Tuesday, July 11, 2006

kung walang liwanag

ano nga bang misteryo ang bumabalot sa kadiliman at nagdadala ito ng takot at hilakbot? siguro dahil sa dilim, wala kang nakikita. sa dilim, nangangapa ka. hindi mo sigurado kung anong tunay nanangyayari sa paligid mo. nanghuhula ka kung ano ang totoo. naglalaro ang iba't-ibang imahinasyon sa isip mo.

sa una pipilitin mong makatakas at makahanap ng bagong liwanag dahil alam mong mahirap ang mamuhay sa gapos ng kadiliman. pero pag nagtagal mapapagod ka. talo ka na,magsasawa at susuko.

bakit nga ba maraming nananatili sa anino ng dilim sa kabila ng magandang pangako ng makulay na buhay sa liwanag? sa dilim, wala kang nakikita. di mo nakikita ang dungis mo at ang putik ng iba. walang pangit, walang maganda. pantay ang larawan ng bawat isa. at kapag nasanay ka na... nakakasilaw na ang liwanag diba?!? mas nakakatakot! mas nakakakaba! kung pipilitin mo bang magtungo sa kabilang sulok, tatanggapin ka pa ba nila? ayaw mo nang sumubok kase alam mong mahihirapan ka lang kaya mas minarapat mong manatili sa anino kadiliman.


pero alin nga ba ang may hatid ng ginhawang pangmatagalan? marahil maitatago sa mata ang lahat ng dumi sa dilim pero makakarinig pa rin ng tenga mo ang nakakarinding ingay at maamoy pa rin ng ilong mo ang bahong umaalingasaw. magiging magulo pa rin ang kapaligiran at hindi maitatago ng dilim ang katotohanan. mas masarap mabuhay kung may kaliwanagan.

__________________________________________________________

*commercial: isulong seoph. suportahan si major.

21 comments:

REM said...

...dilim ang kanlungan ng mga kaluluwang ayaw lumantad kung saan mga panaghoy nila'y malayang mailalabas.

...kahungkagan ng buhay ay patuloy na tatakasan, tanging dilim ang sandigan.

...pero sa malao't madali'y dagling susuko, dahil dilim ang sisira sa katinuan ng pag iisip.

...sa maraming pagkakataon karuwagan ang pagtatago sa dilim. isang pagtakas sa katotohanan, isang paglimot na ang buhay ay salamin ng kaluluwa, isang pagtalikdan sa biyayang buhat sa Dyos.

Whew! nadala yata ako ng kalaliman ng mga sinulat mo!

Good day!

Anonymous said...

waw! clown.... ang galeng ng mga sinabi mo!

Ann said...

Marami kasi sa atin may mga bagay pa rin na ayaw nating isuko....ayaw ipaalam...o ayaw tanggapin....kaya nanatili tayo sa dilim.

Anonymous said...

yep mami ann! at minsan mahirap talaga mag-give up ng bagay na nakasanayan! kahit na alam nating wala namang mabuting pakinabang saten un.

Anonymous said...

depende talaga siguro sa tao, yung iba gusto mabuhay sa liwanag para makita nila ang ganda ng paligid. yung iba gusto sa dilim kasi ayaw nila makita ang pangit sa buhay.

alp sa dimmed light nalang para safe, hahaha.

Anonymous said...

cruise,yung iba nagtyatyaga sa dilim kase ayaw nilang mahirapan. takot silang lumaban. which is mali talaga kung iisiping mabuti.

Anonymous said...

yung iba nagtatyaga sa dilim kasi walang pambayad ng kuryente..hayaan na lang nilang mabuhay sa dilim ..antay na lang sila ng pagliwanag ...... pagkatapos kadilimanna naman ...walang katapusang kadiliman sa magdamag ... e kasi walang kuryente kasi walang kuryente ... wala wala walang kuryente!!!

la lang :)

nixda said...

dapat kahit nasa dilim may dalang kandila at posporo, mas mainam flashlight (iyong may battery ha)! heheheh

may lahi ka ba ni Dracula kaya? o
sa lamig ka takot? :D

la lang din :) ~ pareho yata kayo ni tante melai eh

karmimay said...

takot ako sa dilim.. kaya nga kapag natutulog ako dati, nakabukas ang ilaw.. kaso ngayon, napilitan na akong matulog na patay ang ilaw.. kasi mataas na daw ang bill ng kuryente namin...

mare, ang lalim naman nito.. di ko maarok.. hehehe..

kailangan mo pa rin ang liwanag.. kahit nakakasilaw....

yuri said...

ayaw na kasi natin masaktan diba... kya mas masaya sa dilim. para wla atng sense.

jlois said...

kasi may mga bagay na masarap gawin sa dilim diba? kung ano man yon? ikaw na lang bahala mag-isip :)

Jigs said...

Kadiliman, ang natatangi kong kaibigan. Sa totoo lang, Ayoko sa masyadong maliwanag, dim light ako lagi.

Marami kang naitatago sa dilim, pero marami ka rin maaaring madiskubre dahil dito...

pinkysteph said...

alammo mare di natin hahangaring makita yung liwanag kundi tayo madadaan sa dilim. maraming mga bagay ang magagawa mo kung maliwanag pero may mga pagkakataong nakakasilaw naman ang liwanag at naghahanap din yung kalooban natin ng katahimikan sa ilalimng buwan. ang gulo ko...basta ganun...di ako nag vitamins ngayon sori...hekhek..cheer up! parang senti ka ulit? why oh why.

C Saw said...

ibig sabihin ba papalitan mo na blog skin mo para lumiwanag na???

Mistyjoy said...

ang dilim ay isang pagsubok.. huwag daw tayong matakot sa dilim dahil pagkatapos nito ay sisikat din ang liwanag at isang mapagpalang umaga ang sasalubong sa atin...

Doubting Thomas said...

nakakatakot sa dilim kasi hindi mo alam kung ano ang meron... ang mga tao sanay pa naman sa mga "advance warning" yung tipong alam nila ang susuungin nila bago sumabak...

ganun... walang risk...

ev said...

ang lalim...pero ang galing ng ibig mong ipahiwatig.

Anonymous said...

halina't buksan ang ilaw!!! lol

The Guy in Red Sneakers said...

oh no, i disagree. mas masaya sa liwanag.

hit the spotlight, baby..!

*anubayun. walang konek.

Anonymous said...

My blog hits its first anniversary on the blogosphere. Celebrate by signing on my guestbook!

You can actually leave ur link there na aksidente kong na-delete nung mag-revamp yung template ko dahil sa katangahan!

Kasalukuan ko pang ino-organize yung link list ko.

Tnx.

WOOT! said...

ilang beses na ko sumubok..dumaan na sa daang nararapat para makipaglaban sa kadiliman..pero anung nangyari..lalong dumilim..lalong lumabo ang aking paningin..minsang sinubukang sulosyonan ang lahat..hanggang sa abot ng aking makakaya..hindi ko alam kung ang mali ko lang ba..ay kung di ko pa ngagawa ang abot ng makakaya ko..o nagpakahirap akong lumaban pero mali pala ang ginagawa ko..

kaya nga minsan..mas maluwag na siguro ang tumigil na lang muna sandali..at ipaubaya sa panginoon ang lahat..