Sunday, May 21, 2006

libre to! try mo...

kay sarap sanang pitasin ng bunga ng mga pangarap. ngunit di lahat ng bunga ay masarap. may matamis, may maasim. may hinog na, may hilaw pa at kung minsan naman ay bulok na.

madalas tayong mangarap sa bituin. sa pagnanais na balang araw mapapasaatin ang taglay niyang ningning. hindi naman masama ang mangarap... pero ang mangarap ng sobrang taas, yun ang mahirap. minsan gagawin mo ang lahat para lang abutin ang pangarap mong bituin. na sa unti unit mong paglapit hindi mo na namamalayang unti unti ka ring nasusunog sa nakakapasong init ng liwanag na kanyang taglay. di ka pa nakakarating sa kanya, sira ka na. yun ay sapagkat ang bituin ay hindi para sa atin.

kung minsan naman...aabangan mo na lang ang pagbagsak ng bituin sa pag-aakalang tutuparin nito ang iyong mga hiling. ngunit muli ka lang lilinlangin! sapagkat bulalakaw lang ang iyong matatanaw. nakita mo? kapag di para sayo, hindi mapapasayo. me sariling mundo ang mga bituin na hindi talaga para sa atin.

ngunit tulad ng naunang kong sinabi. hindi masama ang mangarap. ito ang hagdan patungo sa tagumpay, nagbibigay direksyon sa ating buhay. naniniwala pa rin akong ang taong walang pangarap, malabo ang bukas. libre lang naman ito. ngunit kaiba sa panaginip, ang pangarap ay maaring mong gawing totoo. para itong isang buto na itatanim, aalagaan, palalaguin para pagdating ng panahon meron kang aanihin.

MORAL:

  • ang star ay hindi bunga. iba un sa star-apple
  • mangarap lang ng bagay na alam mong kaya mong abutin. ang lahat ng sobra, masama na!
  • wag nang gambalin ang nanahimik na bituin.
--------------------------------------------------------------------

*hey, everyone...sori naman hindi na ko masyadong nakakadalaw kase infected ng spyware/adware ang PC ko sa opisina..waaaaaaaaaaah!

Tuesday, May 16, 2006

yes you are...


You are a star in the night
That seems to be shining so bright
But I can’t hold you tight
Nor even kiss good night



You’re as busy as a bee
A bird aiming to be free
Floating and flying high
Soaring, exploring the sky


You are the love of my life
My long awaited knight
But you seem like a kite
That flown out of my sight



You’re a song I love to hear
How I love you to be near
But the symphony you bring
Is the one that bring the tears






-------------------------------------------------------------------------------


*repost from my friendster blog. wala akong maisip na title dati and still not satisfied. open for any suggestion. thank you!

Wednesday, May 10, 2006

one last cry




mahirap magsalita nang tapos. dahil hindi lahat dito sa mundo kontrolado mo. dahil maraming mga bagay ang di mo inaasahang pwedeng mangyari. baka lamunin mo lang lahat ng sinabi mo sa bandang huli.

dumarating ung mga pagkakataon masasaktan ka. iiyak kasi masakit. tapos sasabihin mo sana matapos na ang lahat ng ito. ayaw mo na...kase nahihirapan ka. minsan di mo maiwasan, bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. muli kang masasaktan, iiyak ka na naman. pero minsan pag wala na yung sakit. hahanapin mo naman. muling mong huhukayin ung mapait na alaala ng nakaraan hanggang sa muli kang masaktan, iiyak ka na naman.

minsan sinabi ko sa sarili ko, uubusin ko lang lahat ng luha ko para sa kanya. tapos wala na. titigilan ko na! nagkamaLi ako. sa pag aakalang nauubos ang luha. isa nga pala itong mahiwagang bukal ng tubig na di mo mapipigilan sa biglang pagpatak. sing imposible ng pagpigil sa pagbagsak ng ulan mula sa kalangitan.

hanggang kelan nga ba tong kasentihan ko? ewan. di ko alam. basta ang alam ko dahil tao ako, ok lang umiyak. kahit sino ka pa man. mahirap, mayaman. bata o matanda. babae o lalake. matapang man o hindi. umiiyak tayong lahat. lungkot man ang dahilan o dahil sa sobrang kasiyahan. basta tinamaan ung maselang bahagi ng iyong kalooban, di mo mapipigilan muling bubuhos ang ulan.pero darating din ang araw. ngunit muli...paminsan minsan babalik uli ang ulan.

walang one last cry! isa yung KALOKOHAN!


mahiwaga ang luha. isa itong patunay na kakaiba ang tao sa ibang nilikha. bakit, me nakita ka na bang umiiyak na kabayo o lumuluhang aso? wala di ba? dahil ang luha para lang sa totoong tao. kaya ok lang maging senti pag minsan. hahah!



Monday, May 08, 2006

life is not that difficult after all

if 1=5





2=25




3=125




4=625





5=?

think before scrolling down....
































answer is 1




~because the first line says: 1=5



MORAL: don't complicate simple problems in life!


cheer up! life is easy.

Thursday, May 04, 2006

cleanin out the closet

pano mo huhugutin ang isang tinik kung alam mong masakit? pano kung sabay sabay mong hinugot ang lahat?

