Thursday, November 02, 2006

chubrang owkei pare

aaminin kong me ilang beses rin akong napatingin sa malayo at napatitig sa kawala. di naman ako nag-iisip pero siguro naghihintay lang na baka me bumbilyang umilaw sa tabi ng ulo ko at makaisip ako ng magandang ideya para malusutan ko ang kung anong meron ako ngayon. pero sa kabila nun, matatas kong sasabihing hindi ako kayang paiyakin ng mga ganitong eksena. never ano! malayo naman kase ang bulsa sa puso. hehehe.

kung tutuusin, hindi naman talaga ako ganun ka apektado (somehow lang siguro) kung mawawalan man ng trabaho si papa. dahil buong college ko, hindi naman talaga ako nakadepend sa kanila. dahil bukod sa sweldong natatanggap ko dito sa trabaho, me isa pa kong pinagkukunan ng panggastos ko. ang buwis ng tao sa baranggay namin. oo. miyembro ako ng sanggunian. at parte ako ng nakakasukang bulok na sistema ng gobyerno. (pero wag na nating pag-usapan un ngaun dahil feeling ko wala pa ata akong ginawang magaling. pero wala naman akong ginagawang masama ha.) ngayon, pagkakasyahin ko lang uli yung maliit kong natatanggap para matustusan ang sarili ko. konting tiis lang naman at pagtitipid dahil mukhang mas marami lang gastos ngaun. kaya wag kayong mag alala saken, tulad ng sinabi nio yakang yaka ko to. alam kong marami pang pwedeng gawin. diskarte lang yan.

basta ngayon, gusto ko lang sabihin na sa totoo lang, muntik na talaga akong maiyak. hindi dahil problemado ako. nakakapaiyak lang kase natouch ako sa lahat ng sinabi nio. halos mangilid ang luha sa mata ko nung mabasa ko mga comments niyo. naks naman! nung una kase hesitant talaga akong ipost un. feeling ko masyadong personal. hitting below the belt kumbaga. pero anong magagawa ko. i think it's one way to make me feel better. at hindi naman ako nagkamali. i really need those kind words! at alam ko kahit papano nakatulong ang mga ito. para mas maging matatag at malakas ako. hindi ako bibitaw. promise! maraming salamat talaga! i love u na sa inyong lahat. kahit hindi kayo magpadala ng bigas, instant noodles at delata sa bahay namin, ok lang. ahahahah! labs na labs ko pa rin kayo! sapat na makatanggap ng makapagdadaming komento galing sa inyo. mwuah! ^-^

19 comments:

Anonymous said...

minsan nakakahiya na magpost ng medyo personal lalo nat alam mong may makakabasang ibang tao.. lalo na ngayon at sikat ka na mare! :) pero tama na shinare mo ang iyong mga problema o nararamdaman.. masaya ako na makatulong sa mga kapwa blogger ko.. kahit na simpleng comment lang.. :)

malalagpasan nyo rin yan mare.. alam kong may ibang plano para sa papa mo, kung mangyari mang mawalan sya ng trabaho.. naiiyak ka na ba? minsan kailangan ding umiyak para maging maluwag ang pakiramdam.. para maliwanagan ang isip..

be strong mare.. be strong para sa papa mo.. para sa family mo.. para sa sarili mo.... :) kaya mo yan!

Doubting Thomas said...

wala lang ginagawang magaling o walang ginagawang masama... isa lang yan... wala kang ginagawa. lol.

---

lojix, minsan masaya mag blog kasi maramign dumadamay sayo. maraming sumasangayon. kahit na di mo kilala, dinadamayan ka (alang-alang sa hits - joke!).

kahit ako mismo minsan hesitant sa pag post ng mga personal na bagay... pero wala pa naman talaga akong personal na bagay na pino post kaya. hindi ko alam ang sasabihin ko. lol.

ay eto nalang. siguro hahanga ako seyo. tama. dahil ang pagsabi ng problema ay pagamin na mahina ka. at sa parteng yun. hinahangaan kita.

basta isipin mo lang na sa bawat struggles and hardships na nangyayari seyo (or sa pamilya mo), its one way of God saying "I trust you enough."

smile always! -- it makes a huge difference!

