You scored as Philosophy. You should be a Philosophy major! Like the Philosopher, you are contemplative and you enjoy thinking about the purpose for humanity's existence.
What is your Perfect Major? (PLEASE RATE ME!!<3) created with QuizFarm.com |
senTimiento
ako'y nagsenti at ito ang nangyari
Sunday, November 24, 2013
my mind talks... aloud!
blogthings. pretty much
this one is just a three question personality test. as the link implies.
i tried to take the test again for the second time not remembering what are the answer i had the last time. and guess what? i got the same result. i think i'm very consistent. after
Your Brain's Pattern |
Structured and organized, you have a knack for thinking clearly. You are very logical - and you don't let your thoughts get polluted with emotions. And while your thoughts are pretty serious, they're anything from boring. It's minds like yours that have built the great cities of the world! |
Your Personality Is |
You are both logical and creative. You are full of ideas. You are so rational that you analyze everything. This drives people a little crazy! Intelligence is important to you. You always like to be around smart people. In fact, you're often a little short with people who don't impress you mentally. You seem distant to some - but it's usually because you're deep in thought. Those who understand you best are fellow Rationals. In love, you tend to approach things with logic. You seek a compatible mate - who is also very intelligent. At work, you tend to gravitate toward idea building careers - like programming, medicine, or academia. With others, you are very honest and direct. People often can't take your criticism well. As far as your looks go, you're coasting on what you were born with. You think fashion is silly. On weekends, you spend most of your time thinking, experimenting with new ideas, or learning new things. |
this one is just a three question personality test. as the link implies.
i tried to take the test again for the second time not remembering what are the answer i had the last time. and guess what? i got the same result. i think i'm very consistent. after
Your Personality Profile |
You are elegant, withdrawn, and brilliant. Your mind is a weapon, able to solve any puzzle. You are also great at poking holes in arguments and common beliefs. For you, comfort and calm are very important. You tend to thrive on your own and shrug off most affection. You prefer to protect your emotions and stay strong. |
Friday, September 07, 2007
excuse letter
to whom it may concern,
please excuse me for being absent from nov. 2006 up to before this moment. pasensya at salamat sa lahat ng mga taong nag-abang at naghintay. salamat sa mga taong hindi nawala kahit hindi ko nagagawang bumalik. wala namang mabigat na dahilan. nagkataon lang siguro na hindi lahat ng bagay sa buhay ay mabibigyan natin ng pareparehong prioridad. kaya nga siguro sa oras pa lang na matutong umunawa ang tao, tinuturuan na taung magbilang; sa pagpasok palang natin sa prep school, tinuturuan na taung mag-rank; at sa pag-aaral natin sa elementary at highschool, itinuturo kung alin ang mas matimbang o ang mas mabigat... simpleng mathematics ang numero ng buhay. numero. isa nga siguro sa mga dahilan. ano sa tingin mo ang lasa ng pinaghalong sauce at sabaw? shawarma at asukal? suka at siopao? they can't be good together. me mga bagay talaga na hindi natin pwedeng pagsamahin o pagsabayin. numero at letra? pwede nga bang magsama? numero ang pinaglalaruan namin sa course ko.
25/-/*+516383&$^936376 476 4368, 3576345 2345235269==\5463512 3425285704912 &amp;^*^$(#^&$&*#%(*^&$(15487 54678464 9846519879846 549846 5465454987984654 75*/46465-4 65++5415454687 984654 9846549 8751498765 1646621 51654 465 48 1 84 16 84 51 54 5 1984 65 98 45 59465684651 18978765489 49654975 94 8 4 8 91657856 679865 14946 64596 46848 719- kaya ito ngaun lang ako bumalik. ang importante naman, bumalik ako.. ^_^.
looking forward for your utmost consideration.
respectfully yours,
lojik
Wednesday, November 15, 2006
kung pwede lang kitang ihug... :ihuhug talaga kita!
------yung mahigpit na mahigpit na mahigpit na mahigpit na kahit bumitaw na ako mararamdaman mo pa rin yung higpit ng mga yakap ko.
- ikaw na nakasama ko sa halos apat na taon ng pamamalagi ko dito sa mundo.
- ikaw na nakasama ko sa pag-iisa. nakaisa sa lungkot at saya.
- ikaw na nakasaksi sa bawat luhang pumatak sa tuwing ako'y lihim na umiiyak. ikaw na nakarinig ng bawat hinaing. ikaw na itinuring na ring akin.
- ikaw na nakasama sa lahat ng katangahan at sumakay sa lahat ng kahangalan.
- ikaw na naging takbuhan. sumbungan. kanlungan ng pusong minsang nasaktan at nasugatan.
