mahirap magsalita nang tapos. dahil hindi lahat dito sa mundo kontrolado mo. dahil maraming mga bagay ang di mo inaasahang pwedeng mangyari. baka lamunin mo lang lahat ng sinabi mo sa bandang huli.
dumarating ung mga pagkakataon masasaktan ka. iiyak kasi masakit. tapos sasabihin mo sana matapos na ang lahat ng ito. ayaw mo na...kase nahihirapan ka. minsan di mo maiwasan, bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. muli kang masasaktan, iiyak ka na naman. pero minsan pag wala na yung sakit. hahanapin mo naman. muling mong huhukayin ung mapait na alaala ng nakaraan hanggang sa muli kang masaktan, iiyak ka na naman.
minsan sinabi ko sa sarili ko, uubusin ko lang lahat ng luha ko para sa kanya. tapos wala na. titigilan ko na! nagkamaLi ako. sa pag aakalang nauubos ang luha. isa nga pala itong mahiwagang bukal ng tubig na di mo mapipigilan sa biglang pagpatak. sing imposible ng pagpigil sa pagbagsak ng ulan mula sa kalangitan.
hanggang kelan nga ba tong kasentihan ko? ewan. di ko alam. basta ang alam ko dahil tao ako, ok lang umiyak. kahit sino ka pa man. mahirap, mayaman. bata o matanda. babae o lalake. matapang man o hindi. umiiyak tayong lahat. lungkot man ang dahilan o dahil sa sobrang kasiyahan. basta tinamaan ung maselang bahagi ng iyong kalooban, di mo mapipigilan muling bubuhos ang ulan.pero darating din ang araw. ngunit muli...paminsan minsan babalik uli ang ulan.
walang one last cry! isa yung KALOKOHAN!
mahiwaga ang luha. isa itong patunay na kakaiba ang tao sa ibang nilikha. bakit, me nakita ka na bang umiiyak na kabayo o lumuluhang aso? wala di ba? dahil ang luha para lang sa totoong tao. kaya ok lang maging senti pag minsan. hahah!
24 comments:
may tama ka sa mga sinabi mo lojix! kaya nga bilib ako sa mga kasentihan mo kasi bagay na bagay sayo...
kaya ako nga pag sumasama ang loob ko di ako nahihiyang umiyak. kapag kasi nailuha ko na, nawawala na ang sakit. tapos nakakapag-isip na ako ng tama.
teka, sabi mo walang hayop na umiiyak, bakit ang pawikan at ang baka umiiyak din? huh! baka may pusong tao din sila??!
testi ko kay neo yun ginawa ko matapos kong mabasa yung mga testi sa kanya, binura na ata nung nagmamaintain nung friendster niya yung mga naunang testi kaya puro sa pagkamatay niya yung nandun :(
alam mo bang habang ginagawa ko yung testi na yun iyak ako ng iyak?
ang sakit na ng dibdib at mata ko .... ilang oras pagkatapos noon minumura ko na siya sa isip ko...sabi ko peste siya..ang sakit ata sa dibdib yung pag-iyak.
take all the time you need, i think. sometimes it takes a week, a month, a year.
or more, like... someone we know.
what's important is you find yourself again and move forward.
like that Toyota ad we all like so much. forward.
like that button sa MP3 player to move on to the next great song.
forward.
sure the past was good, and you'll miss him terribly. and you do not know whether or not you can feel again the way you felt before.
pero still, baby. forward.
okay. this is all weird, coming from me.
What the heart has once owned and had, it shall never lose.
~ Henry Ward Beecher
sabi nga, tulak ng bibig, kabig ng dibdib!
eto pala iyong sinasabi mo! sino ngayon ang mas senti sa atin? heheh
di para sa akin iyong may One Last Cry na post ko ...
waaahhh, uwi na ako! kakapagod na talaga umiyak :(
okay lang talaga ang umiyak, kasi lumuluwag ang nagsisikip nating dibdib dahil sa pag0-iyak nailalabas natin ang sma ng loob natin dahil ang sama ng loob pag-naipon sa atin magiging sakitin pa tayo, pero meron pa ring one last cry depende nga lang kung iyak dahil sa sama ng loob o iyak sa sobrang saya.
