Thursday, October 26, 2006

decided uNdeciDed...

buo na talaga ang isip ko. i'm willing to give up all the benefits this job can give me. kase naman you can't always have everything or even both at the same time. me mga bagay talagang dapat isacrifice para makuha mo ang mga bagay na mas higit mong pinahahalagahan.

pero kung kelan naman nagdesisyon na ako at bumuo na ng plano sa isip ko... saka naman me mga bagay na darating na lalong magpapagulo ng utak ko. di lang pala ako ang me balak magresign kundi pati si papa. at pag nangyari un... kelangan ko na rin humanap ng lilipatang bahay. (nakatira lang kase kami ni papa sa bahay ng tito na siya ring pinagtratrabahuhan niya.) ibig sabihin lang nun, mas kelangan kong i finance ang sarili ko ngaun. wala pa kaseng tiyak na lilipatan si papa. eh bukod saken, me 5 pa kong kapatid. hindi naman sasapat ang kita ng maliit nameng tindahan sa probinsya para matugunan yung lahat ng pangangailangan namin araw-araw. kung sana dalawang bagay ang dapat iconsider magiging mas madali. pero hindi eh. maraming conflicts. kung noon wala akong sapat na dahilan para magtrabaho... ngaun medyo komplikado ang sitwasyon. pero anong magagawa ko? kulang na talaga ang oras ko para pagsabayin pa ang trabaho at eskwela. mas marami ang kelangan kong units ngaun at kailangan ko nang magconcentrate dahil ayoko nang mag extend nang mas matagal. isa pa parang sumisikip na ang opisina to para saken at feeling ko rin nawawalan na ako ng lugar. kaunti na lang baka hindi na rin ako makahinga.

mahigit 3 buwan na rin ang nakalipas nung una ko tong mapag-isipan. una pa lang nakakalito na. kelangan kong manimbang sa ilang mga bagay na nabigyan ko na halos lahat ng halaga. parang kailan lang pero ang bilis. di ko na namalayan na naubos na yun nalalabi kong oras para mag-isip. pero sa totoo lang hindi naman kase talaga ako nag-isip. madalas pinauubaya ko lang sa sitwasyon ang kung ano mang magiging desisyon ko. magiging pabigat lang kase sa utak kung isasabay ko pa yun sa mga mas dapat kong unahin.senyales lang ang palagi kong hinihintay. ngayon. kelangan ko lang panindigan ano mang magiging desisyon ko. bahala na si batman! naniniwala pa rin ako sa prayers. sa blessings. at sa miracles! gotta have more faith.

Thursday, October 19, 2006

coNstiPaTion

foreword: ang post na ito ay kaugnay ng nauna. isinulat bilang paliwanag.
babala: mahaba ito.


masyado bang malalim? e di sisirin.

sabi ko nun, pwede kayang ibitin ako ng patiwarik? baka sakaling mataktak ang ilan sa laman ng utak ko. o kaya naman, pwedeng pakipiga ng isip ko. pakilabhan. pakibabad. pakikula. pakilinis. para lang ba mabawasan yung bigat. baka sakali makahinga uli ako nang mas maluwag.

pag wala nang pumapasok sa isip mo, akala mo siguro nabablangko at tumitigil sa paggana ang utak mo. pero mali. kelan man di tumitigil sa pagtakbo ang isip ng tao. sabi nga ng mga scientist, it's the greatest machine. kase nga, it never stops. titigil lang yun kapag tumigil na ang sirkulasyon ng dugo sa katawan o di kaya ay tumigil na sa pagtibok ang puso mo. ung oras na namutla na ang kulay mo. ang nangyayari lang kase pag sobrang dami na ng laman ng utak, nagiging masikip na ang lugar para makaikot nang maayos ang lahat ng bagay na dapat sana ay malaya lang naglalaro sa utak mo. parang washing machine na nahihirapan ring umiikot kapag sobrang dami at sobrang bigat ng kumot na nailagay mo. so ang kelangan mong gawin, bawasan. pero imposible. iba naman kase ang utak ng tao sa washing machine.

