totoo pala yun! kung tutuusin hindi naman talaga prone to pimples ang mukha ko. e di sana nung hayskul palang during my puberty stage eh naglabasan na ang lahat ng to... noon kahit
hindi ako maghilamos, ligo lang! hindi ako nagkakatighawat! kahit sobrang active ng katawan at kahit anong likot ko,wala! magkatighawat man ako minsan lang.
sabi ng friend kong nakapansin, stress lang daw to. kase sinabay ko ang studies sa trabaho (opo, working stud ako pero haler???? 3 subject lang ang kinuha ko). di ko naman masisisi yun sa maruming hangin ng siyudad dahil tatlong taon na ko dito, ngayon lang nangyari to. isa pa aircon ang sinasakyan kong bus at maghapon na rin ako nasa airconditioned room. sabi ko siguro nga dahil sa trabaho kase nabago rin yung daily routines ko kaya ng aadjust lang ung katawan ko. sabi naman ng tita ko, baka dahil sa hinahawakan kong mga papel dito sa opisina, marumi rin daw yun kase yun.
pero inisip ko...kelan nga ba nagsimula to? 3rd year first sem. ang daming naglabasang red-mountain-like spots sa mukha ko! sh*t! dun ata nagsimula ang lahat. wala pa kong trabaho nun kaya di talaga trabaho ang dahilan. akala ko dahil sa ilang araw na puyat dahil sa pagrereview at panggagawa ng mga files na kelangan kong isubmit.
pero bakit hanggang ngaun, pabalik balik na lang ang mga nakakairitang tighawat na to? nung isang araw, eto na naman... nacoconcious na ko. tinanong ko yung opismeyt ko. "bakit kaya ang dami kong tighawat?" sabi niya: "naku kaiisip yan!"
marahil nga un ang dahilan. tama! kase simula ng 3rd year nang magsenti ako ng ganito. sobra akong nag-isip, tapos sasabay ang exams, sasabay ang deadline sa trabaho, sasabay ang puyat,
sasabay lahat. but the root cause is "sobrang nag-iisip ako at nagpapaapekto, sobra na sa emote!"
sasabay lahat. but the root cause is "sobrang nag-iisip ako at nagpapaapekto, sobra na sa emote!"
nagtanong uli ako: "bakit kaya nagkakatighawat kapag nag-iisip...????"
hmmmpp..di ko na inisip ang sagot sa tanong ko. sabi ko kapag nag-isip pa ako, lalong madagdagan ang tighawat ko.heheh! =]
20 comments:
isipin mo na lang wala ka nyan...:)
umm... minsan kc ganyan din ako ky lang alam ko ang cause ng pimples ko...ang hair ko! kapag may bangs ako o di kaya ay may maiikling hair na tumutusok ang dulo sa face ko...sure na magkaka pimples ako. kaya nga di ako maka pag pa putol ng hair e kc for sure magiging problem ko ang pimples once na humaba na ito down to my shoulder.
nakakarelate ako :) .... tinadtad ako ng tagyawat nung nagpunta ako dito sa lugar na to ..samantalang dati kahit na ngetpa ako sabi nila baby face daw dahil makinis ang fez ko ..ngayon wala na ... lalo na kong pumanget dahil sa tagyawat :( ..kaines ano?
The cause of pimples is unknown. The process by which a pimple develops is highly intricate. While we do know that a pore collapses on itself and blocks sebum (oil) from escaping, we do not fully understand why this process takes place in one sebaceous gland versus another.
Causes of adult acne and teen acne may include hormones, diet, evolutionary biology, vitamin deficiency, stress, and more. The real explanation may be a complex mix of many of these factors.
*yan, malinaw na ba? di lang dahil sa KANYA!!! hehehe
o hayan ha! iniexplain na ni neng hindi lang daw dahil sa KANYA yon kaya hwag mong isipin na nagka tighayawat ka sabi nga ni major :)
wag na kasi mag senti para wala ng pimples...
hoy sa lahat sa inyo: akala niyo naman tadtad ng tighawat ang mukha ko? hindi ah... nakakairita lang na may ilang naliligaw! iew...
at ke mami neng: talaga atang nagresearch ka pa for me ah! heheh..un na nga eh..feeling ko lalo na tritrigger ung mga causes na un dahil sa kaiisip ko..nakakastress nga!
magpa-appointment na sa derma. ako napapadalas yata bisita. ang sakit kukutin ang pagmumukha.
ganyan talaga si te neng mapag research!
c saw: nagpafacial na ko.kase nakakairita na! blackheads daw and white heads ang marami saken... madumi na talaga mukha ko.
pag ganito pa rin to.sundin ko payo mo magpapaapointment na ko sa derma..waaah! ang gastos magpaganda!
Dapat na obserbahan mo kung kailan ka nagkakaroon ng pimple. Maaari kasi itong kasama sa pre-menstrual syndrome mo. I mean, b4 you have ur period.
Tama rin naman na cause ito ng stress, clogged pores o kaya too much fatty foods ang ini-intake natin.
Anyway kusa rin namang nawawala ang pimple but we should be cautious dahil may health risk din kapag lumala ang pimples.
baka sa puyat yan...
benzoyl peroxide. i swear by it. and DO NOT fool around with it.
there.
but no. ako nasa genes ko na ang pimples kaya kebs na lang kung mag-emote galore ako! hmp! hehe pero baka nga kakaisip mo yan kaya ganyan. nagpoprotesta ang katawana mo pare.
hmmmm.... isipin mo na lng na nunal yan... harharhar jokssss
...ignore it,pag di mo pinansin kusa lang yang mawawala sis,the more you think of it,dagdag stress yun^_^ in shorts lalo syang dadami...so the best thing to do is ,yaan mong yung pimples ang mamroblema sayo..ok na lojiks??hehe..
..stay away from fatty foods and do yoga (nyeee layo no?)
...basta hugss na nga lang kita^_~
-kathy-
malaya: yeah,syempre during menstrual period mas marami.
rob: at pag nagpupuyat , syempre nadadagdagan
erik: salamat sa payo
stellar: onga, nagproprotesta sila at apektado na ko sa protesta nila! wahhh....
kneeko: ayoko na nga mag-isip...madadagdagan lang pimples ko.
kathy! salamat sa hugs *mwuah!*
AT SA LAHAT ANO ITO? NAGING BIG ISSUE ANG PIMPLES KO! HEHEHE...YAAN NIYO DI NA KO MASYADONG MAG-IISIP PARA BAWAS STRESS!
Hmm..sa palagay ko related sa body chemistry mo yan. Malamang may mga biological changes na nangyari sa katawan mo na sinabayan or ibinunga ng mga pagbabago sa paligid mo, pag-aaral, trabaho etc.
weeeee!!!! sabi na nga eh.. mas malala ka sa akin.. itigil na yang ilusyon..
stellar, what the hell does kebs mean?
Post a Comment