di kaya...
nalulungkot ang buwan
dahil wala siyang kasama
at palaging nag-iisa lang?
di kaya...
napapagod ang alon
sa paghampas ng
walang kalaban labang
buhangin sa karagatan?
hindi kaya...
nababato ang bundok
dahil sa wala siyang
ibang mapuntahan
kundi ang lugar na
kanyang kinalalagakan?
hindi kaya...
nagsasawa ang araw
sa paulit ulit ng eksenang
pagsikat sa silangan
at paglubog sa kanluran?
hindi kaya...
nahihilo na ang mundo
sa araw araw niyang pag-ikot?
paulit-ulit lang naman
at walang katapusan.
hindi kaya...
nasusuka ang kalangitan
sa tuwing nakikita niya
ang dumi ng kamunduhan?
hindi...
hindi naman...
kase wala silang pakiramdam
walang pakialam.
nakakalungkot, nakakapagod
nakakabato, nagsasawa na rin ako!
nakakahilo, nakakasuka
kung pwede lang tama na!
hindi naman ako lasing
pero parang ganun na rin
atsara na...
sana lang maiba.
*written some time ago...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
minsan, minsan lang naman..nakakabagot ang mga pang araw araw na nangyayari sa buhay.
sangat uli: isulong seoph
isulong seoph
14 comments:
nalalasan ko ang tamis asim ng atsara sa iyong tula...
hindi kaya
sarap mo kutusan?
sabi ko inuman na lang e
lol!!
masarap bang pulutan yan?
sama ako jan :D
tante melai, some time ago pa yan!
sundan mo na lang ang bahaghari :)
luvs u too rob! salamat...masarap ba? eheheh
to melai:
inuman? lahat na lang ng bloggers pinag-iinom ako..aba! lalasinging nio ako nyan ah..tama si mami neng, matagal na un..
to my mami sirena:
ang panget atang pulutan yun. layo mo. pano tau makakatagay nyan? sundan ko ang rainbow! okie...pero hanapin ko muna. makikita ko rin yun!
totoo. nakakainis. parang lahat ay isang cycle lang lang. paulit ulit... ayoko ko na rin. isa na rin akong nakikisenti.
Monotomous! kaasar diba? kahit ano'ng hila mo pakabig ng manibela iisa lang din kapupuntahan mo..death wahaha..layo ng komento.
know what? i don't think nalulungkot si moon dal lagi kaming magkapiling sa mga gabing, ang isip ko'y malalim..myahaha..
neweis, luv the poem so much. so coooolllll yet, tumatagos.
..hehe atsara?? woww miss ko na yan ah, sarap sa amin sa Laguna magluto nyan. ;)
..aww ang lalim mo talaga lojiks ^_^ di kita maarok.
..saan mo hinuhugot yang mga tula mo? wala man lang ako talent sa ganyan hehe!
...keep it up girl..galing mo nga eh!
enjoy weekend!
cheers,
-kathy-
nalungkot ako sa post. pero hindi ko alam kung bakit. hmm...
akalain mong pareho tau ng nilalaman ng bagong post...is this some kind of a co-accident este incident??..ahimmmm...in short pareho tau ng nararamdaman..dinadamayan kita dyan
*hug*
minsan nga may mga times na ganyan ang tingin natin sa buhay. Minsan kasi dami natin mga expectations.
ang ganda ng poem mo. God bless.
==jologs wave==
kamusta naman yown!
humahataw na naman tayo
sa kasentihan!
kudos talaga mga tula mo
tagos from balun balunan
naman ito!
APIR! (^_^)
boring ba? pde naman guluhin ang buhay para pde uli ayusin.
ayos ah danda tula.... hindi kaya hindi kaya.. ehem uhu ubu ehem... di ko kayang tanggapin na mawawala ang akin hehehhe malayo ata narating ko ah hehehe
ganun talaga kapag routinary na buhay. kailangan mo talagang maging creative minsan para di boring buhay...
Post a Comment