Tuesday, May 02, 2006

alay sa mangagawa

Maraming nagsasabing sila'y mababang uri
Ngunit sa lahat sila ang dapat ipagbunyi
Sapagkat lahat sila’y nagsisilbing bayani
Dito sa bayan natin sila ‘y kapuri-puri

Simula bukang-liwaway hanggang takip-silim
Walang sawa nilang ginagawa ang tungkulin
Ang paglipas ng oras ay di na napapansin
Pagka't nasa isip pamilyang pinakakain

Laging nasasapuso malinis na hangarin
Laging nasasaisip magandang adhikain
Kalinisan ng loob ay hindi tatanggalin
Pilipinong manggagawa tapat sa gawain

Ang manggagawa ay handang magtiis ng hirap
Maabot lamang ang lahat ng pinapangarap
Kahit na yata katawan ay bugbog sa hirap
Sasabihing pang pakiramdam ay nasa ulap

Sa inyong manggagawa ako'y sumasaludo
Dapat magalak at maglakad ng taas-noo
Itong munting tulang ito ay alay ay sa inyo
Upang halaga nyo'y malaman ng buong mundo

-------------------------------------------------------------

dahil labor day kahapon, ngayon ko lang ipopost to. kumusta naman yun?!? la kase akong oras kahapon. walang opisina.

isa po akong pasaway na estudyante lalo na nung hayskul. kung sa bawat absent at late eh magkakaron ng dark sport ang card. napakarumi na ng card ko! pero unlike other students na peyborit sabunin ng mga titser, di ako napapagalitan. hehehE. Bakit? aba, kase magaling ako. tanong niyo pa sa titser ko. average student ako...pero nag eexcel. (kasama ako sa top student nung elementary pero nagkasakit ako nung hayskul, katam...)

madalas mas mataas pa nakukuha kong score sa exam kesa sa mga klasmeyt kong complete attendance. at kung sa project bumabawi ung ibang estudyante, sa project naman nahahatak pababa ang grades ko. di ako nagsasubmit on time. and even worst! "HINDI AKO NAGSUSUBMIT!" tamad ako, oo! pero i blamed it on my mood. ayoko kaseng gumawa ng isang bagay nang napipilitan lang. gusto ko nasa kondisyon ako. at gusto ko kung gagawa ako ung best ko. kaya kapag bara-bara, ayoko ng isumbit. ayoko kase ng grade na basta na lang. alam mo yun, it's not you. not your work!

at kung di lang dahil sa clearance, di ko yun gagawin.imagine, susulatin ko lahat ng formal theme sa English subject at sulating di pormal sa Filipino, ung pag 1st grading to 4th grading sa loob lang ata ng 1 o 2 linggo. pero walang grade. just for submission..hahahpitin ko lahat ng project ko ng sabay sabay pag malapit na ang bakasyon. ganun ako kapasaway mula 1st year.

pero nung nag 4th year na ko. medyo pero medyo lang ha..nabawasan ang pagkapasaway ko. nakakatakot din hindi makagraduate kung kulang ang project at attendance. lalo na kung di ka trip ng titser mo. bakit ko nakwento to? kase yang poem na yan accidentally kung natapos within 40 minutes class during my senior days. nung wala ang titser namin, yan ang iniwang seatwork. tapos unexpectedly, napili siyang ipublish sa school paper. flattering huh. at di lang yun. kahit nung sumunod na taon ipinagmamalaki ako ng economics teacher kong yun(kahit sa totoong buhay di kami close). di daw niya akalain makakagawa ako ng ganun..at ginawa pa niya akong inspirasyon para sa klase niya.

Trivia: me 14 na bigkas sa bawat linya ng tula.. ayaw niyong maniwala? bilangin niyo!

9 comments:

nixda said...

lumabas naman ngayon ang other side mo ... pasaway!

pero sa larangang ng pag-ebeg eh martit??? hehehe

Mabuhay ang mga alipin!!! :D

Anonymous said...

hanep sa labor day post ah!

WOOT! said...

pramis halos pareho tau ng highskul days!!![4th year na ko ngaung taon]..
55 late ang record ko nung junior h.s
pero opposite naman sau.. ang hatak ng grades ko sa project! gusto ko rin ako ang pinkamataas at sobrang nadidismaya ako pag may mataas sakin kahit 1 point!! lalo na pag-alam kong mas maganda akin!..ahihi..

napagtripan ko lang sumali sa isang art activity na ang mapiling maganda ipo-post sa lobby ng hotel malapit sa school namin..nilagay lahat kahit pangit na art nilagay din..pero flattered ako na nasa school paper yung akin!

by the way..nice poem!

pb said...

huwaw! saludo din ako sayo... teka po, ano poh trabaho nyo? san kau graduate? nakakatuwa ka naman...

ewan ko kung average ako. mabilis akong maka pick up kaso kinabukasan wala na sa utak ko. napatungan na sya ng kung ano anong katanungan tungkol sa buhay. wala akong focus kung baga. ang daming iniisip. magaling ako sa recitation, games, activities, projects at barahan isama mo na daldalan pero sa writen... minsan lang ako tumatama.

Momel said...

Sabi nga ng kanta ni sharon cuneta...

"High School life oh my high school life I remember it kay ganda
Bakit kung graduation na'y luluha kang talaga"

Payat pa siya noon kasi eh.

Anonymous said...

mabuhay ang uring manggagawa! .

Anonymous said...

klap klap klap klap ( standing ovation) :)

The Guy in Red Sneakers said...

guilty po. yun bang kung kailan malapit ang deadline saka gumagawa pesteng paper.

still guilty of it now.

yes, mabuhay ang uring manggagawa. pundasyon ng lipunan.

Anonymous said...

to kadyo: salamat po. at dun sa mga nauna mong comments, i've learned.

to neng: pasaway talaga ako..sinong martir? hahah...neng, pwede mo na bang sabihin where does it hurt. me tinatago ka. alam ko.

to arvin: thanks. pasenya di ako nakakadalaw sa bahay mo.

to ruth: artistic ka pla eh..pagpatuloy mo lang.. 55 late? hahah..sa 2 buwan pa lang naipon ko na un..as in araw2 ako nag eexercise dati dahil un ang kasama sa parusa sa late.

to phoebe: salamat naman! sa office ako clerk. di pa ko graduate. working student po ako. magaling naman memorya ko pero di ako kabisote. i learn by heart kaya ganun..every one has a potential. kahit ikaw!

haha...nga pala! magaling rin ako sa barahan!


to kneeko: thanks

to erik: hate crammings...pero di maiiwasan, masarap magsaya.