Wednesday, June 28, 2006

nagtatanong lang po

araw-araw na lang tumataas ang cost of living dito sa Pinas. and as of this moment 53.423 na ang key rate ng php versus the us dollar. kaya naman tumataas ang LPG, tumataas ang gasolina, tumataas ang pamasahe, ang matrikula at ang halos ata lahat ng bilihin dito saten. aba! eh si gloria na lang ata ang hindi tumataas. kumusta naman yun?


noong una ay may apat na klase ng lipunan: ang mga namumuno o datu, ang maharlika(freemen), timawa(commoners) at ang mga alipin (servant/slave). pero sa panahon ngayon me tatlo na lang daw tong klasipikasyon: ang mayaman, mahirap at ang sobrang hirap. mahirap na raw talagang mabuhay ngayon. kahit nga yung boss kong mayaman nagtitipid.


kaya naman iba't-ibang gimik na ang naiisipin ng mga pinoy para lang makasabay sa mabilis na paggulong ng buhay. ang daming naglabasang bagong uri ng negosyo. legal at ilegal. ang daming lumilipad papuntang ibang bansa. at marami na ring kumakagat sa iba't-ibang contest at game of chance. (kahit na nga nagkastampede na...eh hindi pa rin talaga mapigilan)


nainspire lang naman ako sa post ni maam tekla kahapon, so naisip kong i-share sa inyo ang ilang mga reviewer question na baka sakaling itanong sa ilang mga game shows. (such as laban o bawi, pera o bayong, game ka na ba? etc.) mapag-isipan niyo na habang maaga


*imagine na lang natin kris aquino delivering these lines....*
  • nadudulas ba ang linta, yes or no?
  • me kilay ba ang pusit, yes or no?
  • naghihilamos ba ang isda, yes or no?
  • nahihilo ba ang paru-paro, yes or no?
  • napupuwing ba ang tutubi, yes or no?
  • umuutot ba ang kambing, yes or no? (anong shape?)
o kung masyado ka namang nachecheapan sumali sa mga pangmasang gameshows, why naman don't you try a beauty contest? ito ang questions para sa mga finalist:
  • kung ikaw ay mamatay at bibigyan ng pagkakataong muling mabuhay....pipiliin mo bang maging isang utot o tae na lamang at bakit?
  • kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang isang bagay dito sa mundo... anong pakealam namen?
and the last but not the least:
  • kung mamatay ka.... bakit hindi pa ngayon?

hay naku! nakakaloka na kase ang magbudget ng perang hindi naman talaga kasya. well, wala tayong magagawa kundi aliwin na lang ang sarili naten. smile! =)

30 comments:

karmimay said...

mahirap na nga talaga ang buhay sa pinas.. hay.. pero gusto ko pa ring bumalik dyan.. iba kasi talaga ang pilipinas sa ibang bansa.. mas masaya dyan kahit mahirap ang buhay..

natawa ako dun sa si gloria na lang ang hindi tumataas... hahaha..

at ung mga tanong.. hmmmm.. kakaiba!!!

kapag talagang naaasar ka na, nakakagwa na ng kakaibang post!! hehehe.. :)

Kathy said...

..haha lol ^_^ iba trip mo ngayon ha? bakit "bloggers block" ka ba?
kulit ng mga tanong na yan?
...hay kaka-miss sa pinas no? miss ko na halo-halo waaaa ;( mainit na rin kase dito sa Japan eh ^_^

ingatz sweetie!

cheers,
-kathy-

nixda said...

i second d motion karmi!

maa-appreciate mo lang talaga ang mga bagay2 kung wala/malayo na sa iyo!
hmmm...teka lang, kung uuwi ako ...miss ko naman ang snow! waaahhh

wala talagang asenso kung trabahador ka lang, dapat sariling-sikap! :)

*sarap sagutin iyang mga tanong ah
kumpara ko sana sa mga nararanasan ko ngayon dito sa blogging pero wag na lang, dami kong matatapakan!!! gawan ko kaqya ng extra post??? hehehe

Anonymous said...

