bumuhos ang ulan na animo'y umiiyak. waring nakikiramay sa pagpanaw ng isang taong noo'y nagbabantay sa papalit palit niyang gayak.
lunes. habang ang buong pulo ng Pilipinas ay nagagalak sa tagumpay ng ating kababayang si Pacman. isang masamang balita naman ang bumangad nang makatanghalian.
sinong makakalimot sa tinaguriang "walking encyclopedia" ng bayan? ang nakakatwang itsura at pamamaraan ng kanyang pamamahayag. ilang beses na ring naging laman ng mga bloopers. pero infairness napakagaling at hindi mapapantayan. ang nagpauso ng scientific names at sangkaterbang trivias about anything under the sun.
sinong makakalimot sa pito-pito herbal tea, Ernie Baron pyramid and Baron super antenna at sa linyang "Kung Walang Knowledge, Walang Power". this man will always be remembered. ilang dekadang nakasama at naging parte ng buhay ng pilipino, sa telebisyon man at radyo.
the weather man. malilimutan ko rin bang sa aking kabataan ang ulat panahon niya ang aking inaabangan. balitang may pasok ba bukas o wala. astig at unique at malupet ang kanyang technique. weder weder lang naman yan. kailangan talaga minsan magpaalam.
isang linggo na rin ang nkalipas... pero aus lang huli man raw at magaling mihahabol rin. ka ernie, salamat at paalam.
click on here for some clips:
http://news.inq7.net/breaking/index.php?index=2&story_id=63837
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=28089
Monday, January 30, 2006
Monday, January 23, 2006
nang sandaling malinis ang kalsada
makatanghalian, habang nag aalimpuyo sa pagsikat si haring araw, kapuna punang linis na linis ang kalsada at walang tao ni isa. marahil hindi mo rin to napansin kase tulad nila busy ka... hindi ito isang tipikal na linggo sa buhay ng mga Pilipino. maging pag simba ko nang umaga ay kapuna puna ring konti ang nagmimisa. may iba. ano bang meron kahapon?
umaga pa lang bukas na ata ang telebisyon ng napakaraming pilipinong nag aabang ng laban ni PACMAN. iba't ibang dahilan. ang ilan ay dahil sa pustahan o sabihin na nating ang karamihan. ang ilan napilitan lang kase yun ang pinapanoood ng kasambahay. ang iba naman nakikigaya lang. ang iba nanonood para di maiwanan sa kwentuhan. ang iba naman, wala lang. pero isa lang ang masasabi ko, nandun ang pananabik ng mga pilipino. pano naman ang tagal na natin tong hinintay.
sa pagkakapanalo ni PACQUIAO, marami na namang naging pilipino... marami na naman ang sumigaw ng "pinoy ako! pinoy tayo!" muli tayong taas noo. pwede na ring sabihing nagbuklod na naman ang mga pilipino. me maipagmamalaki na naman kasi tayo.
pero bukas, makalawa kaya? ano? balik sa normal. puna doon. puna dito. minsan umaabot pa sa puntong isinusuka ng iba ang bansang to. nakakalungkot isipin na me mga taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, sa bansang sa kanya'y nag aruga at siya ring kinauutangan ng karunungan at buong katauhan. sakdal langit na pagtatakwil sa bayang kanyang pinagmulan. tapos ngaun pag me tagumpay, biglang mag iiba ang simoy ng hangin at muli sila'y Pilipino na naman.
salamat na lang sa mga katulad ni Pacquiao na patuloy na nagbibigay ng dahilan upang ipagmalaki ng mga Pilipino ang kanyang bayan. sana lang maging pang matagalan at hindi panandalian lamang. reklamador ang tao lalo na ang mga Pilipino pero payo ko lang mga kababayan ko bago kayo magreklamo eh ayusin niyo muna ang buhay niyo! minsan kase kung sinong pang walang ginagawa siya pang matatatas ang dilang magsalita.
mahal ko ang Pilipinas at ipinagmamalaki kong isa akong Pilipino. Pacman, saludo ako sayo. and we're proud of you!!! tuloy lang Pilipino! ituloy mo ang laban mo!
"success in life can never be an accident. it is a result of right decisions at the right time. champions are not the people who never fail but the people who never quit!"

