwenta ang sinasabi mo... the hell cares! e di manggawa sila ng sarili nilang blog kung ayaw nila ng sinsabi mo diba? paglalabas lang ng utot to...kanya kanyang paraan ng palabasan..


kahit ako maraming natutunan sa blogging... plus i get updated sa mga current trends and issue!

basta kip on blogging! and kip on rockin!

<--- tanda mo paba yan... inulit ko lang. salamat pala sa palagiang pag-utot sakin.

nixda said...

kaya pala may mabaho dito?! hehehe

sige, utot lang ng utot para di sumabog yan!!!

Unknown said...

pareho pala tayong bago sa blog world.

parehong bagong addict! Like what u say, most people in the blogsphere is sincere because its their lives that they blog about.

not like sa irc na palagi kong try mag pick up .. este try ko palaging maging sincere. :)

Anonymous said...

u cannot please everyone sa blogworld,

may mga barubal na hinayupak na walang ginawa kundi bastarduhin yung personal space mo sa web!

they're gonna burn in hell rin naman anyway! fuck 'em all!

belated hapi birthday nga pala!

The Guy in Red Sneakers said...

i began to hone my skills at writing in English.

and then moved into writing about feelings.

and then writing to know myself a little better. i discovered i tend to write ill but beautiful things when particularly depressed, and then switch to happy intelligible writings when i'm happy (which is rarely).

the comments help plenty.

to let off steam. to record good things. happy moments. friendships.

the best things, however, came accidentally. i met friends.

you, including. and stellar. and a host of other people.

marami pang reasons. how long ba ang allowed space per comment?

minsan comment ako nang super haba you won't believe it.

=)

The Guy in Red Sneakers said...

unintelligible, i mean. UNINTELLIGIBLE. see, i'm all funky today.

Anonymous said...

naiiyak ako sa haba ng mga komento :)
well kaiba nga sa chat ito ..dahil mas nakikilala mo ang bawat isa na naging malapit sayo sa blogging ..

tama ka sinabi mo nailalabas mo dito ang nararamdaman mo.
marami kasi sa atin yung parang ilang at kinikimkim lang sa loob yung nasa isip at damdamin natin.

Sabi ko nga sa isang kakilala
kung ano ka online
yun ata yung gusto mong ipakita sa tao
na lagi na lang nakatago sa
subconscious mind natin.

at ngayon malinaw naman
na yung nararamdman mo nakakatulong sa paghulma ng iyong talento sa pagsusulat

keep on blogging
yun lang
teka
naiiyak
na naman
ako

Anonymous said...

erik: it's ok, take all the space you have.

it's a pleasure for me to have you here! tenx na rin for considering me as a friend kahit sa blogosphere lang! mabuhay ang mga emo...

i'll be waiting for your post. hahah..and for the puso sequel

Anonymous said...

melai: onga, unconciously dito sa blog lumalabas ang kabilang bahagi ng pagkatao mo.sabi nga ni clown the other side of you.. kung tutuusin, masayahin akong tao pero dahil sa blog na to akala ng readers suicidal ako..hahaha


and feeling ko ung makukulit at nagpapatawa sa blog, they are the people na me tinatagong di ko rin alam! ahahaha...naglilibang lang ng sarili para iwas senti!

pero more of kung anong gusto mo ang nilalagay mo sa blog mo!

Momel said...

Blogging is like, your own space in cyberspace. Parang my space, pero hindi.
Meron nang My Space eh. We're talking about your space. "Moment ko ito."

Ganon.

Basta, it's nice to have a place where people gets to appreciate your opinions.
Warm eh.

Mistyjoy said...

ako, di ko alam hanggang ngayon kung bakit ako nabablog. walang laman ang utak ko pagdating sa question na ganyan. harr harrr!...basta ang alam ko nakikisenti ako sayo lagi... Buti nailabas mo na naman sentemiento mo kundi kabag yan

Momel said...

mali, that's supposed to be "people GET."

ayan, first time to comment, mali kagad grammar.

Yun nga lang, people also tend to notice your writing skills. It's not just about the opinions minsan. May mga english nazis out there na more than happy to make basag your english. Pero they're more than happy to masturbate on anything but the content.

Nice blog!

momel,
momel8.blogspot.com

Doubting Thomas said...

last quarter ng 2004 nang una akong nag blog sa xanga. hindi ko nagustuhan.

hanggang sa friendster... mga ilang buwan din ako dun.. tinamad ako.

tapos november last year. nag desisyon akong maki blogspot narin.

kaya here i am...

The Guy in Red Sneakers said...

ayan, may something nako to look forward to.

thanks, lojix.

ev said...

ang galing!isa kang unsung poet!keep it up!..actually nakikibasa lang.

Anonymous said...

galing mo talaga lojix! *hands down*

maraming beses ko na ring tinanong yan sa sarili ko.. kung bakit ba nahilig ako sa pagbo-blog.. para sa akin, kulang ang aking buhay kung wala akong blog kung san ko naihahayag ang aking tunay na nararamdaman..

tapos, ang dami ko pang naging ka-berks! :) hehehe.. san ka pa.. blog na!

Anonymous said...

Maraming pwedeng dahilan para magblog. Boring naman kasi ang Fwendster kaya sineryoso ko na ang blogging. hehehe

Sa aking karanasan, ito'y kalayaan, kasi naipaparating ko sa marami ang mga nakikita, naiisip at nararanasan ko, at sana, kahit papaano ay may mapulot sila. Maganda o hindi, kahit papaano ay naka-konek ako sa kanila.

Sige pa, blog lang ng blog! hehehe

Jhezper Driedfish said...

sa tingin ko lang ang blog kasi is like a catharsis sa mga pent-up kembot natin sa utak at puso. some post their poems (like you), iba essays (like you pa ren), iba their lives (at ikaw pa ren to), at ang iba e their fantasies (ako na 'to hehehe). Kahit ano ang i post mo, kahit na kinopya mo lang sa iba, it still is a part of you. as the famous gay w.shake said one of his sonnets (no. 27 yata) u become "immortal" through art that you make. Peor tingin ko lang most people kasi write blogs dahil they serve as mirrors of themselves. Ang sad lang kasi most people read with their "pseudo-intellectual filters" ... they read your posts as they are and don't bother to read between the lines ... choz!

C Saw said...

a question every blogger has to answer one time or another. sinagot ko na rin 'to sa 2nd blog ko (secret yun e). Hmmm...ilipat ko kaya sa 3rd blog ko para mabasa mo rin. ;)