Thursday, October 26, 2006

decided uNdeciDed...

buo na talaga ang isip ko. i'm willing to give up all the benefits this job can give me. kase naman you can't always have everything or even both at the same time. me mga bagay talagang dapat isacrifice para makuha mo ang mga bagay na mas higit mong pinahahalagahan.

pero kung kelan naman nagdesisyon na ako at bumuo na ng plano sa isip ko... saka naman me mga bagay na darating na lalong magpapagulo ng utak ko. di lang pala ako ang me balak magresign kundi pati si papa. at pag nangyari un... kelangan ko na rin humanap ng lilipatang bahay. (nakatira lang kase kami ni papa sa bahay ng tito na siya ring pinagtratrabahuhan niya.) ibig sabihin lang nun, mas kelangan kong i finance ang sarili ko ngaun. wala pa kaseng tiyak na lilipatan si papa. eh bukod saken, me 5 pa kong kapatid. hindi naman sasapat ang kita ng maliit nameng tindahan sa probinsya para matugunan yung lahat ng pangangailangan namin araw-araw. kung sana dalawang bagay ang dapat iconsider magiging mas madali. pero hindi eh. maraming conflicts. kung noon wala akong sapat na dahilan para magtrabaho... ngaun medyo komplikado ang sitwasyon. pero anong magagawa ko? kulang na talaga ang oras ko para pagsabayin pa ang trabaho at eskwela. mas marami ang kelangan kong units ngaun at kailangan ko nang magconcentrate dahil ayoko nang mag extend nang mas matagal. isa pa parang sumisikip na ang opisina to para saken at feeling ko rin nawawalan na ako ng lugar. kaunti na lang baka hindi na rin ako makahinga.

mahigit 3 buwan na rin ang nakalipas nung una ko tong mapag-isipan. una pa lang nakakalito na. kelangan kong manimbang sa ilang mga bagay na nabigyan ko na halos lahat ng halaga. parang kailan lang pero ang bilis. di ko na namalayan na naubos na yun nalalabi kong oras para mag-isip. pero sa totoo lang hindi naman kase talaga ako nag-isip. madalas pinauubaya ko lang sa sitwasyon ang kung ano mang magiging desisyon ko. magiging pabigat lang kase sa utak kung isasabay ko pa yun sa mga mas dapat kong unahin.senyales lang ang palagi kong hinihintay. ngayon. kelangan ko lang panindigan ano mang magiging desisyon ko. bahala na si batman! naniniwala pa rin ako sa prayers. sa blessings. at sa miracles! gotta have more faith.

27 comments:

Doubting Thomas said...

ang tanong, ano ang mas pipiliin mo? eskwela o trabaho?

--

faith. tama, yan lang ang matibay na hawakan. wag kang bibitiw lojix.

Anonymous said...

ang hirap pala ng kalagayan mo lohika :(
ngayon ko lang nalaman ......kasi ngayon mo lang sinabi lol!!!
uhmmnn ngayon mo kailangan ang isang matibay na para sa sarili mo ...
di bale konting tiis na lang makakatapos ka na diba?
good luck sayo
ipagdadasal kita

Anonymous said...

mahirap magsakripisyo, pero masarap namnamin ang bunga ng paghihirap. lalo na at nalaman mong hindi ka pala nagkamali ng desisyong pinili.
Tama...kumapit ka kay Faith at Pray for HIS guidance na rin. Epektib yan!

