Thursday, October 19, 2006

coNstiPaTion

foreword: ang post na ito ay kaugnay ng nauna. isinulat bilang paliwanag.
babala: mahaba ito.


masyado bang malalim? e di sisirin.

sabi ko nun, pwede kayang ibitin ako ng patiwarik? baka sakaling mataktak ang ilan sa laman ng utak ko. o kaya naman, pwedeng pakipiga ng isip ko. pakilabhan. pakibabad. pakikula. pakilinis. para lang ba mabawasan yung bigat. baka sakali makahinga uli ako nang mas maluwag.

pag wala nang pumapasok sa isip mo, akala mo siguro nabablangko at tumitigil sa paggana ang utak mo. pero mali. kelan man di tumitigil sa pagtakbo ang isip ng tao. sabi nga ng mga scientist, it's the greatest machine. kase nga, it never stops. titigil lang yun kapag tumigil na ang sirkulasyon ng dugo sa katawan o di kaya ay tumigil na sa pagtibok ang puso mo. ung oras na namutla na ang kulay mo. ang nangyayari lang kase pag sobrang dami na ng laman ng utak, nagiging masikip na ang lugar para makaikot nang maayos ang lahat ng bagay na dapat sana ay malaya lang naglalaro sa utak mo. parang washing machine na nahihirapan ring umiikot kapag sobrang dami at sobrang bigat ng kumot na nailagay mo. so ang kelangan mong gawin, bawasan. pero imposible. iba naman kase ang utak ng tao sa washing machine.

parang papel ang utak ng tao na unti unting nasusulatan ng permanenteng tinta ng iba't ibang karanasan ng bawat dumadaang araw. walang nabubura. nadadagdagan lang. natatabunan lang ang ilan. ang kaibahan lang ng utak at papel, mapupuno ng tinta ang papel hanggang sa wala nang espasyong pwedeng pakinabangan. samantalang ang utak parang magic box. hindi napupuno. pero bakit sumisikip? kase... mas malaking espasyo ang nakakain ng magulo at makalat na gamit. pero sa oras na mailagay mo na ang lahat sa lugar. sa tamang lugar! dun mo malalaman na me mas malaki pa lang espasyong pwede pang pakinabangan.

organization lang naman. alamin ang dapat unahin. ilagay ang mga bagay sa dapat nilang kalagyan. pagtuunan ng pansin ang mas higit na dapat pagtuunan ng pansin.at dapat rin me pahinga. dahil sabihin man nating patuloy sa pagtratrabaho ang utak hindi ka naman makakasiguro na palaging magiging maayos ang trabaho nito. dahil napapagod rin naman to. me panahong dapat mong bilisan at magmadali para hindi maiwanan. me panahon rin dapat maging mabagal at magdahan dahan. bibilisan, babagalan. tamang timpla lang yan.

wala namang problema. pero imposible ata yun. pero ok lang talaga ako. di naman porke't seryoso, me problema. at hindi rin lahat ng problema, siniseryoso. isa pa, di dapat tayo nagpapadala sa problema. tayo dapat ang nagdadala nito. dahil dito sa mundo pagalingan lang magdala ang laban. wala rin namang drama. minsan lang, masayang lagyan ng drama ang buhay. wala naman talaga. naging masyado lang akong abala. sa sunod sunod na dating ng mga bagay na dapat isipin. ang bilis ng transition. kelangang humabol. sa sobrang bilis hindi ko na alam ko san ko parte ng ko sila isusuksok sa utak ko ang mga bagay na to.

mas maraming trabaho. mas maraming proseso. mas mabilis ang takbo. kaya naiwan ang puso. at dahil nasa unahan ang mata, ang nasa likuran di nakikita. minsan, nakakalimutan. di napapansin. parang di ko nga maalala kung naging malungkot ako o masaya. ang tanging alam ko lang eh me dapat akong tapusin.

positive naman ang epekto saken ng mga nangyari. naayos ko na lahat ngayon. me mga oras lang talaga na kailangan magbigay daan ng puso sa utak. kase mahihirap kang magbalanse kapag sabay mo silang inintindi. kapag konti na lang ang trabaho ng utak...baka yun naman ang oras na mabigyang pansin ang kung ano mang sinasabi ng puso.

pero ok na ko ngayoN! ahahah... sembreak na! at nakuha ko na lahat ng klaskard ko. thank God. wala akong bagsak. yun lang yun. isipin sa skul. eheheh! salamat sa suporta niyong lahat. *mwuah!

16 comments:

Momel said...

wow, pagkahaba-habang post tungkol sa complications eh good news naman pala ang ending.

good job!

Anonymous said...

congrats!
dapat pala mag-celebrate tayo!

Anonymous said...

wahehehehehe classcard pala lol!! sa hinaba-haba ng prusisyon ... hindi ka na pala busy ngayon yun yun diba? uhmmmmmn pwede nang magsenti ulet ...namiss namin kasentihan mo e ...kaso mo ....naiyak ako sa entry mo hehehehehe dapat pala apat mata
dalawa sa harap dalawa sa likod ..... para lahat makita lahat maaninaw at lahat magawa tama ba ko?

