Tuesday, February 28, 2006

patungo sa'yo

sinubukan kong sabayan
ang musikang
iyong pinakikinggan
at umindak sa saliw
ng tugtuging
iyong ginagalawan
pinilit kong lasapin
ang pait ng serbesang
humahagod sa'yong lalamunan
at sinubukang hithitin
ang usok mula sa yosing
iyong kinahuhumalingan

upang malaman at maintindihan
maunawaan ko lamang
lahat ng iyong dahilan

sinisid ko ang dagat
ng makulay mong kataga
na sing lalim ng balon
at bangang mahiwaga
hinukay ko ang kahulugan
ng nakatago mong diwa
at hinubaran
ang binihisan mong salita

lihim kong pinasok
ang iyong mundo
na hindi ko namalayang
unti-unting nagiging mundo ko
ngunit sa pagyakap ko
sa naturang daigdig mo
di ko rin namalayang
nasugatan na ako

pagkat ang mundo mo
kaiba sa mundo ko
pagkat ang awit ko'y
kaiba sa himig mo

nasaktan lang ako
nang natuklasan kong
hindi pala ako
SIYA ang 'yong mundo

***

balik senti muna ako... pahabol sa huling araw ng buwan ng puso. kasawa na rin kase ang balita sa pinas.

Sunday, February 26, 2006

EDSA to the 20th power

lunes pa lang e kapansin pansin na ang mga yellow ribbon sa mga puno at poste ng EDSA sa may monumento sa Crame. kalimitan na ring nagiging topic sa tv, radyo,dyaryo at blog ang tungkol sa pagdiriwang ng anibersaryo nito. miyerkules nang magkaron ng pagtitipon tipon para sa maagang paggunita nito. (kaya nga nag karoon ako ng mrt adventure)

2 dekada na pala ang nakalipas nang lumabas ang libu libomng mga bayani sa kalsada upang mag aklas at ipaglaban ang nasupil nilang karapatan.

taas noo ang pilipino habang tinitingala ng buong mundo ng mapatalsik ang mapang abusong pangulo sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon na kung tawagin ay PEOPLE POWER ngayon.

POWER! ang pinag aagawan ng maraming pulitiko at kinababaliwan ng mga nakaupo sa pwesto. pero PEOPLE POWER? nasan na nga ba to? nasan na ang pinaglaban ng mga tao? totoo nga bang sila'y nanalo? me power pa nga ba ang tao? para na raw nagmumulto ang martial law.

biyernes.. nang nataranta ang MalacaƱang na naging dahilan upang madeklara ang kasalukuyang pangulo ng state of emergency.

sa mismong araw ng sabado, walang pagdiriwang ang naganap para sa ika dalwampung anibersaryo. isang araw na napakaordinaryo para sa mga Pilipino. nakakapanibago... dahil ang pilipino ang isa sa buong mundo ang pinakaengrande pagdating sa selebrasyon. pero bakit ganun? anong nangyari?

kung sa bagay, ang wala nang masyadong saysay ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang patay.

me power pa nga ba ang EDSA? nagtagumpay nga ba ang noo'y pinaglaban nila? gayong patuloy pa ring nahihirapan ang buong kapuluan.hanggang ngayon wala pa rin ang inasam nila noong kaginhawaan. marami na ring bumigay at ang bansa ay nilisan. di makayanan ang araw araw na nadaragdagang kahirapan.

nasan na silang sumigaw noon sa kalsada? ang mga namuno noon, naghiwahiwalay na..nagkanya kanya. wala na nga bang saysay ang noo'y ipinaglaban nila.. nakakadismaya!

Pilipinas me pag asa pa nga ba...
sana nga...
meron pa...

pero kanino tayo aasa? walang iba...
pilipino, kumilos ka!
bakit? natatakot ka rin ba?