Anonymous said...

its good tho that you had the shit to talk about this... to bring this topic up... and to share this topic to the people you know could 'potentially' help you...

ganito ang aking pananaw:

one, i think its wrong to resign kung ala ka din namang siguradong babagsakan. tulad nga ng mga advices sa amin ng mga nakakatandang nagsseminar sa amin, sa hirap makahanap ng trabaho ngaun, wag ka basta-bastang magreresign kung walang sure shot kang malilipatan na kumpanya... or if ever you would resign, dapat may plano ka sa kung anong gagawin mo sa darating na maraming 'idle time' sau....

dito sa Pilipinas, we're bred to become employees. yan ang sa tingin ko, maling mindset ng mga Pinoy... "magaaral ako, magsisikap para makahanap ng trabaho". kaya ako nag LaSalle. in DLSU, they teach you how to handle a business. how to start your own business. how to become business-minded. dahil simula noon pa, sabi ko, ayaw kong maging empleyado. ayaw ko ng may boss. i want to be my own boss. i want to control my own time.... but before i make money work for me, i have to work for money muna. walang kaso. it is the learning process....

ang akin lang, walang yumayaman na empleyado.... mas maganda if you're in control and run your own business. oo, hindi lahat ng mga business ventures are successful; kaya that's the challenge you have to face.

take the risk and grab the opportunity. mas masaya mag start from humble beginings at eventually, maging successful ka! :)

at sabi ko naman sa'yo, yan lang naman ang pananaw ko... hehe. nishshare ko lang :P

good luck sa iyo!

ria said...

lojik, isang eksampol ito ng sitwasyon na masarap isipin na isa kang abo na kayang-kayang dalhin ng hangin kahit saan. i may sound like preacher pero sasabihin ko pa rin kasi naniniwala talaga ako dito. yang sitwasyong kinapapalooban natin kaya natin yang gawan ng paraan. hindi tayo mapapasok sa isang bagay na di natin kayang lusutan. sana ay magkaroon ka ng lakas ng loob at pananampalataya (sa sarili, sa pamilya, sa iba mo pang pinaniniwalaan) na kaya mo/niyo ito. =)

potpot said...

hindi ko alam kung pano mag react sa post na ito.. kasi, being a student, wala pa kong guts para magkoment dito.. basta agree ako kay kuya RalphT.. wag isugal ang hindi sigurdo??

lheeanne said...

Ayan dapat ang hindi mawala ang faith mo kay God, hindi ka ng signus sa kanya! i knw everything will be put into places basta trust him!

lojika said...

rob, eskwela siyempre! di ko ipagpapalit ang edukasyon. kahit kelan. bahala na si batman. hehehe! di naman ako natatakot. naniniwala pa rin ako sa nasa itaas. di ako bibitiw! salamat. ^-^

melai, yakang yaka to! matagal ko nang pinag-aralan kung pano maging matapang. di pa ko gragradweyt. =( next school year pa. at un ay isa pang malaking sana... maraming salamat sa prayers! it will be a great help.

malaya, tama ka! me kapalit ang bawat pinaghihirapan. un lang lagi kong dinadasal. sana i can make the right decision. faith lang to! thanks!

ralpht, life is about taking risk. malaking sugal talaga to. pero hindi naman ako susugal sa alam kong tagilid ang kahihinatnan. marami pa rin alternatives. i think that's what i got to figure out. pag-iisipan ko tong mabuti. wag kang mag-alala.

tama ka! walang yumayaman empleyado. actually i'm really planning to start up a business in the "near" future. sosyo tau? hahah. kase nga hindi masayang nakakulong ang oras mo sa opisina. pero tulad nga ng sinabi mo. kelangan pa rin natin ng experience para matuto. i believe in humility.

to tell you honestly, nagdoubt ako na ipost to. pero salamat pa rin sa inyo!

ria, yabadobao! hindi tayo bibigyan ng trabahong hindi naten kaya. isa pa, nagkalat nman ang sagot sa mga tanong natin. kelangan lang nating hanapin. maramin pa ring tulog ang pwede naten makuha sa paligid natin. lakas ng loob at pananampalataya. lagi kong tatandaan un!

pot, di ba ikaw rin si rose anne? salamat. i know. better know what to choose talaga. salamat uli.

tk, alam ko rin. everything will be better. salamat. hey anong signus?

Anonymous said...

mare.. prayers!!! :)

everything happens for a reason diba? and i know may plans si papa God para sa inyo....

kung ano man ang maging desisyon mo, go for it mare...

