Friday, March 31, 2006
sakit sa sarap
Pigain ang emosyong nagpapabagabag
Sairin at tuyuin, sairin at ubusin
Hanggang sa sariling luha ikaw ay malasing
Lulutang lutang, gegewang gewang
Sayaw lang na parang isang buwang
Muli ay ang iyong pagkadarang
Bukas ka bumawi, bumangon ka na lang
Pagkat ang rosas na walang tinik ay di ganap
Ang kapeng walang pait ay walang sarap
Kung ikaw nga ay nagmamahal ng tapat
Ang pag-ibig na walang sakit ay di sapat
Ang pag-ibig na walang sugat
Ay isang dagat na walang alat
May timpla ngunit matabang
May lasa ngunit kulang.
Kumusta naman? tula ba ito?
Thursday, March 30, 2006
tighawat!
totoo pala yun! kung tutuusin hindi naman talaga prone to pimples ang mukha ko. e di sana nung hayskul palang during my puberty stage eh naglabasan na ang lahat ng to... noon kahit
hindi ako maghilamos, ligo lang! hindi ako nagkakatighawat! kahit sobrang active ng katawan at kahit anong likot ko,wala! magkatighawat man ako minsan lang.
sabi ng friend kong nakapansin, stress lang daw to. kase sinabay ko ang studies sa trabaho (opo, working stud ako pero haler???? 3 subject lang ang kinuha ko). di ko naman masisisi yun sa maruming hangin ng siyudad dahil tatlong taon na ko dito, ngayon lang nangyari to. isa pa aircon ang sinasakyan kong bus at maghapon na rin ako nasa airconditioned room. sabi ko siguro nga dahil sa trabaho kase nabago rin yung daily routines ko kaya ng aadjust lang ung katawan ko. sabi naman ng tita ko, baka dahil sa hinahawakan kong mga papel dito sa opisina, marumi rin daw yun kase yun.
pero inisip ko...kelan nga ba nagsimula to? 3rd year first sem. ang daming naglabasang red-mountain-like spots sa mukha ko! sh*t! dun ata nagsimula ang lahat. wala pa kong trabaho nun kaya di talaga trabaho ang dahilan. akala ko dahil sa ilang araw na puyat dahil sa pagrereview at panggagawa ng mga files na kelangan kong isubmit.
pero bakit hanggang ngaun, pabalik balik na lang ang mga nakakairitang tighawat na to? nung isang araw, eto na naman... nacoconcious na ko. tinanong ko yung opismeyt ko. "bakit kaya ang dami kong tighawat?" sabi niya: "naku kaiisip yan!"
sasabay lahat. but the root cause is "sobrang nag-iisip ako at nagpapaapekto, sobra na sa emote!"
hmmmpp..di ko na inisip ang sagot sa tanong ko. sabi ko kapag nag-isip pa ako, lalong madagdagan ang tighawat ko.heheh! =]
Tuesday, March 28, 2006
tag~ay pa rin...
aba! at kay momi neng dalawang TAGay agad. na-post ko na yung una. and since bago pa lang ako sa mundo ng blog. first time ko maexperince ang maTAGayan.. kaya hindi ko rin masayadong naintindihan nung una ko siyang nabasa. kaya yun isa lang yung naipost ko.
tapos after sometime eh napagaalaman kong me ibang TAGay pala ako sa bahay ng ibang bloggers! kay karmi at kay jaja. naloka ako dun ha! nalashing ako... but since medyo busy busyhan ako sa trabaho di ko muna siya ginawa.
at ngaun bago mapanis ang TAGay na tatlong beses na inalok saken, ginawa ko na siya ...at least sabay sabay na 3-in-1 reply diba? mukha naman interesting tong TAG na to eh.. i love music and i'm into these song right now.. isa pa tama si mmai neng, para mabawasan naman ang kasentihan ng blog na to.
ito ung TAG------>
Rules: List of seven songs you are into right now. No matter what the genre. Whether or not they have words or even if they're any good, they must be the songs you enjoy right now. Post this instructions in your blog along with your 7 songs then tag 7 people and see what they are listening to.
- lagi mo na lang akong dinededma by rocksteddy
- muntik na kitang minahal by carol banawa
- til my heart aches end by ella mae saison (tama ba?)
