Sunday, May 21, 2006

libre to! try mo...

kay sarap sanang pitasin ng bunga ng mga pangarap. ngunit di lahat ng bunga ay masarap. may matamis, may maasim. may hinog na, may hilaw pa at kung minsan naman ay bulok na.

madalas tayong mangarap sa bituin. sa pagnanais na balang araw mapapasaatin ang taglay niyang ningning. hindi naman masama ang mangarap... pero ang mangarap ng sobrang taas, yun ang mahirap. minsan gagawin mo ang lahat para lang abutin ang pangarap mong bituin. na sa unti unit mong paglapit hindi mo na namamalayang unti unti ka ring nasusunog sa nakakapasong init ng liwanag na kanyang taglay. di ka pa nakakarating sa kanya, sira ka na. yun ay sapagkat ang bituin ay hindi para sa atin.

kung minsan naman...aabangan mo na lang ang pagbagsak ng bituin sa pag-aakalang tutuparin nito ang iyong mga hiling. ngunit muli ka lang lilinlangin! sapagkat bulalakaw lang ang iyong matatanaw. nakita mo? kapag di para sayo, hindi mapapasayo. me sariling mundo ang mga bituin na hindi talaga para sa atin.

ngunit tulad ng naunang kong sinabi. hindi masama ang mangarap. ito ang hagdan patungo sa tagumpay, nagbibigay direksyon sa ating buhay. naniniwala pa rin akong ang taong walang pangarap, malabo ang bukas. libre lang naman ito. ngunit kaiba sa panaginip, ang pangarap ay maaring mong gawing totoo. para itong isang buto na itatanim, aalagaan, palalaguin para pagdating ng panahon meron kang aanihin.

MORAL:

  • ang star ay hindi bunga. iba un sa star-apple
  • mangarap lang ng bagay na alam mong kaya mong abutin. ang lahat ng sobra, masama na!
  • wag nang gambalin ang nanahimik na bituin.
--------------------------------------------------------------------

*hey, everyone...sori naman hindi na ko masyadong nakakadalaw kase infected ng spyware/adware ang PC ko sa opisina..waaaaaaaaaaah!

19 comments:

nixda said...

pangarap ko lang ... Star Margarine!!! miss ko na eh :D

opo, mababaw lang pangarap (kaligayahan) ko!

*parang naririnig ko na naman dito iyong song na ... ayaw ko ng magarap, ayaw ko ng tumingin ...

Momel said...

HA HA HAAAA! Iba ka 'neng, nung nasa puntong medio iba na ang pintig ng nipples ko eh bigla kang hihirit ng "ang ang star ay hindi bunga. iba un sa star-apple"

Basag trip ka sometimes lojiks! HAR HAR HAR! MWAH!

Anyway, mabalik tayo sa pamimigat ng aking puso with your post na halos daanin ko na sa calci block.
I remember this comedienne sa Jack TV. Sabi niya eh "the secret to a happier life is lowered expectations."
Pwede, pero parang she's channeling Andrew E with his panghahanap ng pangit.

Dun na lang ako sa star apple.

Momel said...

Cheers! MWAH!

Mistyjoy said...

sawa na ako sa star margarine neng, akala ko kasi tatangkad ako pag kumain ako nyan...waah di natupad pangarap ko!!!!

kaya ayoko na mangarap kasi ang pangarap ko ay mga imposible...sabi ni lojik mangarap lang ng kayang abutin, eh pag tumangkad ako baka di na ako abutin ng mga tao sa sobrang tangkad. nyehehe!

Anonymous said...

libre mangarap pero siguro nga dapat reasonable..

pb said...

ang masasabi ko lang... buti pa ang butuin siguradong mag niningning. saka ang bituin ni Sarah Geronimo mag niningning din. hehe.

pangarap ko mataas na para sakin kaya kung sakaling hindi mangyari yung pangarap kong mataas, sa medyo mataas parin ako babagsak.

Ka Uro said...

ang ikabubuti ng buhay ng tao naguumpisa sa pagkakaroon ng pangarap. ang pangarap ang nagbibigay ng motivation sa atin para mag-improve. hindi masama ang mangarap. ang masama ay ang apakan at gamitin ang iba para lamang makamtan ang iyong pangarap.

Anonymous said...

shet, ayoko namang mabagsakan ng mga bituin, no?!

