Friday, October 06, 2006

bakit kinailangan kong magpahinga?!?

hindi ko alam ko pano ako magsisimula, kung pano ko itutuloy at kung papano ko tatapusin to.

pero sige, ito kwento.

sabi ko magpapahinga ako sa blogging sa pag-aakalang makakapagbasa/makakapag-aral ako dito sa opisina. pero hindi. hindi ko pala kaya. nahihiya pa rin ako. ang lalaki kase ng libro ko. wala naman akong oras manggawa ng reviewer. at tinatamad rin ako. isa pa hindi rin naman ako makakapagconcentrate dito.

wala naman masyadong trabaho sa opisina. iniisip ko nga kung anong ginagawa ko sa oras ko kapalit ng pagbloblog ko dati. hmmmnnn... parang wala naman. net surfing. at oo, me isa pa pala akong blog.

lagi rin kaseng me quizzes, tapos naghanda pa nga pala ako sa reporting ko. kaya yun, wala akong oras magconceptualize ng ideya kaya hindi na rin muna ako nagpost. magulo pa ang utak ko. sa pag-iisip siguro kung anong uunahin ko. kung pano at kelan ko gagawin ang mga dapat kong gawin. pano, nakakulong ang humigit kumulang 9 na oras ng bawat araw ko, 5 beses sa isang linggo dito sa opisina. bukod pa ang mahigit na isang oras ko ring byahe pagpasok at pag uwi. tapos isang nakakapagod na maghapon ng sabado sa skul para naman magklase. pagkatapos nun babyahe naman ako ng halos apat na oras pauwi ng quezon province. kelangan eh. at kapag lunes, gigising ako ng madaling araw para lumuwas at umabot sa oras ng trabaho.

hay! wala na talaga akong oras. pero no! hindi ako masipag. wag niyong sasabihin yun. dahil kaya natatagalan ako sa ginagawa ko kase tamad ako.

natulog ako dito. pero sa totoong buhay? kulang ako sa tulog. dahil sa gabi ko lang nagagawa ang mga dapat kong asikasuhin sa skul.

konting panahon na lang. i think there gonna be less stress. malapit na ang finals. gusto ko na sana matapos lahat to pero naalala ko, hindi pa nga pala ako handa to take the examinations. waaaaaah!

salamat nga pala sa mga nakiisa sa countdown ng pagtatapos ng setyembre!

11 comments:

ev said...

ganyan talaga ang buhay estudyante lojik..konting tiis lang and you will get your passport to your dream!

i wish you luck, really.

Sinukuan said...

ang lupa talaga ang langit.
namnamin mo ang bawat sandali kahit gaano man ito kapait, kapakla, katabang o kung anu-ano pa.nasa proseso ang tunay na tagumpay, kaligayahan at kahulugan ng lahat. =)
namiss kita mare!

Anonymous said...

waaaa... mare, medyo titigilana na rin namin ang sobrang paggamit ng internet sa trabaho.. kaya mamimiss ko ang chat sessions natin!! :( iniisip ko rin kung ano bang pwde kong gawin sa trabaho... magdala kaya ako ng libro?!

waaa ulit!!!! basta, email na lang.. :) mwah!!

Kathy said...

... goodluck sweetie ^_^ muaahh!

Godbless!!

Anonymous said...

kaya mo yan.... kaw pa...

Anonymous said...

di ka nag-iisa, ganyang ganyan din dilemna ko sa opisina, hehe.

Anonymous said...

May kapalit din lahat ng tyaga at paghihirap mo someday. Mas mabuti nga na pinaghihirapan para mas bigyan ng halaga pagdating ng araw. God bless.

Iskoo said...

God bless sa exam preparations mo, yakang yaka yan ni sentiko :)

lheeanne said...

Hindi ba napakasarap isipin na sa kabila ng hirap na dinaranas mo, e nagdaraan ang mga araw na nakakayanan mo nman? isa ka sa maswerteng nilalang na nag tatrabaho at nag aaral, maraming may gustong gumawa nyan ngunit silay nahihirapan. Sa araw araw na pakikipag sapalaran mo sa buhay, hindi nman kelangan matalino ka, kelangan lang ang diskarte tlga. kayang kaya mo nman yan basta me tiwala ka saiyong sarili... nuba bat ang seryoso ko?

lojika said...

ev, maraming salamat. yes. konting tiis lang to. lahat naman natatapos.

stellar, ang lalim nun ah! pero aprub ako sayo. ang mundo talaga ang tunay na paraiso. nasa kamay lang natin kung pano yun gagawin. ako rin! namiss ko ikaw at ang kwentuhan ng alam mo na... ahahah!

rho, thanks for being there kahit malayo ka,feel na feel pa rin kita. ahahah!

pabayaan ang sarili ko?!? that is a very big NO! nyahahah! dapat laging ineenjoy ang buhay.

naku mare.. ngaun pa lang namimiss ko na chat session naten. anyways. if there's a will, there's a car. ngek! akala ko "wheel". there's a way pala. hahanap at hahanap tau. labyu, mare! olweiz.

yes, kath, salamat. godbless rin sayo!

kneeko, encouragement. sige lang. kelangan ko nyan. chubrang tenkyu!

cruise, oo nga. i think lahat naman. kasama sa parusa ng Diyos ang pagpawisan dapat natin ang ating kabuhayan.

mami ann, tama. mas masarap itreasure ang pinaghirapan.

iskoo, thanks for the blessing. at sa pagpapalakas ng loob.

tk, ikaw naman ang nacarried away ngaun. hahahah. sumiseryoso ka ata. yep. dapat laging ganun, looking at the brighter side. tama ka. diskarte at tiwala sa sarili. importante un!

ralpht, namiss kita dude! ojt ka pala. busybusyhan din. oo nga. dapat ata nagblog na agad ako. naipon tuloy ang marami kong gustong sabihin. at least pag nakwento mo na. kahit papano nakakagaan ng pakiramdam. at oo nakakatulong kayong mga fellow bloggers ko. salamat!

Anonymous said...

pareho
lng
tau...