Friday, August 25, 2006

mahirap...

akala ko matalino ako pero bakit di ko maintindihan?
akala ko matapang ako pero bakit natatakot akong masaktan?
akala ko madali lang pero bakit ako nahihirapan?

...ang hirap! mahirap....

mahirap gisingin ang nagtutulugtulugan.
mahirap sabihan ang taong nagbibingingihan.
mahirap pilitin kung talaga namang ayaw.
mahirap rin naming tumanggi kung talagang gusto mo naman.
mahirap huminga nang walang hangin.
mahirap lumakad nang walang tutunguhin.
mahirap mag-isip nang walang iisipin.
mahirap magsalita kung walang sasabihin.
mahirap ang makipaglaro sa taong tuso.
mahirap magmahal kung wala ka nang puso.
mahirap tumawa kung di ka naman nagagalak.
mahirap ngumiti kung puso mo’y nabibiyak.

mahirap… mahirap…
mahirap gawing masarap ang mahirap.


wala naman kase talagang madali!
*repost from my friendster blog... (01.09.06)<---see january!

Tuesday, August 22, 2006

too much of an irony

i hate myself for being so good.
for being so great.



and still not!



I'm totally different.
sometimes i wish i'm just like anybody else.



i'm thankful i'm not!


i'm so strong. i'm brave. i'm afraid. of pain. yeah of pain!
i'm gradually liking it, though.
i'm so smart. yet so stupid not to use it.
i'm wise but not thinking twice.
i've been so kind and so mean. both at the same time.


i'm happy.





how i wish i can say....

finally!

Friday, August 18, 2006

joyride

noon, tahimik akong naghihintay sa waiting shed ng aking buhay- _____ . normal pa saken ang lahat. at sa pagkakaalam ko busy ka naman dun sa waiting shed mo dahil sa hinihintay mong tao. tapos bigla na lang, dala ng panahon at hiningi rin siguro ng pagkakataon. nagkalapit ang landas mo at ang landas ko. ikaw lang at ako. niyaya mo ako, joyride tayo. ayoko, sabi ko. natatakot ako. ayokong makipaglaro. seryoso ako. hindi nga lang siguro halata. pero seryoso ako. matalino kase ako o takot lang akong maging tanga at mapagtawanan ng iba. isa pa di ko kabisado ang laro mo. alam kong hindi ako! pero dahil mapilit ka, ako'y nadala. sinakyan kita. kahit papano nag enjoy naman ako. kahit na sabi ko sa sarili ko hindi ito totoo. naglalaro lang tayo. bukas bukas matatapos rin to. hanggang isang araw nga, muling hiningi ng pakakataon, dala na rin ng panahon... kailangan mo uling umalis at kailangan ko na ring lumayo. balik sa normal ang buhay ko. bumalik ako sa waiting shed na pinanggalingan ko. pero me nagbago. maraming nagbago. sa di ko maipaliwanag na dahilan naging malimit ang mga sandaling naglalaro sa isip ko ang alaala nating dalawa. namimiss ata kita. at yung mga pagkakataong ikaw at ako, magkasama. wala naman akong dahilan para masaktan. wala akong karapatan. pero siguro isang bagay lang... di ko kase nasabi sayo!!! kahit ung katagang "i miss u". at kahit ang sarili ko, niloloko ko. pilit tinatago ang nararamdaman ko.


pero mahirap pa lang igapos ang puso. dahil habang pinipilit mong pigilan lalo lang magwawala. walang higit namahihirapan, kundi ikaw lang. masakit. masikip sa dibdib. sa bawat minutong dumaraan, unti-unting nadaragdagan ang bigat na nararamdaman na halos di ko kayanin sagipin ang sarili ko mula sa pagkalunod sa luhang nanggaling mismo sa mga mata ko. mahirap kalabanin ang sarili mo. dahil kahit sang anggulo, ikaw ang talo.