Jigs said...

I know I shouldnt be giving advice on something I know only 50% of. Its always up to you, no one cant make you quit and pursue something else. Just keep praying and ask for guidance, He's always there...

ev said...

evrything happens for a reason..kaya ano man ang magiging desisyon mo, sabayan mo lang ng dasal..sabi mo nga gotta have more faith..naniniwala ka pa rin sa prayers kaya go girl..spread your wings!

gud luck...and be the best of whatever you are!

The Guy in Red Sneakers said...

hello, ga.

ang lahat, salamat sa paghihintay. at pangungumusta.

okay, game.

gotta have more faith.

salamat sa mga salitang ito. if only for these words, i want to hug you and kiss you and... many other things.

ewan ko kung makatutulong sa iyo, pero isa lang ang masasabi ko -- you are in my prayers. you will get through this yet. kaibigan yata kita.

at wala yata akong kaibigang lampa. (i-reserve na natin iyung adjective na iyun sa akin.)

nagkukunyari lang akong alam ko ang mga pinagsasasabi ko.

like you said, bahala na si Batman. and i love Batman.

oh, you too. i love you.

kissed forever,
ga
____

nakakapagod ang Midterms ha. nagutom ako. ano bang makakain diyan..?

The Guy in Red Sneakers said...

...what is wrong with me today..?

(many, many things. i am in love, for one. yes, yes. please do not ask me to spill. hindi pa siya lubos na lubos na pormado (you have to love me and my trying to go for Filipino, eh..? yes.). i love her. i do. i love her so very much.)

anyways, what i meant to say was --

una, sa lahat, salamat sa paghihintay...

saka --

kisses forever.

(what's with these keyboards, eh? must be that 1.5 liters of Lipovitan still in my system...)

anyways...

Anonymous said...

i pray that God will help you in tough times like things. May He give you wisdom so that you'll come up with right decisions, to bless you and your family :)

Ann said...

Minsan talaga dumarating sa buhay natin yung mga problema na hindi man sunod-sunod ay sabay-sabay pa, pero tama sila. Kaya mo yan. May plano si Lord syo, makikita mo rin yon someday. I'll wish you luck.

Momel said...

Sacrifices. Ako rin may ganyan ngayon, maaring kasing-bigat ng dinadala mo, pero for a completely different reason. I'm sacrificing for love.

Panget noh? Pero totoo, lahat naman kasi tayo eh kailangan dumaan sa ganyan. Shit happens, pero we carry on. It sucks, yes, pero it's still character building.
And gaganda na natin lalo once malagpasan natin tong mga bagay na to.

Pst, don't lose your way with each passing day. You've come so far, don't throw it away. Isipin mo na lang dinosaur ka, ganun.

Ha haa, joke. Pero kaya mo yan.

Muah!

Anonymous said...

tama lahat ang mga nagkoment hehehe... pag kailangan mo ng karamay and2 lang kami... dyan ka leng hehehe

seriously, ang mga bagay na yan ay pagsubok lamang.. :)

Anonymous said...

kaw na rin ang nagsabi dapat we need to take the risk.. kaya go girl! kaya mo yan! d2 lang kame :p

Anonymous said...

girl, sabi ko nga buhay pa ako... halos ganyan din naramdaman ko lately. pero buhay pa nga ako. thankful ako na nagkaroon ako ng time mag-isip at ngayon, handa na naman ako sa mga pagsubok. syempre alam kong kaya ni lojik yan di ba??? life is so good! dyan pa si God! Just always send Him your prayers. He'll help you out!

-Mish

Obi Macapuno said...

kung san ka masaya jiks dun ka. basta when you're with God, kahit anong path pa yang piliin mo, that is the righteous way... you can never go wrong with Him.

Airah said...

goodluck!

faith in God will bring you far. *hugs*

have a nice day!

cheers,
aiRah

Alternati said...

Hard decision.