Thursday, February 23, 2006

nice trip este funny pala

pasado alas kwatro y medya nang tumawag na ang boss ko na kasalukuyang nakikipagmeeting sa labas. umuwi na raw kami ng maaga kase me rally daw sa EDSA. di ako fan user ng MRT/LRT pero napilitan akong magtren kahapon para makaiwas sa kalsada ng EDSA.

nilakad ko lang ang station mula sa opisina namin sa 2 kadahilanan:

  • para kang nakikipaglaro ng trip to Jerusalem na sa pakikipag agawan ng jip
  • at dahil sa traffic, mas mabilis pa rin kung maglalakad ka, mas tipid pa

ito ang unang beses na nilakad kong mag isa ang MRT station sa Ayala. lagi kase akong me kasabay. nakakalito kase ang daan sa mga dikit dikit na malls. so lakad lang ako. lakad. lakad. kunyari alam na alam pero pinakikiramdaman ko lang ang mga taong kutob kong papunta dun. (minsan ko nang ginawa yun nung pumunta ako ng Luneta for the first time for a school affair, instinct lang ang gamit, heheh)

isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sumakay ng MRT lalo na pag rush hour e dahil para kang na sa premier night ng isang box office na pelikula sa haba ng pila! pagbabayad pa lang at pagchecheck ng gamit. buti na lang konti pa lang ang pila. siguro dahil na rin maaga nga akong lumabas ng opisina.

sa pangalawang tren na nga ako nakasakay. dami pa rin kaseng pasahero. parang mga fans na nag aabang sa mga idol nila. siksikan! sobrang automatic sa tren. tatapat ka lang sa pinto, hola! nakapasok ka na at di mo na kailangang humakbang! bakit kamo? magmimistulan ka kaseng tae na dinadala ng alon ng nagsisiksikang taong papasok ng tren.

patawa yung kanong lumabas oh! di naman kalbo. aba... e hayblad ata. nagsisigaw ba naman ng "TABI MUNA KAYO! TABI! TABI!" lol...tinawan lang siya ng mga pinoy. pasaway rin kase ang marami. di muna paunahin ang mga lalabas. akala mo e mauubusan na ng tren. ipagsisiksikan ang sarili kahit pa maipit sa pinto.

ayos rin naman sa tren kase me libreng komersyal. alam mo yun? ung DJ na nagsasalita.

  • pinakikiusapan po ang lahat na kumapit sa bars ng tren upang mas matiyak ang inyong kaligtasan(buti na lang at pinalad ang inyon akong na makapwesto sa me hawakan)
  • mag ingat lang po sa MANDURUKOT!
  • pakiusap sa aming pasahero, pakiclear lamang po ang pinto upang makaalis na ang tren.

yun nga't di na sumara ang pinto, akala ko dahil dun sa mamang halos nakadikit na ang nguso sa salamin nung pinto. un pala naipit ang plastic ng pinamili ng nung ale. ang tagal rin nagclose open nung pinto. muntik pang magkagera sa loob nung sabihin ng isa pang ale na mali ang ginagawang paghatak ng babae. paloob daw kase dapat, hindi palabas.

napuno na ung babae, nairita na rin siguro sa dami ng tumatawa at nag siside comment! di na nakatiis. "kayo na lang kaya magtanggal nito? kala niyo ata madali?" sabi nung ale.

hahahah..di sana ako tatawa pero ang kukulit nung mga lalakeng kasakay namen.. rinig ata ng buong tren ang halakhak nun.

di na nakatiiis yung katabing lalaki ng ale. kaya tinulungan na niyang matanggal ang naipit na gamit ng babae. nagsalita pa ung babae "paki na nga po, epal kase ung mga nasalikod ko, akala ata madali!"

successful naman. natanggal ang nakaipit. un nga lang tumama dun sa mukha ng ale..hahah..buti na lang walang kumain ng kamote sa mga nakasakay..kundi baka dun yun inabutan.

1:6 ata ang proportion ng bumaba sa sumasakay ng tren. tinalo pa namin ang sardinas sa loob ng lata. sabi pa ng mga kasakay kapag tumitigil sa isang station, " oopps, isa lang bumaba..wala na..di na kasya!" buti hindi nag amoy sabungan dun sa loob.

dumaan ng guadalupe at boni, mukhang wala naman traffic ah...parang nagsisisi na ko na nag MRT ako. false alarm ata.. pero pagdating ko sa me shaw blvd, sa sobrang dami ng tao sa eskaleytor parang nang me rally. ang kapal ng tao...naawa na ko sa tren. parang pagod na pagod na siya.