- ikaw na nakakaalam ng tunay kong nararamdamam.
- ikaw na palaging nandyan, ilang beses ka mang iniwan.
- ikaw na kahit anong oras pwede kong balikan.
mamimiss kita! SOBRA!!! ang amoy mo. ang iyong itsura. at ang lahat ng alaala ng ikaw, kasama ang ilang taong bago pa lang at matagal nang nakilala; ang mga alaala ng maiiwang nakakulong sa apat mong sulok kung saan kasaman ring maiiwan ilan sa mga lihim na tanging ikaw lang at ako ang nakakaalam. (-buntong hininga-) paalam. ='(
dahil ngaun, muli akong aalis pero ang pagbabalik ko ay walang katiyakan. kaya kung talagang pwede lang....
I-HUHUG TALAGA KITA!!! kaya lang, hindi nga pwede eh. kaya kiss na lang. ^-^ mwuah! muli. paalam.
*emote sa huling gabi sa aking kwarto.

Thursday, November 02, 2006
chubrang owkei pare
aaminin kong me ilang beses rin akong napatingin sa malayo at napatitig sa kawala. di naman ako nag-iisip pero siguro naghihintay lang na baka me bumbilyang umilaw sa tabi ng ulo ko at makaisip ako ng magandang ideya para malusutan ko ang kung anong meron ako ngayon. pero sa kabila nun, matatas kong sasabihing hindi ako kayang paiyakin ng mga ganitong eksena. never ano! malayo naman kase ang bulsa sa puso. hehehe.
kung tutuusin, hindi naman talaga ako ganun ka apektado (somehow lang siguro) kung mawawalan man ng trabaho si papa. dahil buong college ko, hindi naman talaga ako nakadepend sa kanila. dahil bukod sa sweldong natatanggap ko dito sa trabaho, me isa pa kong pinagkukunan ng panggastos ko. ang buwis ng tao sa baranggay namin. oo. miyembro ako ng sanggunian. at parte ako ng nakakasukang bulok na sistema ng gobyerno. (pero wag na nating pag-usapan un ngaun dahil feeling ko wala pa ata akong ginawang magaling. pero wala naman akong ginagawang masama ha.) ngayon, pagkakasyahin ko lang uli yung maliit kong natatanggap para matustusan ang sarili ko. konting tiis lang naman at pagtitipid dahil mukhang mas marami lang gastos ngaun. kaya wag kayong mag alala saken, tulad ng sinabi nio yakang yaka ko to. alam kong marami pang pwedeng gawin. diskarte lang yan.
basta ngayon, gusto ko lang sabihin na sa totoo lang, muntik na talaga akong maiyak. hindi dahil problemado ako. nakakapaiyak lang kase natouch ako sa lahat ng sinabi nio. halos mangilid ang luha sa mata ko nung mabasa ko mga comments niyo. naks naman! nung una kase hesitant talaga akong ipost un. feeling ko masyadong personal. hitting below the belt kumbaga. pero anong magagawa ko. i think it's one way to make me feel better. at hindi naman ako nagkamali. i really need those kind words! at alam ko kahit papano nakatulong ang mga ito. para mas maging matatag at malakas ako. hindi ako bibitaw. promise! maraming salamat talaga! i love u na sa inyong lahat. kahit hindi kayo magpadala ng bigas, instant noodles at delata sa bahay namin, ok lang. ahahahah! labs na labs ko pa rin kayo! sapat na makatanggap ng makapagdadaming komento galing sa inyo. mwuah! ^-^

Thursday, October 26, 2006
decided uNdeciDed...
buo na talaga ang isip ko. i'm willing to give up all the benefits this job can give me. kase naman you can't always have everything or even both at the same time. me mga bagay talagang dapat isacrifice para makuha mo ang mga bagay na mas higit mong pinahahalagahan.
pero kung kelan naman nagdesisyon na ako at bumuo na ng plano sa isip ko... saka naman me mga bagay na darating na lalong magpapagulo ng utak ko. di lang pala ako ang me balak magresign kundi pati si papa. at pag nangyari un... kelangan ko na rin humanap ng lilipatang bahay. (nakatira lang kase kami ni papa sa bahay ng tito na siya ring pinagtratrabahuhan niya.) ibig sabihin lang nun, mas kelangan kong i finance ang sarili ko ngaun. wala pa kaseng tiyak na lilipatan si papa. eh bukod saken, me 5 pa kong kapatid. hindi naman sasapat ang kita ng maliit nameng tindahan sa probinsya para matugunan yung lahat ng pangangailangan namin araw-araw. kung sana dalawang bagay ang dapat iconsider magiging mas madali. pero hindi eh. maraming conflicts. kung noon wala akong sapat na dahilan para magtrabaho... ngaun medyo komplikado ang sitwasyon. pero anong magagawa ko? kulang na talaga ang oras ko para pagsabayin pa ang trabaho at eskwela. mas marami ang kelangan kong units ngaun at kailangan ko nang magconcentrate dahil ayoko nang mag extend nang mas matagal. isa pa parang sumisikip na ang opisina to para saken at feeling ko rin nawawalan na ako ng lugar. kaunti na lang baka hindi na rin ako makahinga.
