ang kamatayan (bukod sa tax ha!) ang isang bagay na di maiiwasan ng kahit sino pa mang taong nandito sa mundo. wag kang mainip dahil darating rin sa'yo yan... di ko nga lang alam kung kelan.
walang pwedeng umiwas at walang pwedeng makatakas.
sa ngayon, limampu't isang araw na buhat ng magsimula ang taon (hindi ito para sa chinese, ok?), pero ilang balita na ng kamatayan ang bulaga at medyo yumanig ng mga dyaryo at peryodiko sa buong kapuluan ng bansa. nagpakita ng iba't ibang anggulo ng katunayang walang makakaligtas sa kamatayan... bata o matanda, matalino man o hindi, babae o lalake, maliit o malaki, mahirap o mayaman, tanggapin mo o hindi man, lahat tayo mamatay!
una nang nagbigay ng halimbawa ang pagkamatay ng isang neophyte sa isang sikat na unibersidad. nagpakitang ang kamatayan ay dumarating sa di inaasahang pagkakataon . walang pinipiling edad. sumunod naman ang pagkamatay ng isang anak mayamang si Zach Escudero na nagpakitang ang yaman, di sa lahat ng pagkakataon ay maari kang isalba sa kamatayan. ikinagulat ko rin ang balita ng pagpanaw ni Ka Ernie na nangungusap na ang katalinuhan at kasikatan ay di maaring isanggalang pag dating ng kamatayan. at lalo namang di makakaligtas ang mga kababayan nating halos naghihikahos na sa kabuhayan, ipinakita yan ng isang trahedya ikinagulantang ng marami. ang dapat sanang masayang pagdiriwang na nauwi sa isang makadurog pusong tagpo.
at ngayon, di pa man humihilom ang sugat na iniwan ng trahedya sa Ultra, heto na naman ngayon ang isang dadagok sa atin upang muli tayong magising. mudslide sa Leyte!
napakahirap isipin kung anong pakiramdam ang tinatapakan ng buhay, ng inililibing ng buhay, sa isang pangyayaring hindi mo gusto pero wala kang magawa upang pigilan ito. walang magawa ang ganda mo, ang yaman mo, ang lakas mo, ang talino mo, wala! tanging oras na lamang ang hinihintay mo kasabay ng panalangin sana magdagagan pa ang buhay mo. naghihintay ka ng katapusan habang nagsisisi sa mga nagawa mong pagkukulang.
"a prayer is a long rope with a strong hold..."
ipanalangin po sana natin ang mga pumanaw at ang ibang naging biktima ng naturang trahedya at magpasalamat na rin dahil hanggang ngayon ay ligtas ka at may pagkakataon pa.
3 comments:
mukhang di nga yata maganda ang simula ng 2006 sa ating bayan. una yung ULTRA stampede, ngayon naman yung LEYTE landslide.
speaking of death and taxes, i saw this quote: "There is always death and taxes; however, death doesn't get worse every year." have a good day
puro trahedya ang nangyayari ngayon...nakakalungkot :(
dagdagan pa ng bulok na sistema, saan pa tayo patutungo nyan?!
hay buhay na lang ba?!
Keep up the good work
» »
Post a Comment