pagdaan na nga sa me crame, sa me EDSA monument. nakatigil na lahat ng sasakyan, pati mga flyovers!!!kumusta naman un? pagkalampas sa place, siyempre clear sa sasakyan. kaya natripan naman ng mga walang magawang tao na maglakad sa santolan flyover for experience daw..nyahahahah...

kawawa ang mga stranded passengers. buti na lang napilit ko ang sarili kong magtren..heheh


Monday, February 20, 2006

TRAHEDYA

bakit nangyayari ang lahat ng ito? minsan, habang klase napunta ang aming usapan tungkol sa halaga ng buhay na hiram. sabi ng prof. ko, wala raw ibang pwedeng bumawi nito kundi ang Diyos lang. tutol raw siya sa panghihimasok ng sensya pagdating sa pagbuo at pagtatapos ng buhay. ( abortion and contraceptives, tama ba?). ang sabi raw kasi ng Diyos sa Bibliya, "humayo kayo't magpakarami."

sa di maipaliwanag na dahilan bigla me ideyang naglaro sa aking isip at di ko napigilang ang nangangati kong dila na magtanong."maari ka yang ginusto rin ng Diyos ang pagkakatuklas sa bagay na yun ngayon dahil na rin sa dumarami na ang populasyon at di na akma sa ngayon ang mga katagang binitawan Niya nun?" ibig kong sabihin noon yun at ang noon ay iba sa ngayon.

nagreact ang mga klasmeyt ko. napa "oo nga noh?" nagulo ang isip ko. ang isip rin nila nagulo ko.

ang TRAHEDYA ay di lamang sa Pilipinas nangyayari. hindi lang din ngayon. tulad ng kamatayan wala itong pinipiling panahon. naalala mo ba ang 10 plagues? ang world 1 & 2? ang Hiroshima bombing? lahat ng mga bagyo at mga nasalanta nito, ang lahat ng pagsabog ng bulkan, pagyanig ng lindol at lahat ng mga natural calamities na kumitil rin sa maraming buhay sa mga nagdaan panahon?

ang TRAHEDYA ang isa sa mga bagay na hanggang ngayon di pa rin kontrolado ng Sensya. sabi ng prof. ko may paraan ang Diyos. tama! bakit nga raw may mga mag-asawang di nabibiyayaan ng anak. at meron namang kahit matanda na ay nakakaabot pa. (alam niyo ba ang istorya ng pagbubuntis kay John the baptist?) naliwanagan akong muli... tama! me paraan nga ang Diyos!

pero itatanong ko uli, bakit nga ba nangyayari ang mga ito? bawat bahagi ng buhay ay may misteryo. at ang bawat isa ay may mga sariling paraan upang tuklasin ito at ang nais ipahiwatig nito. masarap mabuhay sa mundo at tayo na natitira sa laro ng buhay (the last one standing) ay kailangan matuto.

usapang buhay

si Kamatayan ang isa sa pinakamadayang nilalang sa mundo (sumunod pa lang si Kupido). darating siya na parang isang magnanakaw, sa pinaka di inaasahang pagkakataon ay aagawin niya ang buhay na sinasabi ng maraming sa ati'y ipinahiram lamang.

ang kamatayan (bukod sa tax ha!) ang isang bagay na di maiiwasan ng kahit sino pa mang taong nandito sa mundo. wag kang mainip dahil darating rin sa'yo yan... di ko nga lang alam kung kelan.

walang pwedeng umiwas at walang pwedeng makatakas.

sa ngayon, limampu't isang araw na buhat ng magsimula ang taon (hindi ito para sa chinese, ok?), pero ilang balita na ng kamatayan ang bulaga at medyo yumanig ng mga dyaryo at peryodiko sa buong kapuluan ng bansa. nagpakita ng iba't ibang anggulo ng katunayang walang makakaligtas sa kamatayan... bata o matanda, matalino man o hindi, babae o lalake, maliit o malaki, mahirap o mayaman, tanggapin mo o hindi man, lahat tayo mamatay!

