bumuhos ang ulan na animo'y umiiyak. waring nakikiramay sa pagpanaw ng isang taong noo'y nagbabantay sa papalit palit niyang gayak.
lunes. habang ang buong pulo ng Pilipinas ay nagagalak sa tagumpay ng ating kababayang si Pacman. isang masamang balita naman ang bumangad nang makatanghalian.
sinong makakalimot sa tinaguriang "walking encyclopedia" ng bayan? ang nakakatwang itsura at pamamaraan ng kanyang pamamahayag. ilang beses na ring naging laman ng mga bloopers. pero infairness napakagaling at hindi mapapantayan. ang nagpauso ng scientific names at sangkaterbang trivias about anything under the sun.
sinong makakalimot sa pito-pito herbal tea, Ernie Baron pyramid and Baron super antenna at sa linyang "Kung Walang Knowledge, Walang Power". this man will always be remembered. ilang dekadang nakasama at naging parte ng buhay ng pilipino, sa telebisyon man at radyo.
the weather man. malilimutan ko rin bang sa aking kabataan ang ulat panahon niya ang aking inaabangan. balitang may pasok ba bukas o wala. astig at unique at malupet ang kanyang technique. weder weder lang naman yan. kailangan talaga minsan magpaalam.
isang linggo na rin ang nkalipas... pero aus lang huli man raw at magaling mihahabol rin. ka ernie, salamat at paalam.
click on here for some clips:
http://news.inq7.net/breaking/index.php?index=2&story_id=63837
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=28089
No comments:
Post a Comment