tama ka karmi...masaya ang mga pilipino kahit naghihirap na tayo. we always find a way para maenjoy ang buhay!

actually di naman ako naasar eh. sinamantala ko lang walang boss kaya nakapagpost ako ng bago.hahahah

kathy:

malamig ngaun dito sa pinas. i mean maulan. buwan kase ng bagyo june, july...tapos na angsummer dito! di na uso ang halo halo.

bloggers blog? naah! ang dami ko naiisip ipost. tinatamad ako.eheheh..matagal ko na sana ipopost ung mga question na yan. ngaun lang natuloy nung nabasa ko post ni maam teks!

iba ba? hindi senti? eheheh. makulit naman kase talaga ako in person.

to mami racky:

magbaon ka na lang ng snow dito pag uwi mo para di mo mamiss.eheheh! sana singaot mo ang mga inspiring question ko! ahahah...


sige extra post na lang. me aabangan baako?

Anonymous said...

mam greys! meal talaga ang choice ko.ahahah.. ung libre para tipid sa budget.

meal? or meal pa rin?

C Saw said...

nagsenti ka na naman. nakakalungkot naman yan.

Anonymous said...

ayos ah hahaha..

"nahihilo ba ang paru-paro, yes or no?" - sigurado alam to ni mystysang paru-paro...

"napupuwing ba ang tutubi, yes or no?" - at eto naman masasagot ni tutubing karayom hehe

utototae? utot sabay tae eiwwwwwwwww ayaw ko na hahahha

Anonymous said...

* nadudulas ba ang linta, yes or no?
* me kilay ba ang pusit, yes or no?
*umuutot ba ang kambing, yes or no? (anong shape?)

AHAHAHAHAAHAHAAHAHAHAH ano ba yan... naloka nanaman ako sa mga tanong na yan!

Ann said...

nakakaloka nga yang mga tanong na yan pero naaliw ako. Kambing pa lang mabaho na ano pa kaya yung utot nya..hehehe.

Anonymous said...

natumbok mo ang sentimyento ko ng makauwi ako ng pinas last year for christmas. shocked ako sa difference ng prices ng mga bilihin from the time i left to the time i went back home! as in muntik ng malaglag ang undies ko! dagdagan pa ng R-VAT, e-VAT at kung ano2x pang VAT ang nadagdag sa binabayaran natin everytime we buy a commodity. no wonder pinoys prefer to suffer workin' abroad despite the loneliness and distance than be close to the people we love but end up dying w/ their mouths and eyes wide open of hunger and despair! hay, i miss pinas but i need to earn my means... sadly HOME is not what it used to be... :)

Anonymous said...

yep, i'm startin' to swim around and outside the wordpress country! and i'm findin' it interesting esp. yung blogs ng mga kapwa nating pinoys and pinays! thanks for peekin' in at my site! cheers! :D

Obi Macapuno said...

nyahahahaha Kriz Aquino raaaawwwwwks!!!

Mistyjoy said...

whew! ayos ang mga question ha parang patungkol sa mga blogger na makukulit :-)

nahihilo din ang paruparo kaya nagpapahinga.. inaabot din nga ng katamaran eh. ayan tinatamad magpost ang paruparo. ang dahilan nag-iisip sya kung pano babadyetin ang kakarampot na sweldo. huhu!

Anonymous said...

ako magtatanong...

ano naman yung non-living thing with wings but sucks blood?

anooooo?

e di whisper with wings... atsetse!

korni ko talaga, achus!

Anonymous said...

ayos. mahusay. nice. sensible non-sense. lol

Anonymous said...

no comment sa joke nitong c major! major sa... wag na lng! LoL ;)

The Guy in Red Sneakers said...

haynako. imadyin too, da many utangs pa.

pano magbabadyet kung di nga kasya.

*sigh

pinkysteph said...

bwahahahaha!!!! pasaway! sabagay mare wala na tayong magagawa sa sistema pero ang pagaangin ang mabigat na daloy ng takbo ng buhay e malalapatan naman ng solusyon...kundi man, di pa rin ipinagkakait ang pagkakataong matakasan yun panumandali. aba libre naman ang tumawa bat di magawa...makibasa kay lojika ng minsan kang maloka hehe biro lang. kaaliw!