If I were in your shoes, priority ko studies.. para mas maaga akong matapos and later concentrate na talaga sa work. Pero nga as you said, hindi ganun ka-simple ang situation. I think in the end, you'll find the best way to deal with it.

bahala na si batman! (Natuwa ako dito...hehe)

lojika said...

mare, salamat ng marami sa suporta mo. i mean this. salamat talaga! sa prayers na rin. tama ka me reason. me logic lahat ng bagay. ahahah! i trust Him naman.

ralpht, ung qoute na yun, is the same with the thought na nabuo ko dun sa isa kong post nung april. sabi ko nun, ang bawat ngayong ay pagkakataon. at tulad nga ng sinabi mo nagkalat naman talaga ang opportunities. kelangan lang me effort na hanapin. diba? sino si mr. cafe? tama siya. balance naman talaga dapat lahat sa buhay. para mas maging smooth.

dude!salamat sa'yo ha!

jigs, it's up to me, you're right. this is my fight. and i know i have Him. thanks, anyways!

ev, lilipad ako. yes. i'll reach up high. sabi mo eh. eheheh! salamat po ng marami sau!

rho, i'm strong! and will always be. salamat sa inyo. ur one of the reasons that will keep me holding on. tama. it's just putting things in place. magiging maayos rin to.

cruise, maraming salamat sa prayers. un din ang no. 1 wish ko. wisdom... to make the rightest decision. tsaka blessings na rin.

mami ann, onga! nagkasabay sabay pa. pero ok lang to! kaya ko to. yeah! gudluck is the term..eheheh! salamat po.

lojika said...

momel, dinasaur ako~ groar! ahahah. isang magandang dinasaur. lyrics pala ng kanta yun,heheh! kaya pala sabi ko familiar. pero fave ko un dati. ano nga title nun?

mukhang tamang kulit mo ngaun momel. epekto ng in love? eheheh! salamat ha! sa lahat lahat. naks!


kneeko, alam ko naman nandyan lang kayo at nandito ako! ahahah! salamat sa kulitan.

jennifer, yes. the risk. sana lang it's worthwhile. hehehe! nakakatakot pa rin diba?

Mish, buhay ka pa nga! tama ka. lahat naman ata dumadaan lang talaga sa ganito. at siyempre naman. oo. kaya ko ito! salamat. gurl... Life is great!

obi, life is so short to waste. kaya kelangan talaga dun tayo sa kung saan tayo masaya. at the same time, alam nating tama. salamat sa suporta boi. tama ka. as long as i'm with him. i'll never go wrong.

airah, salamat sa pagdaan. and for those few kind words. faith will bring me far. sana nga! salamat.

alternati, si batman? ahahah! baka nga busy siya. ang dami nya ata gawa. if you are in my shoes... baka di kasya sayo. maliit paa ko! ahaha! ako rin sana. studies muna at social life. ahahah! sana nga i'll find the best way. medyo mabigat na desisyon nga to.

lojika said...

para kay ga:

mukhang hindi pa nga ata bumababa ang tama ng lipovitan sau! ahaha! 1.5 liters ba naman. kinarir mo ata ang midterms eh. gudluck naman sa result. kape lang maiioffer ko!ehehehe.

o epekto rin yan ng pagiging inlab. sobrang over hyper ka ata! ahahah!

your prayers. malaking tulong un! salamat. my dear friend. dapat strong tau pareho. forward nga diba?
faith kasama ng hope. if you only have those. di ka maliligaw,babalik lahat ng nawala.

ako rin mahal ko na si batman.
and love you too. ga!

*hugs nd kisses rin here!* ^-^

The Guy in Red Sneakers said...

yes. you are stronger than this.

balang araw, you'll look back on all of these and just have a great laugh.

and then you'll remember me --

...and then you'll laugh even harder..!

thanks for everything..! appreciate it. keep the faith.

Iskoo said...

alam mo malaki ang tlog ng meditation, dyan ka talaga makakaisip ng idea ;)