parang papel ang utak ng tao na unti unting nasusulatan ng permanenteng tinta ng iba't ibang karanasan ng bawat dumadaang araw. walang nabubura. nadadagdagan lang. natatabunan lang ang ilan. ang kaibahan lang ng utak at papel, mapupuno ng tinta ang papel hanggang sa wala nang espasyong pwedeng pakinabangan. samantalang ang utak parang magic box. hindi napupuno. pero bakit sumisikip? kase... mas malaking espasyo ang nakakain ng magulo at makalat na gamit. pero sa oras na mailagay mo na ang lahat sa lugar. sa tamang lugar! dun mo malalaman na me mas malaki pa lang espasyong pwede pang pakinabangan.

organization lang naman. alamin ang dapat unahin. ilagay ang mga bagay sa dapat nilang kalagyan. pagtuunan ng pansin ang mas higit na dapat pagtuunan ng pansin.at dapat rin me pahinga. dahil sabihin man nating patuloy sa pagtratrabaho ang utak hindi ka naman makakasiguro na palaging magiging maayos ang trabaho nito. dahil napapagod rin naman to. me panahong dapat mong bilisan at magmadali para hindi maiwanan. me panahon rin dapat maging mabagal at magdahan dahan. bibilisan, babagalan. tamang timpla lang yan.

wala namang problema. pero imposible ata yun. pero ok lang talaga ako. di naman porke't seryoso, me problema. at hindi rin lahat ng problema, siniseryoso. isa pa, di dapat tayo nagpapadala sa problema. tayo dapat ang nagdadala nito. dahil dito sa mundo pagalingan lang magdala ang laban. wala rin namang drama. minsan lang, masayang lagyan ng drama ang buhay. wala naman talaga. naging masyado lang akong abala. sa sunod sunod na dating ng mga bagay na dapat isipin. ang bilis ng transition. kelangang humabol. sa sobrang bilis hindi ko na alam ko san ko parte ng ko sila isusuksok sa utak ko ang mga bagay na to.

mas maraming trabaho. mas maraming proseso. mas mabilis ang takbo. kaya naiwan ang puso. at dahil nasa unahan ang mata, ang nasa likuran di nakikita. minsan, nakakalimutan. di napapansin. parang di ko nga maalala kung naging malungkot ako o masaya. ang tanging alam ko lang eh me dapat akong tapusin.

positive naman ang epekto saken ng mga nangyari. naayos ko na lahat ngayon. me mga oras lang talaga na kailangan magbigay daan ng puso sa utak. kase mahihirap kang magbalanse kapag sabay mo silang inintindi. kapag konti na lang ang trabaho ng utak...baka yun naman ang oras na mabigyang pansin ang kung ano mang sinasabi ng puso.

pero ok na ko ngayoN! ahahah... sembreak na! at nakuha ko na lahat ng klaskard ko. thank God. wala akong bagsak. yun lang yun. isipin sa skul. eheheh! salamat sa suporta niyong lahat. *mwuah!

Friday, October 13, 2006

Monday, October 09, 2006

crossed fingers


tapos na ang lahat ng exams ko kahapon. 4 lang naman kase yun.

di naman ako kinakabahan pero di ko lang maiiwasang mag-alangan.

me effort naman ako, kahit papano. just don't really think it's enough. i could have been better.

hay! i can't take another failing mark for the reason of, again, irresponsibility! not. again. please... hay ulet!

sana lang. sana lang talaga...

waah! me dalawa pa kong project na kelangan isubmit. ung isa di ko pa nasisimulan. kumusta naman!

friday. me isang linggo pa ko. gotta beat the deadline.

sana talaga!!!!!

*finger crossed (mas maganda ata kung praying hands ang gamitin kong image. hmmmn?!?)