una nang nagbigay ng halimbawa ang pagkamatay ng isang neophyte sa isang sikat na unibersidad. nagpakitang ang kamatayan ay dumarating sa di inaasahang pagkakataon . walang pinipiling edad. sumunod naman ang pagkamatay ng isang anak mayamang si Zach Escudero na nagpakitang ang yaman, di sa lahat ng pagkakataon ay maari kang isalba sa kamatayan. ikinagulat ko rin ang balita ng pagpanaw ni Ka Ernie na nangungusap na ang katalinuhan at kasikatan ay di maaring isanggalang pag dating ng kamatayan. at lalo namang di makakaligtas ang mga kababayan nating halos naghihikahos na sa kabuhayan, ipinakita yan ng isang trahedya ikinagulantang ng marami. ang dapat sanang masayang pagdiriwang na nauwi sa isang makadurog pusong tagpo.

at ngayon, di pa man humihilom ang sugat na iniwan ng trahedya sa Ultra, heto na naman ngayon ang isang dadagok sa atin upang muli tayong magising. mudslide sa Leyte!

napakahirap isipin kung anong pakiramdam ang tinatapakan ng buhay, ng inililibing ng buhay, sa isang pangyayaring hindi mo gusto pero wala kang magawa upang pigilan ito. walang magawa ang ganda mo, ang yaman mo, ang lakas mo, ang talino mo, wala! tanging oras na lamang ang hinihintay mo kasabay ng panalangin sana magdagagan pa ang buhay mo. naghihintay ka ng katapusan habang nagsisisi sa mga nagawa mong pagkukulang.

"a prayer is a long rope with a strong hold..."
ipanalangin po sana natin ang mga pumanaw at ang ibang naging biktima ng naturang trahedya at magpasalamat na rin dahil hanggang ngayon ay ligtas ka at may pagkakataon pa.

Wednesday, February 15, 2006

yun ay pag!

parang cooler na di na nagagamit dahil me fridge na at freezer
parang electric fan sa stock room na naimbak na dahil merong aircon
parang lapis at papel na napaltan na ng blog sa kompyuter
parang sipit na tsinelas na naitsapwera dahil sa bagong adidas
parang piniritong daing na di na napapansin dahil sa fried chicken
parang tubig sa tabi ng softdrinks, kape sa tabi ng tsokolate

di mo na napapansin kase me mas higit na nakakaakit sa paningin

pero pag wala nang tsokolate at softdrinks sa tabi
at pag ubos na ang fried chicken, sana mapansin
pag ang aircon ay tinopak at ang ref niyo'y nabatak
muli mo sanang hanapin at muli mong gamitin

pag iniwan ka niya
pag wala nang pag-asa
pag di mo na kaya
sana maalalang
ako'y nandito pa... ='(

Monday, February 13, 2006

that thing called love

yaman din lamang at napapanahon dahil bukas ay Valentine's day na....

let's talk about LOVE!

ito ang ilan sa mga konsepto sa pag-ibig na aking nabuo at napagtanto mula sa aking obserbasyon, mga nakita, nabasa at nadama:

  • love is a magical feeling for feeling is a magical thing. a thing that makes us a true human being.
    bukod sa logic and judgment, ang tao ay naiba sa ibang nilikha dahil ang tao ay may damdamin... mga pakiramdam na di mo alam kong san nanggaling
  • love is like flying without wings... but in love we're falling.
    masarap daw ang feeling..isang sensation na hindi mo maipaliwanag.. parang lumilipad habang bumabagsak. irony no? dapat lang konting ingat baka kase sa pagbagsak puso'y mawasak. alalay lang sa paglipad.
  • love has no beginning but sad sometimes it has an ending. joy and happiness is what it brings but it's also love that brings the aching.
    bigla mo na lang madarama na di mo na alam kung kelan nag umpisa. marami ngang naging masaya sa mga salitang "mahal kita" ngunit dahil rin sa mga katagang iyon marami ring nagdusa... dito ang kaligayaha'y madarama ngunit minsa'y nagiging dahilan rin upang lumuha ka.
  • love is like an accident. it comes when you're not expecting.
    sabi nga sa kanta 'love moves in mysterious way'. pag hinahanap mo di mo makita...tapos bigla na lang darating habang hindi ka umaasa. parang magnanakaw na susulpot na bigla at mamimintana.
  • love is blind but other says, no! love can see but it does not mind. it does not require much answers. you just love no matter how stupid you become.
    kalimitan raw ang taong matalino pag dating sa pag-ibig nabobobo. wel, pra saken di un totoo. minsan lang nakikita mo na ipipikit mo pa ang iyong mata. ayaw lang kase talaga. minsan lang kahit alam mo kung anong tama at nararapat, pipiliin mo pa rin ang tinitibok ng puso mong salungat sa pinaniniwalaan ng utak mo dahil siguro un ang alam mong ang ikasasaya mo.
  • love doesn't mind but how can it drive you crazy for thinking in so much time?
    kung di mo talaga ginagamit ang isip mo, bakit sinasabing siya parati ang laman ng utak mo? bakit sa panaginip siya ang nakikita mo? bakit di ka makatulog dahil sa kaiisip mo? na halos mabaliw ka na dahil sa taong gusto mo?
  • love makes the world go round... but for other it's not. they say it's just the thing that make the ride worthwhile
    kung me kasama, ang buhay masaya pero hindi nga siguro kung ang mahal mo e iba ang gusto ngunit ito'y hindi nangangahulugan ng pagtitigil ng yong mundo mo. hanap ka na lang ng bago.
  • hayy...love is really the most abstract word any man can define!
    ang paliwanag depende sa tao at sa nakadama nito. kahit ano siguro diksyunaryo ang bilhin mo, hindi mo maiintindihan hanggat hindi mo binubuksan ng sabay ang utak at puso mo!
  • for those who don't like it call it responsibility. those who don't have it call it a dream.those who play with it call it a game and those who understand it call it LIFE

