Monday, July 17, 2006

wanted: magic eraser

*a post from my friendster blog

nakakainis! bakit ba me mga nagagawa kang bagay na wish mo lang hindi mo na lang sana ginawa. pero wala ka naman magawa kase nagawa mo na. sa buhay kase pag nagsulat ka ng pahina mo, permanent marker ang gamit mo. hindi na pwedeng burahin. hindi na pwedeng baguhin. kung ano man yun, yun na yun. badtrip! nakakahiya. wala bang nabibiling magic eraser? para mabura mo yung mga bagay na ayaw mong isali sa listahan ng mga nagawa mo dito sa mundo. arrrrgh! wala na. wala na talaga. di mo na maitatayong muli ang punong nabuhal sa malakas na bagyong nagdaan. bakit kase... ang tagal kong iniwasan. ang tagal kong naging matapang at malakas pero dumarating talaga yung panahong nagiging mahina ka. syet! ngayon, para akong bilanggo ng nakaraan. ang nangyari ay nangyari. at ang bakas ng nakaraan ay laging maiiwan. malimutan mo man minsan pero nandun pa rin ang lahat ng bagay. naiipon lang, nadaragragan. napapatungan pero nahuhukay! nakakatakot.



ano kayang iniisip mo? anong iniisip ng ibang tao? minsan feeling ko baliw nga ata talaga ako. feeling ko... o paranoid lang talaga ako? pilit babasahin ang tumatakbo sa isip mo. aaninagin kung anong itsura ng salamin ko sa harap mo. nakikita mo ba ang tunay na ako? o nililinlang ka ng utak at mata mo?


eraser...eraser... me buburahin lang ako.

_____________________________________________________________


sa friendster ako nagpopost ng mga mas personal na bagay. kahit ano under the sun na trip ko. pero ngayong nabago na ang setting ng homepage ng friendster. mas madaling narerecognize pag me bago kang post. parang bigla akong nag-alangan na magpost ng bago. akala ko i can easily open up myself to everyone pero nakakahiya pa rin minsang malaman ng mga taong nakakakilala sayo ang mga kakornihan ko. eheheh!

18 comments:

Anonymous said...

oi mare..

ako rin ilang bese nang nangyari na sana eh mabura ko ang lahat ng mga ginawa ko.. lahat ng mga nangyari,., kung meron nga sanang magic eraser.. pero ok lang din na magkamali.. at least, natuto ka diba? :)

may friendster blog din ako kaso, nababasa ng mga frendships at mga pinsan ko! hehehe.. at least sa blog, iilan lang silang nakakaalam ng address ko..

nga pala, salamat ulit kanina ha.. :) sensya na, di na ko nakabalik sa YM, bc-bchan na kasi eh.. :)

nixda said...

past is past!!! kung iniisip mo mga nagawa mo nang dahil sa pag-ebeg (meron pa ba? heheh) ... walang masama doon :)

Anonymous said...

Sana nga may eraser ang buhay hano?
hwag mo nang isipin yong nagawang kamalian lahat naman tayo prone to make mistakes. At least you live, laugh and you also learn. Thats life!

Tenk you nga pala at napadpad ka dun sa munting tahanan ko :) sinubaybayan ko rin yong kwento ng dyosa di ko nahagilap ang ending meron na ba? hehe...

Jigs said...

Ang laking tulong ng magic eraser sa buhay ko! Super dami ng babaguhin ko! HAAAAAY!

May nagsabi sakin na sa friendster daw, pag marami ka nang napost, binubura daw nila yung mga pinakaluma mong post. totoo ba ito?

Anonymous said...

karmi, tama. at least you tried. magkamali ka man, ang importante natuto ka at hindi mo na uuliting gawin ang bagay na nalaman mong mali na pala.

at uu. nakakahiya pag nabasa ng mga kakilala mo ung ibang mga bagay na hindi naman nila masyadong naiintindihan. lalo na kung di nman nila nalalaman ung ibang side mo as a person.

ok lng, mare. me trabaho rin naman ako eh.


vanny, marami talagang imperpection sa mundo natin. that's why people always wanna turn back time. un nga di nga pwede. magic lang ang makakagawa nun.

to my future tita neng, salamat po!(sa lahat) alam ko nman. kung me nagawa man ako...tapos na yun. wala akong dapat pagsisihan dahil wla naman akong ginawang masama. lab yah! mwuah!

manay ethel, trial and error lang naman ang buhay ng tao. minsan to know what is right, you have to know if the thing that you'll do is wrong. tapos pag nalaman mo na . wag mo na uli gaein. di ba ganun lang yun. wala na kase tayo magagawa sa mga nangyari nang mali kundi wag ulitin.

me full version ang diyosa ng mga nabuong story. check her blog about that.

jigs, kung meron nga sanang magic eraser no? pero baka mas maging magulo ang mundo pag lahat satin me babaguhin. tingin mo?

nagbubura ang friendster blog? di ko alam yun ah! konti pa lang kase post ko. pinakasafe talaga sa blogspot. walang limit.

