Wednesday, February 15, 2006

yun ay pag!

parang cooler na di na nagagamit dahil me fridge na at freezer
parang electric fan sa stock room na naimbak na dahil merong aircon
parang lapis at papel na napaltan na ng blog sa kompyuter
parang sipit na tsinelas na naitsapwera dahil sa bagong adidas
parang piniritong daing na di na napapansin dahil sa fried chicken
parang tubig sa tabi ng softdrinks, kape sa tabi ng tsokolate

di mo na napapansin kase me mas higit na nakakaakit sa paningin

pero pag wala nang tsokolate at softdrinks sa tabi
at pag ubos na ang fried chicken, sana mapansin
pag ang aircon ay tinopak at ang ref niyo'y nabatak
muli mo sanang hanapin at muli mong gamitin

pag iniwan ka niya
pag wala nang pag-asa
pag di mo na kaya
sana maalalang
ako'y nandito pa... ='(

11 comments:

nixda said...

kalimutan mo na siya. dami iba jan na pedeng mahalin!!! kung ayaw, di huwag niya :D

mahirap ngunit posible :)

magpapakamartir??? gusto mong mabaril din sa Luneta? harharhar

kukote said...

oo nga naman! tama si racky! move on!

rica said...

siguro kasinggwapoko yun kaya dimalimutan...hahaha!!!

jho said...

kapal ni major! haha! get over it na! sa palagay mo siya nagsesenti tulad mo? =)

Doubting Thomas said...

uy ganda! repost ko to sa blog ko ha...

unknown particle said...

naman naman!! sabunutan kaya kita jan, pitikin ko tenga mo, kurutin ko tinggil mo ng magising ka sus!!! me dahilan yan kaya nangyari yan... ibig sabihin matatagpuan ka ng isang pinaka dapat mahalin na lalaki yung higit sa kunehong yan sus! wag kang martir mare.

lojika said...

salamat sa inyong lahat!
wag kayong mag alala, di ako na ko masyadong apektado...

it's just that masayang makabuo ng ganyang klaseng akda na nanggaling sa nararamdaman mo...matagal na yan, ngaun ko lang pinost!

nilalaro ko lang ang utak ko...un lang un...di lahat ng yan toto.. magsulat man uli ako ng ganyang klase ng pagsesenti... un ay tinapos ko lang na mga dating nasimulan...

i'll get over him...wahhh!!!!

masterbetong said...

pag di ukol di bubukol! hehehe! salamat sa pagdalaw at pag-comment sa blog ko.

Obi Macapuno said...

racky for president.

=D

kingdaddyrich said...

waw... anlufet.. mukhang bagay sa akin ang tulang iyan ah..

http://kingdaddyrich.blogdrive.com

ie said...

senti. =]