sa isang klase boring kapag puro lang discussion kaya minsan me mga out of the subject matter na kwentuhan...
bago ko simulan ang kwento buo muna tayo ng settings:
- math class. isang hapong malapit na sa paglubog ng araw. (ang sarap umuwi, pramis!)
- sa isang maliit na klasrum kung saan dikit dikit ang silya
- ang characters? isang prof na malansa (anong ibig sabihin ng malansa? dats for you to know and for you to find out...clue? isa siyang sirena, di nga lang halata, mala-boy abunda ang dating) at ang section sex este six (6) pala.
medyo tinatamad narin kame sa discussion kase sobrang dami na ng sample problems na binibigay ni sir so sabi ng ibang klasmeyts ko...
"sir, assignment na lang!"
di pumayag ung prof ko kase sabi nya, ayaw na raw niya kaming bigyan ng extra burden and tinatamad na raw siyang magcheck ng mga assignments namen at sabi niya...
"klas, alam niyo bang assignments should be done here in the classroom?"
humirit pa ung mga klasmeyt ko...
"e di sir homework na lang o kaya take home quiz!"
"anong akala niyo sa subject ko? fast food restaurant? " sabi ng prof ko. sa madaling sabi ayaw niya talaga ng magbigay ng assignments.
dun nagsimulang magtanong ang isa pang malansa kong klasmeyt...
"sir ano raw pinagkaiba ng job at ng work?"
oo nga noh? di ko naiisip dati un ah! alam kong magkaiba ang salary at ang wages (pero wag na nating idiscuss dahil lalayo sa topic), pero job at work? ano nga bah?
sabi ng prof ko, job is something na ginagawa mo lang for compensation (yun rin pumasok sa isip ko) while the work is something na naeenjoy mong gawin kase gusto mo ung ginagawa mo. kaya nga raw ang tawag sa propesyon nilang mga titser e work at hindi job...kase kelangan rin naeenjoy nila at minamahal ang pagtuturo.
maayos naman naexplain ni sir pero di pa nasiyahan tong malansa kong klasmeyt...e bkit raw may mga job na confusing?!? heheh...(kulay berde ang utak!) oo nga naman, bakit me mga job na imbes na sila ang bayaran,sila pa ang nagbabayad at parang enjoy na enjoy silang gawin... (ang di makagets, slow!)
sabi ng prof. ko na isa rin malansa... sometimes you learn to love the job! heheh...magaling magdefend..
bago matapos ung klase namen, humabol pa ng isang pabulong na tanong ung nasa unahan ko...
"sir kayo? me job experience na ba kayo?"
nyahahah..oo nga noh?
10 comments:
hhhmmm, di ako makarelate, hehehE!!!
uy, di raw makarelate... heheh...lol!
saan ba pedeng mag-apply ng job?
^(° I °)^ hehehe
schönes wochenende (happy weekend) sistah!
bastos! =]
nyahahaha! simpleng berde yun ha!
bakit pinutol mo? ano sagot nang malansang teacher? hahahaha!!! nag enjoy ako d2 ah...hehehe...
abangan ko ang sagot ah...
nga pala. im from the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. alam mo ba un? chaka bakit m nga pala natanong?
PS
buti na lang hindi ako slow at green minded ako at sabi nila ay horny raw kaya na gets ko agad. ahahaha!!!
heheheh..daddy, di naman sinagot nung prof. nMen kase di niya narinig...
pabulong lang kase ung tanong...baka magalit..
nyahahah...mabuti ung nag-iingat!
ayun pala ang kaibahan ng job at work? may natutunan ako ngayong araw na ito. kaya lang tama rin na may mga job din na nae-enjoy and conversely di lahat ng work nae-enjoy. hay ang gulo!
basta ako,
may work at job pero wala pang experience ha ha ha!
Post a Comment