...gudluck to all
Wednesday, January 18, 2006
pitik bulag
ang daming pwedeng mangyari sa isang iglap. pwedeng sa tindi ng sikat ng araw, umulan.wala kang dalang payong. hindi ka handa. sa isang iglap, sa kalaliman ng gabi habang kasalukuyan mong sinusunog ang kilay mo, nagbrown out.wala kayong kandila, hindi ka handa.at sa isang iglap rin sa inaakala mong pagsisimula ay dun pala magwawakas ang lahat. sa isang iglap.
hindi sana nakakapanghinayang kung isang tuyong dahon ang mahulog mula sa puno ngunit kung ang malalagas ay isang bagong sumisibol na bulaklak na maari sana maging isang bungang masarap...sayang!
ang mundo ko ay malayo sa mundo ni MARLON VILLANUEVA kaya kahit gustuhin kong makiramay sa mga naiwan niya, hindi ko magawa. walang direktang nag-uugnay sa akin at sa kanya at hindi rin naman ako apektado sa pagkawala niya.
pero sa balita ng pagpanaw ni "ALONG" muling naglaro sa isipan ko ang katanungan na hanggang ngayo'y hindi maabot ng aking unawa. "bakit ba talaga kailangang sumali sa frat or soro at bakit kailangan ng hazing sa initiation?" naulit na naman at hindi mo sasabihing nagkataon lang. isang buhay na naman ang nasayang
hindi pa ako nakabasa ng kahit isang objective, vision or mission ng kahit anong frat kaya walang linaw sa'kin ang existence nila. unlike any other org, malabo ang goals nila. socialization lang ang nakikita kong dahilan.personal interest. connection in the future or kahit sa kasalukuyan. or something na pwedeng ipagmalaki or should i say "ipagmayabang"? kase parte ka ng grupo kung saan ay naging parte ang ilang mga kilalang tao ngayon sa lipunan.
no offense hah.opinyon ko lang naman yan, sa totoo lang wala akong alam. gusto ko lang sanang maliwanagan. ang mga ginagawa niyo ay ginawa rin naman ng ibang samahan pero mas malinaw ang kanilang dahilan. di ko naman sinasabi na kalokohan ang pagsali sa ganyang klaseng kapatiran dahil tingin ko rin naman maraming natutunan ang mga sumasali dyan. pero ewan,tigin ko talaga masyadong personal. at hindi ko nakikita ang serbisyo o ano pa man.
here's a news from inq7.net :
http://news.inq7.net/express/html_output/20060116-63092.xml.html
*please pray for the soul of Marlon "along" Villanueva and for his family.
(sayang he's turning 21 sana this 24th of january)

Tuesday, January 17, 2006
iSTorBo!!!
pusong natutulog, iyong binulabog
para kang lamok na saki'y tumusok
puso ko'y kumabog at ako'y nahulog
dibdib ko'y sumabog at puso'y nadurog
ngayo'y di ko malimot, sakit na 'yong dulot
nang lisanin ako't iwan sa 'sang sulok.
Monday, January 16, 2006
BAGYO
Aandap andap na ilaw mula sa kalangitan
Nagpupumiglas na hangin ng karimlan
Unti-unting paglamon ng kadiliman
Maya-maya pa’y bubugso ang ulan
Bagyo!bagyo sa aking isipan
Walang ibang naiwan kundi pawang kaguluhan
Matapos nawa’t hirap ay maibsan
Bagyo sa isipa’y mawala nang tuluyan.

Friday, January 06, 2006
my heart
as the clock ticks
my heart beats
my heart aches
my heart breaks
tik...tik...tik...
as the clock ticks
my heart beats
my heart aches
my heart breaks
tik...tik...tik...
as the clock ticks
Wednesday, January 04, 2006
scary!!!
di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko? ewan, pero sa oras pa lamang na nabuksan ko ang inbox ng message ko. binalot ng lamig ang buo kong katawan..nagulat rin siguro kase hindi ko inaasahan na gnun kabilis siyang magrereply. para ako ngayong isang character sa isang horror story... sa isang climax scene! scary!!! parang nawala lahat ng melanin sa dugo ko kya bigla akong namutla...nanginginig ako! natatakot! nangingilabot as in ngii...anong nangyayari? alam kong siya un, mLakas ang kutob ko kasabay ng pagtaas ng lahat ng aking balahibo.. at siya nga! at wala nang iba. mukhang hindi ko ata kaya pano kaya kung personal na kaharap siya. hindi ako makakapagsalita, akala nung una kaya ko na. hindi pa pala.
``aLoNe``
i'm sad and alone
all alone in this empty room
but i know i am strong
and nothing in here would go wrong
but why am i crying?
and to myself i'm just lying
all around been looking
but until now i got nothing
each and ev'ry day pass
hoping this loneliness last
oh i wish i can glance
once again on my happy past
pAnakip buTas lang pLA...
pasumpa sumpa ka pa...
tinawanan lang kita
pero sabi mo wag akong magtawa
dahil gagawin mo talaga
naghintay ako, hinintay kita
ngunit bawat init ata'y nanlamig na
bakit sa isang iglap bigla kang nag-iba?
nawala na, sana nagpaalam ka
at ngayo'y alam ko na
naintindihan na kita
panakip butas lang pala
upang sandaling malimot siya
wala ka nang pag-asa
kalimutan mo na siya
hahaha! katulad ko'y
luluha ka rin pLa
nyeta kase, nyeta talaga!
nandito pa'ko hindi mo ba nakikita?
tuluyan ka na bang nabulag
ng iyong pag-ibig sa kanya!

Monday, January 02, 2006
Induction
welcome!!! as you enter every page of this blog, you are entering the pages of my life. I would like to invite you to explore each and every line and discover what i really think, what i really feel and who i really am... may i spare a few of your precious time to show all the emotions that exudes from the bottom of my heart... and i would like to invite you to come and join the ride as i continue the journey of this life.
oops,i ain't a good writer so i apologize.
Subscribe to:
Posts (Atom)