Saturday, February 11, 2006

makapag blog lang...

hay naku! kumusta naman at ang dami ko nang napuntahang computer shop pero mantakin mo namang sarado lahat... kainitan ng tanghali oh! ikaw na ang bagong ligo tapos bad trip ang layo na nang nalakad ko, pinawisan na ang kili-kili ko, halos lahat ng mapuntahan ko, walang tao... kumusta naman ulit?!? naghahanda kaya sila para sa lovapalooza. leche talaga! sila na ang masaya...ako na ang bigo, ako na ang baliw!!! kumusta ulit? nagdrama ba?
heto ako ngaun sa isang mukhang ewan na kumpyuter syap! sobrang bagal at me bonus ka pang paghahang? kumusta naman un? wala kaseng opisina ngayon, walang libreng internet kaya kelangan magbuwis ng pinagpawisan...
hay, ano bang meron sa blog na ito at ginagawa ko tong eeerrr kahibangang ito? naadik na rin siguro ako. kung tutuusin kase me gagawin pa talaga akong mas importante pero nandito ako't pasentisenti...
kumusta naman ang mga kasama ko dito sa shop, mga nagmumurang sibuyas este kamatis pala. pachat chat pa, haler? bagay ba sa kanila? ang tatanda na kaya nila! ang sakit sa matang makita.. dalawang babae nakikipagchat kay uncle sam with matching webcam... hahah!!!(sori naman kase nakita ko rin itsura nila sa webcam na nakabalandra sa screens nila)
at ito pa, nagtanong ang isa, (sori hah malakas ang boses nila at hindi ko kasalanang nasalo rin naman ng tenga ko ang pinag uusapan nila) ano raw ibig sahibin ng "what would you do if i'm there with you?" tanong raw ng kano. sumagot ung isa... " ano raw gagawin mo, sabihin mo i will accomodate u?"...
hahah! ang sama ko talaga... baliw na nga siguro ako. pero kasalanan ko ba? e nakakairita. kung naglalaba na lang kaya sila? e di sana mamayang hapon tuyo na. hindi ba?
hindi ko naman sila masisisi. wala namang pakialaman dito di ba? ako nga me gagawin pa, pero eto ako't nagbloblog pa.
hay, nku makapagblog lang talaga at makabisita na rin sa iba.
well, hapi wikend na lang sa mga makakabasa...

3 comments:

rica said...

kung ako yung andyan sa computer shop na yan, sasabat ako dun sa dalawang mga datan... "what would you do if i'm there with you?"
sagutin ko ng "i'll ask you to pay for the computer rental fee!"

nixda said...

hahahahahhh!!! mababaliw din yata ako dito.

...i'll accomodate u ... sakeeettt ng tyan koh...grabeeeh!

dinagdagan pa ni major :D

unknown particle said...

lol! naalala ko ang kwento ng sis ko na nagbabantay ng shop nya, me kapitbahay daw kaming matandang babae ang nakikipag chat using her daughter's sn sa Yahoo, ang banat ng mga batang naglalaro sa loob " ano ba yan katanda na nakikipagchat pa!" yung ale binebenta mga anak nya sa mga kachat tsk tsk tsk tsk!!! ewan!!!

not to mention na nakikipagcyber sex pa habang ang nakapost na pic sa ym e ang pic ng dalaga nyang anak(sensya na tsismosa ako e lol!)