Doubting Thomas said...

hey lojix... you can download spybot search and destroy sa download.com... it will cure all your PC's spybot ailment. ;)

The Guy in Red Sneakers said...

how do you mean, wag nang gambalain ang nananahimik na bituin?

explain.

C Saw said...

last saturday, bago manuod ng Da Vinci Code, nag videoke kami. Kinanta ko 'to.

unti-unting mararating
kalangitan at butuin
unti-unti kinabukasan ko'y
magniningning...


yeba!

Ann said...

Hello Lojik! Ok lang mangarap ng mataas, basta hindi imposible at wala ka ngang maaapakang ibang tao.

Gusto ko ang post mo na to.

WOOT! said...

sabi nila ang pangarap kapag naabot hindi raw ito matatawag na pangarap..dahil ang pangarap daw ay hindi naabot..sin taas ito ng kalawakan..kasing imposible na ang tao ay makatungtong sa saturn...napanuod ko lang sa palabas ang linya na yun..

pero masarap paring mangarap..para kasing ang sarap magpursige..kaya lang..pag nagpursige ka na't lahat-lahat..minsan hindi parin iyun sapat..

Anonymous said...

mahirap abutin ang pangarap pero ito'y nagsisilbing hamon sa ating kakayahan.
ang buhay ng tao ay isang malaking pangarap.
masalimuot kung iisipin pero ito ang totoo.

Momel said...

Okay, yaman din lamang tayo ay nangangarap, Lojiks, I just tagged you!
Yeah, hope you find that cute. Something I learned while blog hopping.

Hey, cheer up na!

Anonymous said...

Gutom sa pag-gawa, ang busog sa pangarap.

Pero ang sobra sobra mangarap, naiimpatso ang utak, kinukulang na tuloy sa pagkilos.

Nung bata ako, nakalunok ako ng buto ng star apple. Nung gabing yun nanaginip ako. Tumutubo daw ang puno sa katawan ko, hanggang lumabas yun sa tiyan ko. Nakakatakot. Ayokong maging paso.

Bryan Anthony the First said...

lojika iha, nasobrahan ka nanaman ng kanonood ng palabas ni sarah!

dorina ikaw ba yan?

Anonymous said...

to mami neng:

namiss naman kita! sobra! kelan ka uwi ng pinas? videoke tau! ahahah...

to momel:

minsan magandang lagyan ng twist ang ilang eksena sa buhay para maging exciting! aus ba?

to misty:

gawa ka na lang ng bagong pangarap para masa me challenge ng konti ang buhay.

to phoebe:

ok lang naman ang mangarap ng mataas. wag lang ung imposible. pero mag-ingat ka pa rin dahil mas masakit ang bagsak kung manggaling sa masa mataas.

to ka uro,mami ann and cruise:

tama, evrything has a right way. and un ang dapat nating sundin. mas masama kase kung sa pag-abot ng pangarap ay hindi lang sayo kundi pati na rin ang sa iba ay nasisira mo.

to c, ghe and rob:

salamat sa pagdaan. rob,salamat sa advice. nakatulong! natuto ako.

to ruth:

tulad ng sinbi ko ang pangarap ay nilikha para gawing totoo. we have the power to make them come true. depende na lang sa'yo kung papano. pero iba pa rin ung dreams na panaginip...that thing is just illusions of our mind.

to malaya:

tama...this world is made up of never ending goals! parusa sa tao ang dissatisfaction.

to adam:

kelangan talaga me balance.

to bryAn:

hindi ako nanonood nun.hahaha! hindi ako si dorina. ako si marina!

to kadyo:

nasa diyos ang awa ...nasa tao ang gawa. tamang pagkakataon lang.timing kung baga! naniniwala rina ako dun.

Anonymous said...

to erik:

as the writer of this post wala naman talaga gustong iparating with that line.

pero nung tinanong mo ako..napaisip ako. that line can have so many meanings.

kung ako ang reader, i can i have these meanings

*the star can represent another individual which wasn't really destined for you. still lettin go. kase nga me sarili siyang mundo different from you! kaya wala siyang pakialam sayo.

pinahirapan mo ko mag-explain ha! pero ang ibig ko lang sabihin dun eh ang star non-living things sila. walang pakiramdam kaya walang pakialam.

haba na nito! ahah! dapat ginawan ko na lang ng post no?