Mistyjoy said...

ayoko ng magic eraser na yan, gusto ko man burahin lahat ng mga kapalpakan ko kaya lang naging parte na yun ng buhay ko.. at sa bawat kamalian ko may natutunan naman ako. kaya ok lang na walang eraser.. sabi ni neng past is past.. 4get it! mas magandang isipin natin ang kinabukasan keysa sa nakaraan..

C Saw said...

bubuhasan ka ng liquid paper, gusto mo?

"nakakahiya pa rin minsang malaman ng mga taong nakakakilala sayo ang mga kakornihan ko"

oo nga. nakakahiya kakornihan mo. ooops. biro lang po. pish! :)

Sayote said...

hello... nice tong entry na to.. comment ako.. :) hehehe malimit, pag may magic eraser tayo sa buhay - hinding hindi tayo matututo (kumbaga - related to sa kasabihang experience is the best teacher). Pero kung minsan, talagang wish ko rin na merong ganito kasi i act stupid sometimes... and end up regretting (tama spelling?) it... siguro, mainam na lang natin gawin na mag-isip bago gumawa ng bagay. o di kaya pag nagkamali man tayo, isipin na lang natin na no one is perfect :)

Anonymous said...

madalas naka block sa mga intranet ng mga companya ang friendster kaya safe ka sa mga nag ta trabaho, hehe.

Doubting Thomas said...

true true! kahit nga ako hindi ko mapost yung tunay na nasa isip ko baka kasi pag dating ko sa skul bigla akong tuksuhin or something...

Anonymous said...

misty, walang katapusan pagkakatuto ang buhay. nakakainis lang minsan na sa pamamagitan ng kapalpakan natin nangyayari yun. pero ang maganda dun natuto ka pa rin. kaya lang me nkakainis kase i really had the choice not to do those things pero natanga ako.pero sabi mo nga ok lang yun! hay naku!

C, walang hiya ka...di na tayo bati.joke! heheheh! di mo naman ako kilala kaya ok lang!

liquid paper? nyahahah! baka marami rami maubos mo.

sayote queen, uy, me bago akong bisita.hello... welcome sa bahay ko. yeah, nakakatanga minsan but i think what's important is you've learned something. pero tama ka, importanteng mag-isip muna. salamat sa pagdaan!

cruise, di office people ang kinatatakutan ko..heheh! istudyante at tambay ang karamihan sa friendster ko.

rob, di ba? nakakatakot mabasa ng mga taong kakilala mo na mapanghusga. unlike kase kung blogger ang makakabasa, they're trying to look and understand each and every side of your story. kahit di ka nila masyadong kilala.

nakita ko na nga pala friendster blog mo dati.

lheeanne said...

Pag nahanap mo na ang magic eraser... peram mo nlang ako ha?!!!

Anonymous said...

takot ka sa friendster? hehe...
pakapalan lang ng mukha yan! tingnan mo ko, medyo makapal ng konti...

pinkysteph said...

dear kahit ata may magic eraser may mga maliliit pa din bakas na naiiwan kahit anong gawin natin. nawala man siguro yung uling na pinansulat mo may bakat pa rin sa papel na di mapapantay kahit plantsahin mo. kung gayahin kaya natin ang mga pintor na sa kagustuhang matakpan yung mga maling kulay na nailagay nila e ginagawan na lang ng paraan. Siguro napakaswerte pa din natin kumpara sa iba na dahil sa ayaw na madungisan papel nila sa mundo nilulukot na lang nila yun at dinidiretso sa basurahan...worst, pinupunit o sinusunog na di na pwedeng pulutin ng iba.
cheer up mare! hindi ka nag-iisa.. >hugs<

Anonymous said...

kapg mag-isa ka na alng sa mundo... di mo na kailangan ng eraser kasi wala ng titingin sa mga kamalian mo hehehe...

@pinkysteph, depende sa gamit mong medium sa painting.... kung oil or acrylic pede mong takpan pero sa watercolor... makikita mo pa rin ang kulay ng una mong ipininta o di kaya mag-iiba ang kulay dahil sa naghalo na...

:)

Anonymous said...

mahusay. mahusay. magaling. matagal-tagal na akong napapadayo dito. and you never cease to 'facinate' me. magaling. magaling. madalas na akong maglalagay ng komento dito! blog on! mahusay! :)

The Guy in Red Sneakers said...

isang trak ang eraser ko dito sa bahay. kasi sa dati kong buhay bilang titser..!

sayo na lang..?

Anonymous said...

tk, oo ba... pero mas maganda siguro kung tulungan mo akong maghanap. feeling ko mahihirapan ako eh.

major, puro bloggers kase ang friendster mo! eh sanay na ang bloggers sa kakapalan mo...hahah

pinkysteph, ang galing ng sinabi mo mare! inspiring! tama, nakatip ako sayo..pwedeng gawing parang painting. lagyan na lang ng decoration ang mga nagawa nang di na nabubura. para mapakinabangan pa.

kneeko, ok lang walang magic eraser... basta wag lang akong mag-isa! sad yun.

ralpht, maraming salamat po! you'll gonna be one of my reason to blog on!

bernard?, me magis ba eraser mo? kung wala chocolate na lang bigay mo saken.eheheh