Thursday, March 16, 2006

ako at ang gripo sa banyo

mabigat ang loob ko
kaya nagtungo sa banyo
umupo sa trono
ng maliit na kwadrado

at sa takot ko
na may makarinig
ng paghagulhol ko...
binuksan ko ang gripo
upang basagin ang katahimikan
sa lugar na tinuring ko nang kaharian

kasabay ng pagbagsak
ng tubig mula sa gripo
ay ang pagpatak
ng bawat luha ko...

ako at ang gripo sa banyo...

"oo, ikaw gripo
sabay tayo
ikaw at ako
punuin natinang timba
ng pinaghalong tubig at luha
sabay nating ibuhos at nang lahat ay maubos
sabayan mo ako
ikaw at ako
iiyak tayo, kaibigang gripo."
-------------------------------------------------------------------------------------
kumusta naman at pati ung gripo namin napagtripan ko? pasensya na ha, di ko lang talaga napigilan ang pagbuhos ng ulan nitong dumaang araw. at least maginhawa ang pakiramdam pagkatapos ng ulan. natakot naman ako na baka may pumasok sa kwarto at makita sa paggulong ng mahiwagang waterfall sa mga mata ko...kaya sa banyo na lang ako nagsenti. wag kayong mag alala, di ako senti ngaun, nung isang araw pa yun.

21 comments:

Anonymous said...

yung timba nga lang kaya ang pinuno mo? bk pati yung bowl!hehe...

Anonymous said...

uhmmnnn..... kaya pala makulet ka sa mga tagboard me tinatago kang agiw jan sa dibdib mo lol!!!!

Jhezper Driedfish said...

taray naman ng blog na 'to .. walang halong eklat ... anywyas .. napadaan lang... na d/l ko na rin blog mo kaya mamaya ko na basahin pagkatapos ko mag laba .. sana dumaan ka rin sa blog ko .. heheh ..

http://www.shanarawarriors.blogspot.com

jlois said...

matatapos din yang tag-ulan sa buhay mo at makikita mo sisikat din ang tag-araw, kasi lahat naman tayo dumaan dyan eh.

Anonymous said...

hello.. just bouncin back.. thanks for droppin by my site and for the comment..

heheh. Nakakatawa tong blog mo ah... I'm enjoying reading your entries. geee,....
nice site!

Pagpasensyahan mo na.. La Nina na eh !{:-) di ko lam pano itype ang enye..)Heheh

Nga pala, di ako nagHINDI... Peace out!

Jhezper Driedfish said...

nadarama kong nde ka naman nagbasa sa blog ko e .. kainis! .. pero link kita .. sana link mo din ako .. hehehhe

kukote said...

pati gripo, pinagdiskitahan. lufet mo! ;)

C Saw said...

tapos mo lumuha, maligo ka na rin. puno na naman ang timba. para feeling fresh!

nga pala may tanong ako, pero Oo o Hindi lang dapat ang sagot. ang tanong: Hindi ka naligo, ano?

nixda said...

ang drama mo marina ha!

akala ko tapos na kasentihan? aabot ba yan hanggang biernes santo? helloooooo ....,sayang ang mga luha lalo na kung di naman siya karapat-dapat!

o siya sige, ilabas mo na lahat para pagdating ni fafa blue eyes, hindi namumugto mga mata mo! :D

Kathy said...

Haha..kulit ^_^ gripo naman ngayon ha?magtayo na tayo ng club.."senti bloggers" ano neng?ayaw mo?hehe..
Lojika gusto mo champorado?bring your own plate,daan ka sa bahay ok?

cheers,
-kathy-

Anonymous said...

wahahah

kulet!

Anonymous said...

astig ka lojika! :) madrama ka rin pala tulad ko..

aus lang yan, at least nailalabas mo ang nararamdaman mo..

mabuhay ka! nainspire tuloy akong magsulat ulit.. :)


peace awt!

ie said...

at least, may kasabay kang lumuha sa mga panahong iyon. :(

Anonymous said...

when it rain it pours.. ganyan talaga buhay minsan maulan, hehe

michelle said...

something tells me magandang gawin spam ang poem mo sa mga mails ahehe...sisikat yan! pass it on!

Jhezper Driedfish said...

PURO KAYO JOLOGS! jokla lang! .. ahihih .. daddy maraming salamat sa pagdaan sa blog ... nga pala nabasa ko na mga entries mo! ang galing mo mag sulat grabe .. peor stay away from sharp objects dahil nadarama kong suicidal ka ng slight ... joke! ... i lab u na i swear! .. kung nde ka lang straight kukulitin kita ng grabe! ... hahahha

The Guy in Red Sneakers said...

oh my god the gripo dialogues pala ito.

*smirks.

i can see the sequel now, the lababo manuscripts...

The Guy in Red Sneakers said...

well... my version of it would be to fill the lababo with really cold water.

a good scrub sans the soap with icy cold water lessens the puffiness.

after all that crying (i did the crying).

there. the lababo story. since you asked in the tagboards.

Sinukuan said...

hoy erik anong eklat yan?

haha.

hoy ang senti. aylabyit!.
tama, mas masaya sigurong magwaterfalls sa banyo noh. hindi mahahalata. try ko nga some other time.

Mmy-Lei said...

first time ko umiikot at natuwa ako na may kapareha pala ako ng ginagawa, banyo ang kanlungan sa mga luhang nagpupumiglas at ang kaibigang gripo ang nagtatakip ng mga hagulgul sa loob ng banyo.

salamat sa paglathala.

The Guy in Red Sneakers said...

babaeng baka (na dati'y bituin),

mapagpatol ka rin, ano? weno ngayon kung gusto kong mag-iiyak-iyakan?

to each his own...

btw, i'm thinking of coming up with an anthology.

ikaw at ang baka mo ang cover, pwede?

ei lojika, salamat sa space.