Wednesday, November 15, 2006

kung pwede lang kitang ihug... :ihuhug talaga kita!

------yung mahigpit na mahigpit na mahigpit na mahigpit na kahit bumitaw na ako mararamdaman mo pa rin yung higpit ng mga yakap ko.
  • ikaw na nakasama ko sa halos apat na taon ng pamamalagi ko dito sa mundo.
  • ikaw na nakasama ko sa pag-iisa. nakaisa sa lungkot at saya.
  • ikaw na nakasaksi sa bawat luhang pumatak sa tuwing ako'y lihim na umiiyak. ikaw na nakarinig ng bawat hinaing. ikaw na itinuring na ring akin.
  • ikaw na nakasama sa lahat ng katangahan at sumakay sa lahat ng kahangalan.
  • ikaw na naging takbuhan. sumbungan. kanlungan ng pusong minsang nasaktan at nasugatan.
  • ikaw na nakakaalam ng tunay kong nararamdamam.
  • ikaw na palaging nandyan, ilang beses ka mang iniwan.
  • ikaw na kahit anong oras pwede kong balikan.
mamimiss kita! SOBRA!!! ang amoy mo. ang iyong itsura. at ang lahat ng alaala ng ikaw, kasama ang ilang taong bago pa lang at matagal nang nakilala; ang mga alaala ng maiiwang nakakulong sa apat mong sulok kung saan kasaman ring maiiwan ilan sa mga lihim na tanging ikaw lang at ako ang nakakaalam. (-buntong hininga-) paalam. ='(

dahil ngaun, muli akong aalis pero ang pagbabalik ko ay walang katiyakan. kaya kung talagang pwede lang....


I-HUHUG TALAGA KITA!!! kaya lang, hindi nga pwede eh. kaya kiss na lang. ^-^ mwuah! muli. paalam.

*emote sa huling gabi sa aking kwarto.

27 comments:

Arvin said...

buti naman nakabalik ka na lojic!
antagal mo ring nawala.

sige, sana mayakap mo na yang taong tinutukoy mo. unless hindi siya tao. baka superhero siya. baka diwata siya.

ako din meron akong gustong i-hug.. kaya lang nasa canada.. ehehe!

Anonymous said...

e para kanino naman 'to? :)

Anonymous said...

mare, ulitin ko lang ang tanong ni ralphT, para kanino to? :D tao ba? hehehe...

may gusto rin akong i-hug at alam kong kilala mo sya..

miss na kita mare!!!!!

Doubting Thomas said...

Ang kama nga at unan nakakamiss... kwarto pa kaya!

--

Pero kung mas maganda kwarto at kama ang lilipatan mo... aba lojika! wag nang magdrama! hehe

Jules said...

hehehe. katawa naman post na to. :)

ikay the dancer said...

teka.. sino hug mo? :P

Anonymous said...

unga di kayang ihug ang kwarto e kaya muwahh na lang sa bawat sulok lol!

Anonymous said...

ang lungkot nman!kala ko magpapaalam ka na sa site na to!;(

sino ba sya?oh!ano ba sya?;0)

lheeanne said...

pa hug din ako...

Anonymous said...

ako din pa hug.. hihihi.. sno po ba ang gusto mong ihug... ??? teehihihi.. ;)

.•:*¨*:•.K.•:*¨*:•. said...

ano ba yan! napaka mushy naman! hahaha seryoso ba yan o trip lang?! haha para naman maka relate ako at alam ko irereact ko. haha pero totoo lang nakakatawa :D woooshooooo! senti mode si lojik!

Jaja said...

ay senti ang ninang ko!ako din me gs2ng ihug!

Iskoo said...

ang sweet, sana sa akin may magsabi na gusto nya akong pitypitin sa pag hu hug, hehe

Anonymous said...

sino naman yang ma swerteng gusto mo i-hug. kapag nalaman nya yan, tatakbo siya palapit sayo :)

nixda said...

kung makakapagsalita lang siya ... dami sanang tsismis!heheheh

oist, natanggap mo ba email ko?

kukote said...

oi! kumusta na? palink naman... ituloy angsulong. thanks!

Anonymous said...

mahirap akapin ang buong kwarto, no?

ako na lang hug mo.. hehe. jsut kidding.

The Guy in Red Sneakers said...

whoa. you're back.

welcome back, ga.

WOOT! said...

wag mong sabihin ang iyung pagpapaalam..
ako'y nagbalik dito't di ka man lamang naabutan.
ngunit kung sa isang saglit mamarapatin mong sumulip..
ang aking presensya'y sumabay sana sa hanging umiihip.


ngaung narito na kong muli..
nais ko na lamang sanang bumati
o Lohikang kasenti..nuon dati rati.
para sa iyo..
Maligayang PAsko.

kasabay ng hanging umiihip..
paniniwalang may lohikang magbabalik.

nixda said...

my Christmas wish for you :)

Bryan Anthony the First said...

emoteness!!!

woof

nixda said...

FROHES NEUES JAHR!!!

.•:*¨*:•.K.•:*¨*:•. said...

Happy New Year!!!

ninna said...

uy! thanks for commenting po binibini!

hehe! salamat po at ok lang sa inyo, kahit di ako nagpaalam - sensya na. guess that just proves i am senti too even if there's a part of me that doesn't want to be, lol!

you put into words what's inside me that i cannot articulate; keep on posting! God bless!

Redg said...

Medyo matagal na rin nung huling pagpunta ko rito. :)

Iiicks. Para kanino yung hug. :)

pb said...

wah!!! sino yung tinutukoy mu? wah... how sweet naman.. gusto ko rin gawin yan kaso yung iniwan ako eh ayaw na nya.. ow well... 4 months palang eh sumuko na agad.. topak ko daw. haha...

san ka po ba pupunta? anu ba nangyari.. hehe. kahit wag mo na pong sagutin. ayus lang...

Anonymous said...

Hello po! Thanks for visiting my blog ( http://aikeescorner.myphe.com ), I just added you to my blogroll. Medyo matagal na rin po, hindi kasi ako masyado naging active last year sa blog ko.

Anyway hears my ((hug)) ...hehe, join us hugnation.com