Friday, October 06, 2006

bakit kinailangan kong magpahinga?!?

hindi ko alam ko pano ako magsisimula, kung pano ko itutuloy at kung papano ko tatapusin to.

pero sige, ito kwento.

sabi ko magpapahinga ako sa blogging sa pag-aakalang makakapagbasa/makakapag-aral ako dito sa opisina. pero hindi. hindi ko pala kaya. nahihiya pa rin ako. ang lalaki kase ng libro ko. wala naman akong oras manggawa ng reviewer. at tinatamad rin ako. isa pa hindi rin naman ako makakapagconcentrate dito.

wala naman masyadong trabaho sa opisina. iniisip ko nga kung anong ginagawa ko sa oras ko kapalit ng pagbloblog ko dati. hmmmnnn... parang wala naman. net surfing. at oo, me isa pa pala akong blog.

lagi rin kaseng me quizzes, tapos naghanda pa nga pala ako sa reporting ko. kaya yun, wala akong oras magconceptualize ng ideya kaya hindi na rin muna ako nagpost. magulo pa ang utak ko. sa pag-iisip siguro kung anong uunahin ko. kung pano at kelan ko gagawin ang mga dapat kong gawin. pano, nakakulong ang humigit kumulang 9 na oras ng bawat araw ko, 5 beses sa isang linggo dito sa opisina. bukod pa ang mahigit na isang oras ko ring byahe pagpasok at pag uwi. tapos isang nakakapagod na maghapon ng sabado sa skul para naman magklase. pagkatapos nun babyahe naman ako ng halos apat na oras pauwi ng quezon province. kelangan eh. at kapag lunes, gigising ako ng madaling araw para lumuwas at umabot sa oras ng trabaho.

hay! wala na talaga akong oras. pero no! hindi ako masipag. wag niyong sasabihin yun. dahil kaya natatagalan ako sa ginagawa ko kase tamad ako.

natulog ako dito. pero sa totoong buhay? kulang ako sa tulog. dahil sa gabi ko lang nagagawa ang mga dapat kong asikasuhin sa skul.

konting panahon na lang. i think there gonna be less stress. malapit na ang finals. gusto ko na sana matapos lahat to pero naalala ko, hindi pa nga pala ako handa to take the examinations. waaaaaah!

salamat nga pala sa mga nakiisa sa countdown ng pagtatapos ng setyembre!

Tuesday, October 03, 2006

october na pala

ang bilis! parang natulog lang ako at nanaginip...

nagpasya akong magpahinga sa blogging. pero ang katawan ko, hindi naman talaga nakapahinga. sinubukan ko lang bawasan ang laman ng isip ko. marami kaseng dapat tapusin. (sa skul) mga bagay na mas dapat unahin. sigurado kaseng pag nagpost ako dito, mangangati lang ang mga mata at daliri ko at paulit ulit na babalik dito. nakakaadik kase!

halos isang buwan na pagtulog ko ng nakahubad dito, magkakapulmonya na ata ako sa tagal. maraming nangyari. at marami sana akong gustong sabihin pero tipong me problema ata sa pagpaltik ko ng keyboard. o sa paghawak ng lapis. o baka naman sa pagdaloy ng tinta ng bolpen ko. ewan. di ko maintidihan. hindi ito ang gusto kong sabihin pero hindi ko maayos ang magulong sirkulasyon ng ideya sa utak ko. naapektuhan na ata ng malakas na hangin ng bagyong milenyo ang ulo ko.

sa totoo lang parang hindi pa ako handang magising. marami pa ring dapat gawin. pero nangako ako na babalik ako dito. isa pa di ko rin naman matitiis. heheh! ngayon nandito na uli ako. pero parang nangangapa pa rin. brown out pa ba? feeling ko kase ngaun para akong first timer na hindi alam ang gagawin o sasabihin.

i think i need to get back on my senses first.