Monday, January 23, 2006

nang sandaling malinis ang kalsada

makatanghalian, habang nag aalimpuyo sa pagsikat si haring araw, kapuna punang linis na linis ang kalsada at walang tao ni isa. marahil hindi mo rin to napansin kase tulad nila busy ka... hindi ito isang tipikal na linggo sa buhay ng mga Pilipino. maging pag simba ko nang umaga ay kapuna puna ring konti ang nagmimisa. may iba. ano bang meron kahapon?

umaga pa lang bukas na ata ang telebisyon ng napakaraming pilipinong nag aabang ng laban ni PACMAN. iba't ibang dahilan. ang ilan ay dahil sa pustahan o sabihin na nating ang karamihan. ang ilan napilitan lang kase yun ang pinapanoood ng kasambahay. ang iba naman nakikigaya lang. ang iba nanonood para di maiwanan sa kwentuhan. ang iba naman, wala lang. pero isa lang ang masasabi ko, nandun ang pananabik ng mga pilipino. pano naman ang tagal na natin tong hinintay.

sa pagkakapanalo ni PACQUIAO, marami na namang naging pilipino... marami na naman ang sumigaw ng "pinoy ako! pinoy tayo!" muli tayong taas noo. pwede na ring sabihing nagbuklod na naman ang mga pilipino. me maipagmamalaki na naman kasi tayo.

pero bukas, makalawa kaya? ano? balik sa normal. puna doon. puna dito. minsan umaabot pa sa puntong isinusuka ng iba ang bansang to. nakakalungkot isipin na me mga taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, sa bansang sa kanya'y nag aruga at siya ring kinauutangan ng karunungan at buong katauhan. sakdal langit na pagtatakwil sa bayang kanyang pinagmulan. tapos ngaun pag me tagumpay, biglang mag iiba ang simoy ng hangin at muli sila'y Pilipino na naman.

salamat na lang sa mga katulad ni Pacquiao na patuloy na nagbibigay ng dahilan upang ipagmalaki ng mga Pilipino ang kanyang bayan. sana lang maging pang matagalan at hindi panandalian lamang. reklamador ang tao lalo na ang mga Pilipino pero payo ko lang mga kababayan ko bago kayo magreklamo eh ayusin niyo muna ang buhay niyo! minsan kase kung sinong pang walang ginagawa siya pang matatatas ang dilang magsalita.

mahal ko ang Pilipinas at ipinagmamalaki kong isa akong Pilipino. Pacman, saludo ako sayo. and we're proud of you!!! tuloy lang Pilipino! ituloy mo ang laban mo!
"success in life can never be an accident. it is a result of right decisions at the right time. champions are not the people who never fail but the people who never quit!"
...gudluck to all



No comments: