Saturday, February 11, 2006

kapag pilay ang umakay sa bulag

... walang malinaw na direksyong tutunguhin; malubak ang landas na tatahakin.

isang makatotohanang eksenang tumamban sa aking harapan minsang nag aabang ako ng sasakyan pauwi sa aking sinisintang bayan. kapwa me kakulangan at kapwa me kapansanan ngunit nagawang ang isa't isa'y matulungan.

malungkot ako nung mga panahong yun dahil naisip ko na naman siya (ang taong dahilan ng aking pagsesenti). ngunit nang makita ko sila parang nauntog ako at naglaro na naman ang utak ko.naisip kong napakaswerte ko pala at ang dami ko palang dapat ipagpasalamat dito sa mundo.

sampu ng mga mahal ko sa buhay, mga kamag-anak at kaibigan. sampu ng kumpleto kong daliri sa kamay at paa at ng kumpleto parte ng aking katawan. sa lahat ng talentong sa aki'y ibinigay. sa lahat ng mga bagay na aking napapakinabangan. mula bukang liwayway na nagpapasibol ng panibagong araw sa aking buhay, hanggang sa maghapong me laman ang aking sikmura at tiyan. hanggang sa takip silim na nanatili akong ligtas at me kulay ang buhay. marami pa at hindi lang yan ang marapat lamang na aking pasalamatan.

wala namang perpekto sa mundo. me kakulangan ang bawat tao. at kung minsan talaga me mga bagay na hindi mapapasaiyo ngunit....
araw araw man akong makadama ng lungkot, araw araw mang makadama ng hilakbot, araw araw mang nahihirapan nang dahil sa problemang pinapasan, araw araw mang masugatan at masaktan...
alam kong tulad nila kailangan kong lumaban! me pagkakamali man, tuloy lang kaibigan..
"life is a show itself and the show must go on..."
kapag pilay ang umakay sa bulag, walang malinaw na direksyong tutunguhin; malubak ang landas na tatahakin ngunit kung pipilitin maabot ang ano mang nanaisin at gugustuhin.
"life comes just once so let's make the most out of it.
God did ot give everything to enjoy life.
...but He gave life to enjoy everything.
kalimutan muna ang ibang problema, magpasalamat upang maibsan ang bigat na nadarama.
***
kumusta naman ang nakakaiyak na post na to? huhuhu.... share ko lang, isinulat ko kase gusto ko nang mag move on. com'on!!!

5 comments:

rica said...

tama ka dapat tayong magpasalamat at yung pilay ang umakay sa bulag, mas mahirap kapag bulag ang umakay sa pilay...

lojika said...

oo nga naman, major? kung bulag ang umakay sa pilay? ano kaya un? baka tinalo pa nila ang dalawang lasing sa tanduay! tagay major!

nixda said...

broken-hearted ...kaya naman pala!

move on na nga dapat! daming lalaki sa mundo :)

happy weekend sistah!

unknown particle said...

naiiyak ako :(

Sinukuan said...

pilay na umakay sa bulag?

wow...ang astig nila!!!

pero sobrang nakakainspire nga sila. talagang lahat ng natatanggap naten, maganad man, masaya man o mahirap sa palagay naten eh mga blessings in disguise naman lahat.=)