Ann said...

Pag pinanghihinaan ka ng loob isipin mo na lang yung mga taong may kapansanan, kung sila nakakayanan nilang lampasan ang mga pagsubok, tayo pa kaya di ba?

Ang sarap minsan mag share, nagiging instrument yung mga comments para maliwanagan minsan ang magulong pag-iisip.

Anonymous said...

hi lojik, miss you na! taga-saan ka ba nang masamahan ka sa pagiyak minsan.. ahehehhe!

lojik, ako rin may problem palagi sa pera pero nakakatiis pa naman. balang-araw ba eh, magkakapera rin ako at makakaipon. konting-tiis lang. para saan ba ang ginawang quote na: habang maiksi ang kumot, matutong mamaluktot... kung wala tayong mga problemado sa instant cash. importante, carry mo pa, nakakakain pa 3 times a day. marami akong kilala na sa sobrang laki ng pamilya, pinagkakasya ang isang lata ng sardinas. kaya mo yan, kaw pa! ma-lojika! ingatS!

lojika said...

mare, malaki pa rin tiwala ko kina mama at papa. madiskarte ung mga un. alam ko rin di kami papabayaan ng nasa itaas. iiyak na ba ako? naaah! nakakapanget un mare. eheheh! tama ka malalampasan ko rin to! yayaman rin ako! hakhak! salamat talaga sayo mare. sa lahat lahat!

rob, me ginagawa naman ako. pero di ko lang masabing magaling un. nagets mo ba? hindi talaga naging madali pa rin saken mag open up ng ganitong bagay lalo na sa personal. i used to handle things on my own. pero minsan para mas maging maluwag, kelangan mong maglabas. dabah! isa talaga tong achievement para saken. facing one of my fears.

i'll smile as i always do. salamat!

rho, hay sister. maraming salamat sa hugs... *hugzzz nga rin! tuloy lang ang laban na to,sis. salamat sa inyo. kahit di ko kayo nakikita. u've been a great help. di lang sa pagkakataon ito. kung di para sa lahat ng bagay na nakatulong saken para mas makilala ko ang sarili ko. salamat sa inyong mga taong nagmamahal saken.

mami ann, tama ka! pagnahihirapan ako. naiisip ko na lang yung ibang taong mas higit na nahihirapan saken. alam ko kung gano ako kablessed. kaya malakas ang loob ko at sobrang laki ng pasasalamat ko sa Kanya.

ung comments niyo. salamat dun. it makes me feel more of a valuable person.

mish, ganda. amishu na rin. eheheh! di naman ako umiiyak dahil dito no! sabi ko nga natouch lang ako xenio! nakakataba ng puso. talaga!

pero mas feel ko talaga bumaloktot sa kumot. mas nawawala ung lamig. ahahah! yayaman rin tau ate ganda. heheh! wala to. yakang yaka ko to! salamat sa tiwala.

Arvin said...