mahigit 3 buwan na rin ang nakalipas nung una ko tong mapag-isipan. una pa lang nakakalito na. kelangan kong manimbang sa ilang mga bagay na nabigyan ko na halos lahat ng halaga. parang kailan lang pero ang bilis. di ko na namalayan na naubos na yun nalalabi kong oras para mag-isip. pero sa totoo lang hindi naman kase talaga ako nag-isip. madalas pinauubaya ko lang sa sitwasyon ang kung ano mang magiging desisyon ko. magiging pabigat lang kase sa utak kung isasabay ko pa yun sa mga mas dapat kong unahin.senyales lang ang palagi kong hinihintay. ngayon. kelangan ko lang panindigan ano mang magiging desisyon ko. bahala na si batman! naniniwala pa rin ako sa prayers. sa blessings. at sa miracles! gotta have more faith.

Thursday, October 19, 2006
coNstiPaTion
foreword: ang post na ito ay kaugnay ng nauna. isinulat bilang paliwanag.
babala: mahaba ito.
masyado bang malalim? e di sisirin.
sabi ko nun, pwede kayang ibitin ako ng patiwarik? baka sakaling mataktak ang ilan sa laman ng utak ko. o kaya naman, pwedeng pakipiga ng isip ko. pakilabhan. pakibabad. pakikula. pakilinis. para lang ba mabawasan yung bigat. baka sakali makahinga uli ako nang mas maluwag.
pag wala nang pumapasok sa isip mo, akala mo siguro nabablangko at tumitigil sa paggana ang utak mo. pero mali. kelan man di tumitigil sa pagtakbo ang isip ng tao. sabi nga ng mga scientist, it's the greatest machine. kase nga, it never stops. titigil lang yun kapag tumigil na ang sirkulasyon ng dugo sa katawan o di kaya ay tumigil na sa pagtibok ang puso mo. ung oras na namutla na ang kulay mo. ang nangyayari lang kase pag sobrang dami na ng laman ng utak, nagiging masikip na ang lugar para makaikot nang maayos ang lahat ng bagay na dapat sana ay malaya lang naglalaro sa utak mo. parang washing machine na nahihirapan ring umiikot kapag sobrang dami at sobrang bigat ng kumot na nailagay mo. so ang kelangan mong gawin, bawasan. pero imposible. iba naman kase ang utak ng tao sa washing machine.
parang papel ang utak ng tao na unti unting nasusulatan ng permanenteng tinta ng iba't ibang karanasan ng bawat dumadaang araw. walang nabubura. nadadagdagan lang. natatabunan lang ang ilan. ang kaibahan lang ng utak at papel, mapupuno ng tinta ang papel hanggang sa wala nang espasyong pwedeng pakinabangan. samantalang ang utak parang magic box. hindi napupuno. pero bakit sumisikip? kase... mas malaking espasyo ang nakakain ng magulo at makalat na gamit. pero sa oras na mailagay mo na ang lahat sa lugar. sa tamang lugar! dun mo malalaman na me mas malaki pa lang espasyong pwede pang pakinabangan.
organization lang naman. alamin ang dapat unahin. ilagay ang mga bagay sa dapat nilang kalagyan. pagtuunan ng pansin ang mas higit na dapat pagtuunan ng pansin.at dapat rin me pahinga. dahil sabihin man nating patuloy sa pagtratrabaho ang utak hindi ka naman makakasiguro na palaging magiging maayos ang trabaho nito. dahil napapagod rin naman to. me panahong dapat mong bilisan at magmadali para hindi maiwanan. me panahon rin dapat maging mabagal at magdahan dahan. bibilisan, babagalan. tamang timpla lang yan.
wala namang problema. pero imposible ata yun. pero ok lang talaga ako. di naman porke't seryoso, me problema. at hindi rin lahat ng problema, siniseryoso. isa pa, di dapat tayo nagpapadala sa problema. tayo dapat ang nagdadala nito. dahil dito sa mundo pagalingan lang magdala ang laban. wala rin namang drama. minsan lang, masayang lagyan ng drama ang buhay. wala naman talaga. naging masyado lang akong abala. sa sunod sunod na dating ng mga bagay na dapat isipin. ang bilis ng transition. kelangang humabol. sa sobrang bilis hindi ko na alam ko san ko parte ng ko sila isusuksok sa utak ko ang mga bagay na to.
