Thursday, July 27, 2006

bato bato sa langit...tamaan ka na!

trust is the foundation of any relationship. nabasa ko to habang nag-aaral ako about agency sa isang business law book. sabi dun enough nang justification ang kawalang tiwala ng principal* sa agent niya para putulin ang anumang kontratang namamagitan sa kanila. naisip ko lang hindi lang naman sa principal-agent relationship applicable ang nasabing principle. kahit sa partership, sa magulang at anak, guro at estudyante, magkapatid, magkaibigan, magkasintahan...

kaya kung sobrang selosa o seloso ng girlfriend o boyfriend mo at walang tiwala sa'yo. aba! putulin mo na ang kung ano mang namamagitan sa inyo kase nga walang kwenta ang relasyong di pinagkabibigkis ng tiwala. ngayon kung ikaw naman ang selosa o seloso, wag ka na! kung di mo kayang pagkatiwalaan ang kapartner mo, maghanap ka na ng ibang tao na sa tingin mo eh kaya mong paglaanan ng tiwala mo. total, maghihiwalay rin naman kayo!!!! pero para mas maging smooth ang relasyon mas mainam siguro na ipakita ng bawat partido na karapat dapat nga silang pagkatiwalaan.

ito: kung isa kang lider pero di na nagtitiwala sa'yo ang tao, di kaya dapat na bitiwan mo na ang pwestong pinaghahawakan mo? total kung tutuusin sarili mo lang ang niloloko mo habang pinipilit mo sa sarili mong me naniniwala pa sa'yo kahit obvious namang wala!

last monday. SONA raw ng pangulo. SONA as in State Of The Nation Address pero pakilinawan nga lang po sakin ha...kase hindi ako nanood. sinabi ba niya ang tunay na kalagayan ng bansa natin ngayon? sa mga narinig ko kase sa mga kwentuhan eh puro achievements raw ng iba ang sinabi niya. bakit? wala siguro siyang mabanggit na sariling achievements o achievements ng national government. tapos tungkol sa mga projects na gusto raw marinig ng tao. ano ito? campaign for the next election? haler?!? asa pa siya!

feeling ko lang ha, mas marami pang nag-abang ng laban ni Pacquiao noon kesa sa SONA ng Pangulo kahit pa sabihin nating nawalan ng pasok nun dahil sa bagyo. mas masarap pa talagang matulog na lang kesa makinig sa... hmmmmp! ayoko na lang magsalita.

*principal =is the party represent by the agent.

Friday, July 21, 2006

deaL or no meaL

ang buhay ng tao, puno ng pagdedesiyon. pag gising mo pa lang sa umaga, iisipin mo na kung babangon ka na ba o mag-eextend ka pa? maghihilamos ka na ba o pagligo mo na lang? mag-aalmusal ka na ba o sa opisina na? magbubus ka ba o MRT na lang? magtratrabaho ka na ba o magbloblog muna. aba, siyempre isa lang sagot dun! magblog muna. eheheh!

pero mga simpleng mga bagay lang yun na madaling desisyunan. mas maraming nakakalitong multiple choices ang buhay that you have to deal with. ngayon, me natitira pa akong siguro mga 3 months para mag-isip.nagbabalak kase ang magresign sa trabaho next sem for some reasons. gusto kong bumalik sa pagiging normal na estudyante. it's my fourth year in college. last year para sa mga ibang kabatch ko.(extended po kase ako ng isang taon dahil nagbawas ako ng units last sem since nagtrabaho ako) at next sem na lang ang last chance ko para makabonding ko sila. gusto ko rin sanang bumalik sa dance org ko. namimiss ko na magsayaw.

mahirap mag-aral. mahirap rin magtrabaho. eh what more kung sabay ko silang ginagawa?!? waaaaaaaa! nawawalan na ko ng social life.