mas maigi namang ilabas ang problema lalo sa by means of blogging. sige ilabas mo lang nang ilabas ang mga nasa loob mo; nandito lang naman kami para tumulong sa iyo sa kahit na anong paraang makakaya namin. ang galing talaga ng nagagawa ng blogging world na ito, diba? nandito lang ang mga taong handang tumulong sa iyo kapag may problema ka. ano ba ang sense ng pagkakaibigan kung walang pagtutulungan sa isa't isa. sa buhay ng tao, hindi natin maiiwasan ang mga pagsubok sa buhay, mga problema, mga paghihirap, mga bagay na akala natin hindi na natin masusolusyunan. pero sa kabila ng lahat ng ating kinahaharap, huwag na huwag mong kakalimutan na hinding-hindi ka pababayaan ng Diyos sa pagtahak mo ng iyong sariling landas. hindi namin lahat malalaman ang mga nangyayari sa iyo, pero Siya alam niya ang lahat ng tungkol sa iyo, maging ang mga nasa puso't isip mo. sa Kanya ka lang makaaasa. maniwala ka sa akin. kung sa ibang pagkakataon pakiramdam mo sobrang bigat na ng problema mo sabihin mo lang sa Kanya, sigurado akong hindi ka Niya pababayaan. huwag kang mawalan ng pag-asa sa buhay. minsan akala natin walang saysay ang existence natin dito sa mundong ito pero kung tutuusin mayroon talaga tayong purpose. wag na wag kang bibitiw sa Kanya. mahal na mahal ka Niya. mahal ka rin namin, kami na nandito lang sa blogosphere at handang makinig sa mga hinaing mo at sa kung anupamang saloobin. yakang yaka mo talaga yan!

Anonymous said...

we cannot the fact that we really need each other lojik....kahit reassuring words lang ok na...basta alam natin na di tayo nag-=iisa sa laban ng buhay...yan lang yung katotohanan na kelan man di tayo dapat lumayo...na mahalaga tayo sa ibang tao...close frens man or mere acquaintances...aside sa paniniwala nating Diyos na sya nating tunay na gabay.

just hold on!

yakang-yakang mo talaga yan!!;0)

Anonymous said...

hoaaa!bali-bali mga words ko!!!kulang kulang pindot ko ng letra!wehehe!bahala ka na mag-interpret fren!hehe!

Anonymous said...

wheeewww.. di na talga matapos-tapos kasentihan d2 ah hehehe...

kung malapit ka lang... wala lang hehehe..

ano pa ba ang ialalbas mo? meron pa? hehe

bulitas said...

kaya mu yan lojix!
kaw pa, eh likas kang magaling. =)
nga pla, isama mu namn aku sa fotoblog links mu.
http://www.bulitasin.blogspot.com

ingat ka lagi.pakatatag.god bless.

Nostalgia Manila said...

Ma-se-senti ka rin sa Nostalgia Manila! ;)

Would love to do a link exchange!

http://nostalgiamanila.blogspot.com

Keep up the good work!

Sincerely,
--Nostalgia Manila

ie said...

determinasyon lang ang kailangan mo. at tingin ko, meron ka nun. goodluck.

The Guy in Red Sneakers said...

ga,

...at siguro maraming-maraming hugs mula sakin.

btw, alam mo ba na kapapalit lang nang lababo namin?

wanna try crying with me some time..?

biro lang. i love you. be strong. kaya mo iyan.

ikay the dancer said...

kaya mo yan.. kaw pa.. :)

Anonymous said...

nakikibasa na rin ako...

wala namang problema na di nalulutas, pinag-exercise ka lang ngayon ni God kaya binigyan ka ng challenge. Yaan mo, kapag natapos mo na yan..liliwanag din ang araw.

Anonymous said...

ah, basta mamu lojik, next year sigurado happy na tayo kasi tapos na tayo sa panandaliang pagsubok.

nixda said...

oist, bagay na bagay pala sa iyo ang bago kong pirated na post!

mejo nalalaglag na ang jet ko ... pero hinay-hinay lang at baka matapilok si SIYA ;)

Anonymous said...

ayos lang yan! go and release shit lang!!! haha

madiskarte nga ang mga pinoy. nung undas, narinig ko na pati sapatos na nakasuot sa taong natutulog e ninanakaw pa rin! ang mga rehas na nag-eenclose ng pinupuntahan nyong nitso e ninanakaw pa para ibenta ang bakal. ang mga nagjjumper. ang mga namimirata. ang mga fixer. at kung ano ano pang illegal na gawain. maabilidad talaga ang mga pinoy. sana lang, ma-channel nila ito sa ibang masmagandang mga bagay...

kaya mo yan loj! :)

Anonymous said...

oist, lojik asan ka? heheheh... ala lang! ingat lagi and God bless!