Tuesday, February 28, 2006

patungo sa'yo

sinubukan kong sabayan
ang musikang
iyong pinakikinggan
at umindak sa saliw
ng tugtuging
iyong ginagalawan
pinilit kong lasapin
ang pait ng serbesang
humahagod sa'yong lalamunan
at sinubukang hithitin
ang usok mula sa yosing
iyong kinahuhumalingan

upang malaman at maintindihan
maunawaan ko lamang
lahat ng iyong dahilan

sinisid ko ang dagat
ng makulay mong kataga
na sing lalim ng balon
at bangang mahiwaga
hinukay ko ang kahulugan
ng nakatago mong diwa
at hinubaran
ang binihisan mong salita

lihim kong pinasok
ang iyong mundo
na hindi ko namalayang
unti-unting nagiging mundo ko
ngunit sa pagyakap ko
sa naturang daigdig mo
di ko rin namalayang
nasugatan na ako

pagkat ang mundo mo
kaiba sa mundo ko
pagkat ang awit ko'y
kaiba sa himig mo

nasaktan lang ako
nang natuklasan kong
hindi pala ako
SIYA ang 'yong mundo

***

balik senti muna ako... pahabol sa huling araw ng buwan ng puso. kasawa na rin kase ang balita sa pinas.

8 comments:

Anonymous said...

uhmmn! akala ko ba tapos na yan?? asussssssssss!!!!!!!

lojika said...

wala lang to!!! *haba ang ilong* matagal ko na rin naisip yan...
post ko lang...

rica said...

atsutsutsu...
drama...

C Saw said...

naligaw lang po ako patungo dito :) dahil naakit ng mga salita mo kaya heto paikot-ikot muna ako dito hanggang makita ang tamang dereksyon. sa tagalog, blaghap!

nixda said...

tama yan! ilabas mo lang ...

bye-bye february na!!!

*pero danda ha! nahaplos ang puso ko ...huh! nakakahawa ka :D

Anonymous said...

he he he. mind-reader ka pala. cge na nga, since kaka-kompes ko, aaminin ko na na may pinaghugutan ako nyan. pero aminin mo din na ganyan ka din minsan he he he.

Kathy said...

Ok extended din pala february dito^_^ lakas makahawa ni neng ,oops ay mali haha..teka ako nga rin makaisip ng bagong pang-senti^_~
Link nga pala kita ha.

ie said...

mahirap pumasok sa mundo ng isang tao, lalo kung minadali. para yang kumeta: habang papalapit ka ng papalapit sa kanya, nararamdaman mong unti-unti kang sinusunog ng galit, o ng pagtataka, o ng kalungkutan. tapos pag narating mo na ang kayang balat, bato ka nang walang pakinabang. =(