    iba-iba ang pananaw ng tao, ikaw? ano ang pag-ibig para sayo?

    ano nga ba ang kulay ng pag-ibig, kirara? (kilala niyo siya?)

Saturday, February 11, 2006

kapag pilay ang umakay sa bulag

... walang malinaw na direksyong tutunguhin; malubak ang landas na tatahakin.

isang makatotohanang eksenang tumamban sa aking harapan minsang nag aabang ako ng sasakyan pauwi sa aking sinisintang bayan. kapwa me kakulangan at kapwa me kapansanan ngunit nagawang ang isa't isa'y matulungan.

malungkot ako nung mga panahong yun dahil naisip ko na naman siya (ang taong dahilan ng aking pagsesenti). ngunit nang makita ko sila parang nauntog ako at naglaro na naman ang utak ko.naisip kong napakaswerte ko pala at ang dami ko palang dapat ipagpasalamat dito sa mundo.

sampu ng mga mahal ko sa buhay, mga kamag-anak at kaibigan. sampu ng kumpleto kong daliri sa kamay at paa at ng kumpleto parte ng aking katawan. sa lahat ng talentong sa aki'y ibinigay. sa lahat ng mga bagay na aking napapakinabangan. mula bukang liwayway na nagpapasibol ng panibagong araw sa aking buhay, hanggang sa maghapong me laman ang aking sikmura at tiyan. hanggang sa takip silim na nanatili akong ligtas at me kulay ang buhay. marami pa at hindi lang yan ang marapat lamang na aking pasalamatan.

wala namang perpekto sa mundo. me kakulangan ang bawat tao. at kung minsan talaga me mga bagay na hindi mapapasaiyo ngunit....
araw araw man akong makadama ng lungkot, araw araw mang makadama ng hilakbot, araw araw mang nahihirapan nang dahil sa problemang pinapasan, araw araw mang masugatan at masaktan...
alam kong tulad nila kailangan kong lumaban! me pagkakamali man, tuloy lang kaibigan..
"life is a show itself and the show must go on..."
kapag pilay ang umakay sa bulag, walang malinaw na direksyong tutunguhin; malubak ang landas na tatahakin ngunit kung pipilitin maabot ang ano mang nanaisin at gugustuhin.
"life comes just once so let's make the most out of it.
God did ot give everything to enjoy life.
...but He gave life to enjoy everything.
kalimutan muna ang ibang problema, magpasalamat upang maibsan ang bigat na nadarama.
***
kumusta naman ang nakakaiyak na post na to? huhuhu.... share ko lang, isinulat ko kase gusto ko nang mag move on. com'on!!!

makapag blog lang...

