Tuesday, July 04, 2006

alaala....

pero hindi! kelangan kong umalis. kelangan kong lumayo. kelangan kong kalimutan ang nakaraan. kelangan kong lumaban... pero para atang nilalaro ako ng tadhana. leche! sa dinami dami ng kanta, bakit naman kase un pa?!? tuloy, naisip ko na naman siya. kung kelan iniiwasan ko ang lahat ng alaala niya. saka naman...

dito sa dyip kung saan kami unang nagkita, nagkakilala, nagkasama at naging masaya. pero ngayon, wala na siya. at hindi na muling babalik pa. natapos na ang lahat ng saya at hanggang ngayon di ko pa rin alam kung pano ko pipiliting sabihin sa sarili kong tanging langit na lang ang natitira kong pag-asa. upang muli siyang makita at makasama.

matagal rin pala akong napatitig sa kawala. wala sa sarili habang nagmumuni muni. hanggang sa naramdaman ko ng sinisiksik na ko ng katabi ko. puno na pala ang dyip. di ko napuna na marami na akong kasama. halos lahat sila nakatitig saken na para bang me ginawa akong krimen. di ko na rin napansin ang pagbuhos ng ulan at pumatak na rin pala ang mga luha ko nang di ko namamalayan. sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, alam ko nandun siya. naramdaman ko ang init ng yakap niya kasabay ng pag-ihip ng isang malakas na hangin na para bang nagsasabing lakasan ko ang loob ko.

bumaba na ako ng dyip na di inalintana ang lakas ng ulan...na hindi pa rin alam ang tiyak na patutunguhan. mabagal na naglalakad na wari'y walang pakealam. wala akong nakikita kundi ang iyong alala. wala akong naririnig kundi ang malungkot na musika. wala akong nararamdaman kundi ang lungkot ng pag-iisa. nagulat na lang ako sa sigaw ng mga tao. huli na nang makita ko ang malaking sasakyang rumaragasa sa aking harapan, ang nakakasilaw na kaliwanagan. tapos biglang dumilim. wala na kong naramdaman.

abangan ang susunod na kabanata. me "k" ba akong maging writer? heheh..isa lang po yang meme mula sa diyosa ng karagatan ng alemanya. ituloy ko raw kase napakasentimental ko raw. hmmmmp. di ba hindi naman?

Mekaniks:

1. magsusulat ako ng isang maigsing kwento at may itatag na mga tao.
2. itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.


ngayon gusto kong ituloy ito ng isang kontrobersyal na nilalang sa mundo ng kamunduhan.(teka magulo ata yun ah). si bulitas.

buleeetz, lam ko magaling kang writer. (ako kase pang-accounting lang. tulad ni mami neng, numero lang pinaiikot ko) Lam ko kaya mong bigyang buhay ang kasunod niyang paglalakbay. aabangan namin lahat ang istoryang gagawin mo!

27 comments:

ria said...

okay sa o'rayt! hehehe. senting-senti nga. my gulay ang daming nagkalat na talent sa blogging world!!!
will link u up ha =) baka makaisip pa ako ng kakaibang tag. mabiktima ka ulet. pish (^_^)v

karmimay said...

naka nang.. :) aus mare ah.. hmmm, based from experience ba?

senting-senti..

C Saw said...

susme! akala ko may kasama kang camera at crew kasi parang eksana sa isang episode ng bubble gang. hehehe.

Anonymous said...

ayos ah.... kung di lang pinasa kay bulitas sigurado tuloy tuloy mo na yan ano heheheh

nixda said...

waaahhh! lalong lumungkot ang kuwento :D

pero mukhang happy ending ... kaya lang ... sa langit kaya sila magkikita? si bulitas pa, lalong maulap ang kalalabasan nyan! hehehe

galeeeng mo talaga, di lang sa numero :)

Jigs said...

And lungkot naman ng start ng story! I'm sure madadagdagan ni bulitas yan ng maganda ring continuation!

jlois said...

isang masigabong palakpakan sa iyong nobela.. pero may version lang ako..

bumaba na ako ng dyip na di inalintana ang lakas na sigaw ng mamang tsuper, dahil daw hindi ako nagbayd ng pamasahe sa dyip nya, ang tanong ko naman bakit ilang beses ba dapat magbabayad?
sa pagkakasabi ko non, bigla na lang syang nanahimik, sabi ko sa sarili ko oh loko! akala mo makaka-isa ka huh? ang hindi nya alam naisahan ko sya dahil talagang hindi ako nagbayad ng pamasahe.bwahahaha
nagulat na lang ako sa sigaw ng mga tao. huli na nang makita ko ang malaking asong patungo sa aking direksyon, isang malakas na sipa ang inabot nya sa akin at paiyak syang tumakbo sa kanyang
pinanggalingan ang hindi alam ng asong yon ay naka steel toe ang sapatos ko! huh! akala nya huh! boy scout ata to.

yuri said...

ayan na parang paiba iba nababasa kong version, nakakaiyak yung sayo. ramdam na ramdam ko

Ann said...

Galing! Masundan nga ang ending nyan. Lagi bang sa dyipni ang eksena?

Anonymous said...

PARA SA DIOSANG NAGSIMULA NITO:
first, thank you very much for giving me this opportunity to be a part of this very exciting chain posts. heheheh. na carried away ako. akala ko beauty contest ako. nilink rin kita.