- constantly by nina
- sway by bic runga
- i'm officially missin u by tamia
- we belong together by mariah carey
*at ung seven people...wag nah! who cares about the rules! hehehh..peace out... pero sa totoo lang naubusan na ata ako ng blogger na iitag sa sobrang late ko nagrespond dito.
Friday, March 24, 2006
'tiL my heArt aChes end...
narinig ko to kagabi habang kinakanta nung ale sa videoke. matagal ko nang peyborit ang kantang to. hayskul pa lang ata o siguro elementary pa lang ako... pero di ko akalain na na darating pala ung panahon na makakarelate ako dito. as in SAKTO!
para sa mga naiinis sa mga taong nagpaalam sa kanila, gusto ko sanang iparating sa inyo na maswerte pa kayo dahil kahit paano ay nagkaroon sila ng pagkakataong masabi nila na aalis sila. masakit marinig ang salitang "paalam" pero mas masakit ang magigising ka isang araw na bubungad sa'yo ang katotohanang naiwan ka na pala nang hindi mo nalalaman. yun ang dahilan kung bakit umiiyak ang ibang namamatayan. mahirap kase minsang tanggapin ang biglaan.
kaya nga sinasabi ko na lang sana hindi na lang ako nagising... ang ibig kong sabihin, kung alam ko lang sana na wala na siya sa paggising ko, sana itinuloy ko na lang ang panaginip ko. sabi nga sa kantang "huling el bimbo" ng eheads: sa panaginip na lang pala kita maisasayaw... kung sana alam ko lang
i'll just keep on dreaming until my heartaches end...isa lang naman ang ipinagdarasal ko. hindi na yung mahalin niya rin ako (pero syempre di pa rin maiiwasang umasa pa rin ako). ang hinihiling ko na lang na...
...sana matapos na lahat ng sakit na nagiging sanhi ng pagsesenti ko
...at sana makita ko na ang taong muling magpapabilis ng tibok ng puso ko at magdadalang muli ng kabog sa dibdib ko. (maliban sa kape)
...at sana pag nangyari yun, siya na yung totoo. pero sa ngayon , mangangarap lang muna ako hanggang sa maghilom ang sugat na ito.
ang LYRICS: (di ko sure kung ito yung eksakto)
i recall when you said that you would never leave me
you told me more, so much more that
when the time you whispered in my ears
there was heaven in my heart
i remember when you said that you'll be here forever
then you left without even saying
that you're leaving, i was hurt
and it really wo'nt be easy to forget yesterday
and i prayed that you would stay
but then you go and oh so far away
i was afraid this time would come
i wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
i have learned to my life beside you
maybe i'll just dram of you tonight
and if into my dreams you've and touch me once again
i'll just keep on dreamin 'til my heartaches end....
Thursday, March 23, 2006
napilitang TumAGay..hmmmmpppp!
wala kahit isang book dito!!!! book of accounts langs, pang accounting!
2. Stretch your left arm out as far as you can.
tapos? mukha akong tanga... magtataka boss ko sa likod
3. What is the last thing you watched on TV?
hmmpppp..kelan ba ko huling nanood ng tv? a knina sa bus... unang hirit ata. balita
4. Without looking, guess what time it is:
oras ng trabaho! nanggagawa ako ito, momi neng talaga! 10:07
5. Now look at the clock. What is the actual time?
10:15am
6. With the exception of the computer, what can you hear?
ung aircon sa kisame
7. When did you last step outside? What were you doing?
mga past 8, bago ako pumasok sa opisina knina
8. Before you started this survey, what did you look at?
paper works... schedules to be submitted to BIR. computer
9. What are you wearing?
i wanna wear my heart on my sleeve para malaman niya....heheh mali ata sagot! erase erase erase
10. Did you dream last night?
ewan....nothing significant...nlimutan ko na..pero siguro nandun pa rin siya
11. When did you last laugh?
knina lang
12. What is on the walls of the room you are in?
calendar, bulletin business permits, tama si momi neng “what are” dapat!
13. Seen anything weird lately?
weird? Sa salamin me nakita akong weird…*lingon-lingon* ( ako ba un?)
