Friday, June 02, 2006

silip lang...

guess who's back? back again..lojik's back...back again!

bakit nga ba ako nawala? bakit ang tagal kong hindi nagblog? bakit?

a. dahil block na ang internet sa opisina namin?
b. tuluyan nang nasira at nainfect ang pc unit ko?
c. napagalitan na ako ng boss dahil nakita niya kong nag iinternet? or
d. dahil tuluyan ko nang nakalimutan ang dahilan ng mga pagsesenti ko nung dumaang araw? naubos na ang kasentihan ko kaya hindi na ako nagbablog at nangangahulugan na ito ng pamamaalam?

pero bago niyo sagutin ang tanong...magbabalik ang "pilipinas, game ka na ba?"



yep, minsan mabuti rin magkaron ng memory gap. (nakalimot ako kahit papano) ok na ko. as in yes na yes na yes. (ngaun at nung mga nagdaang araw pero bukas makalawa di ko pa rin alam, siyempre, mahirap magsalita ng tapos.) sa totoo lang ang tunay na dahilan ng pagkawala ko ng halos 2 linggo ay dahil tulad ng nauna kong sinabi infected ng spyware ang pc ko. nakakaconnect ako minsan pero napakabagal. 48 years! ang tagal nun...


and another reason ay dahil nanggaling ako sa Boracay para sa isang seminar. been there for 4 days! hindi na muna ako magkwekwento dahil masyadong maraming nangyari. aabutin na naman ng another 48 years! pero salamat Boracay. ibinalik niya ang dating ako.haler? nakalimutan ko nang mag emote! for a while.... (congrats naman) i'm much better now. sabi ko na nga ba i really just need a break. aus!

maayos na rin ang pc ko. nireformat na siya. at mag eenroll na ko for 4th year (sana matuloy, wish me lucK!)

hey, pagkatapos ng ulan... mukhang nakikita ko na ang pagsulyap ng rainbow. maraming ng kulay. hindi na malabo. napipintahan na ang black ng nagtitingkaran kulay.

matagal rin akong nagkalat at kelangan kong maglinis. pero isa isa lang dahil mahina ang kalaban. pagod pa rin ako hanggang ngaun. pero umaandar naman. sa isang linggo, promise, dadalawin ko kayo! namiss ko na kayo at ang buong blogosphere!

pero ngaun...pwede bang matulog muna ako?

waaaaah! tulog! kelangan ko ng tulog...

zzzzzzzzzzzzz.............

14 comments:

JoLoGs QuEeN said...

welcome back!!!

new improved lojika?

nakows pano yan d ka na senti?

Mistyjoy said...

48 yirs din bago magresponde kompyuter ko kaya badtrip ako lagi...

ei! sige tulog ka muna, sana paggising mo di ka na senti.. kelangan lang pala sayo ay anwaynd.. hehe!

jlois said...

im glad kahit paano pala eh, nakalimutan ka sa mga kasentihan mo, at sana tuloy tuloy nang maging makulay ang dating binabalik balikang kulay itim na mundo, sge tulog ka lang ulit

Anonymous said...

bora babe ka pala for a while!

***
sige ipaghehele kita

Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin
ang mundong ito
lika na tulog na tayo

Tulog na mahal ko
`wag kang lumuha
malambot ang iyong kama
saka na mamrublema

Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya hindi ka na nila
kaya pang saktan
Matulog, tulog ka na.

Anonymous said...

to the jologs queen:

thanks! hahaha..new improved pla!di na ko senti pero di nangangahulugan di na ko susulat ng tagos...me emotional part pa rin ako!

to misty:

kaimbierna yan! tapon mo na ang kompyuter mo. hahah. this wikend sana makapahinga na ako! salamat. nafefeel ko na ang pagbabalik ng swerte saken.salamat! ^_^

to mr. jlo:

salamat po sa inyo. sa walang sawang pakikisenti. it think it's coming to an end. it will be over. sooner sana! waahahh! thank you. thank you.

to malaya:

yep, bora babe ako! enjoy! lalo na ang island hopping. salamat sa hele...sasarap ang tulog ko!

nixda said...

waaahhh, di man lang ako sinabihan! sana nakasama sa bora ang sirena! :(

go go gurl! sabi ko sa iyo daming fafas sa mundo! aral ka na lang nga muna ...

Doubting Thomas said...

Woot! welcome back!!!!!! ang tagal mong nawala! Muntik na kitang burahin sa blog roll ko... hehe! joke lang!

at panigurado... tatanungin mo ko... Bakit Bim???

Jhezper Driedfish said...

bakla naman kasi! tandaan na ang katol ay pampatay ng lamok .. hindi hinihithit .. nakaka sira yan ng braincells mamah! ... meet tayo pag dating ko dyan ha! ...

Anonymous said...

to mami neng:

sori naman. di na nga ako nakapagpaalam kase me topak nga ang pc ko,di ba? di bale next time. uu nga,marami dyang fafa, hahanap na ko.

to bim:

burahan ng blogroll pala ang labanan ha. ahahah...bakit nga bim? inunahan mo na ko magtanong, sana sinamahan mo na ng sagot.

to manay jhezper:

wala na kase akong budget. epekto siguro un ng pagtigil ko sa katol..basahan na lang ang tinitira ko ngaun.hahah! patawa ka talaga mare.

kelan uwi mo? excited tuloy ako!

Bryan Anthony the First said...

yehey! happy people are everywhere...

good for you lojik

woof!

Anonymous said...

reasonable naman pala kung bakit ka nawala. lalo na kung sa boracay ka napunta, pagpapalit mo ba naman blogging doon? hehe

Kathy said...

....aww welcome back girl ^_^ kumpleto na naman "senti bloggers" nyeee ;) loko lang muaahh!

...have a great week ahead!

cheers,
-kathy-

Anonymous said...

to bryan:

salamat. it's always nice to be happy! shalalala...

to cruise:

me computer shop sa bora...sayang pauwi na kami nung nakita ko..tsaka la ring time..hectic ang sked dun..hahah! pero enjoy.it's nice to be back!

to kathy:

miss u gurl! at ang buong blogosphere! hahah. kumpleto na ba ulet?/

The Guy in Red Sneakers said...

okay. i thought you died or something.