Thursday, July 27, 2006

bato bato sa langit...tamaan ka na!

trust is the foundation of any relationship. nabasa ko to habang nag-aaral ako about agency sa isang business law book. sabi dun enough nang justification ang kawalang tiwala ng principal* sa agent niya para putulin ang anumang kontratang namamagitan sa kanila. naisip ko lang hindi lang naman sa principal-agent relationship applicable ang nasabing principle. kahit sa partership, sa magulang at anak, guro at estudyante, magkapatid, magkaibigan, magkasintahan...

kaya kung sobrang selosa o seloso ng girlfriend o boyfriend mo at walang tiwala sa'yo. aba! putulin mo na ang kung ano mang namamagitan sa inyo kase nga walang kwenta ang relasyong di pinagkabibigkis ng tiwala. ngayon kung ikaw naman ang selosa o seloso, wag ka na! kung di mo kayang pagkatiwalaan ang kapartner mo, maghanap ka na ng ibang tao na sa tingin mo eh kaya mong paglaanan ng tiwala mo. total, maghihiwalay rin naman kayo!!!! pero para mas maging smooth ang relasyon mas mainam siguro na ipakita ng bawat partido na karapat dapat nga silang pagkatiwalaan.

ito: kung isa kang lider pero di na nagtitiwala sa'yo ang tao, di kaya dapat na bitiwan mo na ang pwestong pinaghahawakan mo? total kung tutuusin sarili mo lang ang niloloko mo habang pinipilit mo sa sarili mong me naniniwala pa sa'yo kahit obvious namang wala!

last monday. SONA raw ng pangulo. SONA as in State Of The Nation Address pero pakilinawan nga lang po sakin ha...kase hindi ako nanood. sinabi ba niya ang tunay na kalagayan ng bansa natin ngayon? sa mga narinig ko kase sa mga kwentuhan eh puro achievements raw ng iba ang sinabi niya. bakit? wala siguro siyang mabanggit na sariling achievements o achievements ng national government. tapos tungkol sa mga projects na gusto raw marinig ng tao. ano ito? campaign for the next election? haler?!? asa pa siya!

feeling ko lang ha, mas marami pang nag-abang ng laban ni Pacquiao noon kesa sa SONA ng Pangulo kahit pa sabihin nating nawalan ng pasok nun dahil sa bagyo. mas masarap pa talagang matulog na lang kesa makinig sa... hmmmmp! ayoko na lang magsalita.

*principal =is the party represent by the agent.

17 comments:

Anonymous said...

aba mare.. akala ko eh ako na ung pinapatamaan mo.. kasi diba magkausap lang tau kahapon tungkol sa selos-selos issue.. :) hehehe..

hay naku mare, sumasakit lang ang ulo mo kakaisip ng kalagayan ng bansa natin at kay GMA.. nakakapagod diba? mas masarap pa ngang matulog na lang kesa manood, baka nabato mo lang ang TV.. hehehe..

wag na masyadong magisip ok? ang puso mo! :) buti kung lalaki na lang iniisip mo... un na lang!

Anonymous said...

me tama kaaaaa... hehehe

trust ... that's y i really trust trust... dapat matibay na trus kasi pag nagkaroon ng kunting lamat di na maibabalik sa dati... may aagos pa rin na... ano nga ba? hehhehe

Anonymous said...

selos is a part of a relationship ..pero sabi nga kung too much .....lason na ito.

about SONA .... supposed to be ay pag-uulat ito ng kung ano ba ang nangyari (update kung may napatupad ba ang mga ipinangako, kung umangat ang economy--syempre kasama na diyan kung may naibigay bang malawakan at matatag na trabaho sa mamamayan, pagrerepot kung tumaas ba ang GNP, at kung anu-ano pa na may kinalaman sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon) ngayon kung ipapakilala lang ang kung sino mang herodes, na pinulot sa kalsada para lang may masabing may magandang nangyari sa nakaraang isang taon kasama na ang pagkalkal/paghahanap sa mga taong ipinakilala ng mga nakaraang pangulo PARA LANG MAY MASABI aba e dapat ngang tulugan lang ang SONA...Ang tiwala mare (nakikimare e no) pinagtatrabahuhan yan, hindi ibinibigay ng kusa. Tanga lang ang magbibigay tiwala ng kusa.