my shaterd dreams and broken hart, r mending on the shelf, i saw u, holding hands standing close to someone else, stil i sit, ol alone, wishing all my feeling was gone... i get my best to u, nothing for me to do... la la la..
tama! sa totoo lang eh emosyonal din ako pero dati yun. yoko ng umiyak. sa bawat luha kasi na ipinapatak ng mata ko, hindi ko alam baka may natitira pa sa loob. iiyak na lang ako kapag sigurado na kong lahat ng luha ko sa oras na yun eh mauubos. minsan ksi may naiwan kaya tuloy ang bigat-bigat ng dibdib ko.
nung minsan magkaproblema kami sa classroom. clasmate ko si Ruthing... sa lahat ng babae, kaming dalawa lang ni Ruthing ang hindi umiyak. wala naman kasing patutunguhan ang iyak namin, may fake kasi na iyak na kunwari nilalagay mo ang sarili mo sa pusisyon ng iba para lumabas na magmukha kang mabait. eh alam namin ni Ruthing ang pinagkaiba ng awa at sa pagbibigay ng sulusyon. ayun.. inaral namin ang nangyari at kaming dalawa tuloy ang inasahan ng buong klase. nyahahaha... hindi naman kami apathetic na walang pakialam at interes... bait nga namin eh. hehe.
haba ng coment ko. hindi pala toh coment. kwento na toh eh. hehe.
Drama! Pero lojiks, sapul na sapul ang post na ito. Keep on blogging and cheers!
Ang pagluha'y isang pagtanggap ng sakit na nararamdaman; nagpapatibay sa damdamin; nagbibigay lakas upang manatiling nakatayo. Dahil kung hindi natin bibigyan ng tsansang makalaya ang bawat butil ng luhang nagnanais tumakas mula sa ating mga mata, darating ang pagkakataong nanakawin nya pati ang ating kaluluwa upang bigyan ng tuldok ang ating hininga.
to mistyjoy: heheh..bagay ba saken ang senti? hahah...sa totoong buhay, hindi... naloloka nga mga friends ko kahit na nakasimangot pa lang ako. i'm a happy person talaga. nagkataon lang dito ako minsan naglalabas ng utot.
isang bagay na gusto ko kapag umiiyak ako, eh ung after effect niya. ang sarap sa pakiramdam.
umiiyak ang hayop? hahah..pero wala silang luha.
to melai: nangyayari ang mga ganyan sa lahat. di maiiwasan. gagaan rin loob mo.
to erik : yeah, ryt. oras lang ang kelangan. lilipas din ang lahat. me katapusan. just forward..un lang ang natitirang direksyon. sabay tau, forward! go!
to racky: senti ang blog ko.pero hindi ako! hahah! kapagod nga umiyak.rest naman!
to jlois: namiss kita ah! tama, ang pagkikimkim ng sama ng loob un ang masama! mas mahirap! mas maganda ung naiilabas.
to phoebe: me tamang oras ang lahat, ganun din ang pag iyak. alam mo sa totoo lang di ako umiiyak sa harap ng iba. kahit sa kaibigan ko, napakadalang. umiiyak lang ako pag mag-isa ako. kase ako ang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga friends ko.they know that i'm strong. ok lang magkwento.ahahah
to momel: sapul ba? hahah! walang pag ilag dito. wala itong halong eklat. mula sa puso,tatagos sa puso. cheers!
wag ka mag-alala. hindi ka mauubusan ng tisyu at panyo. gusto mo piktyuran pa kita habang umiiyak. maiba naman. tingnan natin kung ndi ka matawa.
to clown: waaaaaaah! nakakamatay pag di ka nakaluha? hahah! pero tama ka clown, baka mabaliw ka lang pag hindi mo nailabas ang sama ng loob mo.
to c: piktyur? aus un! ahahah... pano ba pose ko? eheheh..salamat naman sa tisyu at panyo!
Luha, pang hilamos ng mata yan, di ba? Okay yang luha. Teka, paiyakin ko muna si Kulasa at parang lumalabo paningin. ;-))
Ok lang umiyak lalo pag masakit at di mo na kaya, wag lang lagi at baka lumaki naman ang ulo ng iniiyakan mo.