14. What do you think of this quiz?
quiz pala to! ayawan na!!! ayoko ng ganito. di ko nga pinapatulan sa friendster ang mga ganito
15. What is the last film you saw?
DUBAI by aga,claudine and john loyd sa bus rin...nyahahahahah..sa bus lang ako nakakapanood ng tv
16. If you became a multi-millionaire overnight, what would you buy?
lupa….un lang di nagdedepreciate ang presyo
17. Tell me something about you that I don’t know.
masaya naman ako, kala nio lang lagi akong senti
18. If you could change one thing about the world, regardless of guilt or politics, what would you do?
let it be...mas mabuting sarili ko muna baguhin ko, di ba?
19. Do you like to dance?
now na!!! gusto mo......
20.George Bush…
...ano to?!? wala akong pakialam sa kanya! pwede ba?
21. Imagine your first child is a girl, what do you call her?
Marinette..maliit na Marina...bwahahahahah
22. Imagine your first child is a boy, what do you call him?
Marino? tama pareho kami ni mami neng
23. Would you ever consider living abroad?
bakasyon lang, pwede?
24. What do you want God to say to you when you reach the pearly gates? "asteeeeeeeeeeeeeegggg!!!!” heheheh..imagine God saying that word. cool....hmmmppp!
25. 4 people who must also do this meme in THEIR journal:
mga bestfriends ko sa blogosphere, major, kukote and lukin tapos si obi na rin kse addict un sa ganitong Q & A
heheh...late ko na napost..me ginagawa kase
Thursday, March 16, 2006
ako at ang gripo sa banyo
kaya nagtungo sa banyo
umupo sa trono
ng maliit na kwadrado
at sa takot ko
na may makarinig
ng paghagulhol ko...
binuksan ko ang gripo
upang basagin ang katahimikan
sa lugar na tinuring ko nang kaharian
kasabay ng pagbagsak
ng tubig mula sa gripo
ay ang pagpatak
ng bawat luha ko...
ako at ang gripo sa banyo...
"oo, ikaw gripo
sabay tayo
ikaw at ako
punuin natinang timba
ng pinaghalong tubig at luha
sabay nating ibuhos at nang lahat ay maubos
sabayan mo ako
ikaw at ako
-------------------------------------------------------------------------------------
kumusta naman at pati ung gripo namin napagtripan ko? pasensya na ha, di ko lang talaga napigilan ang pagbuhos ng ulan nitong dumaang araw. at least maginhawa ang pakiramdam pagkatapos ng ulan. natakot naman ako na baka may pumasok sa kwarto at makita sa paggulong ng mahiwagang waterfall sa mga mata ko...kaya sa banyo na lang ako nagsenti. wag kayong mag alala, di ako senti ngaun, nung isang araw pa yun.
Sunday, March 12, 2006
tok...tok...tok...
me mga taong darating sa buhay mo, patutuluyin mo at ituturing na bahagi ng iyong puso. ipaghahanda mo ng isang magandang kwarto. tapos maya maya, di mo namalayang bigla siyang mawawala. nasayang lang ang inihanda mong tutuluyan niya. bumisita lang pala siya at hindi naman pala titira. nasaktan ka. tapos sabi mo unfair siya! bakit? anong ginawa niya? sasabihin mong dumating siya tapos aalis rin pala! ang masama pa sabi mo, ung susi sa pinto ng puso mo nasa kanya. di mo tuloy mabuksan para sa iba.
tanga ka ba? wala namang pinto ang puso! pero doorway siguro, oo. parang UP university, me gateway, pero walang gate. kaya kahit sino pwedeng pumasok at kahit sino pwedeng lumabas. ibig sabihin palaging bukas! kaya di mo siya dapat sisihin dahil ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong tabernakulo na pagkukulungan mo ng puso mo. parang baon na nilagay mo sa lunchbox na binili mo. parang ganun. ikaw mismo ang nagtanim ng damo na naging dahilan para maging masukal ang dadaanan ng mga taong patungo sayo. ikaw mismo ang naglalagay ng bakod para walang makaabot sayo at walang makakita sa tunay na nararamdaman mo.
o ano ngayon? kaya mo pa? paninindigan mong mag-isa kahit hirap na hirap ka na? o heto ang martilyo, sirain mo ang padlock na inilagay mo sa kulungan ng puso mo. pagod na siya, palayain mo na...bigyan mo naman siya ng pagkakataong muling sumaya. o heto ang itak, tabasin o ang gubat ng damo na nakaharang sa daan ng puso mo. sirain mo ang bakod nang makita namin ang bagong mukha mo.
o yan. di ba, masaya? nakakahinga ka na. at yung kwarto para sa kanya? wag kang mag- alala me darating pang iba. malay mo, mamaya dumating ang tunay na nakalaan para dyan, di ba? kaya pwede ba? gumising ka na! kase habang me buhay, me pag-asa pa.
minsan ang tao mismo ang gumagawa ng dahilan upang higit siyang mahirapan.