"the fire that hardens the steel is the same fire that melts the butter."

alam kong delikado ang sumugod sa apoy. batid ko ang nakakapasong init na kanyang hatid. pero minsan kailangan mong mamatay para muling makapagsimula ng bagong buhay. minsan para muling makapag-umpisa kailangan tapusin ang nauna.

mahirap iwanan ang mga nakasanayan mo na.
mahirap magbago at muling mag-umpisa
dahil una sa lahat, matatakot ka.

"it's true setting someone free is the hardest thing to do. it's not the tears you cried that makes it so hard but the small piece of hope left inside your heart that someday you'll still end up together."

detachment. mahirap. masakit. at dahil tao ka, di mo maiiwasang umasa. pero dapat alam mo kung hanggang kelan ka lang kakapit. dapat alam mo kung kelan ka bibitaw. dahil ang lahat ay may katapusan. ang araw na sumikat ngayon ay hindi maiiwasang lumubog pagdating ng hapon. darating ang gabi pero bukas may liwanag na muli.

me mga bagay na minsan iniisip mong sana di mo na lang ginawa o sana ginawa mo na lang. regrets! pero lalamunin ka lang ng regrets na yan. kelangan mong panindigan lahat ng yong ginagawa dahil sa buhay walang daan pabalik.

"no one can go back and make a new beginning but anyone can start from now and make a happy ending."

oo sinabi ko na.

parang panaginip pero totoo. akala ko pag gising magiging pukto ang mata ko. buti na lang hindi. siguro ung hindi ganun karami nailuha ko kumpura nung una pa o siguro sanay na. immune na. kapag nasobrahan ang sakit, tama! mamamanhid ka.

ngayon, kelangan ko ng bagong umpisa. kinulayan ko ang mukha ko. pilit pipintahan ng saya. para alam nila walang problema.

Tuesday, May 02, 2006

alay sa mangagawa

Maraming nagsasabing sila'y mababang uri
Ngunit sa lahat sila ang dapat ipagbunyi
Sapagkat lahat sila’y nagsisilbing bayani
Dito sa bayan natin sila ‘y kapuri-puri

Simula bukang-liwaway hanggang takip-silim
Walang sawa nilang ginagawa ang tungkulin
Ang paglipas ng oras ay di na napapansin
Pagka't nasa isip pamilyang pinakakain

Laging nasasapuso malinis na hangarin
Laging nasasaisip magandang adhikain
Kalinisan ng loob ay hindi tatanggalin
Pilipinong manggagawa tapat sa gawain

Ang manggagawa ay handang magtiis ng hirap
Maabot lamang ang lahat ng pinapangarap
Kahit na yata katawan ay bugbog sa hirap
Sasabihing pang pakiramdam ay nasa ulap

Sa inyong manggagawa ako'y sumasaludo
Dapat magalak at maglakad ng taas-noo
Itong munting tulang ito ay alay ay sa inyo
Upang halaga nyo'y malaman ng buong mundo

-------------------------------------------------------------

dahil labor day kahapon, ngayon ko lang ipopost to. kumusta naman yun?!? la kase akong oras kahapon. walang opisina.

isa po akong pasaway na estudyante lalo na nung hayskul. kung sa bawat absent at late eh magkakaron ng dark sport ang card. napakarumi na ng card ko! pero unlike other students na peyborit sabunin ng mga titser, di ako napapagalitan. hehehE. Bakit? aba, kase magaling ako. tanong niyo pa sa titser ko. average student ako...pero nag eexcel. (kasama ako sa top student nung elementary pero nagkasakit ako nung hayskul, katam...)

madalas mas mataas pa nakukuha kong score sa exam kesa sa mga klasmeyt kong complete attendance. at kung sa project bumabawi ung ibang estudyante, sa project naman nahahatak pababa ang grades ko. di ako nagsasubmit on time. and even worst! "HINDI AKO NAGSUSUBMIT!" tamad ako, oo! pero i blamed it on my mood. ayoko kaseng gumawa ng isang bagay nang napipilitan lang. gusto ko nasa kondisyon ako. at gusto ko kung gagawa ako ung best ko. kaya kapag bara-bara, ayoko ng isumbit. ayoko kase ng grade na basta na lang. alam mo yun, it's not you. not your work!

at kung di lang dahil sa clearance, di ko yun gagawin.imagine, susulatin ko lahat ng formal theme sa English subject at sulating di pormal sa Filipino, ung pag 1st grading to 4th grading sa loob lang ata ng 1 o 2 linggo. pero walang grade. just for submission..hahahpitin ko lahat ng project ko ng sabay sabay pag malapit na ang bakasyon. ganun ako kapasaway mula 1st year.

pero nung nag 4th year na ko. medyo pero medyo lang ha..nabawasan ang pagkapasaway ko. nakakatakot din hindi makagraduate kung kulang ang project at attendance. lalo na kung di ka trip ng titser mo. bakit ko nakwento to? kase yang poem na yan accidentally kung natapos within 40 minutes class during my senior days. nung wala ang titser namin, yan ang iniwang seatwork. tapos unexpectedly, napili siyang ipublish sa school paper. flattering huh. at di lang yun. kahit nung sumunod na taon ipinagmamalaki ako ng economics teacher kong yun(kahit sa totoong buhay di kami close). di daw niya akalain makakagawa ako ng ganun..at ginawa pa niya akong inspirasyon para sa klase niya.

Trivia: me 14 na bigkas sa bawat linya ng tula.. ayaw niyong maniwala? bilangin niyo!