pero nalilito ako. maraming benefits ang nakukuha ko sa trabaho. bagong knowledge, experience, dagdag allowance, libreng internet, mga blog friends... tapos sinabihan na rin akong magiging representative ng kompanya namen sa ballroom dancing competition sa december. gusto ko sana yun. kung tutuusin pwede pa rin akong magtrabaho next sem. pwedeng 3rd year subjects lang kunin ko (15 units). pero balak ko ngang magdagdag ng dalawang 4th year subjects (6 units) para makasama ko mga kabatch ko for the last time. kaya lang pag nagkataon mahirap isingit ang skul sked ko sa sked ng trabaho ko. hmmmmmmmmp. gusto rin sanang magpahinga o magbakasyon nang medyo matagal. halos araw araw ang aga ng gising ko. i hate it. nakakapagod. minsan nakakabore. di ko naman kase akalaing aabutin ako ng ganito katagal sa trabaho. almost 9 months na ko dito! 6 months lang ang expected kong pinakamatagal na pamamalagi ko dito. but i think i'm here for good. hanggat gusto ko, pwede. pano nga naman ako maghahanap ng endo eh wala naman akong kontratang pinirmahan. sayang naman kase kung igigive up ko tong trabahong to. naparaming nagkakandarapa makahanap ng trabaho. tapos ako....

ewan. magulo pa rin ang utak ko. 3 months is still a long way ahead. marami pang pwedeng mangyari. i'll try to observe things. maghihintay na lang ako ng sign para malaman kung anong desisyon ang dapat kong piliin. sana lang... sana lang i can choose the BEST answer.



Monday, July 17, 2006

wanted: magic eraser

*a post from my friendster blog

nakakainis! bakit ba me mga nagagawa kang bagay na wish mo lang hindi mo na lang sana ginawa. pero wala ka naman magawa kase nagawa mo na. sa buhay kase pag nagsulat ka ng pahina mo, permanent marker ang gamit mo. hindi na pwedeng burahin. hindi na pwedeng baguhin. kung ano man yun, yun na yun. badtrip! nakakahiya. wala bang nabibiling magic eraser? para mabura mo yung mga bagay na ayaw mong isali sa listahan ng mga nagawa mo dito sa mundo. arrrrgh! wala na. wala na talaga. di mo na maitatayong muli ang punong nabuhal sa malakas na bagyong nagdaan. bakit kase... ang tagal kong iniwasan. ang tagal kong naging matapang at malakas pero dumarating talaga yung panahong nagiging mahina ka. syet! ngayon, para akong bilanggo ng nakaraan. ang nangyari ay nangyari. at ang bakas ng nakaraan ay laging maiiwan. malimutan mo man minsan pero nandun pa rin ang lahat ng bagay. naiipon lang, nadaragragan. napapatungan pero nahuhukay! nakakatakot.



ano kayang iniisip mo? anong iniisip ng ibang tao? minsan feeling ko baliw nga ata talaga ako. feeling ko... o paranoid lang talaga ako? pilit babasahin ang tumatakbo sa isip mo. aaninagin kung anong itsura ng salamin ko sa harap mo. nakikita mo ba ang tunay na ako? o nililinlang ka ng utak at mata mo?


eraser...eraser... me buburahin lang ako.

_____________________________________________________________


sa friendster ako nagpopost ng mga mas personal na bagay. kahit ano under the sun na trip ko. pero ngayong nabago na ang setting ng homepage ng friendster. mas madaling narerecognize pag me bago kang post. parang bigla akong nag-alangan na magpost ng bago. akala ko i can easily open up myself to everyone pero nakakahiya pa rin minsang malaman ng mga taong nakakakilala sayo ang mga kakornihan ko. eheheh!

Tuesday, July 11, 2006

kung walang liwanag

ano nga bang misteryo ang bumabalot sa kadiliman at nagdadala ito ng takot at hilakbot? siguro dahil sa dilim, wala kang nakikita. sa dilim, nangangapa ka. hindi mo sigurado kung anong tunay nanangyayari sa paligid mo. nanghuhula ka kung ano ang totoo. naglalaro ang iba't-ibang imahinasyon sa isip mo.

sa una pipilitin mong makatakas at makahanap ng bagong liwanag dahil alam mong mahirap ang mamuhay sa gapos ng kadiliman. pero pag nagtagal mapapagod ka. talo ka na,magsasawa at susuko.