KARMI:
own experience? di ah! pero sige na nga! me pinaghugutan. hmmp!

C SAW:
heheh..pwede na bang pangteleserye. kala mo drama ko na naman to noh? bubble gang naman ngayon. kase masaya? !? heheh...minsan magulo ka talagang kausap! kaya gusto kita eh! ang kulit mo! always making me smile.

KNEEKO:
muntik na nga akong madala. buti nakapagpigil ako. konting part lang ung eksenang ginawa ko(siguro, minutes lang yan) pero ang haba na..what more kung itutuloy ko't tatapusin, baka makatulog ka na pagbabasa.heheh

MAMI NENG:
ikaw ang unang nagpalungkot ng story.pinatay mo agad ang unang kalove team niya. sana pagandahin ni bulits ang story. if i would be the one to continue.pwede ko siya bigyan ng bagong kalove team. what do you think?

thank you sa compliment...heheheh! pero magsasayaw na lang ako kesa magsulat. i'm more of a dancer not a writer.eheheh

Anonymous said...

JIGS:
wala akong magagawa. malungkot kase ung sinundan tapos me senti factor pa ang blog na to kaya yan ang kinalabasan. me pag-asa pa naman siya sa other chapters coming.

MR. JLO:
kahit kelan makulit ka talaga! pinuno mo na niyan kanina ung tagboard ko. heheh! salamat sa palakpak! nakakatawa ang version mo. ang kulit! mahal na talaga ang pamasahe at masyado ka atang affected.

YURI:
oo nga! aliw...i'm also keeping track of the three version. aus noH? heheh! ramdam mo? bakit? tagos ba? me experience ka ring related? hmmpp...( *nag-iisip*)

MAMI ANN:
salamat. susundan ko rin ang ending ng mga to. actually di naman laging dyip. dun lang nagsimula ang istorya. bumaba na nga ako ng dyipni dito para me mapuntahan siyang iba.

KD:
yep, tatak senti nga! para halatang ako ang gumawa. chapter 3 pa lang yang saken. medyo nahuli kame sa inyo,busy busyhan din kase ako. malapit na matapos ung sa inyo! nakakalahati na kayo.

Anonymous said...

lol!! pinatay mo na bida? hehehehehe! curious ako sa kasunod :)

Anonymous said...

MELAI:
sinong me sabi sayong patay na ang bida? it's up to the next writer...marami pwedeng kalabasan ang istorya.

nixda said...

dancer pala ha! di panay ang gimmick mo tuwing wochenende??? hehehe

alam ko mas malaki kita ng mga ganyan kumpara mo sa mga writers :D

* tapusin mo ang kuwento kapag end na ng tag ...

j said...

nakakatawaang tag nyo, inabangan ko e, nag blog hop para malaman ang katapusan :)

Anonymous said...

di na nga nakakagimmick ngaun mami neng. sabay kase trabaho at work. kaya singit lang ang gimik.

hehehe..mabilis ba ang kita ng dancer? masubukan nga. hahah..

pano ko tatapusin ang kwento. marami pang chapters na dadaanan un. marami na magdudugtong.ano kaya ending nito?

Anonymous said...

JAIRAM:
malayo pa ang katapusan niyan...3rd chapter pa lang ito. meron pang 7. ung ibang version mas malapit na matapos kesa samen....

Momel said...

Hala, mukhang nagkamali ako ng blog na dinapuan. Umaapaw itu sa emo. Ayokoooo!

Cheers!

Ka Uro said...

ramdam na ramdam. with feelings talaga. may naisip akong magangandang title - "Nang sumakay sa jeep si Sisa". hahaha.

Anonymous said...

tama si KU, nana sumakay a Dyi si sisa - hindi nagbayad..hehe

Anonymous said...

nakakabitin. aabangan ko ang karugtong, hehehe

pinkysteph said...

dalang dala ko dun mare ah...kala ko tuloy kaluluwa na lang nag blog eh hehe..joke! numero ka jan! galing galing nga eh..

Anonymous said...

MOMEL:
apaw sa emo. yun kase talent ko eh, mag emo.

KA URO:
maganda yung title mo. nabuwang si sisa kase nasa new millenium na siya. wala pa naman passenger's jeep dati. naiyak siya kase naliligaw na siya.

MAJOR:
la pang pera si sisa. di pa siya sumesweldo.tsaka wala na rin siyang load. pasaload raw.

CRUISE:
kelangan talaga bitin para me thrill. ngaun palaisipan kung pano to dudugtungan.

PINKYSTEPH:
salamat. pasensya na di ako nakadalaw these week. mejo busy. namiss rin kita.bawi ako next week. di pa siya kaluluwa.aabangan pa natin kung anong gagawin ng kasunod sa istorya.

Doubting Thomas said...

may ka bang maging writer? oo naman!

ahihihi... hindi ko kasi alam yung simula nung istorya... gusto ko sanang i-track...

JoLoGs QuEeN said...

<==jologs wave==>

aba. aba. mahusay to ah. kabit kabit ang story.

Ann said...

Yung kabilang kwento ng nobela nyo comedy naman ang naging topic..ok yan, saan kaya matatapos?

Anonymous said...

di ko napansin na meron din pala ritong kwento hehehe.. nakapagcomment pa pala ako noon...

ung sa akin.. di experience un....hmmmppp... nakita ko lang ung isang tropa na tinatawag na diego hehehehe