hay naku! kumusta naman at ang dami ko nang napuntahang computer shop pero mantakin mo namang sarado lahat... kainitan ng tanghali oh! ikaw na ang bagong ligo tapos bad trip ang layo na nang nalakad ko, pinawisan na ang kili-kili ko, halos lahat ng mapuntahan ko, walang tao... kumusta naman ulit?!? naghahanda kaya sila para sa lovapalooza. leche talaga! sila na ang masaya...ako na ang bigo, ako na ang baliw!!! kumusta ulit? nagdrama ba?
heto ako ngaun sa isang mukhang ewan na kumpyuter syap! sobrang bagal at me bonus ka pang paghahang? kumusta naman un? wala kaseng opisina ngayon, walang libreng internet kaya kelangan magbuwis ng pinagpawisan...
hay, ano bang meron sa blog na ito at ginagawa ko tong eeerrr kahibangang ito? naadik na rin siguro ako. kung tutuusin kase me gagawin pa talaga akong mas importante pero nandito ako't pasentisenti...
kumusta naman ang mga kasama ko dito sa shop, mga nagmumurang sibuyas este kamatis pala. pachat chat pa, haler? bagay ba sa kanila? ang tatanda na kaya nila! ang sakit sa matang makita.. dalawang babae nakikipagchat kay uncle sam with matching webcam... hahah!!!(sori naman kase nakita ko rin itsura nila sa webcam na nakabalandra sa screens nila)
at ito pa, nagtanong ang isa, (sori hah malakas ang boses nila at hindi ko kasalanang nasalo rin naman ng tenga ko ang pinag uusapan nila) ano raw ibig sahibin ng "what would you do if i'm there with you?" tanong raw ng kano. sumagot ung isa... " ano raw gagawin mo, sabihin mo i will accomodate u?"...
hahah! ang sama ko talaga... baliw na nga siguro ako. pero kasalanan ko ba? e nakakairita. kung naglalaba na lang kaya sila? e di sana mamayang hapon tuyo na. hindi ba?
hindi ko naman sila masisisi. wala namang pakialaman dito di ba? ako nga me gagawin pa, pero eto ako't nagbloblog pa.
hay, nku makapagblog lang talaga at makabisita na rin sa iba.
well, hapi wikend na lang sa mga makakabasa...

Tuesday, February 07, 2006

sinong baliw?

baliw ako nang dahil sa pag-ibig ko sa'yo
baliw ako na naghihintay ng text messages mo
baliw ako na nag-aabang ng tawag mo
baliw ako na umaasang kakausapin mo
baliw ako na nangangarap na parang isang gago
baliw ako na parang isang adik sa kanto
baliw ako na nagpapanggap na ito'y totoo
baliw ako na pilit nagbabalat kayo
baliw ako na umaasa pa rin sa'yo
baliw ako pero magmamahal pa rin ako

baliw ako, pareho ba tayo?
sinong baliw na tulad ko?

Monday, February 06, 2006

wow-wa naman

nang sumulyap ang konting liwanag mula sa isang maliit na butas, marami ang kumagat. mga kaluluwang nagkukubli sa kadiliman na nag aasam na sa gayong pamamaraan ay makakamtan nila ang ninanais na kaliwanagan. masisi mo ba sila kung sila ma'y umasa?

isang pagbabakasakali na nauwi sa isang pagkasawi. pakikipagsapalaran na nauwi sa kabiguan.
ang tanong ay 'sino?' ang sagot ay di ako, hindi siya, hindi tayo. eh sino? walang me gusto ng nangyari. AKSIDENTE! kawawang aksidente, kapag walang nakitang malinaw na dahilan siyang nasisisi. kung sa bagay ang mas nararapat ay magtulungan at hindi magsisihan.

sumalamin daw ang tunay na kahirapan ngunit nakatago pa rin ang tunay na dahilan. isang nakakapanlunmong kaganapan.
may nagkamali at may naging sanhi ngunit hindi ka dapat maghusga at magturo kung sino ba talaga.

at sa kanilang pagpanaw nawa'y matamo nila ang tunay na katahimikan at makamtan ang hinahanap na kaliwanagan.

Friday, February 03, 2006

how dare you!

how dare you make me fall
when you won't catch me after all

how dare you make me happy
then in one fell swoop you'll leave me

how dare you make a promise
then brake my heart into pieces

how dare you hold my hands
how dare you hold it tight

how dare you show the light
then turn it into night

how dare you say the words
of a love that sounds so true
then leave me hanging in a moment
without giving any clue