ang daming pwedeng mangyari sa isang iglap. pwedeng sa tindi ng sikat ng araw, umulan.wala kang dalang payong. hindi ka handa. sa isang iglap, sa kalaliman ng gabi habang kasalukuyan mong sinusunog ang kilay mo, nagbrown out.wala kayong kandila, hindi ka handa.at sa isang iglap rin sa inaakala mong pagsisimula ay dun pala magwawakas ang lahat. sa isang iglap.
hindi sana nakakapanghinayang kung isang tuyong dahon ang mahulog mula sa puno ngunit kung ang malalagas ay isang bagong sumisibol na bulaklak na maari sana maging isang bungang masarap...sayang!
ang mundo ko ay malayo sa mundo ni MARLON VILLANUEVA kaya kahit gustuhin kong makiramay sa mga naiwan niya, hindi ko magawa. walang direktang nag-uugnay sa akin at sa kanya at hindi rin naman ako apektado sa pagkawala niya.
pero sa balita ng pagpanaw ni "ALONG" muling naglaro sa isipan ko ang katanungan na hanggang ngayo'y hindi maabot ng aking unawa. "bakit ba talaga kailangang sumali sa frat or soro at bakit kailangan ng hazing sa initiation?" naulit na naman at hindi mo sasabihing nagkataon lang. isang buhay na naman ang nasayang
hindi pa ako nakabasa ng kahit isang objective, vision or mission ng kahit anong frat kaya walang linaw sa'kin ang existence nila. unlike any other org, malabo ang goals nila. socialization lang ang nakikita kong dahilan.personal interest. connection in the future or kahit sa kasalukuyan. or something na pwedeng ipagmalaki or should i say "ipagmayabang"? kase parte ka ng grupo kung saan ay naging parte ang ilang mga kilalang tao ngayon sa lipunan.
no offense hah.opinyon ko lang naman yan, sa totoo lang wala akong alam. gusto ko lang sanang maliwanagan. ang mga ginagawa niyo ay ginawa rin naman ng ibang samahan pero mas malinaw ang kanilang dahilan. di ko naman sinasabi na kalokohan ang pagsali sa ganyang klaseng kapatiran dahil tingin ko rin naman maraming natutunan ang mga sumasali dyan. pero ewan,tigin ko talaga masyadong personal. at hindi ko nakikita ang serbisyo o ano pa man.
here's a news from inq7.net :
http://news.inq7.net/express/html_output/20060116-63092.xml.html
*please pray for the soul of Marlon "along" Villanueva and for his family.
(sayang he's turning 21 sana this 24th of january)
1 comment:
nag-aagree ako sa iyo. marahil wala lang akong muwang pagdating sa logic ng fraternities at sororities, pero hindi ko talaga makita ang rationale.
saka nakakatakot mabalitaan ang pagkamatay. lalo't higit kung madali kang maka-identify sa taong pumanaw. it makes you think about death more often.
Post a Comment