Friday, March 31, 2006

sakit sa sarap

Umiyak ka maghapon magdamag
Pigain ang emosyong nagpapabagabag
Sairin at tuyuin, sairin at ubusin
Hanggang sa sariling luha ikaw ay malasing

Lulutang lutang, gegewang gewang
Sayaw lang na parang isang buwang
Muli ay ang iyong pagkadarang
Bukas ka bumawi, bumangon ka na lang

Pagkat ang rosas na walang tinik ay di ganap
Ang kapeng walang pait ay walang sarap
Kung ikaw nga ay nagmamahal ng tapat
Ang pag-ibig na walang sakit ay di sapat

Ang pag-ibig na walang sugat
Ay isang dagat na walang alat
May timpla ngunit matabang
May lasa ngunit kulang.

Kumusta naman? tula ba ito?

18 comments:

lojika said...

keno: totoo? panalo? kung oo, salamat sa napakagandang komento. pasensiya na kase wala akong tiwala sa ibang sinusulat ko. napakalayo kase ng field ko sa realm of writing at ngaun lang ako na naengage dito.

Anonymous said...

cheers! isang malufet na entry!

Anonymous said...

isang malufet na entry na di ko maarok ang metapora ...... lanya pwede ba tugtugan naman magsayawan kapalit ng mahaba habang panahon ng pag-iyak??? tsk tsk tsk tsk!!! mabuubuhay na lang ba tayo sa lungkot at pait ng isang nabigong pag-ibig ....MO!!!!!!! lol!

jlois said...

maniwala ka man o hindi may talento ka lojiks sa pag-gawa ng isang tula, kaya lang puro pang-bigo yata, gawa ka naman ng masaya :)

nixda said...

ehem...ehem... mahal kita .....di mo lang alam... di mo pa ba talaga alam??? hehehe

*damdaming para sa iyo, nais ko sanang ipakiusap ...napapakanta ako dito ah ~ hayyyyy marina :D

The Guy in Red Sneakers said...

oo, tula ito. and may i say a heartfelt one.

siguro mali na naging magkaibigan tayo at this point where i'm trying to get rid of the emo while you're wallowing (and how!) in it naman.

joke. cge, wallow away. it becomes you naman eh.

meanwhile, in an unrelated note, i read your comments. thanks.

Anonymous said...

ganda! na-touch talaga ako!

question lang, san mo hinuhugot ang mga ginagawa mo? bilib talaga ako sau! ikaw ang original na madrama sa pagbo-blog!! :)

Ann said...

Yan ang nagagawa ng pag-ibig!

michelle said...

and through your poem I reminisced my september 06' break-up....

i was crying alone the whole night half drunk in starbucks...yup tma sa starbucks after ko uminom ng san mig light sa may 7/11...

it was crazy...sad.
post-break ups nga nman o, tsktsk.

lojika aus natamaan ako! i'm not numb na hahaha

Anonymous said...

kailangan pala masawi din ako sa pag-ibig para makagawa mg tula na katulad ng ganito ano lol!

JoLoGs QuEeN said...

<==jaja's comment here==>
Ang kapeng walang pait ay walang sarap ==> panu yan d ako umiinom ng kapeng d nag uumapaw sa asukal.

ba't ganun. . . ang lungkot sa pakiramdan.. =(

iba ka talaga lojika, tagos to the balunbalunan, as natouch ako dun \m/

nixda said...

wine na lang inumin mo, mas masarap!

hayaan mo na ang kape!!!

Jhezper Driedfish said...

nalimutan mong sabihin ...

pag ang tigyawat pumutok,
isang malaking peklat.

bow.

hheheh ... tagal ko nde nag online ...

Ka Uro said...

"Ang pag-ibig na walang sakit ay di sapat" - malalim ang kahulugan pero may katotohanan.

pb said...

ehehehe... galing.
ako puro po kasi kalokohan tula ko eh. hehe... pwede po ba kita link?

magandang tanghali po pala...

lojika said...

hahah...matagal na tong post na to. pinaltan ko lang ng date kase gusto ko ipabasa sa inyo. kung mapapansin niyo ung unang mga comment january and february pa.

at panong hindi tatagos yan? panong hindi niyo mararamdaman? eh galing sa isinisigaw ng nagwawalang puso ko yan... minsan it's gud to be mushy. see, i've done something gud!

much better to write a poem like that than ruining my life, right?

lintik ang pag-ibig talaga...

salamat sa lahat ng nakisenti! naiiyak talaga ako. di ko akalain na mauulit na naman ang pakiramdam na to..ung pakiramadam nung ginawa ko tong tula. pagkatapos kong umiyak...ang saya biglang naglalaro yang mga words na yan sa utak ko kya kinulong ko agad sa papel.

C Saw said...

tisyu?

may magagandang kinakalabasan lahat ng ito. feeling ko lang :)

pinkysteph said...

hanep! pag-ibig nga naman...nakakapraning hehehe..ang ganda... i remember may post din ako dati tula ng lasing...di ko na alam kung kelan ko yung ni-post...masarap talagang mag-emote..at mainlove..