Thursday, February 23, 2006

nice trip este funny pala

pasado alas kwatro y medya nang tumawag na ang boss ko na kasalukuyang nakikipagmeeting sa labas. umuwi na raw kami ng maaga kase me rally daw sa EDSA. di ako fan user ng MRT/LRT pero napilitan akong magtren kahapon para makaiwas sa kalsada ng EDSA.

nilakad ko lang ang station mula sa opisina namin sa 2 kadahilanan:

  • para kang nakikipaglaro ng trip to Jerusalem na sa pakikipag agawan ng jip
  • at dahil sa traffic, mas mabilis pa rin kung maglalakad ka, mas tipid pa

ito ang unang beses na nilakad kong mag isa ang MRT station sa Ayala. lagi kase akong me kasabay. nakakalito kase ang daan sa mga dikit dikit na malls. so lakad lang ako. lakad. lakad. kunyari alam na alam pero pinakikiramdaman ko lang ang mga taong kutob kong papunta dun. (minsan ko nang ginawa yun nung pumunta ako ng Luneta for the first time for a school affair, instinct lang ang gamit, heheh)

isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sumakay ng MRT lalo na pag rush hour e dahil para kang na sa premier night ng isang box office na pelikula sa haba ng pila! pagbabayad pa lang at pagchecheck ng gamit. buti na lang konti pa lang ang pila. siguro dahil na rin maaga nga akong lumabas ng opisina.

sa pangalawang tren na nga ako nakasakay. dami pa rin kaseng pasahero. parang mga fans na nag aabang sa mga idol nila. siksikan! sobrang automatic sa tren. tatapat ka lang sa pinto, hola! nakapasok ka na at di mo na kailangang humakbang! bakit kamo? magmimistulan ka kaseng tae na dinadala ng alon ng nagsisiksikang taong papasok ng tren.

patawa yung kanong lumabas oh! di naman kalbo. aba... e hayblad ata. nagsisigaw ba naman ng "TABI MUNA KAYO! TABI! TABI!" lol...tinawan lang siya ng mga pinoy. pasaway rin kase ang marami. di muna paunahin ang mga lalabas. akala mo e mauubusan na ng tren. ipagsisiksikan ang sarili kahit pa maipit sa pinto.

ayos rin naman sa tren kase me libreng komersyal. alam mo yun? ung DJ na nagsasalita.

  • pinakikiusapan po ang lahat na kumapit sa bars ng tren upang mas matiyak ang inyong kaligtasan(buti na lang at pinalad ang inyon akong na makapwesto sa me hawakan)
  • mag ingat lang po sa MANDURUKOT!
  • pakiusap sa aming pasahero, pakiclear lamang po ang pinto upang makaalis na ang tren.

yun nga't di na sumara ang pinto, akala ko dahil dun sa mamang halos nakadikit na ang nguso sa salamin nung pinto. un pala naipit ang plastic ng pinamili ng nung ale. ang tagal rin nagclose open nung pinto. muntik pang magkagera sa loob nung sabihin ng isa pang ale na mali ang ginagawang paghatak ng babae. paloob daw kase dapat, hindi palabas.

napuno na ung babae, nairita na rin siguro sa dami ng tumatawa at nag siside comment! di na nakatiis. "kayo na lang kaya magtanggal nito? kala niyo ata madali?" sabi nung ale.

hahahah..di sana ako tatawa pero ang kukulit nung mga lalakeng kasakay namen.. rinig ata ng buong tren ang halakhak nun.

di na nakatiiis yung katabing lalaki ng ale. kaya tinulungan na niyang matanggal ang naipit na gamit ng babae. nagsalita pa ung babae "paki na nga po, epal kase ung mga nasalikod ko, akala ata madali!"

successful naman. natanggal ang nakaipit. un nga lang tumama dun sa mukha ng ale..hahah..buti na lang walang kumain ng kamote sa mga nakasakay..kundi baka dun yun inabutan.

1:6 ata ang proportion ng bumaba sa sumasakay ng tren. tinalo pa namin ang sardinas sa loob ng lata. sabi pa ng mga kasakay kapag tumitigil sa isang station, " oopps, isa lang bumaba..wala na..di na kasya!" buti hindi nag amoy sabungan dun sa loob.

dumaan ng guadalupe at boni, mukhang wala naman traffic ah...parang nagsisisi na ko na nag MRT ako. false alarm ata.. pero pagdating ko sa me shaw blvd, sa sobrang dami ng tao sa eskaleytor parang nang me rally. ang kapal ng tao...naawa na ko sa tren. parang pagod na pagod na siya.

pagdaan na nga sa me crame, sa me EDSA monument. nakatigil na lahat ng sasakyan, pati mga flyovers!!!kumusta naman un? pagkalampas sa place, siyempre clear sa sasakyan. kaya natripan naman ng mga walang magawang tao na maglakad sa santolan flyover for experience daw..nyahahahah...

kawawa ang mga stranded passengers. buti na lang napilit ko ang sarili kong magtren..heheh


6 comments:

Anonymous said...

nakakamiss din yang mga ganyang sitwasyon he he he. Huli kong sakay sa MRT eh mga 3 years ago.

jho said...

hala good luck nga sa akin ngayon! nandito pa ako sa makati at hindi ko alam kung mawawalan ba ng pasok. paano kaya ako uuwi ng laguna kung may rally. kamusta naman di ba?!

ie said...

ang aga ng alay-lakad mo lojiko. he he. :)

nixda said...

freaky friday pala...hehehe!

sana sumama ka na lang sa rally :D

Anonymous said...

que idioma es este???

where are you from??

JoLoGs QuEeN said...

nung dinaclare na uwian na d2 sa office aba hakot ako agad ng gamit ratsada uwi wala ng lingon-lingo, aba minsanan lang ang ganitong walang pasok maliban sa holiday, sad nga lang lalong bababa ang ekonomiya natin kung laging me ganitong kalokang pangyayari.. hay..