Anonymous said...

naku, ako din gusto ko ibitin ang sarili ko patiwarik, tara sabay tayo! hehe.. kidding! naku, wag ganun kapatid.. :p

Anonymous said...

welcome back mare! :) nagbalik ka na nga..

nawindang ako sa post mo.. napagisip tuloy ako.. hehehe, gumana na naman ang matagal nang natulog kong utak.. salamat mare.. :)

oo, dapat alam mo ang dapat unahin.. mahirap talagang pakinggan ng sabay ang puso at utak,, pwera na lang kung pareho sila ng sinasabi at dinidikta.. :)

buti naman at sembreak na!!! yahooo.. break na!!! :)

Anonymous said...

now ko lang napansin yung pamagat constipation .. parang nag iiti? lol!! hehehehehe huy ano balita?

Anonymous said...

nahihirapang umebs uppppsss sorry :)

Anonymous said...

hehehehehehe ayan nadagdagan na naman bokabularyo mo lol!!

Anonymous said...

ayos ka talaga! haha ;)

JoLoGs QuEeN said...

mas maraming trabaho. mas maraming proseso. mas mabilis ang takbo. kaya naiwan ang puso. at dahil nasa unahan ang mata, ang nasa likuran di nakikita. minsan, nakakalimutan. di napapansin. parang di ko nga maalala kung naging malungkot ako o masaya. ang tanging alam ko lang eh me dapat akong tapusin.

-- panalo to!, oo nga magugulat ka na lang d mo namalayan ang oras, ni hindi mo man lang masabi kung nag enjoy ka ba or may naramdaman ka during that time...

Alternati said...

Congratulations! :) Bat ganun no? pag marami kang kelangan isipin saka ka napapaisip ng ganito. hehe... Nakakarelate ako, lalo nung nag-aaral pa ko. :)

ev said...

"mas maraming trabaho. mas maraming proseso. mas mabilis ang takbo. kaya naiwan ang puso. at dahil nasa unahan ang mata, ang nasa likuran di nakikita. minsan, nakakalimutan. di napapansin. parang di ko nga maalala kung naging malungkot ako o masaya. ang tanging alam ko lang eh me dapat akong tapusin."

gusto ko ang linya mong ito...

ang lalim ng punto mo pagdating sa usaping puso...parang may koneksyon sa personal na buhay...oo naman...one cant just write if only produced by the mind...BUT most importantly..by the heart.

congrats you passed!;)

lojika said...

momel, buti nga nalampasan ko ung ibang mga complications. but i think there's more to come. prayers, blessings and miracles ang kelangan ko. hay!

rho, salamat ng marami sau sis!!! ^-^ tsup! walang katapusang pag-oorganize ang buhay. pero i think that's the only way to make things more easier.

malaya, yes! celebration ito! sabay na sa bertdey nio ni karmi! dapat engrande. heheh!

melai, napaiyak ba kita? eheheh! naku mas lalo di pwede ang apat na paa. kase mas marami iiiyak mo. tsaka baka malito ka kung alin ang harapan. lalo kang maligaw.

constipation kase. me problema sa processing sa loob. kaya me hindi mailabas ng maayos. salamat sa bagong info.

jennifer, sabi ko bitin lang nang patiwarik. pero di naman magpapatiwakal. tsaka sandali lang. pababagsakin lang iyong mga laman ng utak. kung pwede. pero mukhang magiging mas masaya kapag me kasabay ka sa pagbitin. eheheheh! pwede tayong magtsismisan.

karmi, walang anuman mare. salamat rin at naapreciate mo ang mga ideas ko. it's really nice to think a lot more often.

tama ka. sana laging pareho ang sinasabi ng utak at puso.. hay naku! lab yu mare!

ralpht, ayos ka rin! salamat. ahahah! me shit pa rin ba?

jaja, right. sometimes time just slips away so fast. di na natin namamalayan. lalo na pag uber busy ka. sabi ko expalanation to nung most previous post ko. akala kase nila me problema. un lang naman. pag masyadong maraming iniisip nakakalimutang mag emote.

ev, i never thought na magiging ganun kaapeal ung mga lines na yun. well, it's just my conclusion. ewan ko sa iba kung ganun din nila nakikita. and yeah you're right..mas effective ang write ups if it also has the power to touch hearts. wala lang yun sa pagalingan ng paggamit ng malalalim na salita. salamat po!

alternati, thank you! ang isip kase walang ginawa kundi mag-isip lang nang mag-isiP *wink* eheheh.

ikay the dancer said...

two thumbs up.. :) agree aku sa nisabi mo. :P

Doubting Thomas said...

pwede kung labhan utak mo... kahit 350 lang...

Anonymous said...

ikay, maraming salamat! keep dancing! eheheh

rob, 350? ang mahal naman! ahahah! per kilo ba un? o lahat na? teka baka wala kang tubig? beer ang gamitin mo? hakhak!