Sunday, February 26, 2006

EDSA to the 20th power

lunes pa lang e kapansin pansin na ang mga yellow ribbon sa mga puno at poste ng EDSA sa may monumento sa Crame. kalimitan na ring nagiging topic sa tv, radyo,dyaryo at blog ang tungkol sa pagdiriwang ng anibersaryo nito. miyerkules nang magkaron ng pagtitipon tipon para sa maagang paggunita nito. (kaya nga nag karoon ako ng mrt adventure)

2 dekada na pala ang nakalipas nang lumabas ang libu libomng mga bayani sa kalsada upang mag aklas at ipaglaban ang nasupil nilang karapatan.

taas noo ang pilipino habang tinitingala ng buong mundo ng mapatalsik ang mapang abusong pangulo sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon na kung tawagin ay PEOPLE POWER ngayon.

POWER! ang pinag aagawan ng maraming pulitiko at kinababaliwan ng mga nakaupo sa pwesto. pero PEOPLE POWER? nasan na nga ba to? nasan na ang pinaglaban ng mga tao? totoo nga bang sila'y nanalo? me power pa nga ba ang tao? para na raw nagmumulto ang martial law.

biyernes.. nang nataranta ang MalacaƱang na naging dahilan upang madeklara ang kasalukuyang pangulo ng state of emergency.

sa mismong araw ng sabado, walang pagdiriwang ang naganap para sa ika dalwampung anibersaryo. isang araw na napakaordinaryo para sa mga Pilipino. nakakapanibago... dahil ang pilipino ang isa sa buong mundo ang pinakaengrande pagdating sa selebrasyon. pero bakit ganun? anong nangyari?

kung sa bagay, ang wala nang masyadong saysay ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang patay.

me power pa nga ba ang EDSA? nagtagumpay nga ba ang noo'y pinaglaban nila? gayong patuloy pa ring nahihirapan ang buong kapuluan.hanggang ngayon wala pa rin ang inasam nila noong kaginhawaan. marami na ring bumigay at ang bansa ay nilisan. di makayanan ang araw araw na nadaragdagang kahirapan.

nasan na silang sumigaw noon sa kalsada? ang mga namuno noon, naghiwahiwalay na..nagkanya kanya. wala na nga bang saysay ang noo'y ipinaglaban nila.. nakakadismaya!

Pilipinas me pag asa pa nga ba...
sana nga...
meron pa...

pero kanino tayo aasa? walang iba...
pilipino, kumilos ka!
bakit? natatakot ka rin ba?

5 comments:

Ka Uro said...

kakalungkot isipin. sabi nga nung isang barkada ko, ang natitira na lang pag-asa andun sa may likod ng SM West, sa kabilang side ng proj 6. hayy!

rica said...

pero kanino tayo aasa?walang iba...
kundi kay major!!!hahaha

nixda said...

kaya sa susunod na election...MAJOR FOR PRESIDENT!!!

*habang tuta tayo di na magbabago ang bulok na sistema...

Obi Macapuno said...

kaya ako takas sa lahat ng pulitikang moro moro!!! Baguio forrrever!!!

Obi for Emperor!!!!

Anonymous said...

hay nako, kaya ako wala akong paki jan sa mga kumagers na yan eh.