Doubting Thomas said...

sasagutin ko to:

kung mamatay ka.... bakit hindi pa ngayon?

dahil, ayoko pa. at isa pa hindi ko naman makokontrol ang aking pagkamatay...

at isa pa... mawawaln lahat ng dahilan... basta parang ganun. wag muna ngayon... saka na... kapag maganda na buhay ng aking pamilya.

WOOT! said...

wahaha..kulit ng mga tanong! tama po kau dyan..mahirap talaga magbudget ng money..ako nga eh kahit gaano magtipid na t-tempt pa ring gumastos..sabagay bata pa kasi siguro ako..hehe..

aliwin na nga lang ang sarili kong topak na sa mga nangyayari..

j said...

Nakaka aliw ka talaga Lojik :) Live within your means, pilipitin ang sikmura kahit gutom? Hahay...

Anonymous said...

to c:
senti ba ito? yes or no? heheheH! at ngaun ka pa nalungkot ha...

to KNEEKO:
siguro nga si misty at tk ang dapat kong tanungin..think hard. hahaha! once you say you're sure, di na pwedeng magpalit ng answer.

to -k- & MAMI ANN:
kaloka nga! kaloka na kase ang pang-araw araw na buhay. kaya kelangan maglibang.kaya kung ano ano naiisipan.

to MAYANG:

sad. kelangan talaga magsacrifice para magkaroon ng magandang buhay.it's really always nice to be home.

enjoy swimming around different pinoy blogs! promise aliw nga talaga!

to OBI:
yeah, leave it to the queen of "yes or no?" hahah. pero di ko siya idol noH!

Anonymous said...

to MISTY JOY:
makulit nga! kala mo pangsenti lang ako ha! eheheh.. tagal mo nga nawala mareng paru paro ah! mukhang gusto ko na ngang maniwalang nahihilo ang mga paru-paro. kulang ba ang budget?

to MAJOR:
korni nga...sanay na ko.don't worry. tama si Mayang. no comment!

to RALPHT:
thanks man!

to ERIK:
hay naku talaga! budget *sigh* lam ko problema mo rin un. pero ok lang un! chill...

to PINKYSTEPH:
yep, yep, yep! mahirap talaga baguhin ang sistema. dapat lang makasabay tau. kapit! eheheh...tama ka libre naman tumawa. why not naman aliwin ang sarili? diba?

Anonymous said...

to ROB:
sineryoso mo talaga ang tanong ha! mabait na bata! gudluck po sa mga dreams mo! woooooooot...


to RUTH:
yes, mahirap ang buhay ngaun. pero wag masyadong dibdibin ang mga pangyayari, aliwin ang sarili. godbless!

to JAIRAM:
thank you. thank you po!

Anonymous said...

kaninang umaga sabi ng mga businessman kapag natuloy ang impeachment na dumami pa ang activities na related dito lalong bababa ang presyo ng peso kontra dolyar dahil sa ang mga negosyante ay matatakot na namang mamuhunan sa pilipinas. sa ganitong pagkakataon ay lalong lalaki ang sakop ng mga taong "sobrang hirap"

Momel said...

Lojikaaaaaaaaaaaaa!

That was funny ha. Thanks for making us laugh. At this point, really, all I could have cared for would be earning more and complaining less. And then laugh some more.

Cheers! Miss you!

C Saw said...

ndi ba malungkot mabuhay bilang utot o tae?

yuri said...

hmmm... gusto kong maging utot para ako ay lilipad kasama ng alikabok patungong langit sapagkat kung ako'y magiging tae, ang kalalagyan ko ay di kanais nais na posonegro sa kailaliman ng lupa. i thank you! (smile, strike a pose wave sa fans)

jlois said...

isa pang tanong lojiks
*may kulay ba ang utot?
kung meron ano?

Paolo said...

parang natanong na sa logic class nmin yan "kung may kulay ang utot, ano dapat" sagot ko ata ay brown para kulay ebs din. nakaka2wa post mo. haaaay.