Sunday, March 12, 2006

tok...tok...tok...

sa pinto'y kumakatok. bubuksan mo ba ang pinto? teka muna! me pinto nga ba ang puso?

me mga taong darating sa buhay mo, patutuluyin mo at ituturing na bahagi ng iyong puso. ipaghahanda mo ng isang magandang kwarto. tapos maya maya, di mo namalayang bigla siyang mawawala. nasayang lang ang inihanda mong tutuluyan niya. bumisita lang pala siya at hindi naman pala titira. nasaktan ka. tapos sabi mo unfair siya! bakit? anong ginawa niya? sasabihin mong dumating siya tapos aalis rin pala! ang masama pa sabi mo, ung susi sa pinto ng puso mo nasa kanya. di mo tuloy mabuksan para sa iba.

tanga ka ba? wala namang pinto ang puso! pero doorway siguro, oo. parang UP university, me gateway, pero walang gate. kaya kahit sino pwedeng pumasok at kahit sino pwedeng lumabas. ibig sabihin palaging bukas! kaya di mo siya dapat sisihin dahil ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong tabernakulo na pagkukulungan mo ng puso mo. parang baon na nilagay mo sa lunchbox na binili mo. parang ganun. ikaw mismo ang nagtanim ng damo na naging dahilan para maging masukal ang dadaanan ng mga taong patungo sayo. ikaw mismo ang naglalagay ng bakod para walang makaabot sayo at walang makakita sa tunay na nararamdaman mo.

o ano ngayon? kaya mo pa? paninindigan mong mag-isa kahit hirap na hirap ka na? o heto ang martilyo, sirain mo ang padlock na inilagay mo sa kulungan ng puso mo. pagod na siya, palayain mo na...bigyan mo naman siya ng pagkakataong muling sumaya. o heto ang itak, tabasin o ang gubat ng damo na nakaharang sa daan ng puso mo. sirain mo ang bakod nang makita namin ang bagong mukha mo.

o yan. di ba, masaya? nakakahinga ka na. at yung kwarto para sa kanya? wag kang mag- alala me darating pang iba. malay mo, mamaya dumating ang tunay na nakalaan para dyan, di ba? kaya pwede ba? gumising ka na! kase habang me buhay, me pag-asa pa.

minsan ang tao mismo ang gumagawa ng dahilan upang higit siyang mahirapan.

17 comments:

Anonymous said...

oo tama

nixda said...

pukpukin na kita ng bakya jan eh!


hirap talaga labanan ang sakit na ito ... naghahawa ka pa :D

waaahhhh!!!!! lol

lojika said...

hoy hah! di naman ako ganun kanegative...di po ako to. share ko lang sa iba. narinig ko yan sa priest... na walang pinto ang puso, doorway lang na bukas para sa lahat, then i derived this conclusion na tao mismo ang gumagawa ng kulungan nito.

un lang pero kung ako naman to aaminin ko promise!

REM said...

tama,lojika, sa mga sinulat mo....tao lang ang nagpapaka tanga sa pakukulong ng sarili sa isang nakaraang walang kwenta, pero hanga ako sa pahayag mo...ganda ng mensahe...sana ikaw rin...makaya mo itong panindigan.... well, ako? hummm...tapos na ako jan.

Anonymous said...

Nice analogy. Ehehehehe.

lojika said...

tama, analogy ko lang yun...pero mukhang ngaun kelangang ako ang mtuto sa sarili kong analogy.

The Guy in Red Sneakers said...

at least marunong kang gumawa nang mga nalogies at metaphors.

ako hindi eh.

Sinukuan said...

tama. parang UP na walang gate. bukas para sa lahat. may checkpoint nga wala namang chinecheck. hehe. labo. hindi mo namamalayan kung sinong pumapasok o lumalabas. basta na lang...

Anonymous said...

wooow..tamang tama ako dyan a... :) steeg


-gem ( greenangel36.blogspot.com)

Anonymous said...

heheheh salamat sa payo

Anonymous said...

minsan ang tao mismo ang gumagawa ng dahilan upang higit siyang mahirapan <--- AGREE!!!!!

lojika said...

kase lukin minsan masarap masaktan..nakakaadik! hinahanap hanap...lol

Ka Uro said...

ok sa payo. thumbs up ako.

Anonymous said...

me tama ka dyan!!!... forget the past, look forward & move faster... 'be happy & expect the unexpected things to come'... tama kaya ako..????

Kathy said...

Uy may tama ka dyan kneeko^_^...ayos tumama rin.
Ok what's the question now?err.. wala pala ko sa topic..ok balik ako mamaya pagkakain ko ok?tomguts na ko kaya di na ko maka-relate hehe..

C Saw said...

tao rin gumagawa ng dahilan para higit syang sumaya ;)

Anonymous said...

katya hehehe... naka jackpot pala ako ng sagot.. Blow out ako.. hehehe