dumilim ang paligid at bumuhos ang ilang araw na ulan. nagkahang over pa ata ako. nahilo at may katagalan ring natigil ang mundo. dahil siguro umasa ako sa pagbabalik mo. baka kako isang araw magkasalubong uli tayo. kahit alam ko naman sa sarili ko na naglaro lang noon tayo. alam ko. hindi ako. matagal rin akong nangapa sa dilim hanggang sa nagpasya akong linawin ang lahat sayo. hindi naging madali. dahil hindi ko alam kung pano. pero kelangan para maituloy ko ang byahe naudlot nang dahil sayo. nandito na uli ako sa waiting shed ko. pero wag kang mag alala hindi ikaw ang hinihintay ko. alam kung me hinihintay kang ibang tao. nililinis ko lang ang kalat ko at binabalik sa normal ang buhay kong minsan nabulabog sa bagyo.

Tuesday, August 15, 2006

kape



Sa unang pagmulat ng aking mga mata
Habang sinasalubong unang sinag ng umaga
Aking lalamunan ay naghihintay na
Aking mga labi ay nasasabik na
Masarap sana kung tama ang timpla
Lalo’t higit habang mainit pa.
Ngunit wag biglain baka mapaso ka.
Gumamit ng kutsara ‘t tikman kung ayos na.
Saka ilapat ang mga labi sa tasa.
Saka higupin at namnamin ang lasa.
Damhin ang init na guguhit sa sikmura’t
Gigising sayo’t sa buo mong diwa

Kapeng kaba ang dinudulot
Kapeng saki’y di nagpapatulog
Parang pag-ibig na nambubulabog
Naging dahilan upang dibdib ay kumabog
At kahit ilang beses na ako’y mapaso
Umabot mang sa puntong malapnos mga nguso.
Babalik at babalik muli sa’yong pagsuyo
Upang muling madama init ng pagsiphayo.

Anong meron ka’t ako’y naadik
Anong meron ka’t ako’y nasasabik
Parang pag-ibig na nais makamit
Timpla mo’y pinaghalong tamis at pait

____________________________________________

*old post galing sa friendster blog ko (1.11.06).dahil busy busyhan ako. at di ko malagyan ng conclusion yung bagong sinusulat ko. kelangan siguro magpakondisyon muna ako for senti mode dahil mahirap palang magsulat nang kulang sa emosyon.

_____________________________________________

adik ako sa kape. di ko na alam kung kelan ang huling umaga na inumpisahan ang araw na walang kape sa harap ko. halos araw araw, nakakaubos ako ng dalawang tasa ng kape.isa sa umaga. isa sa hapon.

para magising ang diwa ko sa umaga, magkakape ako. pag inaantok ako, magkakape ako. pag nilalamig ako, magkakape ako. pag me hang over ako, magkakape ako. to sum it up, malaking tulong saken ang kape. i love you na talaga!


a coffee completes me. and one more thing i love about coffee that also makes it different from love?!? di niya ako pinaiiyak. ever!


Thursday, August 10, 2006

silent reader

speaking of senti post and sitemeter... nadiskubre ko rin na me isang tao from Dubbai na pabalik balik dito sa blog ko. nung una nagtataka ako kung bakit isa isa binubuksan niya yung mga old post ko. pero hindi naman siya nag iiwan ng kahit isang bakas na nagsasabing napadaan siya. siguro ayaw niya rin ng exposure. hanggang isang araw nakita ko sa tracker ko na me napadpad dito sa blog ko gamit ang blogger search engine at ang search word na "lojika". isa lang ibig sabihin nun para saken. hinahanap na naman niya ang blog ko. (well, assumption ko lang naman yun. at feeling ko lang siya pa rin yung pabalik balik ngayon. siguro naghahanap ng isa pang uling senti post na kung saan makakarelate siya.) at dun nga nadiscover ko na me isa palang post na naglalaman ng mga senti post ko nung peak ng emo moments ko.

since hindi niyo naman nabasa lahat ng kasentihan ko noon lalo na yung mga bagong blogpals ko, basahin niyo ito: snippets from ms. lojika

sa pamamagitan ng post na to, gusto ko sana siyang pasalamatan para sa pag-appreciate ng mga nagawa ko. kahit na hindi siya nagpaalam saken, i still feel overwhelmed and happy. heheh! at least nilagay mo pa rin yung link ko for credits.