bakit nga ba maraming nananatili sa anino ng dilim sa kabila ng magandang pangako ng makulay na buhay sa liwanag? sa dilim, wala kang nakikita. di mo nakikita ang dungis mo at ang putik ng iba. walang pangit, walang maganda. pantay ang larawan ng bawat isa. at kapag nasanay ka na... nakakasilaw na ang liwanag diba?!? mas nakakatakot! mas nakakakaba! kung pipilitin mo bang magtungo sa kabilang sulok, tatanggapin ka pa ba nila? ayaw mo nang sumubok kase alam mong mahihirapan ka lang kaya mas minarapat mong manatili sa anino kadiliman.


pero alin nga ba ang may hatid ng ginhawang pangmatagalan? marahil maitatago sa mata ang lahat ng dumi sa dilim pero makakarinig pa rin ng tenga mo ang nakakarinding ingay at maamoy pa rin ng ilong mo ang bahong umaalingasaw. magiging magulo pa rin ang kapaligiran at hindi maitatago ng dilim ang katotohanan. mas masarap mabuhay kung may kaliwanagan.

__________________________________________________________

*commercial: isulong seoph. suportahan si major.

Tuesday, July 04, 2006

alaala....

pero hindi! kelangan kong umalis. kelangan kong lumayo. kelangan kong kalimutan ang nakaraan. kelangan kong lumaban... pero para atang nilalaro ako ng tadhana. leche! sa dinami dami ng kanta, bakit naman kase un pa?!? tuloy, naisip ko na naman siya. kung kelan iniiwasan ko ang lahat ng alaala niya. saka naman...

dito sa dyip kung saan kami unang nagkita, nagkakilala, nagkasama at naging masaya. pero ngayon, wala na siya. at hindi na muling babalik pa. natapos na ang lahat ng saya at hanggang ngayon di ko pa rin alam kung pano ko pipiliting sabihin sa sarili kong tanging langit na lang ang natitira kong pag-asa. upang muli siyang makita at makasama.

matagal rin pala akong napatitig sa kawala. wala sa sarili habang nagmumuni muni. hanggang sa naramdaman ko ng sinisiksik na ko ng katabi ko. puno na pala ang dyip. di ko napuna na marami na akong kasama. halos lahat sila nakatitig saken na para bang me ginawa akong krimen. di ko na rin napansin ang pagbuhos ng ulan at pumatak na rin pala ang mga luha ko nang di ko namamalayan. sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, alam ko nandun siya. naramdaman ko ang init ng yakap niya kasabay ng pag-ihip ng isang malakas na hangin na para bang nagsasabing lakasan ko ang loob ko.

bumaba na ako ng dyip na di inalintana ang lakas ng ulan...na hindi pa rin alam ang tiyak na patutunguhan. mabagal na naglalakad na wari'y walang pakealam. wala akong nakikita kundi ang iyong alala. wala akong naririnig kundi ang malungkot na musika. wala akong nararamdaman kundi ang lungkot ng pag-iisa. nagulat na lang ako sa sigaw ng mga tao. huli na nang makita ko ang malaking sasakyang rumaragasa sa aking harapan, ang nakakasilaw na kaliwanagan. tapos biglang dumilim. wala na kong naramdaman.

abangan ang susunod na kabanata. me "k" ba akong maging writer? heheh..isa lang po yang meme mula sa diyosa ng karagatan ng alemanya. ituloy ko raw kase napakasentimental ko raw. hmmmmp. di ba hindi naman?

Mekaniks:

1. magsusulat ako ng isang maigsing kwento at may itatag na mga tao.
2. itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.


ngayon gusto kong ituloy ito ng isang kontrobersyal na nilalang sa mundo ng kamunduhan.(teka magulo ata yun ah). si bulitas.

buleeetz, lam ko magaling kang writer. (ako kase pang-accounting lang. tulad ni mami neng, numero lang pinaiikot ko) Lam ko kaya mong bigyang buhay ang kasunod niyang paglalakbay. aabangan namin lahat ang istoryang gagawin mo!