mas maraming trabaho. mas maraming proseso. mas mabilis ang takbo. kaya naiwan ang puso. at dahil nasa unahan ang mata, ang nasa likuran di nakikita. minsan, nakakalimutan. di napapansin. parang di ko nga maalala kung naging malungkot ako o masaya. ang tanging alam ko lang eh me dapat akong tapusin.
positive naman ang epekto saken ng mga nangyari. naayos ko na lahat ngayon. me mga oras lang talaga na kailangan magbigay daan ng puso sa utak. kase mahihirap kang magbalanse kapag sabay mo silang inintindi. kapag konti na lang ang trabaho ng utak...baka yun naman ang oras na mabigyang pansin ang kung ano mang sinasabi ng puso.
pero ok na ko ngayoN! ahahah... sembreak na! at nakuha ko na lahat ng klaskard ko. thank God. wala akong bagsak. yun lang yun. isipin sa skul. eheheh! salamat sa suporta niyong lahat. *mwuah!

Friday, October 13, 2006
kapag mas mabilis ang takbo ng isip kesa sa tibok ng puso
wala nang puwang sa emosyon...
dahil ang puso,
nahihirapang humaboL!
dahil ang puso,
nahihirapang humaboL!
Monday, October 09, 2006
crossed fingers
tapos na ang lahat ng exams ko kahapon. 4 lang naman kase yun.
di naman ako kinakabahan pero di ko lang maiiwasang mag-alangan.
me effort naman ako, kahit papano. just don't really think it's enough. i could have been better.
hay! i can't take another failing mark for the reason of, again, irresponsibility! not. again. please... hay ulet!
sana lang. sana lang talaga...
waah! me dalawa pa kong project na kelangan isubmit. ung isa di ko pa nasisimulan. kumusta naman!
friday. me isang linggo pa ko. gotta beat the deadline.
sana talaga!!!!!
*finger crossed (mas maganda ata kung praying hands ang gamitin kong image. hmmmn?!?)
Friday, October 06, 2006
bakit kinailangan kong magpahinga?!?
hindi ko alam ko pano ako magsisimula, kung pano ko itutuloy at kung papano ko tatapusin to.
pero sige, ito kwento.
sabi ko magpapahinga ako sa blogging sa pag-aakalang makakapagbasa/makakapag-aral ako dito sa opisina. pero hindi. hindi ko pala kaya. nahihiya pa rin ako. ang lalaki kase ng libro ko. wala naman akong oras manggawa ng reviewer. at tinatamad rin ako. isa pa hindi rin naman ako makakapagconcentrate dito.
wala naman masyadong trabaho sa opisina. iniisip ko nga kung anong ginagawa ko sa oras ko kapalit ng pagbloblog ko dati. hmmmnnn... parang wala naman. net surfing. at oo, me isa pa pala akong blog.
lagi rin kaseng me quizzes, tapos naghanda pa nga pala ako sa reporting ko. kaya yun, wala akong oras magconceptualize ng ideya kaya hindi na rin muna ako nagpost. magulo pa ang utak ko. sa pag-iisip siguro kung anong uunahin ko. kung pano at kelan ko gagawin ang mga dapat kong gawin. pano, nakakulong ang humigit kumulang 9 na oras ng bawat araw ko, 5 beses sa isang linggo dito sa opisina. bukod pa ang mahigit na isang oras ko ring byahe pagpasok at pag uwi. tapos isang nakakapagod na maghapon ng sabado sa skul para naman magklase. pagkatapos nun babyahe naman ako ng halos apat na oras pauwi ng quezon province. kelangan eh. at kapag lunes, gigising ako ng madaling araw para lumuwas at umabot sa oras ng trabaho.
hay! wala na talaga akong oras. pero no! hindi ako masipag. wag niyong sasabihin yun. dahil kaya natatagalan ako sa ginagawa ko kase tamad ako.
natulog ako dito. pero sa totoong buhay? kulang ako sa tulog. dahil sa gabi ko lang nagagawa ang mga dapat kong asikasuhin sa skul.
konting panahon na lang. i think there gonna be less stress. malapit na ang finals. gusto ko na sana matapos lahat to pero naalala ko, hindi pa nga pala ako handa to take the examinations. waaaaaah!
salamat nga pala sa mga nakiisa sa countdown ng pagtatapos ng setyembre!

Subscribe to:
Posts (Atom)