Friday, March 10, 2006
ah...yun ba yung TONER?!?
well oo, i can say na computer literate ako pero not to the point na alam ko lahat ng language na gamit niya. ibig sabihin i don't really understand kung anong ibig niyang sabihin nun. yun yun! kinutingting ko kasi ung settings niya para gumana kaya hindi ko na alam ginawa ko kung bakit lumabas ung 'no toner' na yun. isa pa dati kase nagpapaprint lang ako sa mga compu shop kaya hindi ko alam.
tapos kahapon inutusan akong magpaphotocopy (xerox sa alam ng mas marami). bumaba raw ako kasi hindi available yung xerox machine sa floor namin. tapos pagbaba ko, di rin daw available yung machine nila, wala raw toner! hmppp...pagbalik ko sa floor namin, silipin ko raw yung xerox machine sa kabilang room, baka naman daw pwede na. at ang bumulaga sakin? isang post sa may pinto:
Tuesday, March 07, 2006
busy mode
sa mga bloggers jan na kinukulit ko...dalaw ako next time. promise yan! i'll try to catch up but not now, busy mode ako.
Friday, March 03, 2006
what's the difference
sa isang klase boring kapag puro lang discussion kaya minsan me mga out of the subject matter na kwentuhan...
bago ko simulan ang kwento buo muna tayo ng settings:
- math class. isang hapong malapit na sa paglubog ng araw. (ang sarap umuwi, pramis!)
- sa isang maliit na klasrum kung saan dikit dikit ang silya
- ang characters? isang prof na malansa (anong ibig sabihin ng malansa? dats for you to know and for you to find out...clue? isa siyang sirena, di nga lang halata, mala-boy abunda ang dating) at ang section sex este six (6) pala.
medyo tinatamad narin kame sa discussion kase sobrang dami na ng sample problems na binibigay ni sir so sabi ng ibang klasmeyts ko...
"sir, assignment na lang!"
di pumayag ung prof ko kase sabi nya, ayaw na raw niya kaming bigyan ng extra burden and tinatamad na raw siyang magcheck ng mga assignments namen at sabi niya...
"klas, alam niyo bang assignments should be done here in the classroom?"
humirit pa ung mga klasmeyt ko...
"e di sir homework na lang o kaya take home quiz!"
"anong akala niyo sa subject ko? fast food restaurant? " sabi ng prof ko. sa madaling sabi ayaw niya talaga ng magbigay ng assignments.
dun nagsimulang magtanong ang isa pang malansa kong klasmeyt...
"sir ano raw pinagkaiba ng job at ng work?"
oo nga noh? di ko naiisip dati un ah! alam kong magkaiba ang salary at ang wages (pero wag na nating idiscuss dahil lalayo sa topic), pero job at work? ano nga bah?
sabi ng prof ko, job is something na ginagawa mo lang for compensation (yun rin pumasok sa isip ko) while the work is something na naeenjoy mong gawin kase gusto mo ung ginagawa mo. kaya nga raw ang tawag sa propesyon nilang mga titser e work at hindi job...kase kelangan rin naeenjoy nila at minamahal ang pagtuturo.
maayos naman naexplain ni sir pero di pa nasiyahan tong malansa kong klasmeyt...e bkit raw may mga job na confusing?!? heheh...(kulay berde ang utak!) oo nga naman, bakit me mga job na imbes na sila ang bayaran,sila pa ang nagbabayad at parang enjoy na enjoy silang gawin... (ang di makagets, slow!)
sabi ng prof. ko na isa rin malansa... sometimes you learn to love the job! heheh...magaling magdefend..
bago matapos ung klase namen, humabol pa ng isang pabulong na tanong ung nasa unahan ko...
"sir kayo? me job experience na ba kayo?"
nyahahah..oo nga noh?