Friday, March 10, 2006

ah...yun ba yung TONER?!?

last weekend nagkaroon na naman ng topak ung printer sa bahay... hindi nagpiprint! leche, ilan na kaming nagsalin salin dun sa upuan pero wala kaming nagawa lahat. nasayang lang lahat ng oras namin. pero nagfefeed siya ng papel. kinakain lang niya ung paper tapos iluluwa rin niya ng walang laman. sarap batukan nung printer. para kaseng nakakaloko lang siya. para bang nakikipaglaro ung printer sayo ng "in or out!". tapos may nakalagay na no toner. sabi ko, siguro yun ang problema kaya ayaw magprint. eh ano un?

well oo, i can say na computer literate ako pero not to the point na alam ko lahat ng language na gamit niya. ibig sabihin i don't really understand kung anong ibig niyang sabihin nun. yun yun! kinutingting ko kasi ung settings niya para gumana kaya hindi ko na alam ginawa ko kung bakit lumabas ung 'no toner' na yun. isa pa dati kase nagpapaprint lang ako sa mga compu shop kaya hindi ko alam.

tapos kahapon inutusan akong magpaphotocopy (xerox sa alam ng mas marami). bumaba raw ako kasi hindi available yung xerox machine sa floor namin. tapos pagbaba ko, di rin daw available yung machine nila, wala raw toner! hmppp...pagbalik ko sa floor namin, silipin ko raw yung xerox machine sa kabilang room, baka naman daw pwede na. at ang bumulaga sakin? isang post sa may pinto:

hindi pa po pwede ang xerox machine
wala pang toner
so yun yung sinabi ko pagbalik ko sa kwarto. na walng toner. at di ko narin napigilan ang sarili kong magtanong kung ano ba yung toner? nyahahah.... alam niyo kung ano? INK lang pala un. nyek! sori naman... tao lang! at least meron akong natutunan..hehehe. tama! kasi ung printer namin sabi ng kapatid ko ubos na raw ang ink. kaya pala no toner ang nakalagay. akala ko naman me nagalaw lang ako sa settings.heheheh!
share ko lang para sa di nakakaalam...para sa nag aakalang ang toner ay ipinapahid lang sa mukha o di kaya ang toner ay para lang sa pagbalanse ng tunog. eheheh!
hapi wikend to all!

4 comments:

kukote said...

ah! yun pala yun. =)

nixda said...

mas kailangan mo pulang toner ngayon ... para sa pusa ...este...puso mo! :D

schönes wochenende!!! mwuahhh

REM said...

heheheh...pinatawa mo ang payaso sa iyong lathala...enwei, sabi mo nga tao ka lang. isang lathala pa lang ang nababasa ng payaso, pero sure siya na babasahin nya lahat ng previous article mo. Payong kapatid lang, "alamin ang lesson na natutunan para sa susunod di pagtawanan".

lojika said...

ngi...di ko alam na nakaktawa pala to..heheheh! at least di ba me natutunan rin kau!

kukote: wag mong sabihing di mo rin alam un

tekla: basta alam ko lang talaga ang toner ay para mukha ng mga nagpapbeauty na gurls

neng: di ko na kelangan ng red na toner..sa sobrang daming dugo na dumanak sa puso ko...pulang pula na...

clown: sino ka? walang link ng clog mo sa profile mo? pano ko mabibisita ang bahay mo? pero salamat naman, natouch ako dun? heheh...di naman nila ako pinagtawanan kaya ok lang!