Nangako na naman daw ang pekeng pangulo ...hmmnnn sana lang wag dayain ang pangako at baka tulad ng dati ....mapapako lang ito sa kawalan.

Anonymous said...

napag-aralan nga namin yun sa busitax namin. hehe.

tama ka dun. may punto nga naman... pero, isa lang naman talaga ang tanong ko sa mga SONA na yan e, bakit puro palakpakan na lang? hindi pa nga tapos ang sentence, pumapalakpak na kaagad. sa tingin ko nga'y may 'applause' sign na nagfflash sa room ng congress every 5-10 seconds... tsk tsk tsk tsk....

Doubting Thomas said...

awww! ako ay isang leader... at hindi naman sa pagmamayabang, pero malaki ang tiwala ko sa aking mga miyembro...

lheeanne said...

Ewan ko sa SONA nayan, tinulugan korin after kong makita ang damit at necklace ni GMA.. hehe!

Malaking part ang TRUST para sa isang successful relationship.... basta alam mo na un!

ie said...

i can only think of a term as regards what you've just said: "in-denial". ha ha.

oo tama, paalisin na yang busangot na yan.

Anonymous said...

agree ako sa sinabi mo na mahalaga ang trust sa isang relationship. hirap mahkarelasyon na selosa/soloso, paano nga kaya talaga i-i-treat sila? hirap!

pinkysteph said...

oo masarap sanang mabuhay ng walang gusot, yung tipong may tiwala ka sa mga taong unang-unang dapat mo'ng paglaanan nun...pero panu kung sinira nya yun at inabuso at pagdating ng panahon na pagod ka na eh tsaka nya pilit ibinabalik yun? ano ang gagawin mo? mahal mo sya pero takot ka ng masaktan...

gustong gusto mo syang tulungan pero takot kang mawala ang kapital na matagal mo'ng pinag-ipunan...

isip ba gagamitin mo o puso????

*senti ako sis*

soriiiii poooo...

Anonymous said...

agree ako sa entry mo...

ria said...

ako inabangan ko talaga ang SONA. sayang lang di ko napanood yung video streaming. iniisip ko kung anong bagong gimik ng GMA e. hehehe =)

jlois said...

I agree trust is the foundation of any relationship

“We're never so vulnerable than when we trust someone - but paradoxically, if we cannot trust, neither can we find love or joy”

ev said...

effective pa ba ang mga SONA na yan!paulit-ulit na ppangako..paulit-ulit na broken promises naman..ang pathetic talga ng response ko sa govt. natin...gusto ko lang naman pagtuunan talga ng pansin ang mga mahihirap..without self-vested interest...pero malabo yata yan sa politics...layo ng koment ko sa tiwala sa bf!hehehe..trust is very important sa lahat ng relasyon.

C Saw said...

kailangan ba lagi ng trust? meron namang frenzy...

The Guy in Red Sneakers said...

partnership and contracts ba ito? o corporate law..? the book.

nevermind.

ako Trojan. hindi ko type frenzy o trust eh.

Kathy said...

... ouch!! tinamaan ako jan lojiks hehe... selosa ako eh pero nasa lugar( excuses again) ^_^ tsaka iba ako kabahan kaya pag nasigurado kong tama hinala ko.. he's dead!! yun lang simple ^_^ sobra kase ako magmahal kaya pag niloko ko wala na...di ko kayang ibalik yung dati!

... about sa SONA no comment ako kase di ko napanood eh ^_^

... cool , seems ur not senti now muaahh! ingatz lagi...

cheers,
-kathy

Momel said...

ARAY KO!

yun lang po, bow.

Pero ulitin ko lang ha... ARAY!!!

Cheers!