Hmm.. ano kadramahan yan pambihira kaya ayoko nadaan d2 sa pahina mo eh nahahawa ako ng kadrmahan hahaha!! Okay lng yan burha!! Sa susunod sila nman ang iiyak sa atin hahaha :p
Hmm.. oo nga pla ayan buti nagkita na tayo no sobra tlgang close na close na tayo hahaha!! sesnya kana pla at that time huh!! medyo sandali lng un oras na nagkasama tayo hehehe pero ok lng nging masaya nman ako khit paano hehehe sobra natututwa ako sau at ngpapasalamt at nagkaroon ako ng isang kaibigan tulad mo aw ang drama ko na hahaha miss ko na ikaw!!
ako ang istaylist niyo sa fateful piktyur piktyur na iyan ha?
bihisan kita sa Mango. pa-make up kita kay Christ Bansuelo.
si Pareng C na ang photog, nag-volunteer na, eh.
venue? sa ibabaw ng Vivere hotel, sa Alabang.
I'll have tissue flown in from Milan.
forward. sali ako. hawakan mo kamay ko, ha..? kinakabahan ako eh.
aray!
tyt *hugs* for you...
lam mo, if ever na magkakasama tayo even a single day, i would love to share to you all my ka*sentihans* in layp...
nakikisenti lang po...
haaay...
usap nga po tayo
may ym ka po ba?
add kta a
*senti*
to kulas: tama, tears washes away the dirt in our eyes, and also the pain in our hearts.
to mami ann: oo nga, baka lumaki ang ulo. btw, hindi naman lahat ng luha ko iuukol ko lang para sa isang tao.
to kurdapya: tama, panapanahon lang ang ulan..sila ngaun, bukas tayo naman! nakakahawa ba? hahah! actually i'm always talkin in general, kaya lang mukhang lagi kang kasama dun! ahahah!
to brew: tagos ba?
to kingdaddyrich: sobrang touching! naiyak ako dun ah... mangyari kaya un?
hmmp,mukhang marami ka ring baong kasentihan ah!
to gem: nag PM na ko sau! gurl, you're so young...marami pang oras for you ang for me rin.hahah! we should be happy by time.
to erik:
set ka ng date..hahah! magpreprepare na ko sa bagong career, modelling? ahahah!
salamat nman sa Mango at sa imported make up artist mo.
sa ibabaw ng hotel? baka matukso taung tumalon. FORWARD. ahahah. di bale this time gagalingan nating lumipad. basta we're together..walang iwanan.tatalunin natin si darna't superman sa liparan! FORWARD...
pag ikaw talaga ang nagpost kahit ikaw lang ang senti..nahahawa ang mga mambabasa!! idol na talaga kita!nakaka-antig mga entry mo!
comment ko nga pala sa isa sa baba dito ko na isusulat baka di mo mapansin eh..
>>kinalculator ko panaman yun! sagot ko 3125!1 lang pala ang sagot! oo nga tama ka sa sinabi mo na may mga bagay na madali lang naman ang solousyon ang hilig natin pahirapan ang sarili!
Lojika...
hindi ko alam kung swerte o malas ang ang taong hindi nasaktan sa isang matinding relasyon. ako, nakaranas na, kahit ayaw ko ng maulit dahil ang hirap makabangon uli, nagpapasalamat pa rin ako dahil alam ko na pagkatapos nang nangyari, wala ng pagsubok na hindi ko kayang lagpasan.
to ruth: di ko nga alam kung bakit maraming nakakahawa sakin..hahah! malala na nga siguro ako... well,ganito un, ang puso pagnagsalita nararamdaman ng isa pang puso.
to kenji: it always nice to be hurt nad cry sometimes...basta marunong kang bumangon un lang un.
nansenti: weh payagi man ganun weh-pag dusto mo weh aw man - pag aw mo weh dusto man..hmmmm that's life eka nga sigh:(
ekstra: mantatanong lan po pano man attach ng wma like this one..tenchu madaming beses!
>>donsrn@yahoo.com
Post a Comment