pasensya na sa pag eexpose ng blog mo. pero salamat talaga. touched naman ako!^_^

Wednesday, August 02, 2006

instant publishing

miss mo na ba ang mga senti post ko? ako kase miss ko na yun. sobra! blogger's block? did i term it right? o tinatamad lang talaga akong magconceptualize ng bago? kung tutuusin i have so many topics in mind kaya lang marami ring chapters ng maraming libro ang naghihintay para saken. kumusta naman? exams week na naman! kaloka. kamote na naman ako nito. "ini mini miny moe" na naman ang drama ko sa departmental exam. anyways, eh ano? eh me lahing psyche ata ako. ano pang silbi ng crystal balls ko? heheheh.

sa ngayon bigyan muna natin ng karampatang pansin ang isang taong naligaw kahapon sa blog ko sa pamamagitan ng mga katagang "ano ang Sona ng pangulo ngayong 2006". itago na lang natin siya sa pangalang Rogelio Dayanan, 17, single from Subic, Zambales. heheheh. pasensya na. me dugong detective rin ako eh. pasalamat siya di ko na sinali ang email add niya, di ba? ito ang sabi niya...

extracted from my cbox: (06-08-01 )

rogelio:(16:51:51)masydo poh! akong na gu2lluhan tung kol sa SONA ng PGMA.........ayon lng poh!
rogelio:(16:55:11)KAylng pa NG maiging pag lalahad ay nang malinawan poh! ng ..........PUbli ko? ayos lng ang puba ang SONA ng PGMA I thk! Kulng pa po0h!........AYON LNG POH!!!!!!!!sLMAT POH! Good DAy POH!!!!!!
lojika:(16:59:57)to rogelio..blog po ito, at hindi for research article..kung ano man ang nababasa mo. opinyon lang namen yun,ok?
rogelio:(17:01:09)GUd pM poh ulit!!!!!!!hehe!
rogelio:(17:02:33)ok! lng poh! thnkz kng gayun poh! sa idea! maganda!


ano raw uli? ako rin naguluhan sa kanya mukhang nahirapan ata siya magtranslate sa tagalog. sa totoo lang hindi ko rin masyadong naintindihan yung unang sinabi niya. sana nag english na lang siya. pero sa bagay much better kesa zambal dialect ang ginamit niya. bakit nga ba kase nasa no. 1 ang post ko? yan tuloy nag-expect siya ng detalyadong impormasyon.


para sa hindi nakakaalam, pwede mong lagyan ng tracker ang blogsite mo. dun pwede mong malaman kung ilan ang dumaan sa blog mo, kelan, gano katagal, anong ip address, referrals, etc. dito sa bahay ko, sitemeter ang gamit ko. nakakatuwa lang kase nalaman kong ang daming researcher na naliligaw dito sa bahay ko. ilan sa mga search words na kalimitang nagtuturo sa blog ko ay:

tula sa pag-ibig, malayang taludturan ng tula, maagang pagbubuntis, malaking populasyon ng pilipinas, mga kantang, 'till my heart aches end at sway, trahedya, hindi love quotes, maigsing kwento, mga simpleng kwento at kung ano ano apa. at nitong huli nga, tinadtad ng researcher about SONA 2006 ang tracker ko. ewan ko ba dyan ke papa google (adopted kase niya ang blogger kaya ganun) kung bakit ako ang tinuturo.

maliban sa pagiging exhaust para sa ilan sa mga intimate feelings ko, parang me istant publishing pa ko dito sa blog at sigurado ako na me nag-aaksya ng kahit konting oras para magbasa ng sinulat ko. sana lang kahit papano nabibigyan ko ng magandang kapalit ang oras na ginugugol niyo dito. sana kahit papano me natutunan kayo. salamat pala sa pagdaan at pag-iiwan ng mensahe, rogelio. at salamat sa inyong lahat.*sigh*